Ang Basagulerang Probinsyana

By Meant2beee

304K 12.4K 1.4K

Isang basagulerang probinsyana na lumuwas ng Maynila para makapag-aral ng kolehiyo. Para na din mahanap niya... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER O3
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60: The Final Battle
CHAPTER 61: The Final Battle
CHAPTER 62
CHAPTER 63: The End Part 1
CHAPTER 64: The End Part 2
CHAPTER 65: The End Part 3
CHAPTER 66: The Final Ending
Ang Basagulerang Probinsyana
EPILOGUE

CHAPTER 49

2.5K 141 27
By Meant2beee


VIVIENNE'S POV

"Vien," tawag agad sa akin ni Esther nang makapasok ako sa loob ng bahay.

Tinignan ko siyang makalapit sa akin na may pag-aalala ang mukha. Batid kong kanina pa niya ako hinahanap kaya ganito na lang ang reaksyon sa kanyang mukha.

"B-Bakit?" nauutal na ani ko.

"Where have you been? Binalikan ka namin sa campus pero wala kaming naabutan na Vien doon," sagot niya.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na dinukot ako nang mga nambanta sa amin.

"S-Sa MOA," pagsisinungaling ko.

"My princess," tawag sa akin ni kuya Vanz para mapatingin ako sa likod ni Esther. Kasama niya si Apollo.

"Lil'sis saan ka nang galing?" tanong din sa akin ni Apollo.

Bakit ba nandito silang dalawa?

"She said she went to MOA," walang emosyon niyang tugon.

Kakaiba ang emosyon sa kanyang mukha. Nagsimula nang kumaba ang dibdib ko dahil sa seryosong tingin niya sa akin.

"Is that so, Vien? Ano naman ang ginawa mo doon at inabot ka nang ganitong oras?" tanong pa sa akin ni Apollo.

Napalunok ako at tinignan ang wrist watch ko. 9 pm na ng gabi. Bistado ka na Vien. Pero wag mo muna ito sabihin sa kanila.

"My princess," makahulugan na tawag sa akin ni kuya Vanz.

"Sa MOA nga lang ako galing kuya Vanz. At wala nang iba."

"Tapos inabot ka nang ganitong oras? Really, Vien?" hindi makapaniwalang ani ni Esther.

Kailangan ko munang makawala sa kanila. Kailangan ko mapuntahan si Lolo Solemon sa kanyang kwarto.

"Gusto kong puntahan si Lolo Solemon. Maiwan ko muna kayo," pagdadahilan ko para makatakas sa mga tanong nila.

"Okay," sagot ni Esther. "Let's go, Apollo. Kailangan na namin umalis Vanz since nakauwi naman din si Vien." Seryoso niyang sabi at tinignan ako.

"Okay thank you sa inyong dalawa."

"Anytime. Let's go," sagot pa ni Esther at nilagpasan na ako.

"Sa susunod magsasabi ka sa amin kung saan ka magpupunta," paalala pa sa akin ni Apollo at tumango lang ako. "Magkita na lang tayo bukas. Uuwi na kami." Tinapik muna ni Apollo ang aking balikat bago ito lumabas sa pintuan.

Tinignan ko si kuya Vanz na kasalukuyan na seryoso din ang tingin sa akin. Bumuga muna siya ng hangin bago ito magsalita.

"I don't want to lose you again, Vien. Please. Please tell me first kung saan ka magtutungo. Dahil para akong pinapatay sa pag-aalala sayo," emosyonal na sabi ni kuya Vanz at lumapit sya sa akin. "Kung alam mo lang na grabe na ang panic ko pero pinapakalma lang ako ng dalawa. I-I can't lose you, my princess."

Napayuko ako. "Pasensya na kuya Vanz kung pinag-alala kita. Hindi na mauulit."

"It's okay, my princess."

Napatingin ako kay kuya Vanz at pilit ngiti ang pinakita ko bago ko siya yakapin. "Sorry."

Ramdam kong hinalikan niya ang gilid ng ulo ko bago magsalita. "It's okay. You don't have to say sorry. Go. You need to rest. Si mommy and daddy tulog na and also Lolo Solemon."

Bukas ko na lang siguro kakausapin si Lolo Solemon. Kaunting paalala pa ang sinabi sa akin ni kuya Vanz bago niya ako pakawalan. Iniisip ko pa din ang nangyari sa akin kanina sa mga dumukot sa akin. Kailangan kong ma-protektahan ang lolo ko laban sa gustong manakit sa kanya.

Hindi ko hahayaan na patayin nila ang lolo ko sa anumang oras nilang gusto. Dahil dadaan muna kayo sa mga kamay ko. Ako muna ang makakalaban ninyo bago n'yo magalaw ang lolo ko.

"Vien-baby, kanina ka pa alaluts dyan," ani ni Nayih.

Nandito na kami sa campus at nakaupo din kami sa damuhan habang may hawak na libro. Sa totoo lang? Ako lang ang may hawak na libro habang si Nayih ay may hawak na pagkain.

"May iniisip lang ako," sagot ko sabay buga ng hangin.

"Who's your iniisip?"

Tinignan ko si Nayih. "Hindi naman importante ang iniisip ko." Pagsisinungaling ko.

"Is that so? By the way nakita ko si Esther may dalang flower and balloons," anas ni Nayih para manlaki ang mata ko. "Uy. Ang effort ng bebe mo sagutin mo na. Kahit team YuVien ako support naman ako sa team EsVien."

"Anong team EsVien? Manahimik ka nga," suway ko sabay iwas ng tingin.

"Sagutin mo na kasi. Wala namang mawawala kung sasagutin mo yung tao. Almost one year ka nang nililigawan ng tao. Usong sagutin. Duh!" maarte niyang sagot.

Bumuga ako ng hangin bago ko ma-realize na tama ang sinabi ni Nayih. Isang taon na nanliligaw si Esther sa akin pero hindi ko pa din sinasagot.

"Hala sige. Kapag nagsawa yang manligaw super O to the M to the G talaga!"

Gulat na nilingon ko si Nayih dahil sa kanyang sinabi. "Hindi naman ata magsasawa iyon."

"Gaga!" mahinang hampas ni Nayih sa braso ko. "Lahat ng tao may pagsasawang nararamdaman sa katawan. Kaya wag ka nang magtaka. Sa tagal na nanliligaw ni Esther sayo may posibilidad na gusto niyang tumigil dahil ang tagal mo siyang sagutin. My nerves."

May punto naman ang sinasabi ni Nayih. Ayoko naman gumawa ng move na sagutin ko si Esther kung hindi pa naman niya ako tinatanong kung pwede na ba niya ako maging girlfriend.

"Wag na muna natin yan pag-usapan," sagot ko sabay tayo. "Tara sa library may kukunin akong libro."

"Okay," nakangiting sagot ni Nayih.

Nasa pasilyo na kami na Nayih upang tumungo sa library. Na walang ano-ano ay may naglagay sa ulo ko na hindi ko malaman kung ano. Hindi ko makita ang nasa paligid ko.

"Ano bang ginagawa ninyo?! Nayih asan ka?!" pasinghal na tanong ko at rinig ko na ang bulungan ng mga estudyante sa paligid. "Nayih?!"

"Wag kang mag-alala veng."

"Sino to?!" sigaw ko.

Inalalalayan niya akong maglakad upang hindi madapa o mapatid.

"Ako lang ito si Natoy," sagot pa niya.

"Sinong Natoy? Anong Natoy?!" Inis na sigaw ko.

"Si Natoy na mahal na mahal ka," sagot niya sabay tawa nang malakas upang magtawanan ang mga estudyante sa paligid.

"Pinaglololoko mo ba ako?!"

"Joke lang naman veng."

Si Kaizen?!

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko pa.

Ramdam ko na hagdan na ang dadaanan namin kaya maingat kong hinakbang ang mga paa ko.

"Sa special room. May gagawin kami sayong milagro."

"Anak ng? Ayus-ayusin mo biro mo, Kaizen. Mapapasama ka sakin!"

Tumawa muna siya. "Joke ulit."

"Asan ba si Nayih?"

Kasama ko lang siya kanina pero hindi ko na naririnig ang madaldal niyang bunganga.

"As usual hinila na naman siya ng fiancé niya. Isang hakbang na lang," ani ni Kaizen.

Ramdam ko na patag na ang tinatapakan ko pero maingat pa din akong naglalakad upang hindi mapatid.

"Hanggang dito na lang ako veng," sagot ni Kaizen at narinig kong bumukas ang pinto kaya lumakad ako para makapasok. "Enjoy sa i do, yes, sinasagot na kita, i love you too, baby, hindi ka pa lang nagtatanong sinasagot na kita. Ang cringe pakinggan pero bahala kayo dyan. Enjoy."

"Kaizen!" tawag ko pa at narinig ko ang pagsara niya ng pinto.

Narinig ko ang pagtipa ng gitara sa paligid. Kaya dali-dali kong tinanggal ang nakataklob sa ulo ko upang makita ko ang nasa paligid ko. 

"Esther," mahina kong anas. Tumutugtog siya ng gitara at sinimula na niyang kumanta.

My whole world

Changed from the

Moment I met you

And it would never

Be the same

Felt like I knew that

I'd always love you

From the moment

I heard your name

Everything was perfect,

I knew this love is worth it

Our own miracle in the makin'

'Til this world stops turning

I'll still be here

Waiting and waiting to

Make that vow that I'll

I'll be by your side,

'til the day I die

I'll be waiting

'Til I hear you say I Do

Something old, something new

Something borrowed,

Something blue

I'll be waiting

'Til I hear you say I Do

Lumapit siya sa akin na may ngiti sa mga labi bago magsalita.

"Esther ano ito?" tanong ko at tinignan ang paligid.

May mga lobo na pula at nakakakalat sa sahig ang mga rosa. Pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang mga picture ko. Nakasabit siya at puro lang ako naka-side view doon. Hindi ko alam na kinukuhanan pala niya ako ng litrato.

"Yayayain na kasi kita magpakasal."

"A-Ano?" gulat na tanong ko dahil sa sinabi niya. "P-Pero hindi pa nagiging tayo Esther. Masyado kang nagmamadali kung sa kasal ka agad tutungo."

Natawa siya. "I know. Kaya nga tatanungin na kita."

"Esther," bahagya ko pang tawag.

"Vivienne Zin Ty. Will you be my girlfriend?"

Sa ganda nang kanyang pagkakangiti ay hindi ko na din maiwasan ang hindi ngumiti pabalik. Pero agad naman iyon nawala nang maalala ko si Yuhence. Si Yuhence na masasaktan naman kapag nalaman niya ang bagay na ito. Masasaktan ko na naman ulit siya.

Pero bakit pa ako nababahala na masaktan siya kung siya na din nagsabi na iiwasan niya na ako at pati ang damdamin niya sa akin? Gusto niya daw ako makita na maging masaya kaya hahayaan niya akong mapunta kay Esther. Siya na din nagsabi na si Esther ang araw ko at siya naman ay magsisilbing buwan ko.

Ibig sabihin ba ng sinabi niya ay sa oras na masaktan ako ni Esther lilitaw siya para damayan ako?

Tumingin ako sa ibaba ko at nahagip ng mata ko ang binigay na anklet ni Esther. Gusto ko naman si Esther kaya wala namang masama kung sasagutin ko siya. Pero ang mas masama ay may masasaktan ako ulit nang damdamin ng tao. At si Yuhence iyon.

Paano ko ito masasabi sa kanya? O may karapatan pa ba ako na sabihin sa kanya ang bagay na ito kung alam ko naman na sakit ang maidudulot nito sa kanya? Bakit ko pa kailangan sabihin? Masyado nang hindi maganda sa pagkakarinig ni Yuhence iyon kung may balak pa akong sabihin sa kanya ang bagay na ito.

"God knows how much I love you. You make me smile when I am sad, you make me feel special when I am down. Please, stay until the end. I love you," nakangiti pero malungkot ang mga mata na anas ni Esther. "I am so lucky to have you kapag nasagot mo na ang tanong ko."

Masyadong maganda ang kanyang sinasabi para sa akin. Gusto kong ngumiti pero hahayaan ko munang sabihin ang kanyang saloobin sa akin. Mahal ko din siya pero ang salitang yan ay hindi ko pa nasasabi sa kanya.

"I-It's okay if you don't want to say yes. I'll wait. Hihintayin ko ang sagot mo. Maghihintay ako. But promise me baby you will never hurt me. Don't hurt me," ani niya sabay yuko.

Napalapit ako sa kanya at hinawakan ko ang isa niyang braso para mapatingin siya sa akin. Ngumiti ako at napakagat ang labi.

"O-Oo. Sinasagot na kita," kinakabahang anas ko.

"S-Say it again, baby?" di makapaniwalang tanong niya.

Natawa ako. "Sinasagot na kita. Happy?"

"Oh damn!" pasinghal niya sabay yakap sa akin nang mahigpit. "I love you! I love you, baby. Thank you for answering me. I-I promise... i will never ever hurt you. I love you."

"Mahal din kita," sagot ko at niyakap din siya.

"Kinikilig ako. Damn! So gay."

Kahit naman siguro lalaki ay nakakaramdam ng kilig sa katawan. Pero si Esther ay iba. Sinasabi niya sa akin kapag kinikilig siya.

"Tutuparin ko ang sinabi ko. Kahit tayo na ay liligawan kita nang nakatayo, nakadapa, nakahiga, nakalutang. Hahaha. Ang sweet ko. Diba, baby?" tanong niya sa akin at kumalas nang pagkakayakap upang tignan ako. "My heart is made to love you, my lips are made to kiss you, my eyes are made to see you, my hands are made to hold you. Every part of me wants you, maybe because i was made just for you."

Hindi ko alam kung ano ang mas nakakakilig. Yung sinasabi niya o yung effort na nakikita ko sa kanya. O sabihin kong parehong nakakakilig ang ginawa ni Esther para sa akin.

"I love you. You annoy me more  than i ever thought possible. But i want to spend every irritating minutes with you," dagdag pa niya para makagat ko ang labi ko sa ibaba. "I promise that I'll be your by side through good and bad times. I'll be there for you no matter what."

"Sana pag dumating ang araw na may pipiliin ka sana pumili ka na naaayon sa puso mo. Hindi ko sinasabi na ako ang piliin mo. Dahil hahayaan kita kung sino ang gusto mong piliin," sagot ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko sa kanya. Dahil iyon ang nasa isip ko.

Narinig ko ang matunog niyang bugtong hininga. "Baby, i choose you. And I'll choose you over and over and over. Without pause, without a doubt, in a heartbeat. I'll keep choosing you. I promise. And i promise i will never hurt you."

Napayuko ako. "Hindi ako mangangako na hindi ka masasaktan, pero iiwasan ko. Pagmamahalan na may kasamang sakit? Kasama na yan sa pagmamahalan. Kaya hindi ako mangangako, pero iiwasan ko."

"Baby."

"Pero hindi ko intensyong gawin na saktan ka, Esther. Pero gagawin ko ang lahat para maiwasan na hindi ka kailanman masasaktan," sagot ko pa sa kanya.

"But promise me na ako lang ang mamahalin mo."

Ngumiti ako. "Nangangako ako."

Pagtapos kong sabihin iyon ay unti-unting lumapit ang mukha ni Esther sa akin. Napapatingin ako sa mukha niya pero mas napapatingin ako sa labi niya. Doon na lang ako napapikit na tuluyan nang lumapat ang labi ni Esther sa akin.

Tama lang ang diin nang pagkakahalik sa akin ni Esther. Parang doon niya sinasabi sa akin na ganon niya ako kamahal. Sinabayan ko ang bawat paggalaw ng labi niya sa labi ko. Kaunting segundo pa ang tumagal bago siya kusang kumalas sa pagkakahalik.

"I love you, baby," bulong niya sabay yakap sa akin.

"I love you too," sagot ko para muli siyang mapahalakhak sa tawa.

"Ang sarap pakinggan. Isa pa nga?"

Natawa ako. "I love you."

"I love you, je t'aime, mahal kita sobra pa sa too much," sagot niya din para matawa kaming pareho.

Mahal kita, Esther. At hindi ko pinagsisihan na mahalin ka. Ikaw lang ang mamahalin ko. Kahit si kamatayan pa ang humadlang ipaglalaban kita.

ESTHER'S POV

"Hindi mawala yung ngiti sa labi mo," ani ni Kaizen sa akin.

"Namakla ka no?" singit ni Maxwell.

Kaming tatlo lang ang magkakasama ngayon habang ang iba naman ay may klase. Kami namang tatlo ay mamaya pa kaya napagdesisyunan namin na maglakad-lakad muna.

"What the? I'm rich, Maxwell. Hindi ko kailangan mamakla," inis na sagot ko.

"Sinagot ka na ni veng?" inosenteng tanong ni Kaizen.

"Lah, lah? Kayo na? Naks. Story maker," sabi ni Maxwell sabay tawa.

"Fuck you, Maxwell."

"Hindi tayo talo."

"What?!"

"What? What's me ney-ney," ani niya sabay sayaw.

"Stop it."

"Pero sinagot ka na nga?" tanong pa ni Kaizen kaya napangiti. "Naks. Congrats sa pagmamahalan ninyong pang one week lang."

Dahil sa sinabi ni Kaizen ay malakas ko siyang binatukan para mapanguso siya.

"Sasapakin kita," pangbabanta ko.

"Malay mo kasi ghoster si veng."

"Anong ghoster?" naguguluhang anas ko.

"Gago," batok ni Maxwell kay Kaizen. "Si Esther ang ghoster habang si Vien naman ay fighter."

Sandali pang nagkatinginan si Kaizen at Maxwell bago nag-high five sa isa't-isa.

"Ghost Fighter!" sabay nilang sabi para matawa sila pareho.

"Isa pa," makahulugang banta ko.

"Ah excuse me?"

Napatingin kaming tatlo sa likod dahil sa boses na narinig namin. Pagtingin pa lang namin ay may babaeng naka-red dress na kita ang pusod. Laylay ang buhok at kulot bandang ibaba, maputi at maganda ang mukha pati ang pangangatawan.

"Maxwell chicks oh," rinig kong bulong ni Kaizen.

"I don't care. May Nayih na ako."

Tinignan ko ang babae na kasalukuyang may hawak na papel. "Yes?" Sagot ko.

"Am, do you know where i can find this section?" tanong niya sabay tingin sa akin. Bumilog ang kanyang labi na animo'y nagulat. "Oh God? Are you real?"

Kumunot ang noo ko. "Do you think I'm fake?"

"N-No, no. You look so handsome kasi kaya naitanong ko kung real ka," nakangiti niyang anas sa akin.

"Is that so?" hindi interesadong tanong ko.

"Hahaha. Yeah, babe. So can you help me find my section?"

Babe? Tss. Disgusting.

Lumunok muna ako bago tignan ang dalawa. "You can ask my friend. Sorry, i can't help you. I need to find my girlfriend."

"Bakit ako?" turo ni Maxwell sa kanyang sarili. "Selosa fiancé ko. Ayokong magselos yon. Ikaw na lang Kaizen wala ka pa namang lovelife."

"Nah. I'm not interested," ani ni Kaizen at nilagay ang kamay sa bulsa.

"But i want you to help me," malungkot niyang anas.

"Sorry. Marami namang students here. You can ask them," akma na akong tatalikod na bigla niyang hawakan ang braso ko. Hinila ko pabalik ang braso ko at muli siyang tignan. "Don't touch me."

She laugh. "Hahaha. What? Don't tell me you're a gay?"

"I'm taken."

"What?" kunot niyang tanong na parang hindi nagustuhan ang sagot ko.

"I'm taken. So please stop asking me and touch me. You're annoying," sagot ko at tinalikuran na siya.

First day pa lang niya malandi na siya. I need to avoid her. I don't want Vien to be jealous of that woman.

To be continued. . .

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW. THANK YOU MGA KA-SPERM.

Continue Reading

You'll Also Like

287K 7.1K 50
This story is all about how the Asassin Empress become a Babysitter of A soon to be Mafia Emperor.. So please read my story po...
12.7K 1.6K 65
Belly bokbok santiago ang aking ngalan, Mataba man kung akoy titignan, Nilalait din ako at pinandidirihan, Pangit man ang aking panlabas na kaanyuan...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
143K 617 7
Drevon Rockford is a leader of Cepheus mafia who fell inlove with a reaper. Sadly, the reaper can't reciprocate his love and end up marrying his best...