Raven's POV
Napaayos ako ng tayo mula sa pagkakasandal sa hood ng sasakyan ko ng matanaw ko na si H na papalapit na sa akin.
Damn parang kanina lang eh nagkita rin kami pero bakit sobra namang saya ko na makita uli ang pagmumukha niya?
I think this is it! Baka pwede na naming ayusin to. Damn sana nga.
"Hey" bati ko sa kanya.
Parang hindi niya naman narinig yun at deretsahang sinabi na "Let's end things up between us" ouch.
He's breaking up with me,
I thought...
"Hindi na kita kayang pakisamahan. Huwag na nating lokohin pa ang isa't isa, kahit ipilit man natin hindi na magiging okay ang lahat, alam kong alam mo yan. Huwag ka mag-alala hindi naman makakalabas lahat ng nalalaman ko tungkol sayo at ang lahat ng nangyare. Let's act like a strangers again. Hindi ko naman din hihingin na mawala ka na agad sa landas ko pero ayoko ng mainvolved ka pa sa buhay ko... sige yun lang, salamat sa oras mo" and after that iniwan niya na lang akong hindi nakapagreact sa mga sinabi niya.
Crap, that hurts.
Well I totally deserved it.
Damn.
I shouldn't have involved myself with him in the first place.
...
Adam's POV
Hindi ko sinasadyang marinig ang lahat ng sinabi ni Gabe kay Ven ng sundan ko siya para sana kausapin.
Gusto ko man siyang pigilan ay minabuti ko na lang na huwag ng makialam pa sa kanila. Naiinis lang ako sa kanya dahil hindi niya manlang binigyan ng pagkakataon si Ven na magsalita.
Matapos yun ay minabuti ko na lang ding sundan si Ven ng palihim.
Maybe she'll think that I'm a stalker if she finds out.
I don't know where she's heading but heck she's killing it, ambilis na ng pagpapatakbo niya. Hindi nga ata siya marunong matakot.
Hinahabol ko na ang bilis niya para hindi siya mawala sa paningin ko pero nabigo ako ng tuluyan na siyang naglaho.
Shit.
Sanay naman akong makipaghabulan pero bakit ngayon parang ambagal ko?
Asan na kaya siya?
Medyo binagalan ko na ang pagpapatakbo ko at nagmasid sa paligid baka kasi nakahinto lang siya kung saan.
"You know I can really kill you for tailing me" ani ng isang babae sa likod ko na ikinagulat ko ng sobra.
What the hell?
Mabilis akong napalingon sa kanya.
"How'd you get in here?" Gulat ko paring tanong sa kanya.
Teka kaya ba nawala siyang bigla sa paningin ko?
"I can do so many things that you don't actually know Adam, so don't ever do this again or you'll get yourself killed"
Hindi ko mapigilang hindi mapalunok sa sinabi niya. Shit kamuntikan na ba talaga ako? At alam kong hindi marunong magbiro ang babaeng to kaya seryoso siya dun sa sinabi niya.
"I'm sorry" wala sa sarili kong paumanhin.
Shit sino ba naman kasing hindi kikilabutan sa babaeng to tapos bigla pang susulpot sa loob ng sasakyan ng hindi na kinailangang pumasok sa pinto? Teleport ba tawag dun?
"Whatever just don't do this again. By the way this isn't the car that we used earlier kaya akala ko ibang taong nakasunod sa akin" kibit balikat niyang saad.
"Ah yeah I switched with Tan's car"
Hayy shit ambilis parin ng pintig ng puso ko sa takot ah.
"There's a cafe down there, nandun ang kotse ko" sabi niya lang kaya tumango na lang ako at nagmaneho papunta sa tinutukoy niya.
Damn, ang babaeng ito lang talaga ang nakakapagpasunod sa akin ng ganito. Hindi naman siguro dahil sa gusto ko siya or I don't think if she's using something magic or what para mapasunod ako, it's just that she has this authority to make you follow her. Dang scary!
"Aren't you scared at me?" Unang tanong niya sa akin magmula ng maupo na kami sa may balcony ng cafe kung saan namin napiling pumwesto.
"Ahm kinda scared" nahihiya kong sagot. Totoo naman kasi.
Narinig ko namang bahagya siyang natawa.
Damn still perfect.
"Why are you following me anyway?" Tanong niya uli.
"Ah sorry hindi ko sinasadyang marinig yung alam mo na-"
"I see you're worried about me" nakangiti niyang saad ng hindi tumitingin sa akin.
Alam kong pilit lang ang ngiting yun pero di ko parin mapigilang hindi humanga.
Damn this isn't the right time Adam.
"Burahin mo na ang lahat ng yan"
"Huh?" Maang kong tanong.
"Nasira ko na ang buhay ng kapatid mo kaya kung ayaw mong matulad sa kanya ay kalimutan mo ng lahat ng yan"
"No that's impossible" pagtatapat ko.
Hindi naman siya sumagot at sumimsim lang sa kape niya. Napaka pino niya talagang kumilos kumpara sa ibang babaeng nakilala ko pero may pagkaastig ang dating tulad na lang ng malakarerang pakikipaghabulan ko sa kanya kanina.
Heto na naman ako't pinagpapantasyahan siya tsk.
"Hindi mo naman sinira ang buhay niya" lakas loob kong saad.
"Yes I did"
"No. You were left no choice kaya mo nagawa yun" hindi na siya sumagot pa matapos kong sabihin yun.
Hayy mali atang buksan pa ang topic na yun.
"I gotta go. If possible let's not cross our paths again. I don't want him to think that I'm using you to get back at him" malamig niyang saad makalipas ang ilang minutong katahimikang namayani sa amin.
"Ven I don't think that's a better thing to do. Hindi ba magkaibigan na tayo?" Malungkot kong sagot.
Shit hanggang dun na nga lang ang pwede sa amin pagkatapos ngayon hindi na rin pupwede?
"You're a great guy Adam but I'm sorry. Ayokong pagmulan ako ng away niyong magkapatid. It's better this way. Goodbye..."
Malungkot ko lang siyang pinagmasdan habang papalayo siya sa akin.
Wow pangalawang beses ko na ba itong mabasted sa kaniya?
Tamaan ka nga naman sa maling tao haha.
Damn!
Raven's POV
I'm so sorry Adam for hurting you again.
Enough is enough ayoko ng mapalapit pa sa kahit sino sa kanila o kahit kanino mang mortal.
I've had enough. I don't deserved to be happy. It's better to be alone forever than hurting them.
Hindi na ba ako madadala? Unang nangyare ito ng mapalapit ako sa isang mortal na naging kaibigan ko rin, si Celina. Namatay din siya ng dahil sa akin. Kung hindi na sana ako napalapit pa sa kanya baka hindi pa siya napahamak. Ngayon naman si Harrison, nasira lang ang buhay niya ng dumating ako.
I am cursed!
Ayoko na. Tama na ito.
Hangga't maaari lalayo na ako sa kanila.
Ayoko ng may masaktan pa.
A/n: Hi guys! Thank you so much for tuning in to TCO! Malapit na tayo kaya kapit lang! Keep safe guys!
Thanks for the support!
Lovelots siSame