Beauty and the Beast

By hyunjiwon_sg4ever

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... More

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#22: Ma Femme
#24: Offer
#25: Magic Words
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#23: Darryl Castro

4.4K 112 10
By hyunjiwon_sg4ever

Kabanata 23: Darryl Castro

 

-Darryl’s POV-

 

“Kasal na sila, Kuya” tipid kong sabi habang kaharap ko ang isang parisukat na marmol kung saan nakasulat ang pangalan ng isang taong mahalaga sa buhay ko.  

Darren Castro

 

Huminga ako ng malalim at pinigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mula sa mga mata ko. I don’t want to cry. Marahas kong naikapit ang mga kamay ko sa mga damong nasa paligid ko. Ang sama ng loob na itinago ko sa loob ng mahabang panahon, ngayon ay tuluyan ng lumabas.

Jared Montello will pay for this.

 

“Isa siya sa mga naging dahilan kung bakit ka namatay, Kuya. Ngayon, hindi ko hahayaang maging masaya siya, pagbabayaran niya ang naging pagdurusa ng pamilya natin. Ang naging pagdurusa mo. Sisiguraduhin ko na tulad mo ay labis din siyang masasaktan sa pag-ibig, mabibigo sa babaeng mahal na mahal niya. I’ll make sure that he’ll suffer a lot, tapos isusunod ko ang babaeng naging dahilan ng lahat ng ito. Wala silang karapatang maging masaya Kuya, wala…” matalim ang pagkakabitaw ko sa mga salitang iyon. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko at ang pagdaloy sa buong katawan ko ng galit na ikinimkim ko ng higit apat na taon.

“Time of death 2:07 am”

 

Halos mabasag ang puso ko, ni Mama at Papa matapos sabihin iyon ng isang doctor na siyang sumubok na i-revive ang Kuya Darren ko. Napatingin ako sa sa katawan ng Kuya ko na nakahiga sa hospital bed. Unti-unting nabuo ang luha sa mga mata ko, ang Kuya ko.

 

Naaksidente kasi ang Kuya Darren ko, car accident. Bumangga ang sasakyang minamaneho niya sa isang poste. Malakas ang naging impact kaya malaki ang damage sa Kuya ko dahilan para mag-agaw buhay ito sa ospital. At ngayon nga… binawian na siya ng buhay. Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa Kuya ko, ang sabi ng mga pulis kaya daw siya naaksidente ay dahil sa lasing siya nung nagmaneho siya. Fck! Kilala ko ang Kuya ko hindi siya magmamaneho ng sobrang lasing, alam niya ang ginagawa niya. 

   

“Hindi! Hindi! Hindi ang anak ko!” sigaw ni Mama habang humahagulgol. Niyakap siya agad ni Papa na umiiyak din habang niyayakap at sinusubukang aluin si Mama.

“I’m sorry, Misis Castro” nakayukong saad ng Doctor.

“Hindi! Hindi!”

“Kuya ko…” mahinang sambit ko habang unti-unting lumalapit sa lugar kung nasaan ang Kuya ko na nakahiga at wala ng buhay. Hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol sa harapan ng kapatid ko.

 

Hindi ko matanggap na wala na siya. Hindi! Hindi!

 

“Kuya bakit mo kami iniwan?” I cried habang nakatingin sa kanya. “Hindi!” sigaw ko. “Hindi mo kami pwedeng iwan Kuya, marami ka pang pangako sa akin di ba? Sabi mo tutulungan mo ako kapag nag-college na ako. Sabi mo tutulungan mo pa akong manligaw… sabi mo…” hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa pag-iyak ko.

 

Every moment that I build with my brother will remain as memories and the moments that I’m planning to build with him will be remain as dreams… forever.  

 

 

Andito ako ngayon sa kwarto ni Kuya Darren, kakatapos lang kasi ng kanyang libing. At hanggang ngayon ay hindi pa rin namin matanggap ang maagang pagkawala niya. He’s just a third year college student, architecture. Marami pa siyang pangarap sa buhay. Marami pang nagmamahal sa kanya. We need him. Paanong bigla nalang siyang mawawala sa amin?

 

Iginala ko ang tingin ko sa buong kwarto niya. His room is one of the noisiest rooms here on our house. At ngayon, tahimik na ang kwarto niya. Bigla na lang tumulo ang mga luha ko ng mapatingin ako sa mga picture frames na nakapatong sa mesa na nasa gilid ng kama niya. Mga litrato naming dalawa ang isa sa mga ito at yung isa ay yung family picture namin. Marahan kong hinaplos ang parehong litrato. Napadako ang tingin ko sa isang picture frame.

 

Picture niya iyon kasama ng babaeng mahal na mahal ni Kuya. Si Alice Marie Tan… she’s Kuya Darren’s first love and first girlfriend.

 

Huminga ako ng malalim at kinuha ko yung frame na iyon at tinignan. Masaya silang dalawang magkayakap sa litratong ito. Humigpit ang hawak ko sa frame na iyon. Bakit nagawang iwan ng babaeng ito ang Kuya ko? Bakit niya nagawang ipagpalit ang Kuya ko sa iba?

 

Ibabalik ko na sana sa kinalalagyan yung picture frame bigla akong may naramdaman. Tinalikod ko yung frame at nakita kong medyo nakabukas ito kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na buksan ito at nakakita ako ng isang kulay puting papel na nakatiklop. Kumunot ang noo ko at binuksan ito at halos mapamura ako nung mabasa ko ang nakasulat dito.

 

Hindi.

 

‘Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa hindi ka bumalik sa akin, Alice. Mahal na mahal kita… sobra. That if you’re not going back to me, I’ll rather lose my life’

 

Doon nag-sink in sa akin ang nangyari. Nalukot ko ang papel na yun at muling nag-uunahang tumulo ang mga luha ko mula sa mata ko. Hindi maari!

 

Hindi aksidente ang nangyari kay Kuya, suicide iyon. Nagpakamatay ang Kuya Darren ko dahil sa babaeng iyon. Walanghiya! Kasalanan pala ng Alice at kung sinumang putanginang hayop na lalaking iyon. Sila ang nagtulak sa Kuya ko na magpakamatay! Mga hayop sila!

 

Halos magwala ako dahil sa nalaman ko. Hindi ko alam pero galit ang nangingibabaw sa akin sa mga sandaling ito. Gusto kong saktan ang mga taong naging dahilan sa pagkawala ng Kuya Darren ko.

 

“Mga hayop kayo!” sigaw ko at agad kong ibinato yung unang babasaging bagay na nahawakan ko. “Putangina!” sigaw ko habang patuloy na umiiyak.

 

Sinubukan kong alamin ang nangyari sa Kuya ko at sa Alice na iyon bago mangyari ang aksidente. Ginawa ko ang lahat para mabuksan ang cellphone ni Kuya Darren at hindi naman ako nabigo. Nabasa ko ang messages nila, kung paano nagmakaawa ang Kuya ko sa babaeng iyon para balikan niya ang Kuya ko. Nalaman ko na dalawang tao ang involved dito…

 

Si Alice Marie Tan at Jared Angelo Montello…

 

Kaklase ng Jared Montello na iyon ang Kuya ko, nung burol ng Kuya ko ay bumisita rin siya. Pero hindi ko alam noong mga sandaling iyon na isa na pala siya sa may kasalanan ng pagkawala ng Kuya ko. Siya ang lalaking ipinagpalit ng Alice na iyon sa Kuya ko. Siya ang dahilan kung bakit iniwan ni Alice ang Kuya ko, siya ang dahilan ng pagdurusa ng kapatid ko. Isa siya sa mga dahilan kung bakit nagpakamatay ang kapatid ko.

 

“Pagbabayaran niyo ang pagkawala ng Kuya ko” mariin kong sabi.

 

They’ll going to pay for this. Hahanap ako ng tiyempo kung paano ako makakapaghiganti sa kanilang dalawa, Kuya. At sisimulan ko sa Jared Montello na yun ang paghihiganti ko. Gagawin ko ang lahat para mapagbayaran nila ang nangyari. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi mangyayari ang lahat ng ito.

 

 

Bumuntong hininga ako matapos kong alalahanin ang naging simula ng lahat ng ito. Marahan kong hinaplos ang lapida ng kapatid ko. There’s no turning back, lalo pa’t umaayon ang lahat sa plano ko. Ngayong kasal na si Gail kay Jared, mas madaling basagin ang puso niya ng pinong-pino. Alam kong mahal na mahal niya si Gail, saksi ako sa ilang taong pambabakod ni Jared sa kanya.

At aaminin ko, the reason why I became friends with Gail was for my revenge. Hindi ko iyon makalimutan, kahit isang segundo. At ngayon ko na masisimulan ang plano ko, pero sa isang banda. My heart wants to stop my revenge. Mahal ko si Gail, sa ilang taong magkasama kami ay nakilala ko siya’t nahulog ang loob ko sa kanya. Mahal ko siya ng higit pa sa kaibigan. At gagawin ko ang lahat para maagaw ko siya sa lalaking iyon.

Hitting two birds with one stone, kukuhain ko si Gail, mapapasakin siya at masasaktan si Jared.

“The war is already starting. I’m betting everything that I have, Kuya… even my heart”

-Saerin Gail’s POV-

 

Unti-unti kong binuksan yung mga mata ko nung tumama ang sikat ng araw mula sa labas. Kinusot ko yung mata ko at marahas na napakamot sa buhok ko. Tinignan ko yung orasan sa tabi ko at halos pumikit-pikit pa yung mga mata ko habang tinitignan kung anong oras na.

“9:45 am…” tamad na sabi ko at nung marealize ko kung anong oras na ay biglang nagising ang buong diwa ko.

Shemay!

“Hala late na ako!” sabi ko at nagmamadaling bumangon at natatarantang nag-isip kung anong gagawin ko.

Halos patakbo akong lumabas ng kwarto papunta sa may kusina nung biglang mapaawang ang bibig ko kasabay ng panlalaki ng dalawang mata ko dahil sa sumalubong sa akin sa kusina.

“AHHHHHHHHHH!” sigaw ko at agad na napapikit at tinakpan ko gamit yung dalawang kamay ko yung mata ko.

 

“Fck! Bakit ka sumisigaw?!” singhal ni Jared sa akin.

Nakakainis kasi siya! Bakit kasi siya nakatopless at nakatapis lang ng tuwalya?!

“Ikaw kasi eh!” singhal ko habang nakatakip pa rin yung mga mata ko.

“Anong ako?” rinig kong tanong niya. Fudgeeebar! Hindi niya ba alam na naka-topless siya?! Sinisira niya talaga ang pagiging baby ko!

“Ba--bakit ka kasi topless ha?!” nauutal na singhal ko sa kanya. Medyo tinanggal ko na yung dalawang kamay ko na nakatakip sa mukha ko at nasilayan ko yung abs ni Jared. Napunta ang tingin ko sa kanya at nakita ko na napangisi siya. Nung narealize ko iyon ay alam kong agad na umakyat yung dugo ko sa magkabilang pisngi ko kaya agad kong tinakpan ang buong mukha ko.

“Bakit, baby? Gusto mo bottomless din?” alam kong nang-aasar siya sa tanong niyang iyon. Kaasar siya! Naramdaman ko naman na humakbang siya palapit sa akin dahil naamoy ko yung lakas ng amoy ng sabon niya, halatang kakatapos lang niyang maligo. 

“Bwiset ka! Bottomless mo mukha mo!” singhal ko sa kanya at halos manlamig ako’t kilabutan ng dumaplis yung malamig niyang kamay sa may braso ko, marahan niya itong hinaplos pataas papunta sa may balikat ko. Pinalapat naman niya doon ang balikat niya.

“Gusto mo ng iced tea? May bottomless nun di ba?” aniya at tumawa pa siya na halatang nang-aasar. Langya ‘to! Tinanggal ko yung pagkakatakip ko sa mukha ko at naniningkit ang matang tumingin ng diretso sa mukha ni Jared.

“Ayoko ng bottomless na iced tea” sagot ko sa kanya at inirapan siya, lalo lang lumawak yung ngisi niya. Abnormal talaga ‘to!

“Gusto mo ng Jared na bottomless?” nakangising tanong niya at mukhang nang-aasar talaga. Hinampas ko siya ng malakas sa may braso niya pero tinawanan niya lang ako at hinuli niya yung kamay kong ginamit pang-hampas sa kanya at dinala sa mukha niya, parang mukha tuloy hinawakan ko yung pisngi niya.

“You don’t need to be shy when you’re seeing me like this. Balang araw, makikita mo rin naman lahat sa akin” aniya habang tutok na tutok siyang nakatingin sa akin ng diretso. “One day…” he softly said. Napalunok ako at bumilis ang paghinga ko.

Napapikit nalang ako nung unti-unti niyang ilapit yung mukha niya sa akin. Halos mapigil ko na rin yung paghinga ko dahil sa gagawin niya. I know that my system is anticipating for a kiss…

Isang linggo na rin ang nakaraan mula ng ikasal kami ni Jared. At mula ng araw na yun, hindi niya pa ako nakikiss ulit. Ngayon lang… ulit. He told me that he respects so much, kaya hangga’t hindi ko pa daw nasasabi yung ‘magic words’, magpipigil daw siya. Sa totoo lang, hindi ko siya maintindihan. Ni hindi ko nga alam yung ‘magic words’ na tinutukoy niya eh.

“Gail…” he huskily said and I know that there’s only one inch distance between us. Halos magkadikit na yung ilong namin. Nakapikit na rin ang mga mata ko at handa na sa gagawin niya.

*Dingdongdingdong*

Bigla siyang humiwalay sa akin ng marinig namin ang doorbell na iyon. Marahan akong napamulat at pakiramdam ko ay para akong nalugi. Shemay?! Bakit ako nalugi?

“Buksan mo na yung pinto” sabi ni Jared at kunot noo akong napatingin sa kanya.

“Bakit ako?” tanong ko.

“Gusto mong buksan ko yung pinto ng naka-ganito lang ako?” tanong niya at doon ko lang narealize na naka-tuwalya nga lang pala siya.

“Psh!” sabi ko at agad na tinalikuran siya at nagpunta para buksan yung pinto. Napailing na lang ako dahil bigla akong nakaramdam ng kahihiyan sa katawan ko.

Nung binuksan ko yung pinto ay isang lalaking naka-sumbrero at nakaputi na may malaking bag ang sumalubong sa akin. Binigay niya sa akin yung dalawang sosyaling itim na envelope at may pinapirmahan sa akin. Pagkatapos nun ay nag-Thank you na siya at umalis. Sinarado ko naman yung pinto at sumalubong sa akin si Jared na naka- maong na pantalon na at puting v-neck na t-shirt.

Ang bilis naman niya atang magbihis?

“Ano yan?” tanong niya habang sinasabit niya yung tuwalyang pinamunas niya sa buhok na sa kanang balikat niya. Tinignan ko yung dalawang itim na envelope na iyon at binigay sa kanya. Nagtatakang kinuha naman niya iyon at tsaka binukan, kinuha niya yung puting papel na nandoon at binasa ang nakasulat.

“It’s an invitation,” aniya at tumingin sa akin. “One of our investors is inviting us to attend their party… next Saturday” sabi niya at ibinalik yung papel doon sa envelope.

Ano daw?!

***

Narinig niyo na ang side ni Darryl! Naalala niyo nung Kabanata 12? Yung convo ni Darryl at ni Jared?

Thank you ulit guys for your overwhelming support for BatB. Biruin niyo 13k na ang nakapagbasa nito! Nakakakilig guys! <3

Thank you po ulit! Happy New Year! :)

Vote| Comment| Be a Fan  

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 265 55
Angela Dianne Lucero and Thorn Lonier Flores has a complicated relationship since the start.. Would their status change from It's Complicated to It's...
1.4M 56K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
214K 7.4K 59
Dahil ba mahal kita noon... Mahal parin kita ngayon? Hindi ba pwedeng nasiraan lang ako noon at natauhan na ngayon? ---- Is this really the end? or M...
142K 11.3K 171
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...