LOVE WITHOUT LIMITS

By maxinejiji

94.1M 2.8M 4.6M

Love Trilogy #1 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions arou... More

Prologue
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
EPILOGUE : LOVE WITHOUT LIMITS
SPECIAL CHAPTER SNEAK PEEK
PAG-IBIG SA 'YO (Love Without Limits Official Theme Song)
GUGMA KANIMO (Pag-Ibig Sa 'Yo Bisaya Version)

CHAPTER 59

1.2M 44.4K 84.5K
By maxinejiji


CHAPTER 59

"LET'S TALK about our marriage," iyon agad ang bungad ni Maxwell pagkalabas ng bathroom. Naroon na kaming pareho sa master's bedroom.

Nakaupo ako sa harap ng vanity at parang timang na natulala matapos lumingon sa kaniya. Nakatapis lamang siya ng twalya at bara-barang tinutuyo ang buhok. Ang mga butil ng tubig mula sa kaniyang balikat ay tumutulo hanggang sa tiyan.

Napabuntong-hininga ako saka binalewala ang tanawin niya. Sinalamin ko ang sarili sa vanity saka dinampi-dampian ang pareho kong pisngi ng aking mga hurim-hurim.

Ang kigwa, talagang nang-aagaw ng atensyon. Pumuwesto siya sa likuran ko at sinalamin din ang sarili sa vanity sa harap ko. Pasiring kong inalis ang paningin sa sarili saka inis na itinuon sa kaniya.

Gamit ang parehong kamay ay bara-bara pa rin niyang tinuyo ang buhok. Nang matapos ay ipinatong niya ang drying hair towel sa balikat ko. Napasinghap ako nang maamoy ang paborito kong shower foam niya.

"How about next month?" aniyang inihawak ang parehong kamay sa balikat ko saka ako tiningnan mula sa salamin.

Idinaan ko na lang sa buntong-hininga nang i-massage niya ang magkabila kong balikat. Ngumiti siya sa paraang gustong-gusto ko, iyong gwapong-gwapo siya. Pakiramdam ko ay natunaw ang puso ko.

May amnesia man ka, amaw!

Hindi ako sumagot. Sa halip ay kinuha ko ang scooper ng moisturizer at naglagay sa likod ng aking palad. Tiningnan ko ang aking sarili mula sa salamin saka unti-unting naglagay. Mataray ang mga mata, dinampi-dampian ko ng palad ang magkabila kong pisngi.

Dahil talagang makulit, naupo siya sa tabi ko, sa may kahabaan na silyang kinauupuan ko mismo. Isiniksik niya nang isiniksik ang sarili hanggang sa magkasya kami.

"How about next week? You want us to get married next week, huh?" kapagkuwa'y tanong niya, nakalingon sa akin, sobrang lapit ng mukha, amoy na amoy ko ang hininga.

Nawala gani imong memorya, bwisit ka!

"Mauuna sa Empery, of course," ngisi pa niya, sa paraang animong iyon na ang pinakamagandang suhestiyon sa buong mundo. "Best idea coming from the best man in the world, huh?"

Nilingon ko siya at sumama talaga ang aking mukha. Talagang sinisimot ng lalaking ito ang pasensya ko. Pairap kong inalis ang tingin matapos niya akong ngisihan.

"What do you think?" tanong pa niya saka ako hinalikan sa balikat! Awtomatiko akong napalingon sa kaniya matapos kilabutan. "You're not answering my questions, wife."

Wife! The nerve of this amaw! "Wala ka namang maalala, hindi ba?" mataray kong sagot.

Awtomatikong kumunot ang kaniyang noo. "You're so masungit."

Lalo pa akong naasar dahil ayokong naririnig ang salitang iyon sa kaniya. Kakaiba pakinggan, parang nawawala o nadaragdagan ang ibang letra at nagtutunog masungkit.

"But that's normal because you're pregnant," dagdag pa niya, nakakainis! "You like pink, huh?" ngisi na naman niya. "Our parliament is covered in white, though,"ngiwi pa niya, animong alam ko ang tinutukoy niya.

Maging ang kulay na binanggit niya ay parang nagdagdagan ng letra. Nagtunog pingk. May mga oras na ganoon siya magsalita, hindi lang siya, lahat sa kanilang pamilya.

"You're not answering my questions, Zaimin Yaz," sabi na naman niya.

"Ang kulit mo," pabuntong-hininga kong sinabi.

Bumuntong-hininga rin siya. "Sorry."Tumayo siya at hinila ang twalya sa balikat ko. Inis ko siyang sinulyapan mula sa salamin.

"Don't you want to get married?" bigla ay masungit niyang tanong.

Umawang ang labi ko. "Gusto ko, pero kapag bumalik na ang alaala mo," buntong-hininga ko. "Ni hindi mo nga maalala na mahal mo 'ko."

Kunot-noo, inis na inis akong tumayo at dumako sa cabinet. Binuksan ko ang pinto pero muli iyong sumara nang itulak niya. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko nang ilapit niya ang mukha sa pandinig ko.

"Ilang alaala ko lang ang nawala, not everything," bulong niya. "Memorya ko lang ang naapektuhan, not my feelings."

Inis ko siyang nilingon at pinamaywangan. "Kaya pala puro ka Keziah? Magkamukha na nga kayo, e!" talagang naasar ako.

"Here we go again," buntong-hininga niya, lumaylay pa ang mga balikat.

"Oh, bakit, hindi ba?" hinarap ko siya, naghahamon talaga.

"Hindi," matapang niyang sagot.

"Anong hindi? Si Keziah ang una mong hinanap!"

"You jealous?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Of course not," maarte, mataray, sobrang sarkastiko kong sinabi. Amaw!

"Then, what?" Talagang hindi niya nakuha ang sarkasmo ko.

"Masaya!" sarkastika kong tugon. "Masayang-masaya ako kasi alalang-alala ako sa 'yo! Masarap sa feeling 'yong mag-alala ka nang sobra na halos hindi ka makatulog! Malakas maka-fresh 'yong pagpupuyat kahihintay na gumising ka. Walang oras na hindi ako umiyak at nasaktan, tapos no'ng magising ka, puro ka Keziah. Ang saya-saya no'n, Maxwell! 'Yon na ang pinakamasayang oras sa buhay ko, grabe!" habol ko ang hininga matapos sabihin 'yon nang dere-deretso. Palibhasa'y napuno ng galit habang pinipilit na magmukhang masaya para lang maging sarkastika.

Inis kong inalis ang kamay niya upang muling mabuksan ang cabinet. Kumuha ako ng comforter doon at basta na lang binitbit.

"Yaz!" pagtawag niya ngunit hindi ako sumagot.

Hanggang ngayon ay nagngingitngit ang kalooban ko sa t'wing maaalala ang sandaling iyon. Hindi ko na halos mabilang ang mga dumaang araw kaiisip sa kaniya. Nang magising naman siya ay iba ang hinanap niya. Sino ang hindi sasama ang loob?

"Where do you think you're going?" aniya habang sumusunod sa akin papalabas sa kwarto.

"I'm going to sleep outside."

"No."

"Yes."

"Why?"

"Because I said so," mataray kong tugon.

Napabuntong-hininga ako sa haba ng hallway, samantalang umiiyak pa ako sa tuwa noong una ko iyong makita. Maging ang taas ng hagdan ay nakakaubos ng pasensya, pakiramdam ko ay sa mall ako nakikipaghabulan sa kaniya. Pero sumunod siya hanggang sa makarating ako sa sala. Dinampot ko ang remote at ipinatay ang aircon.

Babalik na sana ako sa sofa nang iharang niya ang sarili. Ang kigwa, ilang minuto na, umaalingasaw pa rin ang bango ng katawan at hininga.

Nakakairita ka! Grrr!

"You're not going to sleep here, Yaz,"mahinang sabi niya, halatang naiinis na rin.

Hinarap ko siya at binigyan nang malamig na tingin. "I'm telling you, I will."

Kumunot ang noo niya. "Yaz," may diing aniya, hudyat ng pagbabanta.

"I said stop calling me Yaz!" inis na talagang asik ko.

"Baby, then!"

Aba! Galit din siya! Pinagtaasan ko siya ng noo. "Sige, inisin mo pa 'ko," hamon ko.

Umabante siya na halos magdikit ang pareho naming dibdib. "Go to our room, baby," galit niya talaga 'yong sinabi.

"Baby, your ass!" asik ko. "Isa pa, hindi mo talaga magugustuhan ang itatawag ko sa 'yo," seryoso nang banta ko.

"What?"

"Tabi nga!" inis ko siyang tinabig.

"Marchessa!" asik niya.

Tumaas ang kilay ko at mukha. "What? Marchessa, huh?"

"Del Valle, then."

"Naiinis na 'ko."

"Me, too." Nagpakawala siya nang malalim na hininga. "I'm warning you."

"Yeah? Bakit, anong gagawin mo?"matapang na sagot ko.

"Let's go back to our room," mahinahon niya nang pakiusap, pinigilan kong matawa.

"Our room?" may diin, nakangisi kong tugon. "We're not yet married, Maxwell. Go to your room and sleep alone."

"What's wrong with you? Ano na namang ginawa ko, bakit dito ka mag-sleep?"

Mag...sleep... Napapikit ako, pinigilang mainis lalo.

Lalong sumama ang mukha ko saka bumuga nang malalim na buntong-hininga. Sa halip na pansinin siya ay binalingan ko ang sofa at iniyakap ang comforter doon. Matutulog na lang ako kaysa pansinin siya.

"Good night, doc," nang-aasar kong sabi, bagaman naiinis talaga sa hindi matukoy na dahilan.

"I'm sorry," bigla ay emosyonal, sinsero niyang sinabi sa aking likuran.

Naramdaman ko siyang humakbang at bago pa man ako makalingon ay nahuli niya na ang bewang ko at niyakap iyon.

"I'm really sorry."

"What?" asik ko.

"Please, let's sleep together."

"Ayaw kitang katabi."

"What, why?" nagugulat talaga niyang tugon, dinungaw ang mukha ko.

Hindi pa nakontento, iniharap ako at hinapit nang todo ang bewang ko papalapit, na hindi na lang dibdib ang nararamdaman ko sa katawan niya. Na para bang hindi niya maririnig ang isasagot ko sa isang dangkal na layo ng mga mukha namin.

"Anong why?" mataray ko pa ring sagot. "Iyon na nga mismo ang dahilan, Maxwell. Ayaw kitang katabi."

"I don't believe you."

"Then, don't!" asik ko saka sumubok kumawala sa kaniya ngunit mas malakas siya. "Naiipit ako, Maxwell!"

Lumuwag ang pagkakakapit niya. "You are going to sleep in our bed."

"No."

Kumunot ang noo niya. "Why?"

Tumalim ang tingin ko. "Dahil ayaw kitang katabi! Ayaw kitang makita! Naiinis ako sa 'yo!" mahinang asik ko.

Umawang ang labi niya saka sarkastikong tumawa. "As far as I can remember, you've always wanted to be with me. What happened?"

Ngumisi ako. "Nawala lang naman ang alaala mo," saka ako sumeryoso. Inalis ko ang braso niya sa bewang ko at tinalikuran siya.

"So, you don't want me anymore?"

What? Nilingon ko siya at hindi makapaniwalang tinitigan. "Bakit, hanggang saan ba ang naaalala mo?" ako mismo ay hindi na malaman ang pinagmumulan ng pagtataray ko.

Pero nalilito ako sa kaniya. Hindi ko siya maintindihan, hindi ko siya mahulaan. Dumadagdag 'yon sa hindi maipaliwanag na inis ko.

Para bang handang-handa akong awayin siya. May kung ano sa kaniyang ikinaiinis ko. Idagdag pa iyong katotohanang hindi ko malimutang pinuntahan niya si Keziah, at ito ang una niyang hinanap nang magising.

"I can remember everything, well except"

"What?" hamon ko. "'Yong tungkol sa 'tin?" masama ang loob ngunit nagagalit kong dagdag. "'Yong relasyon natin? Kung paano mo sinabing mahal na mahal mo 'ko? Kung paano mo 'ko pinasaya no'ng yayain mo 'kong magpakasal? 'Yon pa lahat ang nalimutan mo?" Doon nabuhay ang pagiging emosyonal ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit sa dami ng pwede mong malimutan, iyon pa, Maxwell."

"Yaz..."

"At lalong hindi ko maintindihan dahil nakalimot ka pero ganito ka ngayon sa 'kin. Binabaliw mo 'ko kaiisip, Maxwell."

Umiling-iling siya saka nagbaba ng tingin. "Hindi ko rin maintindihan."

"No'ng mga unang araw, puro ka Keziah. No'ng nalaman mong buntis ako, parang bumalik bigla ang alaala mo."

Awtomatiko siyang nag-angat ng tingin. "So, you're really pregnant?"

Natigilan ako ngunit hindi nagpahalata. "Ibig kong sabihin...no'ng...isipin mong...buntis ako, iyon ang ibig kong sabihin," sinikap kong huwag mautal, tumaas ang kilay niya. Sinamaan ko uli siya ng tingin. "Pinaglalaruan mo lang yata ako, e!" binirahan ko agad siya ng galit.

Tumiim ang bagang niya. "I really hate that word," nakapikit niyang sinabi. "Kahit kailan hindi ko pinaglaruan ang damdamin ninoman."

"Ako pa lang," malamig kong sinabi saka siya tinalikuran.

Ngunit awtomatiko niya ring hinila ang bewang ko dahilan para mapayakap ako paharap sa kaniya.

"Ano ba!" inis kong pinalo ang dibdib niya. "Hindi ba't sinabi ko nang matutulog ako kung saan ko gusto?"

Inosente siyang umiling. "Ang sabi mo, uupo, not matutulog."

Kumunot ang noo ko. "Gano'n na rin 'yon! Ang ibig kong sabihin ay masusunod ang anomang sabihin ko."

"That's why I'm choosing pink, because that's your favorite color," 'ayun na naman siya sa kasal!

Nasapo ko ang aking noo. Kanina ay lugar ng tutulugan ang pinagtatalunan namin, naroon na naman siya sa kasal. "Let's talk about it kapag bumalik na ang alaala mo, pwede?"mariing sabi ko, para akong nahihilo dahil sa kaiikot ng pagtatalo namin.

"I'll sleep here too, then," aniya na hinawi ang comforter na halos lumipad na. Nauna siyang mahiga saka inilahad ang kamay sa 'kin. "Let's sleep."

Pinandilatan ko siya. "No."

"This couch is almost half of my bed,"pagmamalaki niya. "When my son is born, we can all sleep here together. We're kasya."

"Alis," pagpuputol ko sa nakangiting pag-i-imagine niya.

Inosente siyang nag-angat ng tingin sa 'kin. "What do you mean, alis?" Umurong siya saka pinagpag ang parte ng sofa sa tabi niya. "Let's sleep."

"A...lis," mas mariin nang sabi ko.

Bahagyang humaba ang nguso niya. "You really don't want to be with me," malungkot niyang sinabi. Nakapikit akong bumuntong-hininga.

"'Wag mo 'kong dramahan. Alis."

Nagbaba siya sandali ng tingin saka tumayo. "I'm really sorry, Yaz," sinsero niyang sinabi, napairap ako. "I didn't ask for this to happen. At kung papipiliin ako, pipiliin ko 'yong lahat ng makapagpapaalala sa 'kin sa 'yo."Sinabi niya iyon nang nakababa ang tingin sa 'kin.

Nakokonsensya ko siyang sinundan ng tingin habang naglalakad pabalik at paakyat sa kwarto. Pero matigas ang loob ko, wala ni katiting na kagustuhang sundan siya. Mabigat man ang loob ay nahiga ako. Sinikap kong matulog pero ang isip ko ay napuno na naman ng tanong. Talagang nalilito ako kay Maxwell at hindi naman siguro pagiging makasariling gustuhing mapag-isa.

May parte sa akin na naniniwalang nawala talaga ang alaala niya. Ang totoo ay iyon na nga ang laman ng isip ko sa mga nakaraang linggo kahit pa anong pilit kong hilingin na sana ay hindi ganoon ang nangyari. Pero mula nang makabalik kami rito sa Palawan, nagbago 'yon. Nalamangan ng kalituhan ang natitirang katinuan ko. Bawat kilos at sinasabi niya ngayon ay kinukwestyon ko kung talaga bang nawala ang kaniyang alaala.

Nagising ako sa nag-uusap na mga tinig kinabukasan. Nang magmulat ako ay 'ayun na si Tita Maze sa paanan ko, nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay. Napabangon ako at nahihiyang sinulyapan si Tito More na noon naman ay nasa kabilang gawi ng sofa.

"Good morning po," nakagat ko ang aking labi.

"So, he allowed you to sleep here?"naroon na agad ang pagtataray sa tinig ni Tita Maze.

Umawang ang labi ko. "No, tita, ako 'yong...nagpumilit na matulog dito."

"Oh," ngiti ni Tito More. "Si Yaz naman pala ang gustong matulog dito."

Nagpalitan sa pagtaas ang mga kilay ni Tita Maze, siya lang ang nakagagawa, napakataray talaga. Humugot siya ng hininga saka sumulyap sa 'taas. Na para bang nakikita niya nang tagus-tagusan ang natutulog pa niyang anak.

"Maxrill," pagtawag ni Tita Maze.

Mula naman sa kusina ay sumulyap si Maxrill. "I'm cooking." Hudyat na iyon na hindi siya susunod sa kung anomang iutos sa kaniya.

"Pakigising mo si Maxwell, please,"pakiusap ni tita.

"I don't want to," simangot ni Maxrill saka bumalik sa loob ng kusina, wala talagang kinatatakutan ito.

"Hayaan mo na si Maxwell at nagpaparamihan sila ng tulog ni Maxpein,"ngiti na naman ni Tito More, inuuto ang asawa ngunit halata namang hindi siya magtatagumpay. Halata ring isinasalba niya ang panganay na anak sa galit ng asawa.

"Tita," agap ko, sa takot na magtaray na naman siya. "Ako po talaga ang nagpumilit na matulog dito."

"Siya naman pala ang gustong matulog dito, Maze Moon," ngiti ni Tito More sa asawa, nagpapaintindi.

Sa isang mataray na sulyap ni Tita Maze ay lalo pang ngumiti si tito ngunit nanahimik na. "Kinakausap ba kita, Maximor?"

Nawala ang ngiti ni tito. "Pasensya na."

"Gisingin mo ang anak mo," utos ni tita.

"Si Maxpein ba?"

Umangat ang gilid ng labi ni tita. "Kaya mo ba?"

Napilitang tumawa si tito. "I'm sure si Maxwell ang gusto mong gisingin ko."

"Gisingin mo pareho dahil anak mo ang dalawang iyon. At patigilin mo ang bunso mong magluto dahil hindi ako kumakain sa umaga ng kung ano-anong dahon."

"Masusunod," ngiti ni tito saka awtomatikong kumilos, inuna niya si Maxrill. Hindi ko malaman kung matatawa ba ako dahil hanggang doon ay halatang inuuto ni tito si Maxrill at bakas naman sa tinig nito ang pagtanggi.

"Bakit mo naman piniling matulog dito?"muling inagaw ni tita ang atensyon ko. "Nag-away ba kayo?"

Nakagat ko ang labi ko. "Kasi..." Hindi ko malaman kung bakit gano'n na lang ang hiya ko gayong ang kapal-kapal ng mukha ko. Bukod sa kasundo ko si tita, lalo na pagdating sa pagtataray.

"Tell me," utos niya.

Napatitig ako kay tita, nag-aalinlangan kung magsasabi nang totoo sa kaniya. But at the same time, natatakot ako dahil naroon pa rin siya sa paanan ng sofa at hindi nagbabago ang mataray na postura.

"I'm waiting, Yaz," dagdag niya.

Bumuntong-hininga ako. "Nalilito ako kung talaga bang...nawala ang alaala ni Maxwell, tita."

Nakita ko nang umarko ang kilay ni tita, para bang handang-handa na siyang awayin ako. Kahit na ang totoo ay ganoon lang ang natural niyang reaksyon.

"Bakit naman?" tanong niya.

Napailing ako. "Kasi...minsan pakiramdam ko ay palabas lang ang lahat ng 'to, tita."

"Palabas?" muli pang nagtaas ng kilay si tita.

Sasagot na sana ako nang masulyapan ko ang paglapit nina Maxwell at Maxpein sa hagdanan. Pareho na silang nakababa ang tingin sa 'kin, matalim, na para bang may nagawa akong kasalanan. Nang balikan ko ng tingin si Tita Maze ay ganoon na rina ng tingin niya sa akin.

Hindi yata nila nagustuhan ang sinabi ko...Napasulyap ako kay Maxwell, wala nang mabasang emosyon o reaksyon sa mukha niya. Gaya ni Maxpein ay blangko na iyon.

Napalunok ako nang magkasunod na bumaba sina Maxwell, Maxpein at Tito More sa hagdanan. Nasulyapan ko sina Maxpein at Tito More na dumeretso sa kusina. Wala pang ilang segundo ay 'ayun na ang ikalawa at pinagagalitan ang bunso. Nasisiguro kong mali-mali ang ginagawa ni Maxrill sa kusina ngayon.

Habang si Maxwell naman ay marahang naglakad at tumayo sa harapan ko. Naglapat ang mga labi ko saka ako nag-iwas ng tingin.

Ano ba'ng ginawa ko? Napabuntong-hininga ako.

"Good morning," kaswal na ani Maxwell, napapikit ako sa ganda ng boses niya pagkagising.

Nakakainis naman! Psh!

Bumuntong-hininga ako saka tumayo. Tinakpan ko ang bibig ko habang ang paningin ay nakababa. "I'm just going to brush my teeth," mahina, nahihiya kong sinabi.

"Where's my morning kiss?" bigla ay bulong ni Maxwell.

Awtomatiko akong sumulyap sa kaniya. Wala pa ko nakasepilyo, amaw! "Next time,"mataray kong sinabi saka tinalikuran siya.

"Tsh," narinig ko ang mahina ngunit naaasar na tawa niya.

Halos takbuhin ko ang hagdanan. Pakiramdam ko ay nasa akin ang paningin ng mag-ina habang nakatalikod ako sa kanila. Kakaiba 'yon sa pakiramdam, lalo na ang kay Maxwell.

Nakasimangot kong sinalamin ang sarili sa harap ng sink. Narinig ba nina Maxpein at Maxwell ang sinabi ko kay tita? Psh! Bakit gano'n sila kung makatingin? Para bang...mali 'yong sinabi ko. Napabuntong-hininga ako. Nagpakatotoo lang naman ako.

May parte sa 'kin na kinakabahan pero lamang ang pag-aalala ko. Pakiramdam ko talaga ay may mali sa sinabi ko para mag-react sila nang gano'n.

Iyon pa lang ang nalalaman nilang iniisip ko... Inalala ko ang pag-amin ko sa iniisip ko kay Maxwell at sa kaniyang sitwasyon. Saka ako nagbaba ng tingin sa aking tiyan mula sa salamin at napabuntong-hininga. Paano pa kapag sigurado na...? Paano kapag...nalaman nila?

Nasapo kong muli ang aking noo saka ko naituon ang pareho kong kamay sa sink.

"Let's eat breakfast." Mangingilid na sana ang mga luha ko at madamdaming makikipagtalo sa sarili ko kung hindi nangibabaw ang tinig ni Maxwell sa likuran ko.

Inis ko siyang sinulyapan mula sa salamin. Lalo pa akong nainis nang makita siyang ngumisi.

"I'm sure it's a boy," lalo pang lumapad ang kaniyang pagkakangisi!

Nanggigil ang mga labi ko. Amaw! "Nagsisimula ka na naman, ah?" nagbabanta agad ang tinig ko.

Umangat ang gilid ng kaniyang labi, tumabingi ang ulo na para bang pinag-aaralan ang kabuuan ko. Nangunot ang noo ko nang muli pang lumapad ang pagkakangisi niya.

"What?" asik ko.

"Big tummy looks good on you."

Umawang ang labi ko saka wala sa sariling nadampot ang face towel at ibinato 'yon sa kaniya. Na awtomatiko niya nga lang nasalo, nang hindi inaalis ang tingin at pagkakangisi sa akin.

"That's my moon, baby," nakangisi, mayabang niyang sinabi, ang paningin ay nanggaling sa tiyan ko saka muling sinalubong ang aking mga mata!

Inis kong nadampot ang toothbrush at walang-habas na ibinato sa kaniya! Muli niyang nasalo 'yon dahilan para lalo akong mainis. Sunod kong ibinato ang toothpaste na nasalo muli niya! Nagugulat man ay sinamaan ko siya ng tingin. Buong lakas ko nang ginagawa 'yon pero walang kahirap-hirap niyang nasasalo. Pero sa halip na humanga ay lalo lang akong napipikon!

Inis akong naghanap ng madadampot at muling ibabato sa kaniya ngunit lahat nang naroon ay babasagin na. Gano'n na lang ang gulat ko nang lumapit siya at ilahad lahat ng naibato ko. Wala sa sarili kong nakuha ang mga 'yon at tinanaw siyang bumalik sa pintuan. Nakangiti siyang tumingin sa 'kin saka sumenyas na animong sasaluhin uli ang anumang ibabato ko.

Inis kong nilukot ang face towel at akma nang ibabato sa kaniya nang muling sumilay ang ngisi sa mukha niya.

"I hate your face!" asik ko saka ibinato na lang kung saan ang towel. Inis ko siyang tinalikuran saka ako naghilamos.

Saka ako natigilan nang maisip ang dahilan kung bakit gano'n na lang kabilis magbago ng mood ko. Napailing ako para mawala 'yon sa isip ko saka ko tinapos ang ginagawa.

"Why are you following me?" inis kong tanong nang sundan ako ni Maxwell sa vanity.

"Breakfast's ready," aniya na talagang tumayo sa likuran ko, mula roon ay tinudukwang niya ang mukha ko.

"Mauna ka na, susunod ako."

"I'll wait for you."

"Distansya," asik ko saka itinulak siya nang bahagya.

Bumuntong-hininga siya saka ako tinitigan mula sa salamin. Talagang pinanood niya ang bawat ginagawa ko. Hindi ko maiwasang lalong mainis sa kaniya.

"Do you wanna go shopping?" bigla ay tanong niya.

Natigilan ako. Alam talaga ng lokong ito ang kahinaan ko. "No."

"How about swimming?"

"No."

"Why?"

"Ayaw kitang kasama."

Nangunot ang noo niya. "Seriously?"masungit niyang tugon.

"Seriously."

Umawang ang labi niya, hindi talaga makapaniwala. "I know how much you wanna be with me."

"Not anymore."

"No way," hindi talaga siya naniniwala.

"Psh."

"Let's go to the doctor," mahinahon niyang sinabi, hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Ano? Para saan?" tanong ko. Ngumisi siya saka sinulyapan na naman ang tiyan ko. Inis ko siyang tinulak. "Ayoko."

"Please."

"No."

Bumuntong-hininga siya. "Okay."

Inis kong tinapos ang ginagawa at saka inunahan siyang lumabas ng kwarto. What's wrong with me? Nakaka-frustrate 'yong maging ako ay hindi maintindihan ang sarili ko.

Tahimik ang lahat nang dumulog kami sa mesa. Palihim na sumama ang mukha ko nang makitang ang bakante lang na silya ay ang parehong katabi ng pwesto ni Maxwell. Tinaliman ko siya ng tingin nang nakangisi niya akong alalayan na maupo.

Palihim kong hinanap ang ibang silya na halatang sinadyang alisin para maging sapat lang ang bilang ng naroon sa mga narito ngayon.

Mautak talaga! Napipika kong singhal sa aking isip.

Akma ko nang kukunin ang plate ni Maxwell nang masulyapan ko ang nagmamalaking ngisi sa kaniyang mukha, inaasahan nang pagsisilbihan ko siya.

Sa asar ay pasiring kong inalis ang paningin sa kaniya saka dinampot ang bowl ng rice at nagsalin sa sarili kong plato. Basta ko na lang iyong inilapag sa harap niya kaya naman ganoon na lang ang pagkakakunot ng kaniyang noo, salubong na salubong ang mga kilay.

"Serve yourself, Maxwell Laurent,"mahina kong sinabi.

Ngunit kahit anong hina niyon ay hindi nakaligtas sa pandinig ng mga Moon. Sabay-sabay silang sumulyap sa 'min na nagdulot ng hindi maipaliwanag na kilabot sa 'kin. Palihim akong napapikit at napanguso sa inis.

"She's tired of me," hindi ko inaasahang ganoon kaemosyonal, ganoon kadrama iyong sasabihin ni Maxwell. Napalingon ako sa kaniya ngunit ang paningin niya ay naroon lang sa kaniyang plato. "She hates to see me. She doesn't want to be with me. She doesn't love me anymore..."

Umawang ang labi ko sa inis at saka dinampot ang plato niya upang punasan 'yon. Inaasahan kong ngingisi ulit siya, magyayabang, mang-aasar pero hindi na 'yon nangyari.

"He really lost his memory. But he's trying," hindi ko na naman inaasahang magsasalita si Maxpein. Nagugulat akong lumingon sa kaniya. "Please..." bumuntong-hininga siya. "Alam kong mahirap para sa inyong pareho 'to, lalo na sa 'yo, Yaz. Pero...please... Kung hindi ninyo kayang mawala ang isa't isa, kaunting tiis pa."

Sandali akong natulala sa kawalan saka napapalunok na tiningnan isa-isa ang mga Moon. Lahat sila ay napabuntong-hininga sa 'kin saka nagtuloy sa pagkain.

Napapahiya kong nilingon si Maxwell. Ngumiti siya dahilan para muling mabuhay ang agam-agam ko. Gusto kong maniwalaan si Maxpein pero sa t'wing makikita kong ngumingiti, lalo na kung ngumingisi si Maxwell, nawawala ang kagustuhan kong maniwala.

Mabilis kong pinagsilbihan si Maxwell saka ko sinimulang kumain. Agad akong natigilan matapos malasahan ang salad.

"I like this," wala sa sarili kong nasabi saka muling sumubo. Tumango-tango ako habang ngumunguya. "Who prepared this?"

Ganoon na lang ang pagmamalaki sa halakhak ni Maxrill. Sa totoo lang ay hindi niya na kailangang magsalita, nasisiguro kong siya ang gumawa nito. Base na rin sa sinabi ni Tita Maze kanina. Lahat ng may kinalaman sa dahon ay siguradong si Maxrill ang dahilan.

"This is so tasty, Maxrill!" sabi ko na magkakasunod pang sumubo, na halos mapuno ang bibig ko. "Can I have some more?" sabi ko, na bago pa may makasagot ay tumayo na para abutin ang bowl ng salad. "Hmm..." excited kong sinabi habang nagsasalin sa sariling plato.

Panay ang pagdila ko sa labi at paglunok habang ginagawa iyon, para bang takam na takam ako. Hindi ko na rin kasi matandaan kung kailan ako huling kumain ng salad.

"Yummy..." sabi ko habang tinutuhod ang mga dahon at iba pang sangkap. Napapikit ako matapos isubo iyon. Panay ang pagsinghap ko habang ngumunguya. "This is so good,"baling ko kay Maxwell.

"Hmm, yeah?" tiim-bagang niyang tugon, hindi ko siya inintindi.

Sa halip ay tumango ako saka muling tumuhog at sumubo nang nakatingin sa kaniya. Nang may tumulong sauce sa gilid ng labi ko ay pinunasan ko iyon ng aking daliri saka dinilaan ang parteng iyon ng aking labi. Saka ko sinipsip ang daliri ko.

"Hmm...ang sarap...sarap..." sabi ko, ang paningin ay na kay Maxwell.

Nahinto siya sa pagnguya at tiim-bagang na tumitig sa 'kin. Natigilan ako at napilitang ngumiti sa ibang naroon. Pero lahat din sila ay kunot-noong pinanonood ako.

Nakuha ko ang table napkin at pinunasan ang labi ko. "Hehe, this is so...masarap..,"napabuntong-hininga ako saka ipinagpatuloy ang pagkain.

Nang matapos ay agad akong nagpaalam na magpapahinga. Agad akong dumeretso sa kwarto at nakasimangot na nanood ng TV habang nakaupo sa fur carpet. Iyon nga lang, kahit anong titig ko ro'n ay wala akong maintindihan. Para akong batang nagmamaktol.

"They're all leaving, don't you want come?" seryosong tanong ni Maxwell nang pumasok sa kwarto, nakasimangot.

Umiling ako. "I said I want to rest, Maxwell. Sumama ka sa kanila kung gusto mo," mataray kong tugon.

Ngumiwi siya bagaman hindi nawawala ang pagkakasalubong ng mga kilay. "I'll stay here with you," pabuntong-hininga niyang tugon.

Gano'n na lang ang gulat ko nang pumuwesto siya sa mismong likuran ko. Ang pareho niyang hita ay iniharang sa magkabilang tagiliran ko. Saka niya iniyakap ang parehong braso sa tiyan ko.

"Gaano kasarap 'yong salad?"kapagkuwa'y bulong niya, mahihimigan ang inis sa kaniyang tinig.

"Bakit hindi mo tinikman?" inis kong asik saka lumingon sa kaniya.

Pero gano'n na lang ang paglunok ko nang salubungin niya ang titig ko. Halos magkaamuyan kami ng mga hininga sa lapit ng mukha sa isa't isa.

Nababagot siyang tumitig sa mga mata ko hanggang sa bumaba iyon sa labi ko.

"Ngayon ko titikman," mahinang aniya.

Napamaang ako. "Saan?"

"Sa labi mo," bulong niya saka inilapit ang mukha sa akin.

Sinimsim niya ang ibabang labi ko na para bang matitikman niya nga ang salad doon. Sa isip ko ay gusto ko siyang itulak palayo. Pero ang pakiramdam na idinudulot niya ang pumipigil sa 'kin. Pakiramdam na hindi na yata mawawala sa 'kin sa t'wing hahalikan niya ako.

Naramdaman ko nang bitiwan niya ang labi ko. Pero hindi ko nagawang imulat agad ang mga mata ko.

"Hmm?" ungol niya dahilan para mapamulat ako at mapahiya. "Salad o ako?"kunot-noo niyang tanong.

Umawang ang labi ko at talagang napatitig sa kaniya. Kunot-noo kong tinapos nang sandali ring iyon ang pagtatalo ng puso at isip ko.

Nasisiguro kong hindi talaga nawala ang alaala mo, Maxwell.

To be continued. . .

Continue Reading

You'll Also Like

7.3K 56 5
this is spoken poetry originally made by me.
20.1M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.1M 61.3K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...