Ang Nakaraan

By dirkyleo

22.4K 1.4K 86

Sa loob ng pitong taon, tahimik na nanirahan si Lena sa Canada. Pero mababago ang lahat ng makatanggap siya n... More

1: Just When You Think You Are Moving Forward Then You Get A Surprise Text
2: You Are Supposed To Train & Not Fall In Love
3: When Your Past Catches Up With You & You Are Warned Not To Be Disappointed
4: The More You Ignore Me, The Closer I Get
5: I Went Out To Meet A Friend & Ran Into My Ex
6: When You Should Have Insisted And Avoided The Awkward Meeting With Your Ex
7: The Mad Dragon
8: What Really Happened During Those Seven Years
9: Confessions Over Hawaiian Pizza & Chicken Wings
10: From The Grocery Store To The Birthday Party
11: The Patay-Gutom Meal & The Three Second Rule
12: May Deadline Ba Ang Forgiveness?
13: Say It In A Song
14: A Laundry List Of Never-Ending Problems
15: Cracks
16: Reality Really Bites...Hard
17: Breaking Up Is Hard To Do
19: David & Goliath
20: Tomato/Tomatoe
21: Moving Day
22: Banff
23: With The Fridge As Our Witness
24: The Truth About Lena
25: The Opposition
26: Debut
27: Future Sex
28: Indebted
29: The Other Side Of The Story
30: Those Seven Years Of Silence
31: La Femme Accident
32: Spring Awakening
33: December

18: House Search

506 39 0
By dirkyleo




May sikreto kami ni Ate Clara.

Pero tulad ng pinayo niya sa akin, it's all about timing.

"I'm glad you told me but I have to warn you. Mama may not take kindly to this kapag nalaman niya na you like girls."

"Just one girl."

"A girl nonetheless."

Nasa kusina kami at nililigpit ang mga pinagkainan after pumunta ni Carlo para pormal na humingi ng blessing ni Tita Nena.

Tama lang ang height niya, chubby, clean-cut ang gupit at maputi.

Mukha namang mabait at magalang kung ang pagbabasehan ay ang pakikitungo niya kay Tita Nena.

Pinoy din siya.

Nagmigrate sila sa Canada noong twelve years old siya.

Nurse ang nanay niya na naging caregiver at ang tatay niya naman na dating teacher ay nagtrabaho sa construction.

Apat silang magkakapatid at siya ang bunso.

Siya na lang ang walang asawa.

Nagtatrabaho siya bilang engineer sa Shell.

Isang bagay na approve ni Tita Nena.

Pagkatapos ng dinner, naiwan kami ni Ate Clara dahil umalis si Ate Mercy at Carlo.

Pupunta sila sa Canmore dahil may bahay ito doon.

Si Tita naman, maaga daw siyang matutulog dahil sumakit bigla ang ulo niya.

Magaan sa pakiramdam na may iba pang nakakaalam tungkol sa sikreto ko.

Hindi naman ako natakot na magagalit si Ate Clara.

Ang sabi niya sa akin, mas naiintindihan niya daw kung bakit unhappy ako.

"Mahirap ang nasa closet but your reason for not coming out is valid. You really love your family a lot."

She also shared something with me.

May kaclose din siyang nurse sa hospital.

Babae din.

"But unlike you and Hazel, we don't want to label what we have. We enjoy each other's company. But if I'm being honest with you, I know we are more than friends."

The two of them had sex.

"Okay lang naman sa akin ang ganitong set up. We have an understanding not to see other people. That in itself is a commitment of some sort don't you think?"

Tumango lang ako.

Pagkatapos kong magtapat kay Ate Clara, medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Nakatulog ako ng mahimbing ng gabing iyon.

Nakalimutan ang mga drama ng nagdaang araw.

Gusto ko sanang i-text si Hazel pero baka lalong magkagulo sila ni Gin.

Umaasa ako na sana, siya na lang ang maunang magtext.

Mas madali kung ganoon.

Pero ang text na nareceive ko ay hindi galing sa kanya kundi kay Maddie.

Kailangan niya daw ang tulong ko.

Tinawagan ko siya.

Doon niya sinabi ang problema nila ni Hazel.

Pagkagaling ko sa trabaho, dumiretso ako sa bahay nila.

Sa awa ng Diyos, hindi na ako naligaw.

Bago niya ako pinapunta, sinabi niya na umalis na si Gin.

Safe daw na pumunta ako.

Pagdating ko sa bahay nila, pinagbuksan ako ni Maddie ng pinto.

Makipot ang entrance kaya naunang pumasok si Maddie at sumunod ako.

Pero bago dumiretso sa sala, inalis ko muna ang sapatos.

Pinatong ko sa metal shoe rack na malapit sa pinto.

Gray ang makintab na hardwood na sahig.

Sa sala ay may shag rag kung saan nakapatong ang glass-topped table.

Leather ang dark brown sofa.

Sa tapat nito ay may flat screen TV.

Sa kaliwang bahagi ay may fireplace.

Nakapatong sa mantelpiece ang picture frames ng pamilya ni Maddie.

"Bakla, thank you talaga." Umupo kami.

Binuksan ko ang backpack at nilabas ang laptop.

"Wala iyon ano ka ba?" Inangat ko ang cover at pag-open ng log-in command ay tinype ko ang username at password.

Nakatingin sa akin si Maddie habang ginagawa ko ito.

"Hindi ko alam na puwede palang gawin ng franchisee ang ginawa niya sa inyo."

"Di nga din namin alam eh." Malungkot ang boses niya.

"Can you imagine kung nangyari ito at wala kaming kakilala dito? Ano na lang ang gagawin namin?"

"I'm sure merong tutulong sa inyo. Most of the time, maraming Pinoy na nagtatrabaho sa same franchise di ba?"

Hinintay kong mag-boot ang laptop.

"Oo pero ang kasama naming Pinay, grabe ang suplada. Kapag kinakausap namin ng Tagalog, sasabihan ba naman kami na English only please. Sipsip ang puta."

Natawa lang ako.

"May mga ganyan klaseng tao talaga. Hindi na iyan maiaalis."

Nag-open na ang screen pati ang mga icons.

Pinindot ko ang Google Chrome at tinype sa search bar ang kijiji.ca.

"Ikuha muna kita ng makakain. Para ganahan kang maghanap." Tumayo siya at pumunta sa kusina.

Hinintay ko na magpopulate ang results.

"Ano ba ang hinahanap ninyo ni Haze?"

Sumilip siya mula sa kusina.

May hawak siyang baso na may yelo.

"Kung puwede sana, hindi basement suite. Mas malamig kasi doon kapag winter di ba?"

"Oo. Kung ayaw mo sa basement, hanap tayo ng upper-level suite. Okay lang kung mas mahal?"

"Depende kung gaano kamahal. Kung kapareho lang ng ibabayad namin dito, eh di dito na lang kami mag-stay."

"Kunsabagay. Pero maghanap muna tayo. Malay mo di ba?"

Bumalik siya sa loob ng kusina.

Nilimit ko ang search sa gusto nina Maddie.

Pagbalik niya, tinanong ko kung saang area nila gustong tumira.

"Kung meron dito sa northwest, mas okay. At least malapit lang sa work namin."

"Saang area?"

"Puwedeng dito na lang din sa Paramount?"

"Ba't di natin lawakan? Baka kasi kung masyadong specific, wala tayong mahanap."

"Sige. Ikaw ang bahala.Tutal mas alam mo ang ginagawa mo."

Pinalitan ko ang search options.

Tinype ko sa search bar ang gusto niya.

"Kumain ka muna." Inabot niya sa akin ang plato na may lamang ensaymada.

May Coke-in-can na nasa tabi ng baso na may yelo.

Habang nagki-click, kung anu-ano ang nakikita namin ni Maddie.

May mga bahay na luma na.

May mga unit na mukhang inayos para sa picture.

Pero kapag nagzoom in sa image, kita ang mga butas sa dingding, maduming carpets at maduming gamit.

"Tingnan mo 'to, bakla." Tinuro niya ang blinds ng isang basement suite.

Tanggal na ang iba.

"Paano sila makakakuha ng renter kung sa picture pa lang eh panget na?"

"Huwag na nating pag-aksayahan ng panahon ang mga iyan."

Napatingin ako sa last picture sa page na tinitingnan namin.

"Heto, Maddie. Mukhang promising."

Nilapit ni Maddie ang mukha niya sa screen.

Pito ang images na nakapost.

Pinindot niya isa-isa ang mga picture.

Walkout basement so may sarili silang pinto.

Gray laminate floors, may sariling kitchen na furnished with a stove, oven toaster, microwave at fridge.

May counter kung saan puwede silang kumain at lababo for them to do their own dishes.

Average size ang dalawang kuwarto.

Hindi nga lang provided ang kama.

"Okay lang sa inyo?"

"Oo. Ayoko din naman ng kama ng iba. Malay ko kung anong ginawa nila doon?"

"Okay."

Half-size ang bathroom na covered ng glass, may maliit na lababo at table sa loob.

Katabi ng shower ang toilet.

"Bakla, mukhang okay ito."

"Good. May contact number sa description. Ba't di mo tawagan?"

"Sige." Kinuha niya ang phone na nakapatong sa table.

Binasa niya ng malakas ang phone number habang dina-dial.

Sumandal ako sa sofa at kinusot ang mga mata na pagod na sa kakatingin sa computer maghapon.

May nasabi yata ang kausap ni Maddie dahil natunugan ko ang disappointment sa boses niya.

"I'll give you my phone number in case the other person changes her mind."

Mukhang hindi pa yata para sa kanila ang napili namin.

Nagpaalam na si Maddie sa kausap.

Pinatong niya ang phone sa table at sumandal sa sofa.

"May nauna na daw pero tatawagan ako kung hindi matuloy."

"Eh di maghanap tayo ng iba."

Tumingala siya at tiningnan ang wall clock.

Maga-alas siyete na pala ng gabi.

"Nakakahiya naman sa'yo. Baka hanapin ka ng tita mo."

"Okay lang. Nagtext naman ako."

"Dito ka na lang maghapunan."

"Sige."

Nilabas niya sa fridge ang glass bowl na may nilagang baka.

"Pasensiya na, bakla. Kagabi ko pa 'to niluto."

"Okay lang iyan."

Kumuha siya ng mangko at nilagay sa microwave ang ulam.

Habang naghahanda kami ng hapunan ay may kumatok sa pinto.

Continue Reading

You'll Also Like

693K 16.4K 38
Britney A 28 yr old, sexy and drop-dead gorgeous college professor. She is 5'8, has a slim ,hot body and a sexy-intelligent mind. Boys and girls swoo...
222K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
45K 925 48
Ang babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturi...
264K 8K 47
𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗨𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗦𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗺𝗯𝗮𝗯𝗮𝘀𝗮♡ ✫ April 17,2019✰ ★ June 21...