24: The Truth About Lena

505 39 5
                                    




Noong malapit na akong grumaduate sa high school, hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga magulang ko na nakapasa ako sa entrance exam sa college.

Lingid kasi sa kanila, nagtake ako ng entrance exam.

Bakit ko tinago?

Kasi, palaging sinasabi sa akin ni Tatay na pagkatapos ng high school, titigil na ako sa pag-aaral.

May iba pa daw akong kapatid na nag-aaral din.

Hindi na daw nila kayang pagsabay-sabayin ang lahat.

Mas mabuti daw kung magtrabaho na lang ako.

Makakatulong ako ng malaki sa aming lahat.

Pero gusto ko talagang mag-aral sa college.

Ang edukasyon ang nakikita kong paraan para makaahon kami sa hirap.

Kung titigil ako, o kung idedelay ko ang pag-aaral, baka tamarin na ako.

Kaya naman hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanila ang lahat.

That's the thing with delaying.

Habang lumilipas ang mga araw, hindi naman nababawasan ang anxiety at agony ko.

Ang totoo nga, nai-stress akong maigi.

Pagod ako emotionally.

Minsan hindi din ako makatulog sa kakaisip.

Napupuyat ako dahil pinagbabali-baliktad ko sa isip ko kung ano ang dapat kong gawin.

It wasn't even a bad thing.

Pero nagiging negative ang magandang bagay dahil sa magkaibang opinion namin ng magulang ko.

Nang hindi ko na kaya at kahit natatakot na magagalit sila, kinausap ko si Nanay.

Sinabi ko sa kanya ang ginawa ko.

Noong umpisa, nasermonan niya ako.

Bakit ko daw ito ginawa?

Naisip ko daw ba ang mga gastusin?

Isa pa, paano kung magalit si Tatay?

"Gipit na tayo, Lena. Saan kami kukuha ng pambayad sa mga libro mo at iba pang gastusin? Saan ka kukuha ng pambaon?"

Sinabi ko na magwoworking student ako.

Duda si Nanay na kaya kong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Pero pinagpilitan ko ang gusto ko.

Nang dumating si Tatay, hindi pa man nito nailalapag ang bitbit na tool box, sinabi agad sa kanya ni Nanay ang nangyari.

Nasigawan ako ni Tatay.

Wrong timing naman kasi.

Gutom at pagod si Tatay pero hindi man lang tinantiya ni Nanay kung good mood ito o hindi.

Nasermonan tuloy ako.

Kesyo malaking problema daw ang pinasok ko.

Wala daw siyang ipantutustos sa pag-aaral ko.

Huwag ko daw ipagpilitan ang pagkacollege dahil hindi nila kaya.

Habang maaga pa daw, huwag kong tanggapin ang scholarship.

Pero pinanindigan ko ang gusto ko.

Sinabi ko din sa kanya ang sinabi ko kay Nanay na magwoworking student ako.

"At ano? Papatayin mo ang sarili mo ganoon ba?"

"Kesa naman mamatay tayong pare-pareho sa gutom."

Umangat ang kamay ni Tatay.

Ang NakaraanWhere stories live. Discover now