20: Tomato/Tomatoe

482 42 0
                                    




Pagdating ko sa bahay, nasa sala sila ni Ate Mercy at nanonood ng palabas sa Filipino Channel.

Nagulat sila ng makita ako pagpasok.

So much for wishing na maaga natulog si Tita dahil sa sakit ng ulo.

Umaasa din ako na wala si Ate Mercy at kasama si Carlo.

Pero luck wasn't on my side that night.

Ang hirap ipaliwanag ng hitsura ko kay Tita Nena.

Pinanindigan ko na ang alibi ko.

Kailangang maging consistent.

Bago ko iniwan si Hazel at Maddie, sinabi ko sa kanila na kung ano ang sinabi kong rason sa doktor, iyon ang version na sasabihin namin kahit sino ang magtanong.

Baka kasi dumating ang time na makilala nila si Tita at mapag-usapan ang tungkol dito, at least pare-pareho kami ng sasabihin.

"Bakit ka naman nadulas? Ano bang ginagawa mo?" Hinawakan niya ang mukha ko at tiningnan ang ilong ko.

"Aray, Tita. Dahan-dahan naman po." Daing ko.

Ang higpit kasi ng hawak niya sa pisngi ko.

Habang nasa biyahe, nakaramdam na ako ng kirot.

Hindi nga ako makapagconcentrate sa pagmamaneho dahil sa sakit.

Pinilit ako ni Hazel na kumain bago pinainom ng Tylenol.

Gusto sana niya na ihatid ako kaso hindi pa niya nakukuha ang lisensiya niya.

Ayoko din namang magpahatid dahil malayo ang bahay ko.

Baka wala na siyang bus na masakyan pauwi.

"Wala naman po, Tita." Nakatingin lang sa akin si Ate Mercy.

Mukhang hindi siya kumbinsido sa nangyari sa akin.

"Pababa lang po ako kaso sumala ang pagtapak kaya hayan."

"Ba't hindi ang paa mo ang napilayan kung nahulog ka?" Tanong ni Ate Mercy.

"Ewan ko, Ate. Basta pagbagsak ko, tumama ang ilong ko sa vase na nasa paanan ng hagdan."

"Mag-iingat ka ngang bata ka. Baka sabihin ni Emilia, pinapabayaan kita."

"Opo, Tita."

Nagsabi ako na papasok na sa kuwarto.

Sumasakit na din kasi ang ulo ko.

Hindi ako makatulog  ng gabing iyon.

Ang kirot kasi ng ilong ko.

Pakiramdam ko, kasing laki ng kamatis kasi parang ang bigat.

Paikot-ikot ako sa higaan.

Mukhang hindi ako nito makakapasok bukas.

Siguradong magagalit sa akin ang manager namin.

Pero valid naman ang rason ko.

Isa pa, hindi din ako pala-absent sa trabaho.

Ang totoo nga, ilang beses na akong naging employee of the month.

Nang hindi ko na alam ang gagawin, umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone na nasa side table.

May text pala si Hazel.

Nagtatanong kung nakauwi na daw ako.

Tiningnan ko ang time stamp ng text.

10:47 pm.

Nagdalawang-isip ako kung magrereply o hindi.

Kung tulog na siya, hindi siya magrereply.

Ang NakaraanWhere stories live. Discover now