33: December

1.1K 66 14
                                    







Sa maliit na parokya sa barangay namin ikinasal si Emil at Christine.

Kumpleto ang pamilya niya para sa wedding.

Tatlo pala silang magkakapatid at siya ang bunso.

Retired government employee ang mga magulang niya.

Sa side namin, si Ate Lara lang ang wala.

Gusto niya mang umuwi, hindi siya pinayagan ng amo niya.

Ang habilin niya, kumuha ng maraming pictures at i-send sa kanya.

Para maramdaman niya na kasama namin siya, nakavideo call siya at nanonood siya habang naghahanda kami.

Nang araw ng kasal, kasamang dumating ni Hazel si Ate Ruby.

Hindi katulad dati na lagi niya akong sinusupladahan lalo na kapag nagi-stay ako sa bahay nila, mabait na ang pakikitungo niya sa akin.

Nag-usap kaming dalawa.

Nagpasalamat siya sa tulong na ginawa ko.

Humingi din siya ng sorry dahil sa treatment na binigay niya sa akin dati.

"Okay lang iyon, Ate. Totoo naman kasi na malayo ang estado namin ni Hazel sa buhay."

"I know but it doesn't give me a right to be mean to you. It's sad because it took a tragedy for me to realize how bad I was."

"Wala namang may gusto na mangyari iyon."

"Unpredictable talaga ang buhay."

"Tell me about it."

Nagtawanan kaming dalawa.

It also took a tragedy for my parents to change their mind about me.

Naisip ko, kung hindi kaya ako naaksidente, hindi pa din kaya nila ako kikibuin?

Gaano katagal nila akong titiisin just because I love a woman?

Isang babae na hindi nawala sa puso at isip ko kahit lumayo na ako.

Isang babae na nasa tabi ko at naghihintay para gumising ako ulit.

When my family picked us up at the airport, iyakan at yakapan ang nangyari.

Ang hindi ko inasahan ay ng lumapit si Nanay kay Hazel at niyakap ito.

Tinawag niya itong anak.

Bago kami umuwi, naikuwento ko sa kanya ang nangyari sa mga magulang ni Hazel.

Bigla kasing nagtanong si Nanay kung susunduin daw ba si Hazel ng pamilya niya.

Sinabi ko ang nangyari at tahimik lang si Nanay habang nagkikuwento ako tungkol sa aksidente na kumitil sa buhay ng magulang ni Hazel.

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Nanay.

Nagkatinginan nga kami ni Hazel.

Pareho kasi kaming nagulat.

Ayaw man naming maghiwalay, kailangan niyang umuwi sa kanila.

Halos hindi ko mabitawan ang kamay niya.

Ganoon din naman siya sa akin.

Pero maliit lang ang bahay namin at kailangan din niya ng family time with Ate Ruby.

Nakakatawa kasi nag-uusap kami sa phone.

Parang walang pinag-iba noong una kaming nag-usap ng magkita kami ulit sa Canada.

Nang makabawi ng jetlag, hinatid ako ni Kuya Edwin sa bahay nina Hazel.

Noon ko lang nakita ang tinitirhan nila.

Ang NakaraanWhere stories live. Discover now