12: May Deadline Ba Ang Forgiveness?

556 50 5
                                    







"Sorry ha?" Sabi ko kay Hazel habang naglalakad kami papunta sa CR.

Tri-level pala ang bahay nina Joey.

Sa pinakataas ang mga kuwarto.

Hardwood din ang sahig at may mga nakasabit na picture frames sa dingding.

Bukod sa picture, may isang estante kung saan nakalagay ang malaking Santo Niño na naiilawan ng battery-powered light.

Parang sinusundan kami ng tingin ng santo habang naglalakad sa hallway at hinahanap ang washroom.

"Are you apologizing about the food you spilled..." Humarap siya sa akin, "or about something else?"

Narating din namin ang dulo ng hallway.

Pinihit ni Hazel ang doorknob at pinindot ang light switch.

Sa tabi ng pinto ang ceramic twin bathroom sink.

Malaki ang salamin na naliliwanagan ng LED bulbs sa clear blown glass vanity lights.

Natatakpan ng white plastic curtains ang bathtub.

Amoy lavender ang banyo galing sa air freshener na nakasaksak sa gilid ng lababo.

Umupo ako sa ibabaw ng toilet seat.

"Ang tagal ko ng nag-apologize sa'yo, Haze." Paalala ko sa kanya.

"Pahingi ako ng tissue." Hindi ko alam kung narinig niya ang sinabi ko o sinadya niyang hindi pansinin.

Hinila ko ang tissue na nasa tapat ng toilet bowl.

Inikot ko ng inikot hanggang sa kumapal bago ko inabot sa kanya.

Binuksan ni Hazel ang gripo tapos hininaan para hindi matunaw ng tubig ang tissue na hawak niya.

Dahan-dahan niyang tinapik-tapik ang pantalon para matanggal ang dumikit na sauce.

"May deadline ba ang forgiveness?"

"Hindi ko alam. Pero para sa akin, it would have been nice to know noon pa."

"Lena, ang daming nangyari sa akin noong time na iyon."

"Alam ko."

"Alam mo?" Kumunot ang noo niya.

Tumigil siya sa paglilinis ng pantalon.

"Nakalimutan mo na ba na daig ba ni Maddie ang TMZ?"

Umiling na lang siya.

"Lagi kitang kinukumusta sa kanya. Sinabi niya lahat ng nangyari after kong umalis. Oo. Mali ako na nilihim ko sa'yo ang plano ko. But I have my reasons."

"What are your reasons?" Tinapon niya sa plastic wastebasket ang tissue at sumandal sa sink counter.

"Devastating ang nangyari sa'yo. Kung sa akin man nangyari ang ganoon, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Baka nga nabaliw ako. Pero ikaw, kahit hirap na hirap ka, hindi ka bumigay."

"So, anong reason mo kung bakit hindi mo sinabi sa akin na nag-aayos ka na pala ng mga papeles mo papuntang Canada?"

"Ayokong dagdagan pa ang iisipin mo."

"Ayaw mong makadagdag or this is your bullshit version of the truth?"

Natahimik ako.

"Lena, you don't have to lie to me anymore. Pitong taon na ang lumipas sa ating dalawa. If you really want me to forgive you, tell me the truth. At least you owe me that."

Gusto niya ng truth so sinabi ko.

Inamin ko na since fragile ang emotions niya at the time, natakot ako na baka hindi niya kayang i-handle ang pag-alis ko. Natakot ako na baka hilingin mo na huwag akong umalis."

Ang NakaraanWhere stories live. Discover now