10: From The Grocery Store To The Birthday Party

557 44 2
                                    







I should stop converting dollars to peso kapag nagogrocery ako.

Pero hindi ko maiwasan.

Ang tagal ko tuloy mamili na laging pinagtataka ni Gin.

When I left for Canada, three hundred dollars lang ang pocket money ko.

Kailangan kong pagkasyahin iyon bago ako sumahod.

Kapag naiisip ko ang nangyayari, it makes me laugh but not in a happy way.

Dati, wala akong pakialam pagdating sa pera.

If I like something, bibilhan ko without giving it any thought.

Pero after what happened to my parents, after I learned how much my father owed, I counted every single cent na lumalabas.

Napuwersa akong magbudget.

More so because hindi ko na solo ang pera ko.

Most of it goes to the bank to pay his debts.

Mahigit two hours na ako sa grocery pero ang laman lang ng cart ko ay isang sako ng 8-kg na white rice, tatlong lata ng corned beef, isang pack ng white sugar, isang jar ngNescafe instant coffee at six-pack ng Lucky Me pancit canton.

Iniikot ko ang bawat aisle sa paghahanap ng sale.

Kinukumpara ko din ang mga brands to substitute for those I prefer.

Obviously, mas mahal ang mga imported products tulad ng Ligo sardines at Lucky Me pancit canton.

Nagkataon lang na sale ang Lucky Me kaya bumili ako.

Naglalakad ako sa International food aisle ng biglang may tumawag sa akin.

I have to think kung sino ang matangkad na lalake sa harapan ko.

"Mam Haze, si Joey po."

Joey?

Kumurap-kurap ako.

Pilit na iniisip kung sino si Joey.

"Back up po ako dati sa Macky's, Mam." Nakangiti siya at tuwang-tuwa na nagkita kami.

"Pinahiram pa nga po ninyo ako dati ng perang pambili ng gamot ng kapatid ko."

Ah. Siya pala.

"Kumusta ka na?" Ngumiti na ako.

"Nasa Canada ka na din pala?"

"Opo, Mam. Inisponsor po kasi si Papa nang Tito ko. Three years na po kami dito. Kayo po, Mam? Kumusta? Kailan po kayo dumating?"

"Okay naman ako. Two months pa lang ako dito."

Hindi pa din maalis ang ngiti sa mukha ni Joey.

Napansin ko ang suot niya.

Asul na T-shirt at nakasulat ng permanent marker ang name niya sa white space sa bandang dibdib ng suot niya.

Napansin niya ang tingin ko at siya na ang nag-explain.

"Part-time po ako dito, Mam. Mamaya po nasa check-out counter na ako.  Doon na lang po kayo pumila. Bigyan ko po kayo ng discount."

"Nakakahiya naman."

"Okay lang po iyon, Mam. Hindi ko po nakakalimutan ang tulong na ginawa ninyo sa akin dati. Niligtas ninyo po ang kapatid ko. Kung hindi dahil sa perang binigay ninyo, baka po hindi namin  siya kasama ngayon."

Nangilid ang luha ni Joey habang nagkikwento.

Saglit pa kaming nagkwentuhan.

Tinanong niya kung sino ang kasama ko.

Ang NakaraanМесто, где живут истории. Откройте их для себя