22: Banff

534 43 4
                                    




Habang lumilipas ang mga araw, lalo kaming naging close ni Hazel.

Sa mga araw na hindi kami nagkikita, lagi kaming nagtetext.

Pati si Maddie, lagi ko ding kausap.

Nakakapag-adjust na daw sila sa bago nilang bahay.

Mabait naman daw iyong landlord at hindi sila pinapakialaman.

Bago matapos ang summer, niyaya ko silang dalawa na pumunta sa Banff.

Popular tourist destination ang national park.

Since hindi pa sila nakakarating, excited ang dalawa.

Excited din naman ako pero ang pagpapaalam was an adventure in itself.

Dati kasi, hindi ako masyadong gumagala.

Kapag day off ko, nasa bahay lang ako.

Kung hindi ako naglilinis, nag-aasikaso ako ng mga labada o di kaya nanonood lang ng movies sa laptop.

Umaalis lang ako kung may pupuntahan kami ni Tita Nena.

"Sinong kasama mo sa Banff?" Kami lang ni Tita sa bahay.

May duty si Ate Clara.

Si Ate Mercy naman, lumabas for dinner with Carlo.

"Si Maddie po at si Hazel."

"Sino naman sila?"

Nabanggit ko na ang dalawa sa kanya dati noong naghahanap ang mga ito ng bahay.

Nakalimutan niya na yata.

Sinabi ko ulit sa kanya kung paano ko nakilala si Maddie at Hazel.

"Mabait ba sila?" Sumandok si Tita ng menudo.

"Opo. Hindi ko naman sila magiging kaibigan kung hindi sila mabait."

Tumango-tango siya.

"Kanino ka mas close?"

Isusubo ko na sana ang kanin pero binaba ko ulit ang kutsara sa plato.

Paano ko sasagutin ang tanong na ito na acceptable kay Tita?

"Pareho po ako close sa kanila. Magkaiba lang po talaga sila ng personality."

"Anong personality nila?"

Oh my god.

Bakit ang daming tanong?

"Alam ko na. Malapit na ang birthday mo di ba?"

"Opo, Tita."

"Bakit hindi mo sila imbitahin?"

"Teka, Tita. Wala naman po akong balak magcelebrate."

"Lena, ano ka ba? Lagi ka na lang ganyan. Kapag birthday mo, hindi ka naghahanda."

"Nagsisimba naman po ako eh. Tama na sa akin ang magpasalamat for being alive."

Tumigil si Tita sa pagkain.

Tiningnan niya ako na parang ngayon niya lang ako nakita.

"Lena, proud ako na hardworker ka. Isa iyan sa mga ugaling Pinoy na gustong-gusto ng mga employers. Pero hindi sapat na trabaho lang ng trabaho. Hindi din maganda ang sobrang kuripot."

"Di naman po ako kuripot, Tita. Matipid lang ako kasi alam ninyo naman, ang dami kong pinaglalaanan ng pera."

"Alam ko naman. Noong araw na nagdiskusyon kami ni Ate Clara mo, may narealize ako eh. Kinausap ko nga ang nanay mo."

Ang NakaraanWhere stories live. Discover now