25: The Opposition

485 43 10
                                    

A/N:

Last na. Masakit na ang mata ko :)

***

Dahil nasabi ko na kay Nanay ang sikreto ko, inaasahan ko na malalaman din ito ni Tita.

Hindi nga ako nagkamali.

Wala pang 24-oras eh naabutan ako ni Tita sa kusina isang hapon habang nagtitimpla ng kape.

Kadarating ko lang galing sa trabaho.

Pagkatapos magpalit ng cotton shorts at manipis na T-shirt, dumiretso ako sa kusina para magmeryenda.

Sakto naman na may donuts sa lamesa.

Akala ko wala si Tita dahil tahimik sa loob pagdating ko.

Nasa garden pala siya.

Suot pa niya ang malaking sumbrero at gardening gloves pagpasok niya.

May hawak din siyang gardening shears.

"Nandito ka na pala." Pinatong niya ang gardening shears sa kitchen counter.

May dumikit na damo at putik sa pantabas.

"Ano itong sinabi sa akin ni Emilia?" Tinanggal ni Tita ang gloves at pinatong sa tabi ng gunting.

"Ano pong sinabi ni Nanay?"

Inalis niya ang sumbrero bago sumagot.

"Na may girlfriend ka daw?" Nakakunot ang noo niya.

Humigop muna ako ng kape.

Mabilis ang pag-inom ko.

Napaso tuloy ang dila at ngala-ngala ko.

Gusto kong sumigaw dahil sa sakit pero naluha na lang ako.

Biglang nawala ang excitement ko na magmeryenda.

Tiningnan ko si Tita.

Seryoso at mukhang galit ang tono.

Pero dahil expected ko na mangyayari ito, hinanda ko na ang sarili ko.

"Meron nga po."

"Lena," Hinila niya ang isang upuan pero hindi siya umupo.

Parang nagdalawang-isip.

"Ano bang nangyayari sa'yo bata ka?"

"Magti-thirty two na po ako sa birthday ko, Tita."

"Alam ko. Ang ibig kong sabihin, ang tagal nating magkasama sa loob ng iisang bahay pero parang hindi kita kilala. Ni hindi ko nga alam na babae pala ang gusto mo."

"Wala naman po kasi akong pinagsasabihan eh."

"Iyong nanay mo, iyak ng iyak. Hindi niya daw maintindihan ang nangyayari sa'yo."

"Wala din naman po kasi siyang alam. Ngayon ko lang po sinabi sa kanya ang tungkol dito."

"Pero bakit, Lena?"

"Bakit ko po tinago?" Pinatong ko ang mug sa counter at lumapit ako kay Tita.

"Hindi. Bakit babae ang gusto mo? Ang ganda-ganda mo. Masipag ka at matalino. Siguro naman may mga lalake na nagkakagusto sa'yo."

This was the part of this conversation I dislike.

Feeling ko, everything hinges on my look.

Na kailangan kong maging maganda to be attractive to guys or men.

I know it doesn't work that way pero naiinis pa din ako.

Wala akong pakialam sa mga lalake.

I don't see them as potential partners.

Ang NakaraanWhere stories live. Discover now