Ang Nakaraan

By dirkyleo

22.8K 1.4K 87

Sa loob ng pitong taon, tahimik na nanirahan si Lena sa Canada. Pero mababago ang lahat ng makatanggap siya n... More

1: Just When You Think You Are Moving Forward Then You Get A Surprise Text
2: You Are Supposed To Train & Not Fall In Love
3: When Your Past Catches Up With You & You Are Warned Not To Be Disappointed
4: The More You Ignore Me, The Closer I Get
5: I Went Out To Meet A Friend & Ran Into My Ex
6: When You Should Have Insisted And Avoided The Awkward Meeting With Your Ex
7: The Mad Dragon
8: What Really Happened During Those Seven Years
9: Confessions Over Hawaiian Pizza & Chicken Wings
10: From The Grocery Store To The Birthday Party
11: The Patay-Gutom Meal & The Three Second Rule
12: May Deadline Ba Ang Forgiveness?
13: Say It In A Song
14: A Laundry List Of Never-Ending Problems
15: Cracks
17: Breaking Up Is Hard To Do
18: House Search
19: David & Goliath
20: Tomato/Tomatoe
21: Moving Day
22: Banff
23: With The Fridge As Our Witness
24: The Truth About Lena
25: The Opposition
26: Debut
27: Future Sex
28: Indebted
29: The Other Side Of The Story
30: Those Seven Years Of Silence
31: La Femme Accident
32: Spring Awakening
33: December

16: Reality Really Bites...Hard

520 48 1
By dirkyleo







Naglilinis kami nina Tita at Ate Clara isang Sabado ng umaga.

Darating kasi ang fiancé ni Ate Mercy.

Wala pang asawa ang magkapatid.

Kaya naman ng ibalita ni Ate Mercy na nagpropose sa kanya ang best friend niyang si Carlo, nagulat sina Tita.

Hindi kasi namin alam na may boyfriend siya.

Pero ng makabawi sa pagkagulat, tuwang-tuwa si Tita Nena.

Matutupad na din daw sa wakas ang pangarap niyang magkaapo.

"Ma, let's not get ahead of ourselves." Sabi ni Ate Mercy.

"Kasal po muna. Saka na po ang baby."

"Mercy, forty years old ka na. You're not getting any younger."

Napatingin sa amin si Ate Mercy.

Nakikinig lang kami ni Ate Clara sa kanila.

Kapag ganito ang tono ni Tita Nena, it's best not to say anything.

Ang kasunod kasi nito ay ang isang mahabang litanya tungkol sa pagiging babae namin.

Isusubo na sana ni Ate Clara ang spaghetti ng ituro siya ni Tita gamit ang tinidor.

"Just like you, Clara."

"What about me, Ma?" Defensive agad ang tono ni Ate.

"What happened to you and that guy, Marc? He seems nice, decent and stable. Bakit bigla na lang siyang naglaho?"

"Ma, sinabi ko naman sa'yo di ba? He moved back to Montreal because he found a better job there."

"I know pero niyaya ka niyang sumama di ba? Why didn't you go with him?"

"Dahil ayoko. Ano? Sasama ako sa kanya and then if the relationship didn't work out, babalik ako dito? Besides, nandito kayo pati ang trabaho ko. I just can't uproot my life to follow him."

"Pero hindi ka na bumabata. Nang umalis si Marc, I don't even think you started dating again."

"Ma, it's my choice."

"What I'm trying to say is, ayokong iwanan kayo na hindi ko alam kung merong mag-aalaga sa inyo sa pagtanda ninyo. Malungkot ang mag-isa. Alam ko ang sinasabi ko dahil nang mamatay si Juancho, doon ko naramdaman ang hirap ng walang kasama."

"We can take care of ourselves, Ma." Sagot ni Ate Clara.

"Sinasabi mo iyan ngayon dahil kaya mo pa."

Natahimik si Tita Nena.

Ang tunog lang ng mga sumasayad na kubyertos ang maririnig.

Akala ko tapos na siya pero ako naman ang hinarap niya.

"Ikaw, Lena? Wala ka ding balak mag-asawa?"

"Po?" Napanganga ako.

"Huwag mong sabihin na gagaya ka sa Ate Clara mo?"

Umirap si Ate.

"Paano naman makakahanap ng lovelife si Lena, Ma?" Si Ate Clara ang nagsalita.

"Eh sa dami ng responsilibidad niya sa buhay, do you think she has time to date?" Sinabi niya iyon sa paraan na parang napapagod siya mismo sa sitwasyon ko.

"Hindi naman masama ang tumulong sa family, Clara. Pero puwedeng gawin iyon ni Lena and at the same time, nagdidate siya." Nag-uusap sila na parang wala ako sa dining table.

Nagtinginan na lang kami ni Ate Mercy.

Kapag may mga ganitong diskusyon, ang malimit magtalo ay si Tita at si Ate Clara.

Prangka si Ate at ganoon din si Tita Nena.

"It will not be the same. Unless makahanap si Lena ng tao na maiintindihan ang sitwasyon niya. Don't me wrong. Mahal ko si Tita Emilia. But I don't think it's right na inaasa niya na lang lahat kay Lena. I mean, hindi lang naman siya ang anak di ba? I can understand, Lexi. Nag-aaral pa siya. Pero what about Edwin? Pangagatawanan niya na lang talaga ang pagiging dependent sa magulang niya at kay Lena? Buti na nga lang at independent ang napangawa ni Emman or else baka doon pa din sila tumira sa bahay nina Tita. Then there's Lara. She has two kids of her own pero she still lives with her parents. Why can't she find her own place? May work naman siya pero nakikipagsiksikan pa sila sa bahay nina Tita. Hindi ba siya nahihiya?"

"Clara!" Pinandilatan siya ng mata ni Tita.

Kilala ko si Ate. Sanay na din ako na ganito siya magsalita.

Pero masakit marinig ang katotohanan.

Tama naman kasi ang mga sinasabi niya.

Kaso, hindi naman maiaalis sa akin ang masaktan dahil pamilya ko ang pinag-uusapan nila.

Oo nga at pabigat sila para sa ibang tao.

Oo nga at nararamdaman ko din iyon lalo na kapag pagod na pagod ako.

Pero para pa din akong binuhusan na marinig ang mga bagay na iyon.

Gusto ko silang ipagtanggol.

Kaya lang may utang na loob kami kina Tita Nena.

Nanahimik na lang ako at pinigil na huwag maiyak sa narinig.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo dahil dito kayo pinanganak at lumaki ni Mercy. Iba ang buhay sa Pilipinas. You can only imagine the hardship. Oftentimes, what you see on TV isn't even enough."

"That's my point, Ma. Mahirap ang buhay. Dito din naman eh. Akala lang ng marami, madali. I'm not denying we are lucky and privileged to be here. That's because of the sacrifices that you and dad made. But there are options like using contraception or having a ligation or vasectomy. Eto namang si Lara, hindi na nadala. She got knocked up the first time. Then nabuntis ulit with the same guy. How stupid is she?"

"Clara!" Sumigaw na naman si Tita.

Ako naman, napipi.

Sumikip ang lalamunan ko at para akong nauubusan ng hangin.

Kapag nasimulan talaga si Ate Clara, hindi mapigil ang bibig niya.

Kaya nga daw noong high school ito, lagi na lang napapatawag sa principal's office si Tita Nena.

Lagi kasi itong nakikipagdebate sa mga teachers niya.

"Look at Lena." Tinuro niya ako.

Kulang na lang mawala ako sa kinauupuan ko.

Kung puwede lang na bumukas ang lupa at lamunin ako nito, okay lang.

Huwag lang akong manatili sa puwesto ko.

"She's been working since what age? Thirteen? Nagtitinda siya sa palengke when she was that age to help her family. How old is she now? Thirty?"

"Thirty two." Si Ate Mercy ang sumagot.

"But she looked older than she really is. Look at her hair. Ang dami niyang uban. Then her face. Ang dami niya ng wrinkles. She looked so weary, Ma. Is she even happy?"

Tumingin silang lahat sa kinauupuan ko.

Magkatabi kami ni Ate Mercy sa table.

Nakita niya kaya na namumuo na ang luha ko.

"Are you happy, Lena?" Pinisil ni Ate Mercy ang tuhod ko.

"No one is happy all the time." Sagot ko.

"Ang totoo?" Ate Clara wasn't satisfied with my answer.

Hindi ako sumagot.

Tinulak ko ang upuan at tumayo.

Patakbo akong bumaba sa basement.

Sinara ko ang pinto at nilock.

Nang ako na lang mag-isa, doon ako umiyak.

Naririnig ko pa din sila sa taas.

Pinagalitan ni Tita Nena si Ate Clara.

Grabe daw kasi ang bibig nito.

Walang pakundangan kung magsalita.

Habang naiiyak, naisip ko ang nangyari sa taas.

Happiness.   

Iba't-iba ang meaning para sa ibang tao.

Happy ba ako?

Oo.

Happy ako na nakakatulong ako sa pamilya ko.

Happy na hindi tulad noong bago ako umalis papuntang Canada ay hindi na ako namumuroblema kung paano ko pagkakasyahin ang sahod dahil sa dami ng babayaran.

Happy na hindi na kailangang mangutang ni Nanay at Tatay sa mga kapitbahay.

Happy na hindi na ako makakarinig ng salita sa mga kumare at kumpare nila na lagi na lang silang humihiram ng pera.

Personal happiness?

Ewan ko.

Hindi ko masyadong pinagtutuunan ang bagay na iyan.

Pero ngayong napag-usapan sa hapag kainan, lungkot ang naramdaman ko.

Matanda na ba talaga akong tingnan?

I saw the way Hazel was looking at me.

May dumi ba sa mukha ko at ganoon na lang siya makatitig?

Or is there something else na nakikita niya na ayaw niya lang sabihin?

Tumayo ako at lumapit sa vanity mirror na nakasabit sa dingding.

Namumula ang mukha, ilong, tainga at leeg ko.

Tiningnan kong maigi ang hitsura ko.

Hinawi ang bangs tapos inangat ang buhok ko.

Ang dami ko na talagang uban.

Bukod kasi sa genetic ito tulad ni Tita Nena na twenty two pa lang daw ay namuti na ang buhok, baka dala din ito ng stress.

Lagi kasi akong nag-iisip.

Hindi ko alam kung scientifically proven reason iyan.

Tapos imbes na pumunta sa salon at gumastos ng around 50-70 dollars, inipon ko na lang ang pera ko.

Nanghihinayang kasi ako.

Isa pa, who am I trying to impress?

Sinubukan kong kulayan ang buhok ko dati pero isang buwan pa lang, balik na naman sa dati.

Eventually, I gave up.

Pumupunta naman ako sa manggugupit every three months kapag nagwawala na ang buhok ko.

Hindi naman ako bothered sa white hairs at mga wrinkles ko.

Kahit dati naman, hindi ako vain.

Kuntento na ako sa pulbo at konting lipstick para naman hindi maputla ang labi ko.

Hindi talaga ako mahilig sa mga make-up.

Ang bisyo ko lang talaga eh kumain, bumili ng mga CD ni Regine, Mariah at Celine.

Sa mga beauty products naman, lotion at pabango lang.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Umupo ako ulit sa kama at nag-inhale at exhale.

Tatayo na sana ako ng may kumatok.

Si Ate Clara pala.

"Len, sorry ha?" Umupo siya sa kama.

"Wala iyon, Ate. Tama ka naman sa mga sinabi mo. Masakit lang marinig ang katotohanan."

"You should take care of yourself too, you know?" Inakbayan niya ako.

"Nasanay na kasi ako."

"Lena," Hinawakan niya ang kamay ko, "it's not a mortal sin if you take a vacation once in a while. When was the last time you took your vacation?"

"Three years ago?"

"At alam mo din na if you take a holiday, bayad ka during those times di ba?"

"Oo, Ate."

"But you're always cashing in your holidays. You get taxed for that you know?"

"Alam ko."

"Hindi ka na nakapagpahinga, nabawasan pa ang pera mo. You get what I mean."

"Oo, Ate."

"How long have you been here? Eight years?"

"Seven."

"Sa loob ng panahon na iyon, did you ever get out of Canada?"

Umiling ako.

"See? Citizen ka na. You can go anywhere. Well, except Syria or Iraq or whatever country na delikado. What I'm saying is, hindi kasalanan ang i-enjoy mo ang pinagpaguran mo. You're going to hate me for what I'm going to say next pero you are enabling your family. Why is that?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kinukunsinti mo sila na maging dependent sa'yo. Oo nga at gusto mo silang tulungan pero they also have to learn how to fend for themselves. Paano kung magkasakit ka? What's going to happen to them?" Bigla siyang tumigil at parang may naisip.

"Or is it because you are afraid that you will no longer be the perfect daughter if you're not helping them?"

"Perfect daughter?"

"Yeah. Iyan ang laging sinasabi ni Tita Emilia kapag kausap niya si Mama. Ilang beses ko na ding narinig iyan. I thought she was joking."

"Hindi siya nagjojoke. Mukha nga."

"Sorry ulit kong naging intense ang conversation kanina. I just think it's unfair na kayod kabayo ka dito pero you don't enjoy the things you've worked hard for. Bata ka pa, Lena. There is more to life than working. Go out. Meet someone. Have fun."

Naalala ko si Hazel.

Ang bukangbibig kasi niya, let's have fun.

"O baka naman you are already dating someone but you're keeping it a secret?" Ngumiti siya, showing her perfect set of white teeth.

Hindi ko alam kung dala ng pagiging emotional or kung anong nangyari pero nasabi ko kay Ate na meron akong gusto.

Continue Reading

You'll Also Like

145K 4K 38
Sana po magustuhan ninyo itong bago ko pong story na pinamagatang "One Night" Isang gabi na magpapabago sa buhay ng dalawang character ng storyang i...
180K 3.8K 58
Isang CEO na may bilyong net-worth, si Chalsea Madrigal-Divina ay laging napapabayaan ng kaniyang workaholic na asawa. Bilang secretary ng Madrigal C...
93.3K 2.7K 33
gxg Story. She doesn't care about other people.. She only love herself... She's Heartless, an Ice cold woman indeed. She looks emotionless... Sh...
81.6K 511 51
Si Ezekiel ang Una kung naging karelasyon na Lesbian , sa kanya ko unang naranasan ang lahat-lahat . May FOREVER kaya kaming dalawa ? o katulad lang...