Si Author naging EXTRA?!

De Jaedrian_23

941 150 30

Meet Jasmine Sevilla one of the famous author in Wattpad. Kilala siya bilang 'Rising Author' dahil kaya niyan... Mai multe

Author
Prologue
Chapter 1: Encounter
Chapter 2: Party
Chapter 3: Piglet
Chapter 4: Crush
Chapter 5: Selos
Chapter 6: Bully
Chapter 7: President
Chapter 8: Danger
Chapter 9: Iwas
Chapter 10: Sorry
Chapter 11: Love Letter
Chapter 12: Ngiti
Chapter 13: Crazy
Chapter 14: Camping
Chapter 15: Sick
Chapter 16: Stuck
Chapter 17: Like
Chapter 18: Camp
Chapter 19: Open-up
Chapter 20: Contest
Chapter 21: Date
Chapter 22: Kiss
Chapter 24: Traitor
Chapter 25: Reality
Chapter 26: Friendzone
Chapter 27: Leave
Chapter 28: Alone
Chapter 29: Night
Chapter 30: Start Again
Chapter 31: Decision
Chapter 32: Harana
Chapter 33: Pretty Boy
Chapter 34: Sweet
Chapter 35: Waiting

Chapter 23: Suicide

39 2 0
De Jaedrian_23


Nagmamadali akong umalis sa building kung saan nandon si Hendrix. Halos hindi parin magkamayaw ang puso ko sa kaba dahil sa ginawa niya, para na akong praning habang naglalakad, nanginginig ang kamay ko sa takot at hindi ko rin maiwasan mag-alala lalo na't alam ko na sirang-sira na talaga ang ginawa kong story.

Higit sa lahat...nanlulumo ako dahil ang kinaingat-ingatan ko wala na! Hindi ako makapaniwala na isang....

Isang Fictional Character lang ang makakakuha ng first kiss ko!

Wah!

At sa saltik na hendrix pa na yun! okay sana kung si Franz pero nakakapanlumo at nakakapagsisi talaga at yung pang Hendrix na yun ang nakakuha ng first kiss ko!

(T^T)

Nagmamadali akong bumalik ng dorm at doon nagmukmok. Ni-hindi ko pa nga nakita si Franz ngayong araw na ito...

Nasa office kaya siya?

Dalawin ko kaya siya?

Agad akong napailing sa naisip ko. Baka lalong mairita at magalit siya sakin. Nagtungo ako sa banyo at naghilamos ng mukha, napatitig ako sa salamin at wala sa wisyong napahawak labi..

Muling rumihistro sa isip ko ang pangyayari kung saan ninakawan ako ng halik ni Hendrix.

Teka nga lang...

0_0

Bakit ko iniisip yun. Nagmamadali akong umalis ng banyo at sumalampak sa kama, tinakpan ko ng unan ang aking mukha pero walang effect! lalo lang lumalakas ang kabog ng puso ko. Mamaya lang dumating sina raven. Umupo ako sa kama at pinanood lang sila na magbihis at gaya ko dumiretso sila sa kaniya-kaniyang Kama.

"Kayo! nang-iwan kayo kanina!" nagtatampo na sabi ni Cecil. Kung alam ko nga lang sumama na ako kali Kristine. Eh di sana....Hayss

"Bakit? may pinag-usapan ba kayo?" pang-iintriga ni Raven. Kinabahan ako ng magtama ang Mata namin ni Cecil.

"H..Hindi, si Jasmine kasi ang kina-usap niya."

0_0

Patay na.

Lahat ng tingin nila na sakin na ngayon. Ano ba yan! anong sasabihin ko?!

"Talaga? kina-usap ka ni Hendrix?"

"Hindi ka ba niya sinaktan?"

"Okay ka lang ba?"

Sunod-sunod na pagtatanong nila sakin. Hindi ko tuloy alam kung sino ang unang sasagutin ko kanila.

"Ah kasi...ano..nag-usap lang kami tungkol sa..."

"Tungkol sa ano?" Hindi makapaghintay na tanong ni Raven. Hay nako chismosa talaga ng taon.

"Tungkol sa utang ko sa kaniya." paliwanag ko. Totoo naman yan talaga ang topic at ang dahilan bakit ako pinuntahan ni Hendrix.

"Utang?" nagtatakang tanong ni Cecil.

"May bagay kasi ako na napakialamanan na importante sa kaniya."

"Magkano naman utang mo?" tanong ni Kristine sakin. Wala pa man pero kita kong concern siya sakin at handa niya akong tulungan.

"Ano, two thousand dollars." pahina na pahinang sabi ko at gaya ng inaasahan ko nanlaki ang mata nila sa sinabi ko.

"Two thousand dollars?! seryoso ba yun?" Hindi makapaniwalang sabi ni Princess sakin at dahan-dahan akong napatango.

"Jasmine," tawag sakin ni Kristine kaya nilingon ko ito. "Anong bagay ba ang napakialaman mo, bakit ganon naman kamahal?"

>_<

Ako din nagtataka bakit ganon kamahal dapat ba I-check ko muna kung magkano talaga yung wine na yun? ayoko namang bumalik don sa secret place nila Hendrix.

"Di-bale tutulungan ka namin mabayaran ang utang mo para hindi kana gambalain ng Hendrix na yun-"

"Nako Kristine wag na..." tanggi ko. Nakakahiya naman sa kanila.

"Jasmine it's okay, handa ka naming tulungan." agad ko ding nilingon sila Cecil, princess at raven. Napangilidan agad ako ng luha sa tuwa. Napakabuti talaga nila sakin.

Nasanay na ako sa sarili ko na ako ang lahat ng gumagawa ng paraan sa mga kasalanan ko. Ayaw ko kasing makaistorbo sa mga taong malapit sakin.

"Salamat sa inyo." masayang sabi ko sa kanila.

"Aw group hug!" sigaw ni Raven at hindi pa man ako nakakapareact niyakap na nila akong apat.

Naalala ko tuloy yung unang araw ko dito, kung saan grinoup hug nila ako, kung saan litong-lito ako sa nangyayari sakin. Humiwalay sila ng yakap sakin at pinanood ko silang matawanan dahil sa mga pagkwe-kwento nila sa nangyari sa kanila buong magdamag.

Mami-miss ko silang apat, pagnakabalik na ako sa tunay kong mundo. Masaya akong na naranasan kong magkaroon ng kaibigan na totoo, mga taong handa akong damayan sa lahat ng drama ko sa buhay. Hindi naman pala masyadong masama na napunta ako sa novela ko, ngayon pa lang naiisip ko na mami-miss ko ang lahat dito at hindi ko kailan man makakalimutan ang paglalakbay na ito.

•••

Saming Lima ako ang unang nagising, mula pa kahapon at hanggang gabi hindi ako makatulog ng ayos halos buong magdamag lang ata ako sumulat sa diary ko. Nag-unat-unat ako ng katawan at napagdesisyunan ko din na lumabas na muna para magjogging total alasais palang ng umaga.

Bago ako lumabas ng dorm, nag-iwan ako ng note mahirap na baka maulit yung nangyari noon yung na stuck ako sa secret place nila kembert kaya ako nagkautang sa Hendrix na yun. Minsan talaga masama ang nacu-curious.

Habang naglalakad sa labas, hindi ko inaasahan na makikita ko si Franz, patakbo siya sa direksyon ko, mukhang maaga din siyang nagising para magehersisyo. Hindi ko maiwasan mapangiti lalo na kitang-kita ko ang seryosong itsura nito. Talaga nga namang napakagwapo niya kahit sa malayuan. Nang makitang malapit na siya sakin humarang ako sa daan at kinawayan pa siya.

"Franz-" laking dismaya ko ng iwasan ako nito at nilampasan ako sa pagtakbo. Agad ko siyang nilingon at malungkot na pinanood siyang tumakbo papalayo sakin.

Franz....

Agad akong napailing at imbis na magmukmok, sinundan ko siya. Halos hingalin ako sa paghabol sa kaniya, napagtanto ko na sobrang bilis nitong tumakbo. Nang hindi ko na kaya tumigil ako at nagmamadaling sumagap ng hangin, kusang nangilid ang luha ko, sobrang nasasaktan ako sa ginawa niyang pag-iwas sakin. Alam ko naman kasalanan ko at nagsisi na ako sa ginawa at pinagsasabi ko sa kaniya. Habang hindi pa siya nakakalayo sakin, muli ko siyang tinawag.

"Franz!" sigaw ko pero hindi niya ako nilingon. Nawalan na ako ng pag-asa. Baka talaga ayaw niya na akong makita, ganto na lang ba kami? sa huling pagkakataon, kinain ko ang pride ko at muling tinawag ang pangalan niya.

"Franz!" nanghihina na sigaw ko. Pasimple kong pinunasan ang luha ko. Masaya akong makita na napahinto siya dahil sa pagtawag ko sa kaniya. Seryoso niya akong nilingon at tinignan. Hindi ko tuloy maiwasan maiyak dahil sa wakas tinignan niya na ako. May ilang metro ang layo namin sa isa't-isa.

"Anong gusto mo?" pagtatanong nito sakin at ngumiti ako ng pilit sa kaniya. Bagot na bagot ang itsura nito ngayon na tila naghihintay pa kung may sasabihin ako, na sagutin ang tanong niya.

Buong magdamag kong pinag-isipan ito. Wala na akong pake kung oras ang kalaban namin ni Franz, ang importante kung mahal talaga namin ang isat-isa pahahalagahan namin ang bawat oras na meron kami.

"Franz..."

"B..Bakit?"

"Hindi na ako makalakad sa sobrang pagod...." pagdadahilan ko.

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Pwede bang ikaw...Ikaw ang lumapit sakin?" paki-usap ko dito at unti-unting umamo ang ekspresyon nito. Nong una akala ko hindi niya papansinin ang paki-usap ko pero ganon na lamang ang tibok ng puso ng dahan-dahan siyang lumapit sakin. Ilang siyang tumingin sakin na kinatuwa ng puso ko.

"A..Ano? nandito na a..ako." utal na pagsasalita nito. Lalo tuloy ako naiyak, akala ko talaga hindi niya na ako papansinin.

"Bakit ka naiyak? dahil ba pagod kana?" tanong nito sakin at agad akong tumango. Nong oras na yun pinagmasdan namin ang isa't-isa at nabigla ako ng hatakin niya ang braso ko at nilapit sa kaniya para yakapin ako at may pagaalinlangan ako na yakapin siya pero ginawa ko, niyakap ko siya pabalik.

I'm in tears, as in tears of joy. Sobrang saya ng pakiramdam ko.

•••

"Here coffee.." sabay bigay sakin ni Franz ng kape, nandito kami sa bench ngayon kung saan tahimik at walang masyadong tao.

"Thank you.." masayang sabi ko at lalo akong napangiti ng makita kong nakangiti siya. Yung ngiti na sobrang gwapo kaya siguro nahulog ang loob ko sa kaniya.

"Ilang oras na lang klase na naman natin." natatawang kwento nito. Speaking of klase bat wala siya kahapon?

"Franz, bakit absent ka kahapon?" tanong ko sa kaniya at napabuntong hininga ito.

"May inasikaso lang ako.."

"Ano yun?"

"Sa office...Don may inasikaso ako."

Office? pero kahapon nandon ako este ang buong section namin at hindi ko siya nakita doon. Agad na lang ako napailing baka naman...ayaw lang sabihin sakin ni Franz...pero okay lang naman yun sakin.

"Ganon ba..."

"Oo, alam mo na hindi birong maging President ng BSU, Maraming trabaho."

"Sabagay.." tango-tango kong sabi. Mamaya lang naglakad-lakad na kami pabalik sa kaniya-kaniyang dorm.

"Bye.." nahihiyang salita ko sa kaniya at tinaas ko pa ang kamay ko bilang pamamaalam. Hindi ko maiwasan kiligin ng makita na naman ang pamatay ngiti niya. Nginitian niya ako at maya-maya lang naglakad na ito paalis sakin. Nang makasiguradong nakaalis na ito, napatili ako ng malakas.

Sa wakas okay na kami....

Nagmamadali akong bumalik sa kwarto at doon ako nagtatalon sa saya. Hindi ko inalintana ang nakakaintrigang tingin nila Kristine, ang importante sobrang saya ko, Okay na kami ni Franz. Sobrang saya sa pakiramdam.

"Sana all masaya."

"Sana all kinikilig, San ka galing ha?"

"Sa labas..." ngiting-ngiti na paliwanag ko. Alam ko naman na si Franz ang nasa isip nila at tama sila don.

"Siya tama na yan, mag-asikaso kana at may pasok pa tayo." paalala samin ni Kristine. Nauna na akong nag-asikaso sa kanila. Total ako ang full ang energy sa kanilang lahat. Nang matapos naming lahat sa pagayos ng sarili namin. Sabay-sabay na kaming naglakad papuntang unang klase namin.

I'm so happy....

Kakapasok palang namin sa classroom. Nakita ko na agad siya at Omg! nginitian niya ako.

Self kalma...

Parang nakaraang araw lang, iyak ako ng iyak ngayon sobrang saya ko. Para na akong baliw, palagay ko nahawaan ako ng pagkasaltik ni Hendrix na yun. Speaking of...Agad akong napalingon sa upuan nito. Wala siya? tsk cutting class na naman siya. Ano pa ba asahan sa lalaki na yun! Saktong lingon ko kay Franz, nagtama ang mata namin at sabay pa kaming nag-iwas ng tingin.

"Hays kayong dalawa ni Franz, may taglay na landi talaga." pagpaparinig ni Kristine sakin kaya masaya ko siyang tinignan. Tsk.

Inggit lang ka lang.

Teka nga lang hindi ko na siya masyadong nakikita kasama si Luigi.

"Inggit ka? asan na ba Bebe mo?"

"Si Luigi?"

"Sino pa ba?" bagot na tanong ko dito. Don't tell marami siyang bebe. Kaloka.

Ngumiti ito ng mapait na pinag-alala ko. "May dadating siya na Laban kaya busy siya sa pagpractice ngayon." malungkot na sabi nito.

Hays kaya mahirap magmahal ng athlete eh. Karibal mo oras niya.

"Jas..."

"Hmm?"

"Tingin mo ba seryoso sakin si Luigi? hindi ba pinaglalaruan niya lang ako?"

Agad akong umiling sa tanong niya. "Anong pinagsasabi mo, syempre! gusto kaniya! sure ako don!"

"Talaga?"

"Oo naman...Busy lang siya ngayon, hayaan mo pag nagkafree time siya mamasyal tayo, isasama natin si Luigi mag S.M tayo!" masayang sabi ko. Sa totoo lang galang-gala na ako gusto ko makalabas ulit ng school.

"Talaga? sige sabihan ko siya." nakangiti ng sabi ni Kristine kaya napanatag na ako. Pasimple ko pa nga siyang nililingon para tignan ang ekspresyon niya. Hanggang sa nagsimula ang klase namin, absent yung guro namin kaya ibang guro nagturo samin.

Wala akong naintindihan sa tinuro ng guro buong klase kasi nakatitig lang ako kay Franz, napansin ko na kahit saang anggulo ang gwapo niyang tignan at kahit anong ekspresyon pa ang gawin niya talaga nga naman ang gwapo niyang tignan.

Hays malala na ako. Ganto talaga siguro pag-inlove, Siya lang nakikita ko, siya lang pinakagwapo sa paningin ko.

Nawala lang siya sa paningin ko ng umalis siya kasi pinapatawag daw ng head ng school. Malungkot akong pinanood siyang magpaalam sa guro namin, nagulat ako ng nilingon niya ako at nginitian. Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya at ayun na nga tuluyan na siyang umalis.

>_<

"Class dismissed!" sigaw ng guro namin. Mabilis kong niligpit gamit ko. Gaya kanina sabay-sabay kami nila Kristine maglakad, papunta kaming canteen.

"Gusto ko mag-rice!" si Princess.

"Same, gutom na talaga ako." pagsang-ayon ni Raven kay Princess.

"Ako okay na sa bread." si Kristine.

"Ang hina niyo naman, pwede namang both." si Cecil.

"Basta ako gutom na kaya kahit ano kakainin ko." pangingisali ko sa kanila habang nagtatawanan sa daan may biglang bumangga na studyante sakin dahil nagtatakbuhan.

"Sorry," paghingi ng tawad nito sakin at nagmamadaling tumakbo. Kasunod non ang iba pang studyante na tumatakbo din.

Anong meron?

"Kaloka, hindi naman ako nainform na may fun run dito sa hallway." pagsasalita ni Raven.

"Tara don."

"Kaloka? talaga? magpapakamatay?"

"Seriously? si Hendrix."

0_0

Tila napantig ang tenga ko sa narinig kong pag-uusap ng babae na dumaan sa harap namin.

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba, Lalo pa't naalala ko ang sinulat kong story kung saan.....

Shit!

Nagmamadali rin akong tumakbo katulad ng studyante kanina, hindi ko na pinakinggan ang pagtawag nila Kristine sakin, rinig ko rin naman ang yabag ng paa nila na nakasunod sakin.

Abot-abot ang kaba ko ngayon,

Please wag naman po sanang, gawin niya ang nasa-isip ko.

Ma's binilisan ko pa ang pagtakbo at agad akong pumunta sa mga studyanteng nagkukumpulan. Sobrang taas ng sikat ng araw kaya naman nakakasilaw. Agad ng hinanap ng Mata ko si Hendrix sa paligid pero hindi ko siya makita, sa dami ba namang studyante dito sa labas...Nagtaka ako dahil lahat sila nakatingin sa taas kaya naman nag-angat ako ng tingin..

At don ko siya nakita, sa rooftop! Pirmeng nakatayo sa mismong harap ng building. Lalong lumalakas ang ingay ng mga studyante ng tinaas ni Hendrix ang isa nitong paa sa ere. Wala man lang ako makitaang takot sa mata niya.

Blangko...Yan lang ang nakikita ko blangkong ekspresyon.

H..Hendrix....

"Omg!"

"Hala magtawag na kayo ng guro!"

"Huhuhu."

"Jusko po."

Mabilis akong napangilidan ng luha. Habang pinanonood ko siya ngayon sa taas. Pilit ko mang itago ang emosyon ko, hindi ko magawa.

Kung may dapat man sisihin sa pangyayari na ito. Ako yun. I'm the one wrote this story. Naipikit ko ang mata ko dahil hindi kayang makita o masaksihan ang gagawin niya. Naramdaman ko ang paglandas ng luha ko sa pingi ko. Sobrang nasasaktan ako sa mangyayari sa kaniya.

Pinigilan ko ang sarili ko na wag makialam, ito ang...nakatadhana na mangyari sa kaniya kaya wala akong magagawa...

Naiyukom ko ang kamao ko pero.....agad akong napailing at muling tinignan si Hendrix sa itaas. Wala sa wisyong nagtatakbo muli ako papunta sa building na kinaroroonan niya. Fourth floor, sobrang taas ng gusali na ito, Bawat hakbang at pag-akyat kasabay non ang pagbagsak ng luha ko.

I'm sorry Hendrix.

Hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa isang floor na lang ang pagitan naming dalawa.

Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng mga mambabasa ko ng ilagay ko sa story na nag-suicide si Hendrix. Sobrang sakit pala, I'm really sorry for him, ako ang may kasalanan bakit siya nagkakaganito, ako ang may kasalanan kung bakit siya nahihirapan ng ganto.

Ngayon itatama ko na ang pagkakamali ko.

Nang makarating sa rooftop, doon lang ako nakasagap muli ng hangin at hingal na hingal akong napahawak sa pader don at bumungad agad sakin si Kembert na sinusuyo ngayon ang kaibigan niya.

"Dre naman! puta bakit kaba nagkakaganyan?!"

"Lumayo ka nga Jan, mahulog ka pa jan eh!"

"Hoy! Hindi na ako natutuwa ha! s...sasapukin talaga kita." garalgal na boses nito pero hindi parin siya pinansin nito kaya lumapit na ako sa kanila, kita ko ang gulat sa mata ni Kembert ng makita ako.

Pinunasan ko ang luha ko at tinibayan ang loob ko. At least alam ko na may ginawa ako para pigilan siya.

"Hendrix!" sigaw ko at agad akong nilingon nito. Bahagyang nagulat ito

Nakakainis talaga siya. Naiinis na ako sa kaniya, bakit niya kasi kailangan gawin 'to?!

"Hendrix...Tama na, bumaba ka na Jan."

"Tama siya!" agad akong napatingin sa likod at nakita ko sila Kristine, kumpleto sila at kasama nito ang kapatid ni Hendrix na si Merlyn. Kasunod nito sila princes, kristal at Rica.

"Kuya please lang! bumaba ka Jan!" umiiyak na paki-usap into kay Hendrix.

"Please wag mong gawin ito."

"Papayag na akong sa lahat ng gusto mo." naiiyak na ding sabi ni Cecil.

Hanggang sa lahat na kami dito sa taas umiiyak. Bwiset na Hendrix na ito....Kasalanan niya lahat ito eh.

Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kaniya. Total mukhang ako lang naman ang nakakalapit sa kaniya.

"Tignan mo maraming tao ang ayaw kang mawala, wag mo ng gawin ito." pabulong na sabi ko dito. Ang seryoso niyang mukha tila naging maamo na ito ngayon. Kitang-kita ko ang lungkot sa mata niya, lalo akong naawa sa kaniya, nagsibagsakan ang luha ko at hinayaan ko lang yun. Gamit ng mata ko naki-usap ako sa kaniya at nagdadasal ako na sana makita niya na seryoso ako.

Please wag mo ng gawin 'to.

He smiled, yung mapait na ngiti. "H..Hindi ko inaasahang makikita kita dito." mahinang sabi nito. Napasinghot ako para pigilan ang luha ko. Paulit-ulit ko man punusan yun wala paring epekto. Parang may sariling isip ang mata ko.

"Naalala mo naman ang sinabi ko sa'yo diba? hindi lang ikaw ang may problema at lahat ng problema kayang so-solusyunan...." pagpapaalala ko sa kaniya at sana naman mahimasmasan na siya. Akmang lalapit pa ako sa kaniya kaso lumayo siya sakin.

"Hendrix!" sigaw ko, kaming lahat dito sa taas.

Tinaas kasi nito ang kanang paa sa ere at kapwa niya kamay ay binuka niya na parang dinadama niya ang lakas ng hangin ngayon...

Sobrang lakas na ng kabog puso ko sa kaba. Lalo nang akmang ilalag-lag niya na ang sarili niya.

"Hendrix!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin. Maging ang mga tao sa likod ko rinig na rinig ko ang hiyaw at iyakan. Lahat na kami dito nagpapanic at parang mababaliw na dahil pag-aalala sa saltik na ito.

Lahat kami nagulat at lalong nagpanic ng bahagya nitong nilagay ang kalahating sapatos nito hindi na nakapatong sa semento. Kitang-kitang ko ang marahan na pagpikit ng mata nito na lalong kinaluha ko. Muli siyang umakto na mapagpapakalaglag na halos mabaliw na ako sa pag-aalala.

"I love you!" nagpanic na sabi ko. Maski ako nagulat sa lumabas sa bibig ko. Gulat niya akong nilingon na tila ba nakakita ng multo samantalang ako naiiyak at naiinis ko siyang tinignan.

Pahirap talaga siya sa buhay.

Pero...Kinatuwa ng puso ko ng nagmamadali itong bumaba sa kinakaroonan niya. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa lalamunan sa ginawa niya, sa wakas naman pinakinggan niya ako, kami dito.

Naglakad ito papunta sa kinaroroonan ko, Hindi nawala ang inis na tingin ko sa kaniya, nang makapunta ito mismo sa harap ko, laking bigla ko ng hawakan ako nito sa magkabilang balikat.

"A..Anong sinabi mo?" tanong nito sa akin at wala akong naimik kasi pinangunahan ako ng emosyon ko. Bwiset siya. Galit ko siyang tinignan, nang makabawi ako sa emosyon ko, pinaghahampas ko siya sa dibdib at braso niya.

Bwisit siya! Kailangan pang galitin ako eh!

"Ouch aray..."

"Nakakainis ka! Bwisit ka! saltik ka! Baliw ka!" umiiyak na sabi ko sa kaniya, Akmang hahampasin ko ulit siya kaso nahuli niya ang dalawang kamay ko at...hinila niya ako papalapit sa kaniya. Hindi ko inaasahan na yayakapin ako nito ng mahigpit. Hawak-hawak nito ang ulo ko at isang kamay niya hawak ang dalawa kong kamay.

"I..Iwan na muna natin silang dalawa.."

Rinig kong imik ni Kembert at gusto ko man lingunin sila kaso kontrolado ni Hendrix ang ulo ko kaya hindi ako makakilos. Nang bitawan ni Hendrix ang kamay, agad kong pinunasan ang luha ko.

Alam kong sobrang laki ng kasalanan ko sa sarili ko dahil talagang ako na mismo sumira ng storya ko at hindi ko yun pinagsisihan...Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama o mamatay si Hendrix dahil sakin. Masaya akong makitang buhay siya ngayon, Siguro nga dinala ako dito sa mundong ito para bigyan ng pagkakataon na baguhin ang takbo ng novela ko, para itama ang lahat ng mali ko.

-----------------------------------------------------------

To be Continued.

Continuă lectura

O să-ți placă și

281K 5.9K 33
WATTPAD BOOKS EDITION You do magic once, and it sticks to you like glitter glue... When Johnny and his best friend, Alison, pass their summer holid...