Beauty and the Beast

By hyunjiwon_sg4ever

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... More

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#23: Darryl Castro
#24: Offer
#25: Magic Words
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#22: Ma Femme

6.2K 130 9
By hyunjiwon_sg4ever

Kabanata 22: Ma Femme

-Saerin Gail’s POV-

 

“You may now kiss the bride” halos mabingi ako sa sinabing iyon ng pari.

 

Napatingin ako kay Jared na ngayon ay sobrang lawak ng ngiti. Palihim akong napalunok nung inangat niya yung belo ko. He looked at me with full of happiness in his eyes. Ako naman itong halos himatayin na sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Nanatili lang ang titig ko sa kanya at ganun rin siya habang unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin.

 

“Finally,” he said as he touched my face down to my chin and closed his eyes. “You’re mine” he softly said as I felt his lips brushed against mine. Marahan na rin akong napapikit at dinama ang ikalawang pagkakataong dumampi ang labi niya sa akin.

Humiwalay siya sa akin at nung idilat ko ang mga mata ko ay sumalubong sa akin ang masaya niyang mukha. He really loves me.

“Jared…” I said. He smiled at me and held me closer to him and hugged me tightly.

“I love you” bulong niya sa akin. Nagpapalakpakan na yung mga guest pero hindi ko yun marinig. Ang ‘I love you’ lang niya yung tanging narinig ko.

 

There’s always this magical feeling that I feel whenever he’s telling me that he loves me.

 

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina, my birthday and at the same time my wedding day. At the age of eighteen, ngayong birthday ko pa, I got married. Hindi ko alam pero ang saya sa pakiramdam, akala ko lungkot lang ang mararamdaman ko. Masaya ako ngayon, dahil isang Jared Montello ang napangasawa ko, isang lalaking mahal na mahal ako.

I sighed.

Hanggang ngayon parang ang hirap pa ring i-sink-in sa utak ko na kasal na ako kay Jared. Parang napakahirap paniwalaan pero totoo, at hindi lang isang panaginip.

Napasinghap ako nung maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. Andito kasi sa kami may rooftop ng hotel na tinutuluyan namin ngayon. Naka-set up siya na parang open room, may mga couch at may kama pa pero walang kisame at yung kalangitan lang talaga yung makikita mo. Ang astig lang nung lugar.  

Sa pagkakaalam ko, based sa narinig kong pag-uusap ng mga magulang ko at ni Jared, ang hotel na ‘to ang unang project na binuo nila nung mag-merge ang companies namin. Well, what do you expect, business.

“Pagod ka ba?” malumanay na tanong niya sa akin. Umiling naman ako.

“Hindi naman,” mahinang sabi ko sa kanya. “Ayos lang ako…” dugtong ko at parang nanlamig ako nung higpitan niya pa yung pagkakayakap niya sa akin.

“Happy Birthday…” aniya at parang nakiliti ako ng maramdaman ko yung labi niya sa may bandang tenga ko. Huminga ako ng malalim at nakagat ko yung ibabang parte ng labi ko.

Grabe, kaka-eighteen ko palang po!

“Sa-salamat” yun na lang ang nasagot ko sa kanya. Grabe yung tibok ng puso ko ngayon, sobrang abnormal na.

“You being eighteen, we being married means that I now have access to you, ma femme” namamaos na bulong niya ulit sa akin. Huminga na naman ako ng malalim at mariin akong napapikit lalo na ng maramdaman kong marahang umaangat ang kanang kamay niya mula sa baywang ko hanggang sa may tiyan ko.

ASDFGHJKL!

“Ba--bakit ma femme?” halos nauutal na tanong ko sa kanya. Gusto kong ma-divert sa iba yung nangyayari dahil parang hindi ata kinakaya ng sistema ko ang pakiramdam na ibinibigay niya ngayon.

At hindi ko rin naman kasi alam kung anong ibig sabihin ng ‘Ma Femme’. Alien language ba yun?

“Hmmmm?” aniya at marahan akong inikot paharap sa kanya.

“Bakit ma femme? Ano yun?” tanong ko ulit. Halos mapaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa klase ng pagtitig niya sa akin. Napangisi siya marahan na naman niyang hinaplos ang pisngi ko dahilan para halos kilabutan ulit ako.

Sobrang bago talaga sa akin ng mga ginagawa niya.

“Ma femme means my wife, my woman in French. You’re my wife and I’m your husband” sabi niya at marahang hinaplos ulit ang mukha ko. I stiffened in my place as he looked at me intensely. I really want to avoid his gaze but he already locked it with his eyes. Para bang hindi na ako makakawala pa sa klase ng tingin na ibinibigay niya sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita pa ulit. Naramdaman ko na lang na hinawi niya ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko at isinabit iyon sa gilid ng tenga ko habang nanatili ang tingin niya sa akin. Muli na namang na-abnormal ang tibok ng puso ko. Para bang gusto ng lumabas ng puso ko mula sa katawan ko.

“Tell me to stop then I’ll stop… my wife” aniya at naramdaman ko yung dalawang palad niya sa magkabilang pisngi ko.

“Let me show to you how much I love you…” he softly said as he leaned closer to me. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko ng maramdaman ko ulit ang marahang paghalik niya sa akin. I unconsciously wrapped my hands around his waist as his kiss gets deeper.

Pakiramdam ko ay lumipad na sa kalawakan ang buong pagkatao ko dahil wala na akong ibang maramdaman bukod sa nakakabaliw na halik ni Jared. Nakakapanghina, siguro kung hindi niya ako inalalayan ay malamang bumagsak na ako.

Mahal niya ako, mahal na mahal. Saksi ang buwan, bituin at ang buong kalawakan sa ginagawa niyang paraan ng pagpapakita niya ng pagmamahal niya sa akin.

Nagulat na lang ako ng maramdaman ko yung pagbagsak ko sa isang sobrang lambot na bagay. Tumigil din si Jared kaya binuksan ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko nung marealize ko na nakahiga na pala ako sa kama at nasa ibabaw ko si Jared.

Akala ko ay tatayo na siya pero nagulat ako nung maramdaman ko yung labi niya sa may panga ko pababa sa may leeg ko. I bit my lower lip and I tightly hugged his back and closed my eyes.

“Mrs. Saerin Gail Montello… ang gandang pakinggan” bulong niya sa may leeg ko at muli na namang lumapat yung labi niya roon. It’s seems like he’s marking my whole being.

“Ja-Jared…” nanghihinang tawag ko sa kanya.

Huminto naman siya at inangat ang ulo niya para matignan ako, napaiwas naman ako ng tingin sa kanya pero marahan niya akong hinarap sa kanya at saglit na hinalikan bago siya humiga sa tabi ko at hinapit ako palapit sa kanya at yakapin.

“Ang hirap palang magpigil, lalo na’t nandito ka na sa harapan ko malapit sa akin… at asawa na kita. But I’ll still wait until the day you say the magic words, Gail” sabi niya at naramdaman kong humigit yung yakap niya sa akin.

Magic words?

Napatingin ako sa kanya at nakita kong mahina lang siyang ngumiti sa akin bago humiwalay sa akin at tumayo para makaupo sa gilid ng kama. Nagulat naman ako nung bigla niyang hawakan yung kamay ko para makatayo rin at maupo sa tabi niya.

“Birthday mo pa rin naman di ba?” aniya at tumingin sa relo niya. “I still have time to give you my birthday gifts” sabi niya at tumingin sa akin.

Teka? May regalo pa siya? Pakiramdam ko nga ang dami na niyang nabigay ngayong araw eh. Parang ang haba na ata ng araw na ‘to para sa akin at sa kanya.

“Pero--“ hindi ko na natuloy yung sasabihin nung makita kong may kinuha siyang gitara sa gilid at tumingin sa akin ng diretso.

“Hindi kasi ako marunong manligaw o magpakilig ng babae, hindi ko pa kasi yun nagagawa. So I asked Jerome what can I do and he told me to sing for you. Hindi ko alam kung magugustuhan mo ba yun, I bet you’ll like the song more compare to my voice” nahihiyang sabi niya dahilan para mapangiti ako at mahinang tumawa.

“Kahit ano namang gawin mo paniguradong magugustuhan ko eh” I said as I looked at him. Napangiti naman siya. “Pero hindi ako naniniwalang hindi mo pa ‘to nagagawa dati… may babae ka nga di ba?” sabi ko at medyo sumeryoso naman yung aura niya.

“Ako ang first kiss mo,” he seriously said. “Tulad mo, ikaw rin ang first kiss ko… whatever I did today, first time ko rin iyon” aniya at ngumisi siya bago binaling ang atensyon dun sa gitara.

Napaawang ang bibig ko sa pagkabigla. Seryoso ba siya dun?

Nawala na ang mga iniisip ko at ang mga haka-haka na nabubuo sa isipan ko nung marinig kong masimula siyang mag-strum ng gitara. Nagsisimula na naman ang puso ko sa hindi normal na pagtibok nito. Pinagmasdan ko siya habang nagsisimula siyang tumugtog.  

“In my eyes that are blacker than the night sky

My path was getting farther away

My heart was filled up the way with the world

Oh my dream”

Halos lumubog ako sa kinauupuan ko ng marinig ko yung boses niya. It feels so good upon hearing his voice. Ang sarap sa pakiramdam, nakakagaan. Nararamdaman ko yung pagmamahal niya para sa akin.

“Your eyes shined closer and clearer when

I was tired”

 

Tumingin siya sa akin ng diretso at ngumiti. I smiled back at him.

“You are my sunshine, like a strange ray of light

Shine on my heart that is hidden.”

 

Pinagmasdan ko lang siya habang abala siya sa paggitara at pagkanta. Nararamdaman ko na talaga ngayon na mag-asawa na nga talaga kaming dalawa. Seeing him like this makes me feel so proud that I got him. Hindi tuloy ako makapaniwala na magagawa niya akong mahalin. Parang ang layo niya kasi sa akin eh.

“As I follow the stars, follow the path

Because you’re there, because you came to me”

I am living one more day”

Tumingin siya sa akin habang ipinagpapatuloy niya yung pagkanta niya. Isang ngiti ang nabuo sa labi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

“You shine on me, you fill me up

Only you are my everything in this world

I will sing

A song for you”

 

I blushed when he winked at me. I bit my lower lip to refrain myself from smiling. Nakakainis talaga minsan ‘tong lalaking ‘to. Di ako naniniwala na hindi pa daw siya nanliligaw. Bibigyan ko ‘to ng sapak eh.

“Words are not enough

I just look into your eyes, in my love

For you”

Bigla akong napapalakpak nung matapos niya yung kanta grabe! Ano ba ang hindi kayang gawin ng isang Jared Montello?

“You like it?” he asked. I nodded and smiled at him.

“Thank you…” nahihiyang sabi ko kasi naman sobrang nakaka-proud sa pakiramdam ng kantahan ka ng isang tao. Alam niyo yun? Parang napaka-special mo kasing tao kapag kinakantahan ka ng isang taong nagpapahalaga sa’yo.

Nakatingin lang ako sa kanya at kumunot yung noo nung bigla niyang i-open yung kamay niya na para bang hinihintay niya akong yakapin siya. Napanguso ako para mapigilang ngumiti ulit dahil I find him cute in that position. Ngumiti na lang ako at lumapit sa kanya at niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik at ipinahinga ko yung ulo ko sa may kaliwang dibdib niya. I don’t know if it’s my heartbeat that I’m hearing or his.

“Ma femme…” sabi niya ulit at kumalas sa pagkakayakap niya sa akin. “Happy Birthday ulit…” aniya at may kinuha siyang maliit na parihabang kahon na nakapatong sa maliit na table na nasa tabi ng kama.

“Hindi ka na dapat nag-abala pa,” nahihiyang sabi ko sa kanya kasi nakaka-overwhelmed na talaga yung ginagawa niya. “Marami ka ng nagawa para sa akin” sabi ko sa kanya pero isang ngiti lang ang sinagot niya sa akin.

“That’s because I love you, Gail” he said as he open the box.

Halos malaglag yung puso ko nung inilabas niya doon ang isang silver na kwintas na may disenyong isang rose. Hindi ko alam kung anong i-rereact ko sa ginagawa niya. Masyado akong na-ooverwhelmed sa ginagawa niya.

 

Jared may be selfish but he’s willing to give anything for the person he loves.

 

At ako ang babaeng mahal niya.

 

It’s really easy to fall in love for him, but it’s hard to completely fall. Parang nakakatakot dahil sobrang lalim ng babagsakan mo once you completely fall for him. Alam ko sa sarili ko na malaki na ang nararamdaman ko para sa kanya. I’m aware that I’m on the edge of the cliff of falling for him hard. Isang galaw na lang at babagsak na ako ng tuluyan. My heart wants to fall but my mind seems to be having many doubts.

I know that once I admit that I’m in love with him it’s my great fall.

Napatahimik na lang ako ng isuot niya sa akin yung kwintas. Ramdam na ramdam ko ang presensya niya sa likod ko. Marahan kong hinawakan ang rose na iyon at napayuko. Natigilan naman ako nung maramdaman ko na muli niya akong niyakap mula sa likod at marahang hinapit palapit sa kanya dahilan para mapasandal ako sa may dibdib niya.

“Time’s running and I’m still falling” mahinang sabi niya sa akin. “Habang tumatagal ang hukay na sinimulan ko ay lalong lumalalim, hindi magtatagal hindi na ako makakaahon pa, mahirap ng umakyat pabalik. I want you to fall with me… fall with me so hard” aniya at humigpit ang yakap niya sa akin.

Konti na lang, Jared. Konti na lang…

 

***

Ano kaya yung magic words ni Fafa Jared?

Song used: Song For You by Lee Min Ho. (Yung English translation lang yung nalagay ko)

Sobrang na-ooverwhelmed ako sa BatB. Thank you guys! Merry Christmas and Happy New Year!

Nauumay na ba kayo sa ka-sweetan ng JAIL Couple? Ni Jared lang pala. Hahahaha. Huwag kayong mag-alala, nagsisimula na ang story. Hohoho~ Get ready for heartaches and heartbreaks. Chos! Hahahaha. Nabasa ko yung mga comments at marami sa inyong may tanong. Masasagot na rin yan. Hehehe. Thank you ulit guys!

Vote| Comment| Be a Fan

Continue Reading

You'll Also Like

123K 2.4K 34
Angel With A Shotgun Series #5: Margaux, The Lost Smile Margaux is diagnosed of gelotophobia; the fear of smile and laughter. Since her childhood day...
351K 7.5K 71
Meet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys n...
1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
1.1M 19.5K 70
A life full of deception is the definition of my life. From love or from hate? That is what I am about to find out. For everything that they inflicte...