The Guy Next Door (Completed)

بواسطة TabinMabin

2.3K 212 11

Competitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush... المزيد

The Guy Nextdoor
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
Epilogue

25

27 4 0
بواسطة TabinMabin

Lie Jun

Nabato sa kinauupuan si Patricia nang bitawan ko ang mga salitang dati ko pa gusto sabihin. Madilim man, alam ko na nasaktan siya nang sabihin ko ang mga katagang iyon. Kaibigan niya ako at siguro, malungkot siya dahil kakailanganin ko lumayo ng tuluyan dahil nga one-sided ang nararamdaman ko.

Yeah. This is really for the best.

"Let's go back."

Bago pa ako tumayo, nauna na siya at tinalikuran ako. Pinanuod ko lang ang likod niya habang naglalakad siya pabalik sa mga kasama namin. Ang ikinalungkot ko lalo ay para siyang lasing dahil nadapa pa siya pero kaagad rin tumayo.

Napabuga ako ng hangin at dumampot ng buhangin. Sa inis ko sa sarili ko, ibinato ko ito sa direksyon ng dagat. Ibinagsak ko na rin ang sarili ko pahiga at tinignan na lang ang langit.

May parte sa akin na nagsisisi pero mas lamang ang parte na tanggap ang ginawa ko. Alam ko na pinangungunahan ko ang mga bagay-bagay at iniisip kaagad ang mga posibleng mangyari kung sakaling magkaroon ng kami ni Patricia pero mas okay na iyon.

Ayoko kasi dumating iyong araw na dahil sa kagustuhan kong makapag-ipon, mawalan ako ng oras sa kaniya. Isa pa, baka sa kagustuhan ko bigyan siya ng maraming regalo, maubos ang pera ko na para sana sa paglutas ng problema ko. Another thing, ang bata pa namin para pumasok talaga sa relasyon at makaranas ng mga ganitong drama.

"Nasaan na iyon?"

Ipinaling ko ang ulo ko pakanan dahil narinig ko ang boses ni Axel. May dalawang anino na papalapit sa kinaruruonan ko kaya itinaas ko ang kamay ko. Nagmadali naman sila sa pagpunta sa akin at umupo sa tabi ko.

"Anong nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Gavin.

Sinubukan nila akong paupuin pero nagmatigas ako. "Don't."

"Ano ba kasi nangyari? Nadaanan namin si Patricia, parang wala sa sarili. Tinawag nga namin pero hindi kami pinansin."

Pumikit ako't huminga ng malalim. "I kissed her."

"What the fuck?!" sabay na sigaw nila.

"Bakit?! I mean, alam ko na may gusto ka sa kaibigan natin pero tangina, hinalikan mo kaagad?! Umupo ka nga!" This time, hinayaan ko na ang sarili ko na magpatangay sa paghila ni Gavin para maiupo ako.

"Tangina! Akala ko duwag kang hayup ka! Bakit mo hinalikan?!" tanong ni Axel.

Kasi gusto ko.

To be honest, ever since I started developing feelings for her, I always wonder how sweet her lips are. When I planned to kiss her to let her know how I feel, it was easy for me to set my thoughts aside just so I can do what I planned.

Ganuon ko siya kagusto halikan dati pa, na ang dali lang iisantabi lahat ng possible outcomes na nabuo sa isip ko once ginawa ko ang bagay na iyon. I just didn't expect na mag-walkout siya na parang wala sa sarili dahil hindi iyon kasama sa lisatahan ng mga iniisip kong gagawin niya kapag hinalikan ko siya. I was prepared for a slap, actually. Hinihintay ko rin siya na sigawan ako o saktan pero hindi nangyari ang mga iyon. Gusto ko na rin patayin ang cell phone ko dahil baka magsumbong siya sa pamilya niya. Nasa kanila pa man rin ang number ko.

"Sinira ko kung anong mayroon kami." Mahinang sinabi ko saka ko nagsulat ng mga linya sa buhangin sa pagitan ng hita ko. "I don't want to stop being her friend pero kasi naisip ko, mas okay na iyong ganito. At least I'll get to focus on other important matters."

"Hindi ba siya importante sa iyo?" idiniretso ni Axel ang mga hita niya saka bumuntong-hininga.

"It's not that she's not important. Pero kasi itong problema ko, simula 10 years old pa lang, problema ko na ito."

"Jun, umamin ka nga sa amin. Dati ko pa gusto malaman iyang problema mo. You know we can trust Axel kaya wala namang problema kahit umamin ka sa harap niya."

"I don't think I can."

"Alam mo, nakakasama ka minsan ng loob. Para kang walang tiwala sa amin. Kung may problema ka, sabihin mo. Tangina. Ano pa't kaibigan mo kami kung hindi ka namin tutulungan?"

"Ang cheesy pero totoo." Inakbayan ako ni Axel saka tinapik ang balikat ko. "Magkuwento ka nga."

I want to. I really want them to know para gumaan ang pakiramdam ko. Ang hirap kasi kapag sino-solo ang problema. Kaibigan ko sila and they already proven themselves kaya alam ko na hindi nila ako tatalikuran.

Alam na ni Gavin ang sikretso ko tungkol sa droga pero tulad ni Axel, alam ko na hindi niya pa alam kung bakit ko ito ginagawa.

Iyon rin ang isa sa ikinatatakot ko. Baka mahusgahan ako ni Axel kapag nalaman na totoo ang bali-balita tungkol sa akin. Pero kung may pakielam siya rito, sana hindi niya ako kinaibigan dati. Nakakagago nga naman kung alam mo iyong kaibian mo may itinatago sa iyo pero hindi pa rin sinasabi kahit alam niyang alam mo na may problema siya.

Pikit mata ko ikinwento lahat ng dapat nila malaman at tahimik naman silang nakinig. Nang matapos ako, itinungo ko lang ang ulo ko habang hinihintay ang sasabihin nila. Papikit na sana ako sa takot na baka nag-iba tingin sa akin ni Axel pero napatingin na lang ako sa kaniya nang tapikin niya ulit ang balikat ko bago umayos ng upo.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin dati?"

"Iniisip ko kasi, wala naman mangyayari kahit pa malaman mo." sagot ko sa tanong ni Gavin.

"Jun, sana sinabi mo sa amin. Kahit kay Gavin na lang sana kasi kailan mo lang rin naman ako naging kaibigan kaya maiintindihan ko kung hindi mo kaagad ipaalam sa akin. Malaking halaga kailangan mo para masalba pamilya mo kaya alam kong nahihirapan ka. Kung sinabi mo kaagad kay Gavin iyan, edi sana nadamayan ka niya ng husto."

"Hindi ka namin matutulungan financially pero kapag kailangan mo ng tulong sa ibang bagay, makakaasa ka naman sa amin."

Matapos ko marinig ang mga sinabi nila, naalala ko kaagad si Patricia. Isa kasi ito sa problema ko ngayon kahit pa sabihin na ginusto ko na palayuin ito para hindi ako lalo magkagusto rito.

"Let's not talk about my family problem. Iniisip ko ngayon si Patricia. I'm pretty sure she's mad kahit na nag-walkout lang siya kanina."

"Hindi talaga kita ma-gets." Napatingin kami ni Axel kay Gavin nang magsalita ito. "Nasabi mo sa amin dati na kaya ayaw mo i-pursue kasi kapag nag-girlfriend, kailangan maglabas ng pera. Ano ba tingin mo kay Pat-Pat? Mukhang pera? Materialistic? Napag-usapan natin ito, hindi ba? I told you—"

"Yeah. I remember. Giving things isn't obligatory when I enter a relationship. Pero kasi impulsive ako. If by any chance naging kami, alam ko sa sarili ko na kung ano-anong bibilihin ko para lang mapasaya siya."

"If that's the case, look for alternatives." Nagkibit-balikat siya saka tuminga. "Let's say tali ng buhok? Stickers? Colored pencils? Highlighters? Glitters? Kahit anong colorful shit. I don't know what girls like but do you get the point?"

"Gets ko."

"Sabi ko nga sa iyo, hindi materialistic si Pat-Pat. Hindi ba't crush ako dati noon? Binigyan ko lang ng ballpen, ang laki na ng ngiti."

"Magkaiba tayo. Hindi naman niya ako gusto."

"Alam niyo, kingina niyo. Ang corny ng pinag-uusapan niyo." Tumayo si Axel sa harap namin saka pinagpag ang pang-upo. "Isa lang iyan. Gusto mo mapunta si Patricia sa iba o hindi?"

"Of course I don't." mabilis na sagot ko. Iniisip ko pa lang, naiinis na ako.

"Tandaan mo. Ang daming umaaligid diyan. Hindi mo ba nakita iyong mga lalake kanina habang nag-pe-perform siya? Kung makatingin, gusto nang hubaran, eh. Kaya kung ayaw mo mawala sa iyo, gago, sinasabi ko sa iyo, kumilos ka."

"Wala rin namang sense. Hindi niya ako gusto. I gave her my first kiss pero ganuon inakto niya. Ano ibig sabihin ng pag-walkout niya?"

"Baka mabaho hininga mo kaya ka nilayasan?"

"Ulol." Tumungo ako't itinakip ang dalang palad sa bibig ko saka ako bumuga ng hangin. Inamoy ko ito at tama ako, hindi naman. Tangina. Na-conscious ako bigla.

"Gago, mag-toothbrush at mouthwash ka tapos halikan mo ulit. Malay mo, gumanti sa iyo."

"Axel, iyang bunganga mo. Tandaan mo, kaibigan natin si Pat-Pat. Umayos ka." sita ni Gavin. Kung makapagsalita naman kasi, parang ibang babae ang tinutukoy.

"Ang sa akin lang kasi, pinangungunahan niya iyong mga outcome. Bakit hindi niya muna i-try ligawan at mapa-oo si Patricia? Saka niya pa lang naman malalaman iyong totoong outcome kapag naging sila na. Para sa akin lang, ha? Kung materialistic nga si Patricia, na alam ko namang hindi, at gusto ng mga bagay-bagay na talagang mapapagastos ka, edi hiwalayan mo. Ganuon lang kasimple iyon. Ako lang ba nag-iisip rito? Hindi mo pa kasi sinusubukan, pinangungunahan mo na. Iyan ang problema mo. Puwede mo naman ituloy iyong pag-iipon habang girlfriend si Patricia. Parang hitting two birds with one stone."

"Ang concern niya nga kasi, kahit hindi materialistic si Patricia, paano kung siya ang gumastos nang gumastos para rito kahit hindi naman kailangan? Iyong impulsiveness niya ang problema."

Lumapit sa akin si Axel saka ako itinayo sa pamamagitan ng paghawak sa kwelyo ko. "Tatanungin ulit kita. Gusto mo mawala si Patricia sa iyo o hindi?"

"Ayoko."

"Tandaan mo, Jun, 500k pa lang naiipon mo. Ang sabi mo, 3.5M ang kailangan mo. Tatlong taon na lumipas sa lagay na iyan, ha? Ngayon, kung hihintayin mo makaipon bago ka gumawa ng hakbang para makuha si Patricia, baka may asawa't anak na iyong tao. Hindi mo makukuha iyong kulang mo sa loob ng, sabihin na natin limang taon kahit pa may trabaho ka. Hindi sa sinasabi kong i-prioritize mo si Patricia kaysa sa pamilya mo pero isipin mo kung sino iyong nandito sa tabi mo ngayon. At saka, nag-walkout lang naman si Patricia tapos parang wala pa sa sarili. Hindi ba't okay rin ang outcome na iyon? Kasi kung hindi ka naman niya gusto o wala talaga siyang nararamdaman ni katiting sa iyo, edi sana hindi siya umalis ng ganuon-ganuon. Malay mo napaisip iyon tungkol sa nararamdaman niya para sa iyo."

"Ang haba ng sinabi mo, boy, pero gets ko." entrada ni Gavin saka tumabi kay Axel. "Kailan ka pa naging love guru?"

"Gago, par, minsan lang ako maging matalino." Pumunta si Axel sa likuran ko saka ako hinawakan sa magkabilang balikat. "Bumalik na tayo duon. Kausapin mo si Patricia bukas saka ka mag-decide kung bibitawan mo o ano."

Wala na akong nagawa kung hindi magpatulak sa kaniya. Habang naglalakad kami pabalik, inaalala ko lahat ng sinabi nilang dalawa. Lahat ng mga iyon, may sense kaya naguluhan ako. Na-ge-gets kasi ako ni Gavin at ganuon rin naman si Axel pero magkaiba sila ng suggestion.

Pagkabalik namin sa mga kasama namin, hindi ko nakita si Patricia. Marami pa rin ang nakatayo habang chini-cheer ang kumakanta pero ang mga ka-club ko, nakaupo na sa tapat ng bonfire. Sakto naman na dating namin, tinanong ako ni Marian kung nakita ba namin ito.

Kinabahan ako nang tanungin niya ako kasi baka kung napano na si Patricia. Tumayo pa nga si Lance at nagsimulang magtanong-tanong at hula ko, tulad ko rin itong nag-aalala. Hindi ako nakaalis sa kinatatayuan ko at nakasunod lang ang mga mata ko rito habang patuloy ito sa pagtatanong.

May babae itong nilapitan na naglalakad papunta sa kumpol ng mga tao at kaagad itong naglakad papunta sa direksyon ng mga cottage. Tumayo na rin si Kate at sinabing titignan sa cottage at ilang saglit lang, nakita ko si Lance na kasama na si Patricia.

Hindi siya nagsasalita habang nagsasalita si Lance at base sa pagkakakilala ko sa kaniya, sa gamit niyang ekspresyon, may iniisip siya. Gusto ko siyang lapitan, lalo pa nang tumingin siya sa direksyon ko. Hindi ko nga napansin na humakbang na ako palapit pero nang mag-iwas siya ng tingin, natauhan ako't huminto.

Hanggang sa makaupo sila ng magkatabi, nakapako ang tingin ko sa kaniya at hindi ko gusto kung anong nararamdaman ko.

Kinakain ako ng matinding selos.

Wala akong nagawa kung hindi iyukom lang ang mga kamay ko para pigilan ang nararamdaman ko. Nang hilahin ako paalis nina Gavin at Axel, nagpatangay lang ako't hindi nanlaban. Maigi na rin ito dahil kung nagtagal pa ako duon, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko't paghiwalayin sila.

Ito na nga ang sinasabi ko. Sa tingin ko, hindi pa ganuon kalalim ang nararamdaman ko para rito pero matinding selos na ang kumakain sa akin. What more pa kung hulog na hulog na ako? Baka sa simpleng selos lang, ihiwalay ko na ito sa lahat ng lalakeng dumikit rito. Ayoko naman maging ganuon ka-toxic.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Gavin.

Kumuha si Axel ng lata ng beer saka ito ibinigay sa amin. Napatingin na lang ako rito, iniisip kung bubuksan ko ba ito para maglasing at nang makalimot o hindi.

"Sinasabi ko sa iyo, Jun, mag-isip-isip ka na."

Wala akong nagawa kung hindi mapahinga nang malalim sa sinabi ni Axel.

Tama siya. Dapat na akong mag-isip kung i-pu-pursue ko ba si Patricia. Ayoko ito mawala sa akin para lang mapunta sa iba kaya sana lang, kapag nakaisip ako ng decision, tama ito.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

255K 9.4K 28
Five W Series 3
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
235K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
428K 9.4K 79
Wanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel...