Sweet Scheming Playgirl (TOG...

By FGirlWriter

3.7M 87.9K 8K

Saan dadalhin ng twelve years age gap ang pagmamahal ng mapaglarong si Haley sa respetadong vice-mayor na si... More

Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen (Part 1)
Chapter Fifteen (Part 2)
Finale Chapter
Epilogue

Chapter Eight

154K 3.9K 231
By FGirlWriter

CHAPTER EIGHT

SA MAKALAWA na ang civil wedding nina Haley at Gideon. Kaya naman ngayong araw ay papunta sila sa isang kilalang pastor sa kanilang probinsiya para sa isang marriage counselling. Pagka-park ni Gideon ng kotse nito sa may tapat ng isang Christian church ay agad itong bumaba at pinagbuksan siya ng pinto.

Napangiti siya nang alalayan pa siya nito. "Thank you, baby," nakangiting pasasalamat niya rito. Sa mga nakalipas na raw ay ramdam na ramdam ni Haley ang pag-iingat at pag-aalaga sa kanya ni Gideon. Kahit siya ay gusto ng paniwalain ang sarili na buntis talaga siya. Minsan nga ay nawawala sa isip niya na nagkukunwari lang pala siya.

Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. "Halika na. Naghihintay na si Pastor Zamora sa loob."

Their fingers intertwined and Haley can't contain the "kilig" she was feeling. Ibang-iba ang Gideon na una niyang nakilala sa Gideon na lagi niyang kasama ngayon. Nananatili ang serious attitude nito ngunit mas madalas na ang pagngiti at pagtawa nito tuwing magkasama sila. Maalaga pa at malambing.

Hindi niya alam na posible pala siyang sumaya ng sobra nang dahil sa isang lalaki.

"Ate, ate, pahingi naman po ako ng barya," biglang sulpot ng isang marungis na batang lalaki.

"Ate, pahingi naman po ng pera pangkain," sabi pa ng kasama nitong batang babae habang nakabukas ang mga palad nito sa harap niya. Ang batang lalaki ay may hawak na cup ng instant noodles na nakaawang sa kanya at may kaunting barya lang doon.

Tumigil siya sa paglalakad na ikinatigil din ni Gideon. Mabilis niyang hinanap ang wallet sa bag niya at kumuha doon ng dalawang isang-daang piso. Inabot niya ito sa dalawang bata na nanlaki ang mga mata.

"Pambili niyo ng pagkain iyan ah," bilin niya pa sa mga ito.

"Nako po! Salamat, ate! Mabibili ko rin po ng gatas ang kapatid ko dahil dito," nagniningning ang mga mata na sabi ng batang lalaki.

"Yehey! Magkaka-ulam kami hanggang bukas! Makakabili tayo ng pansit, Dong!" tuwang-tuwa na wika naman ng batang babae sa kasama nito at saka bumaling sa kanya. "Maraming salamat po, ate! Ang bait niyo po!"

She lightly patted the little girl's head. "You're welcome. You better go home na rin and make some 'ligo', okay? Madungis na kayo, baka magkasakit pa kayo."

Nagtanguan ang mga ito at saka mabilis na nagtakbuhan palayo, tuwang-tuwa sa isang-daang piso na hawak.

Napabaling siya kay Gideon na manghang nakatingin sa kanya. "What?" kunot-noong tanong niya rito. Kakaiba kasi ang mga tingin nito sa kanya.

Umiling ito pero may ngiti sa labi. Hinawakan nito muli ang kamay niya at naglakad na papasok ng simbahan. "Do you always do that? Binibigyan mo ng pera ang namamalimos?"

Tumango siya. "Sa Manila kasi maraming namamalimos eh. Naaawa ako sa kanila, kaya nasanay akong bigyan. Tutal, I have a lot of money naman. Why not share?"

"Hindi mo ba naisip na baka hindi naman talaga kawawa yung nililimusan mo? Na baka propaganda lang iyon para magkaroon sila ng pera?"

Nagkibit-balikat siya. "It's not my problem anymore kung fake ba ang namamalimos o hindi. Basta ako nag-share with the intention to help them. Kasalanan ko pa ba that I shared what I can give?" Matagal niya na ring naisip iyon dahil marami naman daw talagang kahit hindi mahirap ay namamalimos para lang magkapera. Eh, paano ba madi-distinguish iyon sa totoong namamalimos at kailangan talaga ng tulong? Basta siya nag-share, tapos.

Inakbayan siya ni Gideon. "No. You just did fine. Tama iyan, you just want to help. Napahanga mo na naman ako."

She chuckled. "Uyy... You're starting to like me," tukso niya rito.

Natawa ito. "I like you, Haley."

Namula ata ang pisngi niya sa narinig. "Y-You like me? Really?"

Tumango ito. "Bakit parang nagulat ka?" sabay pisil sa pisngi niya. "I like you."

Nakagat niya ang ibabang labi at pinigilan ang sobrang kilig sa sistema. Oh, my gosh! Gideon likes her! Sa wakas!

"Bilisan na natin. Male-late na tayo sa appointment natin kay Pastor Zamora."

Mas hinigpitan niya ang kapit sa kamay nito at sumandig pa siya sa balikat nito habang naglalakad sila. "Sana, you'll fall in love with me, also."

"One step at a time, Haley. I will be there before you knew it."

***

"MARRIAGE IS a lifetime commitment- an eternal union. It will be the biggest shift in your life," sabi sa kanila ni Pastor Zamora. Nasa opisina sila ngayon ng naturang pastor. Magkatabi sila ni Gideon at nakikinig sa pastor.

"Kaya dapat, bago pinapasok ang kasal ay dapat na siguradong-sigurado muna ang dalawang partido para rito. Marriage is a tough one. It's not about you, anymore, but it's about the two of you and how God would center in your marriage." Maaliwalas at nakangiti ang pastor habang sinasabi ang mga iyon. Sumandal ito sa kinauupuan. "Una sa lahat, bakit ba kayo magpapakasal? Honest answers."

Nagkatinginan sila ni Gideon.

"I will take responsibility of her, Pastor," sagot ni Gideon. "Buntis po si Haley."

Biglang nanlamig ang kamay ni Haley. Nakakaintinding tumango naman ang pastor. Walang judgment sa mga mata nito. "How about you, Haley?"

Napalunok siya. "I-I love him, Pastor," matapat na sabi niya.

Pastor Zamora smiled at her. "You looked uneasy, hija? May problema ba?"

"Ahm... kinakabahan lang po. It's my first time for a marriage counselling."

"Stay relaxed. Wala naman akong gagawin sa inyo. All of the things na mapag-uusapan natin ay mananatili lang sa opisinang ito. Now I know your reasons, let's start."

Marahang nagpakawala si Haley ng hangin. Sinusubukan niyang kumalma. Bigla kasi siyang inusig ng konsensya. Gideon's marrying her because of her scheme. Masyado siyang nag-enjoy ng mga nakaraang araw sa piling nito. Bakit ba siya ngayon pa inuusig ng konsensya? Dalawang araw na lang, ikakasal na sila, ngayon pa siya parang natakot? Dapat matuloy-tuloy niya ito! Kapag nalaman ni Gideon ang totoo, she could lose him. Hindi niya kakayanin iyon.

"Deception."

Biglang napaangat ng tingin si Haley. "W-What?" wala sa sariling tanong niya.

Napatingin sa kanya sina Pastor Zamora at Gideon na may pagtataka sa mga mata.

"Yes?" ani ng pastor habang nakatingin sa kanya. "May tanong ka ba, Haley, para sa discussion natin?"

"A-Ahm..." Mabilis siyang umiling at saka binaba ang tingin. "Please continue, Pastor. Hindi ko lang po gaano narinig ang sinabi niyo."

"Ganoon ba? Nasa 'Deception' na tayo," sabi ng pastor. "Deception o panloloko. Ito ang dapat na iwasan niyong gawin o mangyari. Nakakasira 'to ng pagsasama. You should not deceive your partner, dahil kapag nagkabukuhan, it will ruin one of the foundations of marriage-trust. Trust is very hard to rebuild again. Now, if you have secrets that you think your partner needs to know, tell him or her. If you have plans of deceiving your partner for selfish reasons, then don't even think about it. Kung may mga dapat nang malaman ang partner niyo ngayon pa lang, sabihin niyo na. Honesty and understanding must be practiced..."

Dahil sa mga iyon ay tuluyan nang nalunod si Haley sa kanyang pagkakamali. She can't go on, anymore. Napatingin siya kay Gideon na matamang nakikinig sa pastor.

Nangilid ang luha sa mga mata niya. He likes her and he's open to love her. Now, how can she tell him that she's not really pregnant? Hindi na matutuloy ang kasal nila kapag sinabi niya ang totoo... He might hate her and curse her.

Should she continue deceiving him and stick to her original plan?

***

NAPAPITLAG SI Haley nang tawagin siya ni Gideon. Nasa isang restaurant sila ngayon at naghahapunan.

"Haley? Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Gideon sa kanya. "Kanina ka pa ganyan. Pagkatapos ng marriage counselling, hindi ka na umiimik. May nararamdaman ka ba?"

She shook her head. "I-I'm sorry. Marami lang ako naiisip. Malapit na kasi ang kasal. Baka nagkaka-cold feet lang ako," palusot niya pa at saka tinuloy ang pagkain.

"Maybe unstable ang hormones mo dahil sa pagbubuntis. Gusto mo bang umuwi na at makapagpahinga? Napagod ka siguro kanina."

Mas lalong nakonsensya si Haley dahil sa pag-aalala sa kanya ni Gideon. Hindi niya na ata kaya pang magsinungaling rito at patuloy itong paniwalain na buntis siya para pakasalan siya nito. Napakabuting tao nito at mahal niya ito. Siya na mismo ang nasasaktan kapag pumalpak ang plano niya at nalaman nito.

Paano kung pagkatapos ng kasal nila at may nangyari na ay hindi naman pala siya mabuntis agad? Paano kapag nahuli siya sa mismong bibig niya?

Nangilid na naman ang luha sa mata niya. "S-Siguro nga, umalis na lang tayo, Gideon. Wala na rin akong gana kumain, eh. Sa bahay na lang."

He understandingly nodded and paid the bill.

Nasa kotse na sila at pareho lang silang tahimik. Nakatingin siya sa labas ng bintana at iniisip kung kailan niya ba sasabihin kay Gideon ang totoo. Ayaw niya nang lokohin ito bago pa sila makasal. Mahal niya ito.Ngayon niya lang naisip, anong klaseng pagmamahal ang mayroon siya?

Iba si Gideon sa lahat ng lalaking nakilala niya at hindi niya dapat ito pinapaikot na parang katulad ng mga naging flings niya. Pero, ayaw niya talagang mawala ito sa kanya... ngayon pa lang ay parang binibiyak na ang puso niya sa isipin na aaminin niya rito na ang totoo at pagkatapos ay kasusuklaman siya nito sigurado.

"Haley? I'm really worried. Please, speak up if you have a problem."

Nilingon niya ito. "G-Gideon... puwedeng mag-stay muna tayo doon sa old house? Please?"

Tumango ito. "If that's what you want." Niliko nito ang kotse at pagkalipas ng sampung minuto ay nasa lumang bahay na sila.

Pumasok sila sa loob niyon at dumiretso siya sa natatanging kuwarto. Naghubad siya ng sandals at saka nakadapang humiga sa kama. Sinubsob niya ang mukha sa unan.

Oh, God, help me.

***

SINUNDAN NI Gideon si Haley at nakita niya itong padapang humiga sa kama. Nag-aalala na talaga siya sa inaakto nito pagkatapos pa lang ng marriage counselling na pinuntahan nila kaninang hapon. Naisip niya na baka nagkakagulo na naman ang hormones nito dahil sa pagbubuntis at hindi alam ni Haley kung paanong iha-handle iyon.

Two days from now, they'll get married, and honestly, he's feeling excited. As the days passed by, mabilis na nahulog ang loob niya kay Haley. He even realized that maybe, noon niya pa talaga gusto ang dalaga. He saw the good side of her that's worth loving. He wanted Haley to be his and they'll make a happy family.

"Haley..." he softly called her. Umupo siya sa tabi ng higaan at hinaplos ang buhok nito.

Humarap ito sa kanya at nagulat siya nang makitang umiiyak ito. He reached for her face. "Why are you crying? May masakit ba sa'yo? May nararamdaman ka ba?"

Bumangon ito at mabilis siyang niyakap. "Gideon, I love you... I love you."

Ginantihan niya ang yakap nito at hinaplos-haplos ang likod nito. "Anong nakakaiyak doon?" he tried to joke.

Hinarap siya nito at bahagya itong nakangiti. "Sorry that I loved you so much that I have to do this..."

He creased her forehead. Hindi niya nakuha ang sinabi nito. "Haley?"

Pumatak na naman ang luha sa mga mata nito. Pumikit ito. "Oh, I don't know how to say this."

Binundol na ng kaba ang dibdib ni Gideon. Halatang hindi mapakali si Haley at parang kung anuman ang sasabihin nito ay hindi magiging maganda...

"Gideon..." She looked straight at him. "I-I cannot k-keep this anymore..."

Malinaw na nakita ni Gideon sa mga mata ni Haley ang takot, pagdadalawang-isip, at kung anu-ano pang emosyon na nagkahalo-halo na. Damn, he wanted to take away all of that bad emotions in her beautiful eyes. Gusto niya ay lagi lang iyong may kasiyahan.

"Calm down, baby," he console her as he cupped her face and kissed her tears away. "Just tell me, what it is."

"Baka h-hindi mo 'ko maintindihan..."

"Iintindihin ko para sa'yo."

She bit her lower lip at lowered down her head. She murmured something that he didn't catch.

"Haley, I can't understand you." He raised her chin. "Tell me, what's been bothering you," he softly ordered.

"I... I..." Napabuntong-hininga ito. "I want to kiss you, Gideon. I want to have you. I want to feel you. Inside me. I want to make love with you."

His eyes widened. Iyon ang pinoproblema nito? Iyon lang?

Nagpakawala siya ng hangin. "You want to make love that's why you're acting like this?"

Marahang tumango ito. "Eh, k-kasi sabi mo, makikipag-make love ka lang sa'kin, pagkatapos ng kasal. Dalawang araw pa and... I don't know. It must be the hormones. But I really want to make love with you... I can't help it. I-,"

Bago pa matapos ang mag sinasabi nito ay mabilis na hinapit niya ito sa baywang at siniil ng mainit at malalim na halik sa mga labi.

The hell! He's been torturing himself, also, for the past few days. Gusto niya rin itong angkinin tuwing magkasama sila pero pinipigilan niya ang sarili dahil gusto niya ngang gawin ang tama. But, if it's Haley who wanted it so bad... how can he resist her?

No, he can't.

A couple of intimate moments later, naghalo ang mga ungol nila sa loob ng maliit na kuwarto. As he moved slowly and gently, parang may isang parte sa dibdib niya ang unti-unting bumibigay. When they both reached the climax, isinigaw nila ang pangalan ng isa't-isa.

Kahit hinihingal pa ay hinawakan ni Gideon ang magkabilang baywang ni Haley at pagkatapos ay yumuko siya at hinalikan ang tiyan nito. That kiss is for their baby.

Habang tinititigan niya si Haley na namumungay na ang mga mata ngunit nagawa pa siyang matamis na ngitian, ay napagtanto niyang mahal niya na ito. 

It was like magic. But he knew better. It's a miraculous feeling.

"I love you, Gideon. So much..." bulong ni Haley sa kanya.

He smiled and happily kissed her on the lips as they went for another round of lovemaking.

I love you, too, Haley.

***

Social Media Accounts:

FB Page: C.D. de Guzman / FGirlWriter

FB Group: CDisciples

Twitter: FGirlWriter

IG: fgirlwriter 

Continue Reading

You'll Also Like

428K 9.3K 57
[COMPLETED] Geeo, George and Georgina's son, learns to fall in love. GG Couple, the next generation. #AACouple
132K 3K 71
Started: [08-30-2014] Completed: [12-07-2014] ******* Warning: This is not your typical labstory. :) ******* Si Lexi, isang mayaman, matalino at maga...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
3.1M 82K 33
Matthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang...