Eastwood: The World Of Zodiac

By SEABR13S

4.3K 711 454

Watty Awards 2022 Shortlister Evan, the son of the rightful King of Eastwood, has to master all the twelve Zo... More

EASTWOOD: The World of Zodiac
PROLOGO • Ang Lagusan
KABANATA 1 • Unang Ulan ng Mayo
KABANATA 2 • Ang Lihim
KABANATA 3 • Sa Karagatan
KABANATA 4 • Pruweba
KABANATA 5 • Sa Kagubatan
KABANATA 6 • Eastwood
KABANATA 7 • Taurean
KABANATA 8 • Capricornian
KABANATA 9 • Ang Pinagtaksilang Hari
KABANATA 10 • Pana at Palaso
KABANATA 11 • Dulot na Kapahamakan
KABANATA 12 • Ang Tagapagligtas
KABANATA 13 • Ang Birhen at Ang Taksil
KABANATA 14 • Galak at Pangamba
KABANATA 15 • Linlang
KABANATA 16 • Ang Nadungisang Ngalan
KABANATA 17 • Ang Paghahatol
KABANATA 18 • Haring Vyen
KABANATA 19 • Alab
KABANATA 20 • Sibat at Espada
KABANATA 21 • Evan
KABANATA 22 • Katotohanan at Kataksilan
KABANATA 23 • Ang Prinsipe
KABANATA 24 • Ang Piging
KABANATA 25 • Ang Pinuno
KABANATA 26 • Ang Simbolismo
KABANATA 27 • Tagapagmana
KABANATA 28 • Ang Pagdakip sa Reyna
KABANATA 29 • Ina
KABANATA 30 • Enoch
KABANATA 31 • Shaxa
KABANATA 32 • Daisy Wood-Frell
KABANATA 33 • Sigalot
KABANATA 34 • Sorpresa
KABANATA 35 • Unang Araw sa Northwood
KABANATA 36 • Ang Sumpa
KABANATA 37 • Araw ng Hilaga
KABANATA 38 • Hamon
KABANATA 39 • Tagapagsanay
KABANATA 40 • Kapayapaan
KABANATA 41 • Ang Paghaharap
KABANATA 42 • Maitim Na Plano

EPILOGO • Ang Kahilingan

399 73 28
By SEABR13S

•••★•••

Epilogo
Ang Kahilingan

    

NATAGPUAN ko ang aking sarili sa loob ng isang kagubatan. Hindi sa Wildcoast. Hindi sa Eastwood. Pawang kulay pula ang mga dahon ng bawat punong madaraanan.

Naglakad-lakad ako at hindi nagtagal ay natagpuan ko ang isang batis kung saan ay may isang babaeng nilalang na dito'y nakatanaw.

Nakaterno ang kanyang kasuotan sa kulay ng mga dahon ng puno. Ang kanyang itim na buhok ay abot hanggang kanyang talampakan. Ngunit hindi ito ang kumuha ng aking atensyon kundi ang isang puting sawa na nakasampay sa kanyang balikat at pumupulupot sa kanyang kanang braso.

Iniligoy niya ang kanyang mga mata sa akin. "Sino ka? Papaano ka napadpad rito? Isa ka bang Diyos?" tanong niya.

"H-Hindi. Ako si Evan, isang Maharlika sa kaharian ng Eastwood. Maaari ko bang malaman kung nasaan ako?"

"Ikaw ay nasa isang kaharian na tanging ang mga lubos na nagngangailangan lamang ang nakatutunton," tugon niya. "Kaya, sa aking pakiwari, mayroon kang matinding pangangailangan."

Hindi ko mawari kung ano ang tinutukoy niya.

"Ano ang iyong ngalan?" usisa ko.

"Ako si Amara, Diyosa ng Pag-ibig," pagpapakilala niya.

Diyosa?

"Isa kang Diyosa? I-Ibig bang sabihin nito ay patay na ako?"

Napansin kong bahagya siyang natawa sa aking sinabi. Tinangnan niya sa mata ang ahas na nakasampay sa kanyang balikat at para bang kinakausap niya ito. "Nagpapatawa ka ba?" tanong niya sa akin. "Ikaw ay nasa Kaharian ng Pag-ibig, at hindi sa kabilang-buhay."

"Kung gano'n —"

"Ikaw ay buhay na buhay." Siya na mismo ang tumapos sa pangungusap ko. "Ngunit, ramdam na ramdam ko kung papaano namatay ang iyong puso dahil sa isang partikular na tagpo sa iyong buhay."

Kunot-noo kong tinanggap ang pahayag niya. "Anong ibig mong sabihin? Anong tagpo?"

"Ikaw ang makasasagot sa tanong na 'yan, Evan. Anong tagpo sa buhay mo ang sa tingin mo ay naging dahilan upang mapadpad ka rito?" tanong niya.

Patuloy akong nagtataka sa mga bagay na lumalabas sa bibig niya. Ni hindi ako sigurado kung totoo ba itong nangyayari o 'di kaya ako'y nananaginip lamang dahil nang minsan kong kapain ang aking leeg ay walang anumang sugat na taglay ito.

"Maaari mo bang ipaliwanag ang nais mong ipahiwatig?" pabor ko.

Marahan siyang umupo sa isang malaking tipak ng bato. "Walang sino man ang nakararating sa lugar na ito nang walang malalim na dahilan sa kaibuturan ng kanilang puso. Ito ang Kaharian ng Pag-ibig, at masasabi kong may pangyayari sa buhay-pagibig mo na dala-dala mo pa rin hanggang ngayon na siyang nagpapabigat sa iyong dibdib.  Maaaring ika'y pinagtaksilan ng iyong kasintahan. Maaaring nais mong mahalin ka ng iyong iniirog. O 'di kaya ay mayroon kang minahal na naging dahilan ng iyong pagkasawi," paliwanag niya.

Naging malinaw na sa akin ang ipinupunto niya at isa lang ang naiisip kong rason — si Ava.

Alam ko sa aking sarili na mahal ko siya magpahanggang sa puntong ito. Kahit pa man marami na ang naganap, hindi pa rin nito nagagawang tabunan ang pagmamahal ko para sa kanya.

Naniniwala akong ang sakit na idinulot ng kanyang pagkasawi ang naging rason kung bakit napadpad ang diwa ko sa kahariang ito.

"May isang nilalang na masasabing kong lubos kong minahal. Sa kanya ko unang naramdamang sumaya sa parang walang ano mang kondisyon. Para akong lumilipad dahil sobrang payapa lamang ang mga bagay-bagy sa t'wing kasama ko siya. Ngunit, kamakailan lamang, bigla siyang binawian ng buhay at masasabi kong ang rason ng kanyang pagkasawi ay hindi makatarungan, dahil wala siyang pagpipilian," salaysay ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ng Diyosa.

Pilit kong inaalala ang sikretong isiniwalat ni Archibald matapos mamaalam si Ava. "Hindi maaaring magmahal ang kanilang lahi dahil may isang makapangyarihang Diyosa ang sa kanila'y nagbigay ng sumpa. Ito ay dahil, daang taon na ang nakalilipas, ang makapangyarihang Diyosa na ito ay pinagtaksilan ng kanyang asawang Virgoan na lihim na nakipagrelasyon sa kapwa niya Virgoan. Ang maling pag-iibigan nila ay nagbunga ng isang sanggol at nang makarating sa Diyosa ang balita, dito na niya isnumpa ang buong lahi ng Virgoan na kahit sino sa kanila ay hindi maaaring magmahal o makipagtalik. Kung sino man sa kanila ang sumuway nito ay unti-unting titigil ang puso at papanaw. Ganito ang nangyari sa aking minamahal na si Ava. Minahal niya ako, at dahil isa siyang Virgoan, ito ang naging mitsa upang siya ay maagang mamaalam."

Hindi ko napigilang maging emosyonal habang inaalala ang mga bagay na iyon. Dito ko napagtantong hindi pa rin humuhupa ang sakit na dulot ng pagkamatay ni Ava.

Napansin ko ang biglaang pananahimik ni Diyosa Amara. Malayo ang kanyang tingin at hindi ko mawari ang kung ano ang rason sa likod ng kanyang pag-aagam-agam.

"Ayos ka lamang ba?" tanong ko.

"Saan mo nalaman ang istoryang iyan," tanong niya na agad kong sinagot.

"Mula mismo sa isang Virgoan," tugon ko.

"Nalimutan mong banggitin ang ngalan ng babaeng Virgoan na ipinalit niya sa makapangyarihang Diyosa."

"Tama ka. Ang pangalan niya ay —"

"Prescella." Sa ikalawang pagkakataon, siya ang tumapos sa pangungusap ko.

"B-Bakit mo alam?" pagtataka ko.

"Dahil ang makapangyarihang Diyosa na iyong tinutukoy ay ako," pagsiwalat niya.

Hindi ko inasahan ang lumabas sa kanyang bibig. Hindi ako makapaniwalang kaharap ko mismo ang Diyosa na siyang sanhi sa likod ng ilang daang taong sumpa na nararanasan ng mga Virgoan.

"I-Ikaw? Ngunit bakit? Bakit mo 'yon ginawa?" tanong ko na para bang sinisisi siya, dahil siya naman talaga ang dapat sisihin, hindi ba?

"Hindi mo maiintindihan dahil hindi mo naranasan ang naranasan ko," wika ng Diyosa at nagsimulang maging seryoso ang kanyang mukha.

"Naiintindihan ko dahil nagmamahal rin ako," argumento ko.

Naglakad papalapit sa aking harapan at halos isubsob na niya sa akin ang kanyang mukha. "Ngunit, naranasan mo na bang pagtaksilan ng taong mahal mo?" tanong niya.

Natigilan ako. May punto siya. Magkaiba ang naranasan naming sakit. Ngunit magkaiba man ang paraan, nananatiling pareho ang hapdi na dulot nito sa amin.

"Kahit ilang siglo na ang lumipas, nananatiling sariwa sa alaala ko ang lahat," paghihinagpis niya.

Nilinis ko ang aking lalamunan bago magbigay-tugon sa kanya, "Naiintindihan ko kung saan nagmumula ang hinagpis mo. Pinagtaksilan ka ng taong iyong pinakamamahal, ngunit hindi 'yon sapat na rason upang idamay mo ang mga inosente na labas sa kataksilang ginawa ng dalawang Virgoan sa'yo. Alam kong walang sino man ang may karapatang manakit ng iba sa anumang kaparaanan. Ngunit alam ko rin na ang bawat isa sa atin ay karapatdapat mahalin at magmahal. Alam kong naiintindihan mo ako dahil ikaw ang Diyosa ng Pag-ibig. Nakikiusap ako na kung may paraan pa, sana, 'wag mo itong ipagkait sa mga nilalang na naghahanap ng mamahalin at ng magmamahal sa kanila. Alam kong kasalanan ang magtaksil, ngunit hindi kasalanan ang magmahal."

Muli siyang natahimik at sa palagay ko'y pinag-isipan niyang mabuti ang aking mga sinabi.

"Kahit pa tanggalin ko ang sumpa, marami na rin sa mga Virgoan ang nawalan ng pag-asang makatanggap ng pagmamahal. Wala na ring magbabago dahil habang-buhay na itong nakatatak sa pagkatao nila," aniya.

"Ngunit kung tatanggalin mo ang sumpa, magiging masaya at puno ng pagmamahal ang kasalukuyang henerasyon nila at ng mga susunod pa. Sa katunayan, isang malaking pagbabago ang maidudulot nito sa kanila. Nasisiguro kong magiging masaya sila at oras na ibalik mo ang karapatan nilang magmahal, nariyan ka bilang Diyosa ng Pag-ibig upang gabayan sila. Handa kang gawin ang bagay na 'yon, 'di ba?"

"Iyon ang tungkulin ko," saad niya.

"Kung gano'n, may paraan pa ba para matanggal ang sumpa?" tanong ko.

"Ako ang nagbigay ng sumpa at ako rin ang may kakayahang bumawi nito. Ngunit, hindi ito isang pabor na basta-basta ko na lamang ibibigay. Bilang ikaw ang humihiling, kailangan ko ng isang makabuluhang bagay mula sa'yo kapalit ng pagwawaksi ko sa sumpa sa mga Virgoan."

Bahagya akong nagulat sa kaniyang sinabi. Makabuluhang bagay gayong wala naman akong bitbit na ano mang bagay maliban sa aking katawan.

"Paumanhin, ngunit wala akong maibibigay na anuman sa'yo. Ibigay ko man sa'yo ang saplot ko, nasisiguro kong hindi ito sapat," lahad ko.

"Nagkakamali ka, dahil ramdam ko mula sa iyong presensiya ang isang bagay na sapat na bilang kapalit ng pagpatay sa sumpa."

"Anong bagay ang tinutukoy mo?" usisa ko.

Humakbang siya ay nagbigay-tugon. "Ang makapangyarihang Tahaklaw. Iyan ang nais ko."


Ilang araw, linggo at buwan, bago ko tuluyang makumpleto ang kakayahan ng mga Zodiac. Masasabi kong malaki ang naging tulong nito sa akin dahil nagawa kong pigilan ang nagbabadyang digmaan, sa tulong na rin ng aming mga kaalyansa, maging si Papa.

Napagtanto ko ring isa sa mga rason kung bakit nagkaroon ng kaguluhan sa Eastwood ay dahil sa inggit na namutawi kay Vyen nang minsang pangalagaan ni Papa ang makapangyarihang Tahaklaw. Naisip ko na kung hindi sana ito ipinagkaloob kay Papa noon ay hindi mangyayari ang pag-iinggitan at pagtataksil na muntik nang maulit ngayong ako ang bagong nagmamay-ari nito.

Nakarating ako rito sa Kaharian ng Pag-ibig dahil sa sinisigaw ng aking puso. Naisip kong baka ito rin ang rason kung bakit sa akin ipinagkaloob ang aura ng Tahaklaw. Isang sumpa ang maaari nitong wakasan. Isang sumpa na nagpapahirap sa buhay ng mga Virgoan sa loob ng mahabang panahon.

Nakapagdesisyon na ako. "Pumapayag ako sa iyong gusto. Ibibigay ko ang Tahaklaw kapalit ng pagtanggal sa sumpa."

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Agad niyang hinawakan ang mga kamay ko at inutusan akong pumikit na agad ko ring sinunod. "Ang pagmulat ng iyong mga mata ang magiging tanda na natapos na ang sumpa."

Nananatiling nakapikit, habang hawak niya ang aking mga kamay, ramdam ko ang isang bahagi ng aking pagkatao na tila kanyang hinihigop. Nasisiguro kong ito ang lakas ng Tahaklaw na unti-unti nang lumilipat sa kanya.

Hanggang sa naramdaman ko na lamang na siya ay tapos na ngunit hindi ko pa rin binubuksan ang aking mga mata, base na rin sa instruksiyon niya. Matapos niyang bitawan ang aking mga kamay, pakiramdam ko ay isa na akong ordinaryong Maharlika muli.

Hanggang sa nadinig ko ang tunog ng ahas na nakasampay sa kanyang balikat at bigla na lamang nitong tinuklaw ang aking kanang braso dahilan upang ako ay mapasigaw sa hapdi at upang magbukas ang aking mga mata.

Nakailang kurap ako upang manumbalik ang linaw ng aking paningin. Ngunit, namalayan kong wala na pala ako sa Kaharian ng Pag-ibig kundi sa loob ng isang silid habang nakahiga sa ibabaw ng malambot na kama.

Alam kong hindi lamang basta panaginip ang lahat ng nangyaring tagpo kasama ang Diyosa. Ramdam ko sa aking sarili na totoo ang bawat sandali.

Namasdan kong nakapalibot sa akin ang aking ama at ina, si Ayahara, si Vera maging si Vladimir.

Dito ko napag-alamang tatlong araw na akong walang malay, dahil tatlong araw ring ginamot ng mga Aquarian ang malalim kong sugat.

Napag-alaman ko ring nakabalik na ang mga Northwoodian at Southwoodian sa kani-kanilang kaharian. Labis ang pasasalamat ko sa kanila dahil hindi sila nagdalawang-isip na kami ay tulungan. Nakaalis na rin ang mga Westwoodian na nagawang linlangin ng haring huwad.

Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto at ang mukha ni Enoch ang sabay-sabay naming namataan mula sa pintuan.

Labis kong ikinagulat ang sunod na ikinilos niya. Bigla na lamang siyang kumaripas nang takbo patungo sa akin at saka ako sinunggaban ng isang mahigpit na yakap. "Panwe Embre, Evan. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko noong pagkakataong 'yon. Patawarin mo ako."

Hinaplos ko ang kanyang ulo dahilan upang bahagyang magulo ang kanyang buhok. "Wala kang kasalanan. Naiintindihan ko ang lahat," saad ko.

"Inakala kong hindi ka na magigising. Natakot ako. Sobra. Kaunting panahon pa lamang nang tayo ay magkasama at sa tatlong araw na wala kang malay, napagtanto kong maling naging pagtrato ko sa'yo. Kaya, ipinangako ko sa aking sarili na oras na magising ka, bibigyan ko ng pagkakataon ang aking sarili na kilalanin at tratuhin ka bilang isang kapatid, at bilang isang kuya."

Tama ba ang aking narinig? Kuya? Ito ang unang beses na tinawag niya ako sa ganitong kaparaanan. Ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap pakinggan.

"Kung iniisip mong galit ako sa'yo magpahanggang ngayon ay nagkakamali ka. Naniniwala ako na kasabay ng pagtatapos ng kadilimang binuo ng ama mo, ay natapos na rin ang lahat ng galit, poot at paghihinagpis na namumutawi sa dibdib ko. Huwag kang mag-alala, Enoch, dahil bibigyan ko rin ng maraming pagkakataon ang sarili ko na makilala ka bilang nakababata kong kapatid," nagagalak kong hayag.

Lumipas ang mga sandali, nagkaroon ng pakiusap ang aking ama sa kanyang mga kasama, "Maaari n'yo ba muna kaming iwan ni Evan? Nais ko siyang makausap nang pribado."

Agad siyang pinagbigyan ng aking ina, ni Ayahara, Vladimir, Vera at Enoch.

Ako at si Papa na lamang ang natitira sa loob ng silid. Sinubukan kong bumangon upang bigyan siya ng isang mahigpit na yakap.

Habang nakayapos ang mga braso ko sa kanya, bigla kong naisip na ito na ang pagkakataong hinihintay ko — ang makumpleto ang aking pamilya at ang kapayapaan sa Eastwood.

Ito na rin ang naging pagkakataon ko upang isiwalat kay Papa ang mga naranasan ko habang kasama ang Diyosa ng Pag-ibig na si Amara. "Papa, sa tingin ko po, hindi ko na taglay ang lakas ng Tahaklaw. Isinakripisyo ko ito kapalit sa pagwawaksi sa sumpa na nababalot sa mga Virgoan."

"Alam ko ang nangyari, Evan. Hindi ko man nakita ang mga naganap sa iyong diwa noong mga araw na wala kang malay, alam ko pa rin ang mga naranasan mo dahil nababasa ko ang sinasabi ng iyong mga mata," sambit ni Papa.

"Tama po ba ang ginawa ko?"

"Kung maaari ka lamang sanang lumabas ngayon at tunghayan ang kasiyahan ng mga Virgoan ay hindi mo na kakailanganin pang itanong iyan. Nagdiriwang sila ngayon dahil tuluyan nang nawaksi ang sumpa sa kanilang lahi."

Kung gano'n, totoo nga ang sinabi ni Diyosa Amara na sa oras na sa pagmulat ng ang aking mga mata ay tuluyan nang matatanggal ang sumpa.

"Natutuwa ako, Anak, dahil parehong-pareho lang tayong ng naging desisyon sa halos magkaparehong sitwasyon," galak na sabi ni Papa.

"Ano pong ibig n'yong sabihin?" tanong ko.

Nagsimula siyang magsalayasay, "Sa kagubatan ng Wildcoast, noong itinarak ni Vyen sa aking dibdib ang kanyang espada, kagaya mo ay napadpad rin ang aking diwa sa kaharian ng isang Diyosa."

"Si Diyosa Amara po ang tinutukoy ninyo, hindi po ba?" tanong ko.

"Hindi. Sapagkat dinala ako ng aking diwa at isipan sa kaharian ni Diyosa na nagngangalang AshaDiyosa ng Kahilingan. Gaya mo nagkaroon ako ng isang pabor sa kanya, kapalit ng lakas ng makapangyarihang Tahaklaw."

"Ano po ang inyong pabor?"

"Isang kahilingan ang dapat niyang tuparin," tugon ni Papa na pinag-isipan ko. "At alam mo ba kung ano ang aking kahilingan?"

"Ano po?" aking pag-uusisa.

  
"Iyon ay ang masilayan kitang humihinga at hayaan akong maging ama sa'yo Evan. Hiniling ko na mabuhay ka at labis ang aking tuwa nang mangyari 'yon kahit pa man ang kapangyarihan ko ang naging kabayaran."

    
"Kung gano'n, utang ko po sa inyo ang buhay ko," saad ko.

Namasdan ko ang pag-isod ni Papa papalapit sa akin kasunod ng paghawak niya sa magkabila kong balikat. "Hindi, Evan. Bilang isang magulang, ako ang may resposibilidad sa'yo at iyon ay ang suportahan, mahalin at palakihin ka nang tama. Sa tingin ko ay napaghuhusayan ko na. Ngayon, hindi na ako mag-iisa dahil magiging katuwang ko na rin ang iyong ina."

Tama si Papa sa kanyang tinuran. Kahit mag-isa lamang siya ay nagawa niya akong palikihin nang tama. Hinding-hindi matatawaran ang pagsuporta niya sakin at lalong-lalo na ang walang kapantay niyang pagmamahal.

Ito na ba ang kapayapaan na aking inaasam?

Masasabi kong oo, dahil wala ng ano pang natitirang pangamba sa dibdib ko dahil pawang saya at tuwa na lamang ang namumutawi rito.


 

~°~
 

 

Lumipas ang isang buwan, unti-unti nang nanunumbalik ang kagandahan ng buong kaharian.

Ang mga nawasak na tirahan at mga hardin ay tulong-tulong na ibinalik sa dati ng mga Eastwoodian. Mas madali na ngayon dahil katuwang na ng lahat ang mga taga-Sektor ng Tubig at Apoy na kung noon ay 'di pa namin kasundo.

Tinanggal na ang mga harang  sa mga kakahuyan upang mawaksi na ang pagkakawatak-watak ng mga Zodiac. Ito ay base sa ipinag-utos ng aking ama na nakatakda nang pasahan ng korona bilang bagong hari ng Eastwood, at ako bilang bagong prinsipe.

Ngunit bago pa man dumating ang araw ng aming koronasyon, isang mahalagang ekspedisyon ang nakatakda naming isagawa sa araw na ito.

  

"Evan, handa ka na ba?" tanong ni Papa.

 

  
Tumango ako. "Handang-handa na po."

  

"Kung gano'n, tayo ay maglalayag na."

  

Isang panibagong paglalakbay ang magsisimula, dahil isang mahalagang layunin ang aming bitbit patungo sa isang kahariang ilang linggo ko nang inaasam na masilayan.

Lumipas ang ilang oras ng paglalayag sakay ng barko, sa wakas ay magagawa ko na ring ituntong muli sa lupa ang mga paa ko.

Mistulang walang anumang bagay ang makapapawi ng ngiti sa aking mukha. Tila walang makapagbubura sa pananabik na kasalukuyang nananalaytay sa puso ko.

 

"Nandito na tayo," saad ni Papa.

  

Habang humahakbang pababa gamit ang hagdan ng barko, hindi ko napigilan ang pagbagsak ng aking panga sa kariktang sa aki'y nakaabang mula sa kaharian. Kulay rosas na mga ulap na animo'y malalambot na bulak. Mga bahagharing puno. At higit sa lahat ay ang mga nagkalat sa himpapawid na iba't ibang uri ng naglalakihang dragon.
 

Ito na ang umpisa ng bago kong kuwento.
   

"Maligayang pagdating sa Southwood!"

  

   

•••★•••

Wakas...


Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 266K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
Takipsilim By 💿citzh

Historical Fiction

341 52 20
(UNEDITED) La Manera Series#1 Chrysantha has been weirded to herself when she always caught herself waking up with tears. It all started when she h...
90.2K 1.6K 115
[COMPLETED] a Forthsky Padrigao and ThatsBella Fan Fiction #WPEndGame ©️Full Credits to the owner of the pictures used in the story
Girls vs. Boys By EM

Teen Fiction

2.6M 34.4K 66
"We met at the wrong place and at the wrong time but I know you are the right person."