Ang Nakaraan

By dirkyleo

22.4K 1.4K 86

Sa loob ng pitong taon, tahimik na nanirahan si Lena sa Canada. Pero mababago ang lahat ng makatanggap siya n... More

1: Just When You Think You Are Moving Forward Then You Get A Surprise Text
2: You Are Supposed To Train & Not Fall In Love
3: When Your Past Catches Up With You & You Are Warned Not To Be Disappointed
4: The More You Ignore Me, The Closer I Get
5: I Went Out To Meet A Friend & Ran Into My Ex
6: When You Should Have Insisted And Avoided The Awkward Meeting With Your Ex
7: The Mad Dragon
8: What Really Happened During Those Seven Years
9: Confessions Over Hawaiian Pizza & Chicken Wings
11: The Patay-Gutom Meal & The Three Second Rule
12: May Deadline Ba Ang Forgiveness?
13: Say It In A Song
14: A Laundry List Of Never-Ending Problems
15: Cracks
16: Reality Really Bites...Hard
17: Breaking Up Is Hard To Do
18: House Search
19: David & Goliath
20: Tomato/Tomatoe
21: Moving Day
22: Banff
23: With The Fridge As Our Witness
24: The Truth About Lena
25: The Opposition
26: Debut
27: Future Sex
28: Indebted
29: The Other Side Of The Story
30: Those Seven Years Of Silence
31: La Femme Accident
32: Spring Awakening
33: December

10: From The Grocery Store To The Birthday Party

568 45 2
By dirkyleo







I should stop converting dollars to peso kapag nagogrocery ako.

Pero hindi ko maiwasan.

Ang tagal ko tuloy mamili na laging pinagtataka ni Gin.

When I left for Canada, three hundred dollars lang ang pocket money ko.

Kailangan kong pagkasyahin iyon bago ako sumahod.

Kapag naiisip ko ang nangyayari, it makes me laugh but not in a happy way.

Dati, wala akong pakialam pagdating sa pera.

If I like something, bibilhan ko without giving it any thought.

Pero after what happened to my parents, after I learned how much my father owed, I counted every single cent na lumalabas.

Napuwersa akong magbudget.

More so because hindi ko na solo ang pera ko.

Most of it goes to the bank to pay his debts.

Mahigit two hours na ako sa grocery pero ang laman lang ng cart ko ay isang sako ng 8-kg na white rice, tatlong lata ng corned beef, isang pack ng white sugar, isang jar ngNescafe instant coffee at six-pack ng Lucky Me pancit canton.

Iniikot ko ang bawat aisle sa paghahanap ng sale.

Kinukumpara ko din ang mga brands to substitute for those I prefer.

Obviously, mas mahal ang mga imported products tulad ng Ligo sardines at Lucky Me pancit canton.

Nagkataon lang na sale ang Lucky Me kaya bumili ako.

Naglalakad ako sa International food aisle ng biglang may tumawag sa akin.

I have to think kung sino ang matangkad na lalake sa harapan ko.

"Mam Haze, si Joey po."

Joey?

Kumurap-kurap ako.

Pilit na iniisip kung sino si Joey.

"Back up po ako dati sa Macky's, Mam." Nakangiti siya at tuwang-tuwa na nagkita kami.

"Pinahiram pa nga po ninyo ako dati ng perang pambili ng gamot ng kapatid ko."

Ah. Siya pala.

"Kumusta ka na?" Ngumiti na ako.

"Nasa Canada ka na din pala?"

"Opo, Mam. Inisponsor po kasi si Papa nang Tito ko. Three years na po kami dito. Kayo po, Mam? Kumusta? Kailan po kayo dumating?"

"Okay naman ako. Two months pa lang ako dito."

Hindi pa din maalis ang ngiti sa mukha ni Joey.

Napansin ko ang suot niya.

Asul na T-shirt at nakasulat ng permanent marker ang name niya sa white space sa bandang dibdib ng suot niya.

Napansin niya ang tingin ko at siya na ang nag-explain.

"Part-time po ako dito, Mam. Mamaya po nasa check-out counter na ako.  Doon na lang po kayo pumila. Bigyan ko po kayo ng discount."

"Nakakahiya naman."

"Okay lang po iyon, Mam. Hindi ko po nakakalimutan ang tulong na ginawa ninyo sa akin dati. Niligtas ninyo po ang kapatid ko. Kung hindi dahil sa perang binigay ninyo, baka po hindi namin  siya kasama ngayon."

Nangilid ang luha ni Joey habang nagkikwento.

Saglit pa kaming nagkwentuhan.

Tinanong niya kung sino ang kasama ko.

Nang sinabi ko na si Maddie, pakikumusta daw siya.

Nagpaalam na si Joey dahil magtatime-in na daw siya.

"It's no nice to see you, Mam. Sana po magkita pa tayo ulit."

"For sure. Dito lang naman ako malimit mag-grocery eh."

"Kapag nakaduty po ako, sa akin na kayo pumila."

Bago siya umalis, hiningi niya ang number ko.

Hinintay muna ni Joey na pumasok ang number niya.

"Kapag meron pong mga sale, text ko kayo."

"Sige. Gusto ko iyan."

Sinave ko sa contacts ang number niya.

Tumalikod na si Joey pero humarap din ulit.

Mukhang may naalala.

"Nga pala, Mam. Birthday po ni Hailey, yung kapatid ko dati na nagkasakit. Ten years old na po siya. Imbitahin ko po kayo sa Sabado ng alas singko. Punta po kayo sa bahay."

"Di ba nakakahiya?"

"Hindi po. Matutuwa po ang parents ko. Gustong-gusto po nila kayong makilala eh."

Gusto ko mang tumanggi, expectant si Joey na papayag ako.

Mula ng makilala niya ako kanina, hindi natanggal ang ngiti sa mukha niya.

"Okay. Text me your address. Hanapin ko na lang sa Google."

"Sige po, Mam. Isama niyo din po si Mam Maddie kung libre po siya para mas masaya."

"Sige. Sabihin ko sa kanya."

"Okay, Mam. Ingat po."

Sumaludo siya bago ako iniwan.

Pagdating ko sa bahay, nasa kusina si Maddie.

Nasa lamesa ang laptop at kausap niya si Hector at si Nathan.

Kumaway at naghello ako sa mag-ama.

Nagpaalam siya sa asawa at sinabi na tatawag siya ulit mamaya.

Gutom na daw siya at gusto niya ng kumain.

Nagflying kiss si Maddie sa monitor bago pinindot ang end call button.

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa grocery.

Inimbita ko din siya ba birthday party.

"Grabe ano?" Kumuha si Maddie ng dalawang plato sa plastic dish drainer at pinatong sa wooden round table.

"Small world talaga? Sinong mag-aakala na iyong crew natin dati na iyakin eh nandito na din?"

"At makikita ko pa sa grocery." Naghugas ako ng kamay.

Sinabi ni Maddie na libre din siya sa Sabado.

"Good. Nahihiya kasi akong pumunta mag-isa."

Nang dumating ang Sabado, maliligo na ako ng biglang magtext si Maddie.

Nagsosorry dahil hindi siya puwedeng sumama.

Pinag-extend siya ng manager namin dahil absent ang isang closing staff.

"Sorry, Haze. Di naman ako makatanggi dahil alam mo na? Bago lang tayo."

Disappointed man ako, ano bang magagawa ko?

Naiintindihan ko din naman si Maddie dahil kung ako man, siguradong papayag.

Bukod sa sayang ang OT, kailangang maging maganda ang record namin sa work.

"It's okay." Text ko.

Niyaya ko din si Gin kaso hindi siya puwede dahil night shift siya sa hotel kung saan siya nagwowork bilang kitchen staff.

Naisip kong magback-out.

Pero mas nakakahiya lalo na at kahapon lang eh nagtext si Joey para ipaalala ang party.

Lulugo-lugong pumasok ako sa banyo.

Sa northeast side sa Calgary nakatira si Joey.

Ang sabi niya, pagbaba ko ng bus, kumaliwa daw ako.

Kapag narating ko daw iyong corner house number 60, kakanan tapos diretso lang ang lakad.

45 ang number ng bahay nila, dark brown ang pintura ng mga trim pero white ang buong bahay.

Hindi ko daw malalampasan kasi may dalawang malaking garden gnome sa harap na nakapuwesto sa tabi ng mga lilies na tanim ng nanay niya.

Sinundan ko ang instructions ni Joey.

Tingin ako ng tingin sa paligid habang naglalakad.

Nakaparada ang mga sasakyan sa tapat ng mga bahay.

Tahimik ang lugar, may mga nakatanim na puno ng lilac sa ilang bahay at full bloom na ang mga bulaklak na kulay light at dark purple.

Sobrang halimuyak ng mga ito kaya kumati ang ilong ko.

Pero hindi naman matuloy-tuloy ang pagbahing ko.

May tatlong batang lalake na nagbabike at may isang babae at lalake naman na nakaupo sa stoop at nagkikwentuhan.

Maliwanag ang sikat ng araw at mainit.

Pinagpapawisan ang noo at likod ko.

Wala pa naman akong dalang panyo.

Napansin ko na dry ang heat dito sa Calgary.

Di tulad sa Pinas na humid.

Mas mainit pa din sa Pilipinas kumpara dito.

Ang pinakamataas na temperature na naranasan ko ay 27 degrees Celsius.

Tumigil ako sa tapat ng bahay nina Joey.

Nasa kabilang kalsada pala.

Hinintay ko munang makadaan ang isang truck bago ako tumawid.

May isang lalakeng nakatayo sa tapat ng bahay nina Joey na nagsisigarilyo.

Nakatutok siya sa phone at lumingon ng makitang patawid ako.

Naghello ako sa matandang lalake.

Payat siya, dark brown ang kulay ng buhok at may mga dark spots sa noo at pisngi.

Ngumiti siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Hinanap ko si Joey.

Sinabi niya na nasa loob at pumasok na lang ako.

Nagthank you ako.

Bago ako makaalis, tinanong niya kung ano ang pangalan ko.

Lalong lumaki ang ngiti niya ng sabihin ko.

Kumatok ako bago ko pinihit ang doorknob.

Pagbukas ng pinto, may lalakeng kumakanta ng Two Less Lonely People In The World ng Air Supply.

Iyong ibang bisita na nakaupo sa sofa eh napalingon sa kinatatayuan ko.

Buti na lang at palabas din si Joey galing sa kusina.

Tuwang-tuwa niya akong sinalubong.

"Buti po at nakarating kayo." Inabot ko sa kanya ang red paper bag na may lamang Harry Potter puzzle.

Favorite kasi ni Hailey si Hermione sabi ni Joey.

Ayaw pa nga niya na magdala ako ng kahit ano pero nakakahiya namang pumunta ng walang regalo.

Pinakilala ako ni Joey sa magulang niya.

Maliit ang nanay niya, morena at mataba.

Nakadilaw siyang daster na lampas tuhod.

Ang tatay naman ni Joey, maliit din, maitim at mataba.

May bigote siya at nakapulang cap na may malaking letter C in black and gold stitching.

Logo ng Calgary Flames.

Nakacargo shorts siya at tsinelas.

Tuwang-tuwa na nakipagkamay sa akin ang tatay ni Joey.

Ang nanay naman niya, halos maluha noong banggitin ang tulong na ginawa ko kay Joey dati.

Sa totoo lang, hindi naman ako humihingi ng ganitong klaseng pagtanaw ng utang na loob.

Pero nakakatuwa kasi kita ko na ang laki ng naging impact na bagay na iyon sa kanila.

Pinakilala din ako ni Joey sa iba pang bisita.

Karamihan sa kanila eh kachurch nila.

Iyong mga matatandang babae eh tuwang-tuwa sa akin dahil ang ganda ko daw.

Akala nga nila, girlfriend ako ni Joey.

Tinukso tuloy nila ang dati kong crew na kahit moreno eh namula ang tenga at leeg.

May narinig akong mga tumatakbo at paglingon ko, may isang batang babae na nakapink dress, silver sparkly shoes at tiara.

"Heto na iyong birthday girl." Sabi ni Joey.

Tinawag niya ito at pinakilala sa akin.

Binati ko si Hailey ng happy birthday.

Sinabihan siya ni Joey na magthank you sa gift na bigay ko.

Nahihiyang nagtago si Hailey sa likod ni Joey.

"Don't be shy, Hailey." Hinawakan niya ang kapatid sa braso at pilit na pinapaharap sa akin.

Lalong nagsumiksik ang bata sa likod niya.

"It's okay." Sabi ko kay Joey.

"Sana magustuhan mo ang gift ko sa'yo." Nakangiting sabi ko kay Hailey na nakayakap sa bewang ng kuya niya.

Sumilip si Hailey.

Ngumiti sa akin.

Kaya pala nahihiya dahil she was missing her front tooth.

Pagkatapos akong tingnan ay tumakbo siya papunta sa sala at kumandong sa papa niya na nakikipagkuwentuhan sa matandang lalake na nakita ko kanina.

Niyaya ako ni Joey na pumunta sa kusina.

Nasa tapat lang ito ng sala.

Maliit lang ang space pero may pahabang lamesa sa gilid na tinakpan ng pulang tablecloth kung saan nakahain ang pagkain.

Inabutan ako ni Joey na paper plate.

"Maghuhugas lang ako ng kamay."

"Sige po, Mam." Binaba niya ulit ang plato at tinuro ang lababo sa tapat ng lamesa.

Pinindot ko ang lavender scented handsoap at kinuskos ang mga kamay bago binanlawan.

Nakasabit sa handle ng oven ang bulaklaking towel at pinunasan ko ang kamay ko.

Habang nagtutuyo ako ng kamay, narinig kong bumukas ang pinto.

Kasabay nito ang masayang pagbati ni Joey sa bisita na hindi ko inaasahan ay kumbidado din pala.

Continue Reading

You'll Also Like

59K 1.4K 32
Katulad ng sinasabi ng marami, ang tadhana ay masyadong mapaglaro. Years later, Danielle happened to run with a girl na muling magpapayanig ng mundo...
131K 3.3K 33
[Complete] Tatanggapin o tatanggihan ? (TAGALOG) Ps. This story is based on "Yellow" if you have read it :) ... Support me on my first book. Love y...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
134K 4.4K 47
"Make me forget, Ri. Take me away." FYI | TeacherxStudent relationship| READ ME! -Good luck