Next Station : I Love You (...

ulan_44

13.1K 793 39

Totoo nga ba na ang mga tao ay itinadhana para sa isa't-isa? Saang estasyon mo kaya matatagpuan? Еще

Prologue
1st Station
2nd Station
4th Station
5th Station
6th Station
7th Station
8th Station
9th Station
10th Station
11th Station
12th Station
13th Station
14th Station
15th Station
16th Station
17th Station
18th Station
19th Station
20th Station
21st Station
22nd Station
23rd Station
24th Station
25th Station
26th Station
27th Station
28th Station
29th Station
30th Station
31st Station
32nd Station
33rd Station
34th Station
35th Station
36th Station
37th Station
38th Station
39th Station
40th Station
41st Station
Epilogue
Thankyou !
Cupid Station (Special Chapter)

3rd Station

389 21 2
ulan_44

Justin's

" madaling-madali si Josh ah " saad ni Ken.
" oo nga e, nagbbye agad agad , " saad ni Stell.

Madaling-madali nga sya e. Pero sino kaya yung Rein?

Nagpanic agad sya nung sabi ko may tumawag.

Girlfriend nya kaya yun?
Pero wala naman nababanggit si Josh.

" Biruin niyo natanggihan ang libre ni Jah " biro ni Paulo. Nagtawanan naman kami.

Pumasok na kami sa restaurant. Samgyeopsal kami ngayon. Syempre, as promise, libre ko.

" Uy, Jah, may nabalitaan ako " biglang pagsasalita ni Stell.

" ano yan haaaa " singit naman ni Ken.

" musta blind date ? natuloy ba ? " nagulat ako sa narinig ko mula kay Stell.

Napalaki ang mata ko.

" Hoooy " biglang saad ko.

" uyyyyy ikaw Jah ahhhh di ka nagsasabi ahhh " pang-aasar ni Paulo sakin.

" paano? " takang tanong ko kay Stell.

" parang di ko naman kakilala sila Micko, " saad ni Stell habang nagluluto.

" Ikaw Jah ah , nagddate date ka na ahhh kala ko ba si Sharlene lang HAHAHAAAH " pangangantyaw ni Ken sa akin.

" Okay lang Jah, sige lang, para namang di namin napagdaan yan " sabay akbay sakin ni Paulo.

Napagkaisahan na naman ako.
Nako talaga tong mga to.

" Oh ano Jah? di mo pa sinasagot tanong ko " saad ni Stell sa pabirong tono at sumubo ng Samgyeopsal.


" hindi natuloy yon. "
plain kong saad.
Sabay lagay ng beef sa lutuan.




" ANOOOO?!! " sigaw nilang tatlo. Nagsitinginan mga tao samin.

" SHHHHH mahiya nga kayoo " saad ko sa kanila. Ang lakas ng sigaw nila.

" tubig, pahingi akong tubig " saad ni Stell na maubo-ubo. Agad ko siyang inabutan ng tubig.

" muntikan na akong mabilaukan sayo " saad ni Stell sakin.

" bakit hindi natuloy dre ? "
tanong ni Ken habang kumakain.

" oo nga, bakit? " napalapit ang mukha ni Paulo sakin sa sobrang curious nya.

" ano ba yan.. kasi ganito yon " kinain ko muna yung samgyeopsal na hawak ko. Syempre nginuya ko.

" anooooo? " saad ni Paulo. Yung mukha nilang tatlo, matatawa ka nalang. Naghihintay talaga sila sa sasabihin ko.
Pagkalunok ko, nagkwento ako.

" Kasi bigla lang akong sinabihan ni Micko, tsaka may training tayo, kaya sabi ko di ako pupunta, " saad ko sabay kain ulit.

" ngiii, anu baaa take your time Jah " saad ni Stell.

" oo nga dre " saad naman ni Ken sabay taas-baba ng kilay. Nagtawanan naman kaming apat.

" baliw. wala sa plano ko yan noh, diba nagttraining ako tapos syempre malapit na akong grumaduate, " paliwanag ko.

" oh, ano naman ? "
saad ni Paulo sakin.
Tinitigan ko siya.

" joklang " sabay ngiti at yakap sakin.
Mukhang gets nya naman ako.

" Itong si Paulo, kapag nabadtrip yan si Jah, walang magbabayad neto " sagot ni Ken.
Nagtawanan naman kaming apat.

Nanahimik kaming saglit.
Habang kumakain, napahinto ako.
Naalala ko na naman yung ' Rein ' , tanungin ko kaya sila ?

" huy Jahh "




" huy, " kinalabit ako ni Paulo.






" natutulala ka Jah, iniisip mo yung date noh? " pang-aasar ni Stell.



" yieeeee, tong bunso namin talagaaa " dagdag ni Paulo sabay pisil sa pisngi ko.

" nako tigilan niyo nga ako , hindi yon iniisip ko " saad ko sa kanila.


" may napansin ba kayo kay Josh? " tanong ko sa kanila.

Natahimik kami saglit.

" hmmm, wala naman " saad ni Stell
" wala naman, bakit Jah ? " tanong ni Ken.
" bakit Jah? " tanong ni Paulo.

Sasabihin ko ba? baka kasi kung anong isipin nila kay Josh.

" wala , wala, nagtatanong lang ako " saad ko at kumain ulit.












" Uy, salamat ulit Jah ah, " saad ni Paulo sabay tap sa balikat ko.
" Salamat Jah, " saad ni Stell at Ken.
" Ingat kayo pag-uwi ah " saad ko naman sa kanila. " Ikaw rin Jah, ingat karin " saad nila.

" byee "

Ako nalang, tinignan ko phone ko.
Nako, nagtext si mommy.




" nak, saan ka na ? "

10: 25 p.m na pala,

" my, pauwi na po "
reply ko kay mommy,

Agad akong sumakay ng jeep papuntang LRT Station. Actually, hindi naman hassle ngayon kasi hindi na rush hour.

Mas maganda ngang bumiyahe nang ganitong oras dahil walang traffic.

Pagscan ng beep card, naghintay na ako ng train. Saktong parating narin pala yung train.


Pumasok na ako, medyo konti nalang tao.
Kaya umupo ako sa malapit ng pinto.
Dinantay ko naman ulo ko sa may salamin ng train.
Pinikit saglit mga mata.

Nakakapagod ngayong araw.


Time Check : 11: 00 p.m

Nakatayo na ako sa may pinto ng train,
11 na pala.

Pagkababa ko ng train, scan ng beepcard.
Bumaba ako ng hagdan, medyo madami-dami naring tao.
Habang pababa ako ng hagdan, biglang naramdaman kong nagvibrate phone ko.

Agad kong kinuha,
tumatawag si diko.


" hello kuya "

" nasan ka na ? "

" pababa na ng hagdan, "

" sunduin kita ? "

" hindi na diko, isang sakay nalang naman"

" sigurado ka ? "

" oo, "

" o sige, hintayin kita rito, ingat ka ha "

" sige "

pinatay nya na ang tawag.
Tinago ko naman na phone ko at
naghintay na ako ng masasakyan ko.

Agad naman akong nakasakay.

Napatingin ako sa orasan ng lalaki,
11: 10 p.m na pala, nga pala si diko yung tumawag, kapatid ko.

Pangalawang kuya ko.
Bunso ako.
Hindi ako pa-baby ah,
sila lang nagb-baby sakin.






" Para po " huminto naman na sa gilid ang jeep.

Actually, konting lakad nalang naman to.

Medyo bibilisan ko nalang dahil alanganing oras na at nag-aalala si Mommy.

Ewan ko, lagi namang ganito uwi ko minsan around 12 a.m pa nga pero kasi sobrang aga kong umalis sa bahay kaya siguro ganun si Mommy.

Natanaw ko naman si diko sa labas ng bahay namin.

Habang papalapit naman ako, nakangiti na siya.

Inakbayan ako,
" lika na, nako, nag-alala si Mommy, kanina pa naghihintay sayo " saad ni diko.

Pagpasok ko, agad sumalubong sakin ang pamangkin ko si Zael.

" Titooo " bati nya sabay yakap sakin.
" Zael, pagod si Tito Justin, lika na matulog ka na " saad naman ni Kuya CJ, yung panganay kong kuya.

Yes, tatlo kami puro lalaki.

Nakaupo sa sofa si Daddy kaya nagbless naman ako.

" Oh andito na bunso mo, " rinig kong saad ni Daddy,
rinig kong palapit si Mommy sakin galing kusina.

" nako buti nakarating ka na "
nagbless ako kay Mommy, niyakap nya naman ako.

" sige po, akyat po muna ako " paalam ko.

Hay nako, nakakapagod.
Pagkabukas ko ng pinto ko, agad kong nilapag bag ko at humiga ng kama.















*knock knock*



Nagising ako sa kumatok sa pinto ko.
Nakatulog pala ako.

" bukas yan, " saad ko habang bumabangon.

" uy, kain ka na sabi ni Mommy " saad ni diko sakin.

" kuya , kumain na ako pasabi nalang kay mommy " saad ko habang nagpupunas ng mga mata ko.

" ah ganun ba, sige basta kapag nagutom ka may pagkain dun sa kusina " saad ni diko.

Tumango ako at sinara na nya ang pinto.

Hindi pa pala ako nakakapagbihis.
Nag-ayos na ako ng gamit at nagshower na.

Pagkatapos kong magshower, umakyat na agad ako sa kwarto ko at marahan sinara ang pinto.

Nagpunta ako sa harapan ng p.c ko.
Nakita kong may nagmessage.







TEAM MIDTERM👌👌

Jobelle Fallejo : Gel, diba next week na pasahan?

Geleena : Oo

Erika de Castro : weh? bat sabi sa kabila, namove raw?

Geleena : anung namove ?

Jobelle Fallejo : namove raw ,sabi ni Sir Chris,
baka this Saturday raw




Ano?? Bakit namove? eh sabi sa Wednesday pa raw ? Pabago-bago , ang gulo naman ni sir.









Geleena : baka sa kanila lang yon, tsaka chill matatapos narin tayo

may shoot bukas? :

Erika de Castro : edi tapusin na natin para if totoo na pasahan sa Saturday, atleast ready na

Jobelle Fallejo : Okay okay

Geleena : @Justin de Dios meron



sheez. meron. Pero tatapusin nalang naman to e, papaalam nalang ako.










anung oras ? after class ? :

Jobelle Fallejo : After class
nalang kaya Gel ??
: para medyo madilim na
: tsaka 4 p.m dismissal bukas

Erika de Castro : magiging after class talaga kasi diba may tatapusin tayong comics?

oo nga pala yung comics, :
pero diba sabi naman before
dismissal pasahan,
natapos niyo na ba ?

Erika de Castro : on process jah
HAHAHHAHA

Jobelle Fallejo : same HAHAHAHAHAH

Geleena : @Justin de Dios pm.





Agad ko namang chinat si Gel.








Geleena

yes Gel? :

: Jah, papatulong sana ako sa editing ayus lang?

okay lang naman sige sige :

: sige sige, diba sabi mo may practice kayo after class ?

oo :

: paano ? magshoot tayo bukas

ayus lang papaalam
nalang ako bukas :

: sige jah, see you bukas salamat

sige sige :




Продолжить чтение

Вам также понравится

817K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
3.4K 185 25
𝒎𝒚 𝒇𝒊𝒓𝒔𝒕 𝒂𝒏𝒅 𝒍𝒂𝒔𝒕 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒕𝒐𝒐𝒌 𝒑𝒍𝒂𝒄𝒆 𝒐𝒏𝒆 𝒔𝒖𝒎𝒎𝒆𝒓. 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 3 -𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙟𝙪𝙣�...
wrong move v.

Фанфик

47K 2.2K 172
yang jungwon, secret natalie jung's man of her dreams. she was his long-time secret admirer since they are in junior high school. entering college, f...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...