Ang Nakaraan

By dirkyleo

22.4K 1.4K 86

Sa loob ng pitong taon, tahimik na nanirahan si Lena sa Canada. Pero mababago ang lahat ng makatanggap siya n... More

1: Just When You Think You Are Moving Forward Then You Get A Surprise Text
2: You Are Supposed To Train & Not Fall In Love
4: The More You Ignore Me, The Closer I Get
5: I Went Out To Meet A Friend & Ran Into My Ex
6: When You Should Have Insisted And Avoided The Awkward Meeting With Your Ex
7: The Mad Dragon
8: What Really Happened During Those Seven Years
9: Confessions Over Hawaiian Pizza & Chicken Wings
10: From The Grocery Store To The Birthday Party
11: The Patay-Gutom Meal & The Three Second Rule
12: May Deadline Ba Ang Forgiveness?
13: Say It In A Song
14: A Laundry List Of Never-Ending Problems
15: Cracks
16: Reality Really Bites...Hard
17: Breaking Up Is Hard To Do
18: House Search
19: David & Goliath
20: Tomato/Tomatoe
21: Moving Day
22: Banff
23: With The Fridge As Our Witness
24: The Truth About Lena
25: The Opposition
26: Debut
27: Future Sex
28: Indebted
29: The Other Side Of The Story
30: Those Seven Years Of Silence
31: La Femme Accident
32: Spring Awakening
33: December

3: When Your Past Catches Up With You & You Are Warned Not To Be Disappointed

868 53 2
By dirkyleo







Two years ago, lumipat kami ni Tita Nena sa Auburn Ridge sa southwest quadrant ng Calgary.

Doon na din kasi nakatira ang dalawa niyang anak.

Idea  ni Ate Clara na sa kanya na tumira si Tita lalo na at biyuda na ito.

Bago ako dumating sa Canada, yumao na si Tito Juancho.

Isa din ito sa dahilan kung bakit pinursigi ni Tita na makaalis ako dahil wala na siyang kasama sa bahay.

Ayon sa natanggap na message kay Maddie, nasa Calgary siya.

Bukod sa kanya, may dalawa pa siyang kasama.

Isa dito si Hazel.

"O, huwag kang ma-excite at madidisappoint ka lang." Tinawagan ko na siya during my one-hour lunch.

"Bakit naman ako maeexcite?"

"Oo nga pala. Matagal na din kayong break ni Haze. Siguro naman nakapagmove on ka na din ano?"

Kinutuban ako lalo sa sinabi niya.

At kahit ayokong itanong kung ano ang ibig niyang sabihin, siya na mismo ang nagvolunteer ng information.

"Iyong isa sa kasama naming umalis, dyowa ni Haze."

Ewan ko kung bakit bigla akong napabuntong hininga kahit hindi naman iyon ang intention ko.

Siyempre, hindi nakaligtas kay Maddie ang reaction ko.

"Grabe. Ang lalim ha?" Tumawa siya.

Natawa na din ako.

Fake laugh nga lang.

Ayokong mag-isip siya ng kung anu-ano lalo na at madaling makatunog si Maddie.

Hindi ko din naman kasi maipaliwanag ang reaksiyon ko eh.

Why do I have to exhale as if it was my last breath?

Matagal na kaming wala ni Hazel di ba?

Eh bakit parang ang sakit malaman na meron na siyang iba?

Bakit biglang kinurot ang puso ko sa nalaman?

"Ginette ang name niya. Gin kung tawagin."

"Like the drink?"

"Mismo."

"At take note, Lena, September din ang birthday niya."

"I hope hindi kami pareho ng date ng kapanganakan."

"Thankfully hindi naman although hindi masyadong nalalayo. Five days lang yata ang pagitan ng birthday ninyo."

My goodness.

"Why are you telling me this?"

"Malay mo, one of these days magkita-kita tayo? O di kaya eh makasalubong mo silang dalawa ng hindi sinasadya? At least hindi ka magmumukhang tanga di ba?"

"Ba't naman ako magmumukhang tanga?"

"Baka kasi hindi ka pa din over kay Hazel?"

"Madz, ang tagal na naming walang communication."

"It doesn't mean na wala ka ng feelings para sa kanya. Di ba nga? Wala kayong closure dahil dinedma ka niyang maigi?"

"At paano mo naman nasabi na dinedma niya ako?"

"Lena, ako lang naman ang kausap ninyong dalawa during those times."

"Fair point."

"Basta. Concern lang ako sa'yo. Kahit naman matagal na tayong hindi nag-usap, I'm still your friend. At siguro naman ngayong nasa iisang lugar na tayo, mas magiging regular ang communication natin."

Nakadama ako ng guilt sa sinabi niya.

"Sorry kung bigla na lang natigil ang contact natin."

"Wala iyon. Alam ko naman na ang daming adjustment lalo na at nasa ibang bansa ka. Nae-experience ko na din iyan ngayon. Pero in fairness, ang sarap ng simoy ng hangin dito. Imported!"

Tumawa ako sa sinabi niya.

Nagpaalam na siya dahil pupunta sila sa grocery.

"Message ko sa'yo ang number ko. Pag nareceive mo na, text mo ko agad."

"Okay."

I said goodbye.

Paguwi ko sa bahay ng hapon na iyon, nagpalit ako agad ng shorts at sando.

Kinuha ko ang vacuum na nakasabit sa laundry room.

Nilinis ko ang carpet sa kuwarto ko.

Pagkatapos kong mag-vacuum, ang banyo naman ang hinarap ko.

Pagkasuot ng rubber gloves, kinuha ko ang toilet brush at inatake ang toilet bowl na parang ang laki ng kasalanan sa akin.

Hindi naman madumi ang banyo pero gusto kong maglinis.

Gusto kong i-eliminate ang mga imaginary dust bunnies.

Gusto kong pabanguhin ang kapaligiran.

Pagkatapos kong linisin ang banyo, kinuha ko ang air spray at pinaikutan ang apat na sulok hanggang amoy apple and cinnamon ang washroom.

Kung hindi pa ako nakadama ng tapik sa balikat, hindi ako titigil sa pagi-spray.

"Tita, kayo pala?"

Nakatayo siya sa tapat ng banyo.

Malalim ang linya sa noo.

"Okay ka lang ba, hija?"

"Opo naman." Pilit akong ngumiti.

"Ba't ka naglilinis eh kalilinis mo lang kahapon?"

Oo nga pala.

Linggo kahapon.

Pagkagaling sa simbahan, nagvacuum na ako at naglinis na ng banyo.

"Hindi po kasi ako kuntento sa linis na ginawa ko."

Nagsalubong ang mga kilay niya.

Kulang na lang magdikit ang mga ito.

"Mabuti pa, maghugas ka ng kamay at umakyat ka. Dumating si Mercy at may dalang cake. Kumain ka muna."

"Sige po." Tumalikod na si Tita Nena.

Narinig ko ang yabag niya papunta sa kusina.

Nang hindi ko na naulinigan ang tunog ng tsinelas niya, umupo ako sa toilet bowl.

What the hell am I doing?

Daig ko pa ang nakatira ng shabu dahil sa paglilinis na ginawa ko.

Walang kinalaman ang drugs kung bakit ako nagkakaganito.

Maliban sa inom, hindi ako sumubok ng yosi o drugs.

Alam ko kung ano ang reason kung bakit ako naglilinis.

It had everything to do with a girl named Hazel Torres.

Nang sinundo niya ako ng gabing iyon, napasipol si Kuya Edwin ng makita si Hazel.

Siniko ko nga siya dahil nakakahiya naman lalo na at ngayon niya lang makikilala ang family ko.

Baka isipin niya, pinalaki kami na walang manners.

"Pasensiya ka na kay Kuya. Bihira lang kasi iyan makakita ng maganda."

Napakamot sa batok si Kuya Edwin.

Hindi ko naman masisi si Kuya kung bakit ganoon ang ginawa niya.

Light lang ang make-up niya pero red ang lipstick.

Ang suot? Red-off shoulder top na pinaresan ng dark skinny jeans at red pumps.

Maputi ang kutis niya and her skin had a healthy glow.

Nang lumapit siya para humalik sa pisngi ko, hindi siya amoy coconut at watermelon kundi orange, vanilla at jasmine.

Parang gusto ko tuloy siyang kagatin.

Pagkatapos ko siyang ipakilala sa Reyes Family, nagpaalam na kami.

"Anong oras ka uuwi?" Tanong ni Nanay habang nakasunod sa amin papunta sa gate.

"Tita, pwede po mga two o' clock?"

Ang akala ko, hindi papayag si Nanay.

Hindi kasi siya sanay na umaalis ako kapag day off.

Most of the time, sa bahay lang ako at inaasikaso ang mga labada.

Kaya naman ng sinabi ko na aalis ako ng gabing iyon, taking-taka siya.

Tinanong kung sino ang kasama ko.

Nang sinabi ko na si Hazel, sino daw iyon?

Nabanggit ko sa kanya dati na siya ang trainee ko.

"Mapupuyat kayong dalawa."

"Nay, wala naman kaming pasok bukas."

Umismid si Nanay.

"Ihahatid ko naman po siya, Tita."

"Sige. Mag-iingat kayo ha? Huwag iinom ng madami at baka madisgrasya kayo."

"Opo." Sabay na sagot namin ni Hazel.

Dinala ako ni Hazel sa isang private party sa Makati na organized ng isang LGBTQ group.

Pagdating namin sa lugar, nagulat ako kasi ang daming butch at femmes.

They came in different age, shapes and sizes.

They were also dressed according to how they identify.

May mga couples pa who were kissing.

I looked away dahil hindi ako sanay sa PDA.

May mga grupo din na masayang nagtatawanan.

They feel so relaxed around each other.

Nakakainggit.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko.

It wasn't because I felt underdressed sa suot na V-neck leopard print sleeveless blouse, distressed jeans at dark flats.

I've never been in this kind of place before.

Nakadama ako ng kaba dahil paano kung may makakita sa amin dito?

"Are you coming in?" Tanong ni Hazel ng umalis ako sa pila at  tumayo sa gilid.

"Bakit tayo nandito?"

Umalis din siya sa pila at tinabihan ako.

"Sorry I didn't tell you."

"Tell me what?"

"I feel safe here. With my people." Tinuro niya ang mga tao.

Natigilan ako. Naumid ang dila.

Hindi lang dahil sa sinabi niya kundi dahil sa honesty niya.

"Oh...okay."

"If you're not comfortable, we can go somewhere else." Her face fell.

I didn't want to feel responsible for her disappointment.

Kapag kasama ko si Hazel, gusto ko lagi siyang nakangiti.

"Hindi. It's fine. Sorry at nabigla lang ako."

"Saan?" She smiled, flashing those pearly whites na sa tingin ko ay the only thing straight about her.

"Nothing." Hindi ko masabi ang reason.

I was afraid na baka maoffend siya.

"Is it okay if I call you Lena? Wala naman tayo sa work eh."

"Oo naman."

"Good. Lena," Kinuha niya ang kamay ko, "do I need to confirm what I said a while ago just in case hindi malinaw?"

"Hindi na. Gets ko naman eh."

"Are you okay with that? Hindi magiging issue sa'yo?"

"Of course not."

Pinakawalan niya ang isang malalim na hininga.

"Thank God. Akala ko kasi, magwawalk out ka."

Tumawa ako.

Kapag ninenerbiyos ako, bigla na lang akong tatawa.

Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin para mabawasan ang kaba ko.

"So, are we going to stand here all night or are we going in?" Hawak pa din niya ang kamay ko.

"Let's go." Bumitaw ako sa pagkakahawak niya.

Nag-enjoy ako ng gabing iyon.

Kahit kaliwa ang paa ko, hindi naman ako naging conscious sa pagsayaw.

Ako lang naman yata ang nagkicriticize sa sarili ko dahil when I looked around me, wala namang nakatingin sa ginagawa ko.

Ang daming tao sa dance floor kaya magkadikit ang katawan namin.

I learned that Hazel started dancing when she was four.

In-enrol sila ng ate niya sa ballet class.

May mga lumalapit sa amin to ask for a dance.

I turned them down.

Kay Hazel ko lang gustong makipagsayaw.

May isang butch na walang tigil sa kakapangulit sa amin.

Chase ang pangalan.

Hazel told me to pretend we're together in case bumalik na naman.

"What do you mean?"

"Watch."

Pagkasabi nito, umusod siya papalapit sa pwesto ko sa upuan.

Inangat niya ang braso niya tapos inakbayan ako.

Hindi pa nakuntento, she leaned closer till there our faces were only an inch apart.

I could feel her warm breath on my cheek.

If I turn my head, my lips will collide with hers.

Napalunok ako bigla.

Hindi lang ang bass ng music ang dumadagundong kundi pati ang tibok ng puso ko.

Nakita ko na lalapit na naman si Chase pero natigilan siya ng makita ang itsura namin ni Hazel.

Napaurong bigla tapos pumunta sa bar.

"Wala na siya." Sabi ko kay Hazel.

"Huh?"

Umurong ako to give us more space.

"Si Chase. Wala na."

"Oh yeah." Doon niya lang inalis ang braso na nakaakbay sa akin.

Nang hinatid niya ako, hindi ko na siya pinayagang magdrive.

Hindi naman kami masyadong uminom dahil magdadrive siya at ako naman, gusto kong maging alerto lalo na at hindi pamilyar sa akin ang lugar na pinuntahan namin.

"It's okay. Kaya ko pa naman."

"Dito ka na magpalipas ng gabi." Pamimilit ko.

"Magpahinga ka muna kahit saglit."

Bumuka ang bibig niya pero nang magsabi ako ng please, hindi na siya nangatwiran.

Pinahiram ko siya ng sando at pajama.

Binigyan ko din siya ng toothbrush at tuwalya para makapagshower.

Magkatabi kaming natulog sa ilalim ng double deck.

Dahil single ang size ng kama, halos wala ng space para sa aming dalawa.

Nagsorry ako dahil masikip.

"Don't be. This is perfect." Nakangiting sabi niya.

Hazel fell asleep before I did.

Pagod ako pero ang tagal bago ako dinalaw ng antok.

That night, may mga bagay sa sarili ko na biglang nagising.

Kahit reluctant akong pumasok sa venue ng party noong una, once nasa loob na kami, unti-unting nawala ang pagkaasiwa na naramdaman ko.

I felt as if I was at the right place with the right person.

She was telling the truth when she said it felt safe there.

Pero noong katabi ko siya sa masikip na kama, I felt the opposite.

I was besieged with all these confusing emotions.

It took a long time bago ako nakatulog.

Continue Reading

You'll Also Like

65.9K 2.9K 41
Gxg ( june 2017-Apr. 2020) A typical "Maybe this time" story. They were separated when they were young. Thirteen years had passed, they met again...
134K 4.4K 47
"Make me forget, Ri. Take me away." FYI | TeacherxStudent relationship| READ ME! -Good luck
264K 8.1K 47
𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗨𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗦𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗺𝗯𝗮𝗯𝗮𝘀𝗮♡ ✫ April 17,2019✰ ★ June 21...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...