GENERAL GANGSTER ACADEMY

By galaxieee_

93.8K 4.3K 166

LOVELY BUT DANGEROUS. [📚BOOK #1: COMPLETED][STILL UN-EDITED] 📚BOOK # 1 Title: The General Gangster Academy... More

PROLOGUE
PART 1
PART 2
PART 3
PART 4
PART 5
PART 6
PART 7
PART 8
PART 9
PART 10
PART 11
PART 12
PART 13
PART 14
PART 15
Part 16
Part 17
PART 18
PART 19
PART 20
PART 22
PART 23
PART 24
PART 25
PART 26
PART 27
PART 28
PART 29
PART 30
PART 31
PART 32
PART 33
PART 34
Epilogue
BOOK 2
Happy Day!♡

PART 21

1.4K 92 5
By galaxieee_

•Ariane's Point of View•

2 weeks.

2 weeks na ako'ng nawawala sa Academy. 2 weeks na'rin ang nakalipas simula noong na kidnap ako ng mga tauhan ni Brandon. At 2 weeks na'rin ang nakalipas at sigurado ako'ng nag aalala na ng sobra ang mga kaibigan ko na naiwan ko sa Academy at alam 'kung alam na'rin ni Dad at Oppa na nawawala ako.

Grabe hindi ko inaakala na sa kagustohan 'kung mag liwaliw lang sa labas ng Academy at doon ko nanaman naranasan ang dinanas ko noo'ng bata ako. Hindi ko mapigilang mapaisip. Paano kaya 'kung hindi ako tumakas sa Academy? Hindi ko kaya marararanasan ulit ang nangyari noon? Hindi kaya ako makikidnap? Hindi kaya ako mag kaka roon ng mga pasa't sugat sa katawan? Magiging masaya ba ako kapag hindi ako tumakas noon?

Hayts. Grabe ang dami 'kung tanong sa isipan ko ng mga posible hindi mangyare pag hindi ako tumakas. Pero ano pa ba'ng magagawa ko? Eh tapos ng mangyari. May magagawa ba ako 'kung mag sisisi pa ako? Wala naman di'ba? Wala namang mag babago.

Tsk! 'Kung hindi lang tito nila Shiella at Miracle 'yung Brandon na 'yun. Noon ko pa sana siya pina kulong. Kaso naisip ko noon 'yung pamilya niya. Siya lang kase ang nag tataguyod sa asawa't anak niya. Kaya pati pag bebenta at pag gawa ng droga pinasok na niya. Grabe buhay nga naman.

"Sandra.....halikana nag aantay na ang sasakyan sa baba..Tumayo ka na diyan....Tulala ka nanaman"

Doon ako nabalik sa realidad ng mag salita si kuya Lando.

"A-ah? Sige"

Oo nga pala. Ngayon na ang labas ko sa Ospital. Discharge na ako. Magaling na'rin ako. Kaso 'yung mga sugat ko hindi pa masyadong magaling. Lalo na sa bandang tiyan ko. Andami ko na'rin sugat sa katawan. Noon isa lang ngayon andami na. Meron na din akong bandage sa ulo na naka pulupot. Kase sina kuya Lando eh! Nambubugbog. Haha joke lang past is past.

Inalalayan ako ni kuya Lando na tumayo. Kukuhanin ko na sana 'yung bag ko kaso naunahan na niya ako. Grabe si kuya ang gentelman.

"Ako na baka mabinat kapa pag nag buhat ka ng mabigat.......Oh dali upo ka na dito"sabay turo niya sa......wheelchair?

"Ha? Ba't naman ako uupo diyan? Kaya ko namang mag lakad kuya Lando"

Grabe ginawa naman ba ako'ng lumpo? Excuse me kaya ko kaya'ng mag lakad. Ano akala niya saakin? Weak? Sus ang strong ko kaya!

"Wag ng makulit Sandra. Umupo ka na lang dito. Baka pag nakita ka ng mga kaibigan o pamilya mo sabihin pa'ng hindi kita inaalagaan ng mabuti. Mapasama pa ako"

"Pero kuya--"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla ako'ng hatakin ni kuya Lando paupo sa wheelchair.

"Andami mo pa'ng satsat. Uupo ka lang naman......pasalamat ka't gusto kita"

Kumunot ang noo ko hindi ko maintindihan 'yung huli niya'ng sinabi "May sinabi kaba kuya Lando? Hindi ko narinig. Ano ba 'yun? Paki ulit nga"

"Ang sabi ko wag mo na ako'ng tawagi'ng kuya Lando. Lando nalang ang itawag mo saakin. Mag astig pakinggan"

Ok. Sabi niya 'yun eh. May magagawa ba ako.


Isang oras ang nakalipas. Andito na kami sa harap ng Academy. Medyo malayo layo kase 'yung pinag dalhan saakin ni Brandon kaya napalayo kami sa Academy. Pero grabe legit ang kaba ko ngayon. Baka kase andiyan sina Dad at Oppa. Sigurado ako'ng papaulanan nila ako ng tano'ng at sermon. Hindi kase nila alam na dadating na ako. Wala ni sinuman ang nakaka alam. Kaya nga nag hinahanda ko na 'yung sarili ko para sa manng yayari mamaya.

Pinapasok na kami ng guard sa loob. Kilala niya ako kaya agad niya kaming pinapasok. Nakasakay kammi ngayon sa itim na kotse. Nasa passenger seat si Lando at ako naman ang nasa back seat. May driver na nag drive saamin papunta dito. Driver ata ni Lando.

Tumingin ako sa bintana at lahat ng studyante abala.

Ah! Oo nga paladalawang araw mag mula ngayon ay gaganapin na 'yung Anniversary ng Academy. Bakit ko ba 'yun nalimutan? Siguro dahil sa nadaganan ng bato 'yung ulo ko noon. Kaya pati ngayon meron parin ako'ng bandage sa ulo. Tsk! Tsk! Buhay nga naman.

Nakita ko agad sina Shiella at mga iba 'kung ka kapwa Officer nadoon 'rin si Dad at si Oppa.

Siguro tinawag ng guard na pumasok ako. Kaya nagka tipon tipon sila ngayon dito. Halatang kabado sila at aligaga sa kinatatayoan nila. Haha may maganda ako'ng plano. Tignan nalang natin 'kung hindi kayo mas lalong mag alala.

Agad na huminto ang sasakyan sa harapan nila Shiella. At agad namang bumaba si Lando ng sasakyan para kunin 'yung wheelchair sa likod ng sasakyan.

'Kinakabahan ako. Geezz'

Agad na binuksan ni Lando ang pintuan. Nginitian niya ako at tska inalalayang bumaba.

"Dahann dahan lang. Baka mabinat ka"

Agad niya ako'ng pinaupo sa wheelchair.
Sinara niya ang pinto at itinulak ang wheelchair ko papunta sa kinatatayuan nila Shiella.

Nag poker face agad ako.

"Ariane!"sabay na sigaw nila Dad at Oppa.

Agad nila ako'ng yinakap ng pag ka higpit higpit.

Hindi ba nag iisip sila Dad at Hoejang? Ba't nila ako niyakap sa mismong harap nila James? Paano 'kung makahalata sina James 'kung bakit nila ako niyakap? Jusmeyo naman.

Agad din sila'ng kumalas sa yakap

"Ariane. Ano ba'ng nag yare sayo? Bakit ang dami mong pasa't sugat? Saan kaba ng galing?Bakit ka tumakas?! Ano ba'ng nasa kokote mo't bakit na umalis?! Sino'ng gumawa sayo niyan?! Asan 'yung gumawa sayo niyan?! Sabihin mo papatayin ko?!"

Grabe naman hindi naman masyadong sila masyadong nag aalala diba? Andami'ng tanong eh.

Kumunot ang noo ko at nag tataka'ng tumingin sa kanilang lahat ng isa isa.

'Let the game begin'

"Ha? Mawalang galang lang sainyo mga binibini at ginoo. Ngunit sino ba kayo? At bakit niyo ako kilala? Atska bakit niyo ako niyakap? Mag kakilala ba tayo?"

'Pffttt!'

Gulat na gulat sila'ng lahat sa mga pinagg sasasabi ko sa kanila. Pati si Lando gulat na gulat na tumingin saakin. Nag katinginan sila'ng lahat ng gulat na gulat. Gusto 'kung tumawa pero pinipigilan ko lang. Baka mabulilyaso 'yung plano ko.

"A-ano? H-hindi mo kami kilala?"gulat na gulat sa sabi saakin ni Oppa Cavin.

"Pasensya na ginoo, ngunit hindi ko kayo kilala. Maliban na lamang dito sa aki'ng kasama na si Lando"

Agad na lumapit saakin sina Shiella na umiiyak.

'Hala! Lagot ba't umiiyak sila?!'

"A-ariane....hindi mo na ba talaga kami kilala? Ako 'to si Sam. Hindi mo ba ako kilala? Ha?.....Ariane?"

Hala na kakakonsensya naman. Umiiyak na sila. Pero inferness ha. Ang ganda pa'rin nila kahit umiiyak na sila. Ngayon ko nanaman sila ulit nakitang umiyak pero grabe pffftt! Nakakatawa mga itsura nila. Parang pinag sakluban ng langit at lupa. Ganito ba umiyak 'tong mga 'to? Pfttt! Hahahaha!

"Pasensya na binibini. Ngunit hindi ko kayo kilala. Ang alam ko lamang ay dito ako nag aaral. Ngunit wala ako'ng naaalala na meron ako'ng mga......kaibigan"

Mas lalo silang nag si iyakan dahil sa mga sinabi ko. Mapapatawad kaya nila ako pag sinabi ko'ng nag bibiro lang ako? Pffttt! Ang epic ng mga mukha nila pati si Oppa Cavin umiiyak na. Si Hoejang naman papunta na. Sina Jett naman papunta na'rin. Si James? Ayon poker face lang. Kahit kailan talaga walang pakialam!

"Ariane....ako nakikilala mo ba? Ako 'to si Cavin. Ang kuya mo.....please Ariane alalahanin mo naman ako"

Baliw na si Kuya! Bakit niya sinabi'ng kapatid ko siya! Andiyan sina James sa likod nila. Syempre mag tataka 'yung mga 'yun 'kung bakit sinabi ni Kuya Cavin na kapatid ko siya! Ahhh! Ano bayan!

"Fine! Aamin na ako! Hindi talaga ako nawalan ng ala-ala. Nag bibiro lang ako. Nakakatuwa kase
 'yang mga mukha niyo pag umiiyak! Hahaha"

Biglang nag bago ang awra nilang lahat. Kanina lang umiiyak na mga tao ang kaharap ko pero ngayon iba'ng iba na. Ang lalamig na nila. Naka poker face sila'ng lahat. Walang naka ngiti. Walang umiiyak. Lahat sila ay malalamig ang mga awra.

Mukhang namali ata ako ng biro. Hehehe lagot.

"Ha! Nag bibiro kana pala ngayon? Ngayon may gana ka pa'ng mag biro habang kami dito hindi mapakali sa kakahanap sayo dahil dalawang linggo ka'ng nawala! Kami dito hindi kami maka tulog ng maayos kase iniisip namin 'kung nasaan ka o okay ka lang ba! Tapos ngayon nanndito kana, humarap saamin ng puro pasa't sugat at naka benda pa anng ulo mo at naka wheelchair kana't lahat lahat. May gana ka pa'ring buruhin kami ng ganon?!"galit na galit na sabi saakin ni Sam.

"Halos hindi na kami maka pag focus sa pag paplano para sa Anniversary ng Academy kase ikaw palagi ang iniisip at inaalala namin. Lahat kami dito nag hahanap sayo sa kahit ano'ng lugar para lang makita ka! Pero ngayon andito kana sa harap namin pero may gana ka pa'ring mag biro ng ganiyan?! Sa tingin mo ba nakakatuwa 'yang biro mo?! Sana pala hindi nalang kami nag aksaya ng oras na mag hanap sayo kase mukha'ng okay ka naman dahil nakakapag biro kana! Sana nag focus na lang kami sa ginagawa naming trabaho sa Academy keysa mag hanap sayo! Nag sayang lang kami ng oras sa pag hahanap sa tao'ng hindi naman na appreaciate ang mga efforts na ginawa namin sa pag hahanap! 'Kung ganiyan ka rin naman sana hindi ka nalang bumalik!"dugtong ni Sam sa sinabi niya kanina na siya'ng nag pa wasak sa puso ko.

So ganon ang gusto nila? Ang hindi na ako bumalik dahil hindi ko na appreaciate ang pag hahanap nila saakin? Na mas nagawa ko pa'ng mag biro ngayon? Na hindi ako narapat dapat sa pag sasaya'ng ng oras nila sa pag hahanap nila saakin? Wow! Grabe nakaka durog naman ng puso ang mga sinabi ni Sam. Dahil lang sa pag bibiro ko ng ganon, sasabihan na niya ko ng ganon? Grabe! Kaibigan ko ba talaga sila? Para'ng hindi eh. Sa mga sinabi pa lang nila mukha'ng tinakwil na nila ako. Grabe sana hindi nala'ng ako nabuhay 'kung wala naman ako'ng babalika'ng mga kaibigan. Sana namatay na lang ko.

"Sam ano ba! Wag mo nga'ng sabihin yan--"

"Bakit? Bakit sinabi ko ba'ng hanapin niyo ako? Bakit sinabi ko ba'ng mag alala kayo saakin? Bakit sinabi ko ba'ng isipin niyo ako?........Bakit sinabi ko ba'ng pag toonan niyo ng pansin ang pag kawala ko? Bakit hiningi ko ba ang atensiyon niyo? 'Kung makapag salita kayo para'ng tinakwil niyo na ako ha?........... 'Kung maka pag salita kayo para'ng ayaw niyo na ako'ng makita at makabalik.........Bakit ginusto ko ba'ng mag kidnap ako? Bakit ginusto ko ba'ng pahirapan nila ako? Bakit.......... ginusto ko ba'ng bugbugin nila ako? Bakit ginusto ko ba'ng patayin nila ako? Bakit ginusto ko ba ang nangyare saakin ngayon?! Sabihin niyo nga?! Ginusto ko ba?!"

T*ngina ang sakit sakit. Ang sakit sakit na sa mismong mga kaibigan mo pa narinig 'yung mga 'yun. Matatanggap ko pa sana ang mga 'yun 'kung iba'ng tao lang ang nag sabi pero. T*ngina kaibigan ko nag sabi non eh...... Hindi ko na kaya. Mas masakit pa 'to sa break up.

"Ariane hindi naman sa ganon---"

"Tama na Shiella. Narinig ko na ang dapat marinig. Sige 'kung ayaw niyo ako'ng makita, pwes hindi ako mag papakita sainyo. Wag kayo'ng mag alala. Sisikapin 'kung hindi tayo mag katagpo ng landas dito sa loob ng Academy.......Lando tara na paki hatid ako sa dorm"malamig na turan ko.

Agad na itinulak ni Lando ang wheechair na kinau upo-an ko.

Mahirap man saakin na layuan ko sila at hindi mag pakita. Kakayanin ko, 'yun ang gusto nila eh. May magagawa ba ako? Ano'ng klase'ng leader ba ako sa kanila 'kung ang simple'ng kahilingan nila eh hindi ko matupad diba? Kahit na mahirap saakin, kailangan 'kung gawin para kahit papano maging masaya sila. Kase puro pasakit na lang ang dala ko sa grupo. Leader nga nila ako pero ako naman ang palagi'ng nag papasimula ng gulo.

Tsk! Tsk! Ang tigas kase ng ulo ko

Sumakay n kami ng elevator ni Lando.

"Sandra?"

"Hmm? Bakit?"

"May tanong sana ako"

"Sige ano ba 'yun?"

"Bakit hmm....bakit Ariane ang tawag nila sayo? Bakit hindi Sandra? Dalawa ba pangalan mo?"

"Ah mahabang kwento 'yun kuya Lando. Pwede'ng hindi ko muna sainyo sabihin?"

Mahirap kase ngayon ang mag tiwala. 'Yung akala mo kakampi mo, ' yun pala ang tunay na kaaway mo. Mahirap na baka't nag papanggap lang si kuya Lando. Noon nga nakapag-panggap siya, ngayon pa kaya?

"Oh sige okay lang"

Agad na bumukas ang elevator kaya agad 'din kami'ng lumabas.

"Sa dorm 312 kuya Lando"

"Okay"

Agad kami'ng pumunta sa pinakadulo ng hallway dahil doon ang aki'ng dorm.

Pag kapasok namin sa dorm ay agad ako'ng humarap kay kuya Lando.

"Kuya Lando marami'ng salamat sa pag hatid saakin dito. Hindi ko alam 'kung paano kita mapapasalamatan"

"Nako okay lang 'yun. Wag ka ng mag abala pa. Ang pag tuonan mo nala'ng ng pansin 'yang sarili mo. Mag pagaling ka para magi'ng malakas ka ulit. Okay ba 'yun?"

"Oo naman kuya Lando. Salamat talaga"

"Teka pano 'yan 'kung aalis na ako 'di mag isa kana lang dito. Sino ang mag tutulak sayo?"

"Wag ka ng mag alala kuya Lando kaya'ng kaya ko na 'yung sarili ko malaki na ako"

"Sigurado ka?"

"Oo naman"

"Sige una nako ha? Mag iingat ka dito. Palagi mo'ng ilock ang mga pintuan at bintana mo. Baka 'kung sino sino ang pumasok dito okay? Alagaan mo ang sarili mo. Hanggang sa muli Sandra"

Pah kasabi niya roon ay agad din siya'bg umalis ng dorm. Agad ako'ng lumapit sa main door at linock iyon. Pagkatapos lumapit din ako sa isa'ng pintuan na konektado na ngayon sa kwarto ni Shiella at linock iyon. Pagkatapos, pumunta ako sa kwarto at dahan-dahang tumayo para mahiga sa kama.

Because tommorow is another day.

A/N: Hello! Sorry 'kung hindi maganda ngayon ang update ko. Pasensya na talaga. Nawalan lang ako ng mga idea. Pero babawi 'rin ako promise!:)

Hanggang sa muli!

Please do Vote and Comment! Thank you ng marami🌟

Continue Reading

You'll Also Like

26.9K 1.9K 36
people read the book trust me on this one
19.8K 871 61
Si Yash ay isang ordinary girl na nagaaral sa Heiress High, isa syang tahimik na babae at may tapang ding tinatago. Pero magbabago ang tadhana nya na...
2.4K 140 36
She is the chosen one, a girl from the prophecy. Academia #2
221K 7.2K 81
She's cold like ice She's hot like fire She's Powerful No one can defeat her "Welcome to the hell and be my Guest cause i am the Queen" Hell Helli...