Ang Nakaraan

By dirkyleo

22.4K 1.4K 86

Sa loob ng pitong taon, tahimik na nanirahan si Lena sa Canada. Pero mababago ang lahat ng makatanggap siya n... More

1: Just When You Think You Are Moving Forward Then You Get A Surprise Text
3: When Your Past Catches Up With You & You Are Warned Not To Be Disappointed
4: The More You Ignore Me, The Closer I Get
5: I Went Out To Meet A Friend & Ran Into My Ex
6: When You Should Have Insisted And Avoided The Awkward Meeting With Your Ex
7: The Mad Dragon
8: What Really Happened During Those Seven Years
9: Confessions Over Hawaiian Pizza & Chicken Wings
10: From The Grocery Store To The Birthday Party
11: The Patay-Gutom Meal & The Three Second Rule
12: May Deadline Ba Ang Forgiveness?
13: Say It In A Song
14: A Laundry List Of Never-Ending Problems
15: Cracks
16: Reality Really Bites...Hard
17: Breaking Up Is Hard To Do
18: House Search
19: David & Goliath
20: Tomato/Tomatoe
21: Moving Day
22: Banff
23: With The Fridge As Our Witness
24: The Truth About Lena
25: The Opposition
26: Debut
27: Future Sex
28: Indebted
29: The Other Side Of The Story
30: Those Seven Years Of Silence
31: La Femme Accident
32: Spring Awakening
33: December

2: You Are Supposed To Train & Not Fall In Love

1K 52 8
By dirkyleo







Trainee ko si Hazel.

A week bago siya dumating sa store, sinabihan na ako ni Sir Joseph na may bago daw management trainee.

"Maganda siya." Sabi ng baklita kong store manager.

"Ano naman ang relevance ng beauty niya sa training?"

"As if hindi kita naaamoy." Bulong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

Tatawa-tawa siyang lumabas ng office.

Kung si Sir Joseph eh lantad, ako naman ang kabalikaran.

Ayokong magcome-out.

Para kasing ang complicated.

Kapag nakakapanood ako ng mga coming out stories, lalo akong pinanghihinaan ng loob.

Bukod sa ayokong pag-usapan ng mga crew, hindi din ako ready.

Kaya naman hindi welcome sa akin ang joke ni Sir.

Gusto ko siyang batukan sa totoo lang.

Tandang-tanda ko ang araw na dumating siya.

It was a Tuesday morning.

Nine ng umaga.

Ready ako sa pagdating niya.

I went to bed at eight in the evening.

Hindi ako nagpuyat dahil gusto kong maging alert at focus.

Nakahanda na din ang mga manual at online courses.

Nasa office ako at nagbabasa ng corporate emails ng may kumatok.

Inalis ko ang tingin sa monitor at saglit na natulala.

Her honey colored hair was loose and it matched the color of her doe eyes.

Maputi siya, matangkad at slim.

Her smile was confident and warm.

"Mam Lena, I'm Hazel." Inabot niya ang kamay.

Tumayo ako and shook her hand firmly.

Her palms were velvety smooth.

Pero bago pa tuluyang mablangko ang utak ko, sinabi ko na it was nice to meet her.

Tinuro ko ang table kung saan puwede niyang ilapag ang dala niyang backpack.

Backpack?

She comes across as a purse kind of woman dahil elegante ang dating sa suot na dark blue blazer over a striped white and blue shirt and dark blue slacks.

Nang tumayo siya sa tabi ko, I caught a whiff of her lotion—coconut and watermelon.

Bigla akong nagutom.

Is this the reason why winarningan ako ni Sir Joseph?

Napredict niya ba na ganito ang magiging response ko?

Isa na ba siyang dakilang manghuhula?

Hindi ko namalayan na inalog ko pala ang ulo ko.

"Are you okay?" Nakita pala ni Hazel ang ginawa ko.

"I'm okay. Medyo masakit lang ang ulo ko." Palusot ko.

Wala naman kasi akong headache.

Nabuking niya lang.

Alangan namang sabihin ko sa kanya na inaanalyze ko ang sinabi ni Sir Joseph?

Buti na lang dahil bukod sa beauty, Hazel also has the brains.

Sa pag-uusap namin, I learned na graduate siya ng HRM sa UST.

Nagwork siya sa ibang fastfood bago niya naisipang mag-apply sa company namin.

Dalawa lang sila ng Ate niya na executive assistant ng isang government official sa Pasig.

Retired military officer ang daddy niya.

Ang mommy niya naman, housewife.

Ang sabi ni Hazel, late na nagkakilala ang parents niya.

"They were both in their thirties when they got married. Ate Ruby and I were born more than  two years apart." She removed a lock of her golden hair away from her face.

Sinubukan kong huwag madistract sa ginagawa niya pero mahirap.

Hazel has cherubic features.

Naalala ko tuloy iyong mga angels sa stained-glass sa simbahan.

The more na tinitingnan ko siya, lalo akong naeengganyo.

Tinanong niya kung ilan kaming magkakapatid.

Napawow siya ng malaman kung gaano kami kadami.

"It must be fun having many siblings."

Tiningnan ko siyang maigi to check kung nang-aasar ba siya.

She looked genuinely amused if the smile and the warmth in her eyes were an indication.

Hindi ko lang masabi sa kanya na hindi fun ang maubusan ng ulam.

During that first day, I learned na masarap siya kausap.

Kung hindi nga lang ito work training, siya iyong tipo ng babae na kung nakilala ko sa online dating site, I would probably ask her out again.

That is if I'm bold enough to do that.

Pero kapag magkasama kasi kami, hindi kami nauubusan ng pag-uusapan.

Walang awkward moment.

The conversation just flows.

Hindi pilit.

Walang napipilitan.

When she asked about my birthday, napawow na naman siya.

Ewan ko pero parang naexcite siyang malaman na opposite signs kami.

"I like astrology. I read horoscopes for fun." Sabi niya.

But then kailangan ko siyang iwanan to give her time to read the manual at para asikasuhin ang mga online courses niya.

Pagbalik ko sa kitchen, mukhang naiwan ang isip ko sa office.

All I could think of was this tall woman with captivating honey colored eyes and hair.

Kung hindi pa ako napaso sa bun toaster, hindi ako babalik sa reality.

Bago natapos ang shift namin ni Hazel, she asked for my number.

I expected this kaya binigay ko.

What I didn't expect was for her to text me pagdating ko sa bahay.

It had nothing to do with work daw.

Gusto niya lang ng kausap dahil mag-isa lang siya sa bahay.

Wala daw ang parents niya.

They flew to Singapore to visit her uncle.

Ang text na iyon ang naging start ng lahat.

Kapag nasa work kami, kapag meron siyang gustong sabihin na hindi niya masabi sa harap ng ibang tao, imemessage niya sa akin.

Minsan tuloy nagtataka ang mga kasama ko kasi bigla na lang akong matatawa.

Bago natapos ang training, she knew more about me than any of the other managers na matagal ko ng kasama.

This led them to tease Hazel.

Ano daw ang pinakain niya sa akin at naging close kami agad.

"Suplada ba si Mam?" Tanong niya.

"Oo." Si Sir Joseph ang sumagot.

"Hindi ako suplada ano? Tahimik lang talaga ako." Depensa ko naman.

Nang matapos ang probationary period ni Hazel at successful na naipasa niya ang mga exams at training courses, niyaya niya akong lumabas.

Gusto niya daw magcelebrate.

"Saan mo naman gustong pumunta?" Tanong ko habang nilalagay ang mga gamit ko sa handbag.

"I feel like dancing."

Natigilan ako sa sagot niya.

"Hindi ako mahilig sumayaw."

"Sige na." Hinila niya ang manggas ko.

"Let's just have fun."

"Okay."

"Yes!" Tinaas niya ang kamao na parang nanalo sa lotto.

"Sunduin kita. Seven o' clock?"

"Okay."

Bago siya umalis, she kissed me on the cheek.

"I can't wait to take you out on a date."

Hindi ko nacorrect ang sinabi niya.

She was already out the door.

Iniwan niya ako na nagtataka kung bakit niya nasabi iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

140K 5.4K 39
Paano kung ang tanging paraan upang makabawi ka sa iyong kasalanan ay ang pakasalan ang isang estrangherang may tradisyunal na paniniwala sa buhay...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
131K 3.3K 33
[Complete] Tatanggapin o tatanggihan ? (TAGALOG) Ps. This story is based on "Yellow" if you have read it :) ... Support me on my first book. Love y...
264K 8.1K 47
𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗨𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗦𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗺𝗯𝗮𝗯𝗮𝘀𝗮♡ ✫ April 17,2019✰ ★ June 21...