LOVE WITHOUT LIMITS

By maxinejiji

94.1M 2.8M 4.6M

Love Trilogy #1 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions arou... More

Prologue
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
EPILOGUE : LOVE WITHOUT LIMITS
SPECIAL CHAPTER SNEAK PEEK
PAG-IBIG SA 'YO (Love Without Limits Official Theme Song)
GUGMA KANIMO (Pag-Ibig Sa 'Yo Bisaya Version)

CHAPTER 30

1M 37K 93.2K
By maxinejiji


CHAPTER 39

"I CAN'T. I'm so sorry pero kung kinakailangang iwasan kita, 'yon ang gagawin ko," malungkot, nakababa ang tingin kong tugon kay Maxrill. "Kung sasama ako sa 'yo, lalo ko lang masasaktan si Maxwell. Believe me, I don't wanna hurt you, Maxrill," tiningnan ko siya sa mga mata. "Pero nasasaktan din ako sa t'wing masasaktan ko si Maxwell. Kung may paraan nga lang para hindi siya masaktan, iyon ang pipiliin ko." Muli akong nagbaba ng tingin. "I love him so much, Maxrill."

"But he's ignoring you." Sumulyap siya sa likuran ko.

"Because he's just mad, I know, and I need to understand that," mariing tugon ko. Bumuntong-hininga ako. "Please...stop. I know you're concerned but I can handle this. Maxwell and I can handle this...together."

Dinig ko rin siyang bumuntong-hininga. "I understand." Sinsero ang tinig niya nang sabihin iyon. Inaasahan kong titigil na siya magmula sa gabing iyon.

"Thank you, Maxrill." Iyon lang at nilampasan ko na siya.

Gano'n na lang katindi ang pagpipigil kong lingunin si Maxwell. Nang sandaling iyon ay mas lamang ang sakit na nararamdaman ko. Pero kahit gano'n, alam ko sa sarili kong hindi lang ako doon susuko. Masyado nang malalim ang nararamdaman ko, gano'n na rin karami ang pinagdaanan namin. Hindi ang isang pagkakaintindihan lang ang dapat na pumutol ng lahat. I can't let that happen.

Pero gano'n na lang ang gulat ko nang makalabas ng cafeteria at may humila pabalik sa kamay ko.

"Ano ba!" angil ko sa pag-aakalang si Maxrill iyon pero mabilis na nangilid ang luha ko nang mapagtantong si Maxwell 'yon. "Maxwell..."

Emosyonal siyang tumitig sa 'kin. Bumuntong-hininga siya saka kinuha ang basket na bitbit ko at inilapag iyon nang hindi inaalis ang tingin sa 'kin.

Maxwell...

Hinawakan niya ang pisngi ko. Naestatwa ako, hindi makapaniwala, at bago ko pa nagawang kumilos ay niyakap niya na ako. Napahagulgol ako sa biglang pagbugso ng damdamin. Pero sa halip ay mas humigpit ang yakap niya. Ibinaon ko nang todo ang mukha ko sa kaniyang dibdib.

"I'm sorry," bulong niya. "I'm so sorry." Ramdam ko ang sinseridad niya, maging ang malakas na kabog ng puso niya. "Fuck," dinig kong bulong niya. Inilapit niya ang labi sa pisngi ko. "I'm sorry, baby..."

Iling at tango lang ang naisagot ko. Hindi ko nagawang magsalita. Basta ko na lang hinayaan ang sarili kong tapusin ang pag-iyak habang yakap namin ang isa't isa. Kahit pa alam kong maraming makakakita.

"Oh, what happened, Yaz? Maxwell? Are you guys okay?" kung hindi pa mangibabaw ang nag-aalalang tinig ni Keziah ay hindi ako bibitaw kay Maxwell.

Si Keziah. Si Keziah na naman. Si Keziah na lang lagi. Si Keziah na hindi ko malaman kung bakit kailangang magtanong pa gayong alam naman niyang may hindi kami pagkakaintindihan ng lalaking nilalandi niya.

Pero sa halip na harapin si Keziah ay yumuko si Maxwell nang sobrang baba na para bang gano'n ako kaliit. Ginawa niya 'yon para silipin ang mukha ko. Hindi siya nang-aasar, hindi rin siya nagbibiro. Walang nagbago sa itsura niya, alalang-alala, emosyonal na humihingi ng tawad.

"I love you, Yaz..." bulong niya. Bumuntong-hininga siya.

"I love you," mas mahinang tugon ko, nahihiya sa mga nakakakita.

"In a freaking hallway!" bigla ay umalingawngaw ang tinig ni Maxpein sa malayo. Maging ang buntong-hininga niya ay narinig namin mula sa malayo.

Pero nang sandaling iyon ay hindi siya pinansin ni Maxwell, ang paningin nito ay nasa akin pa rin. Napakarami nang pang-aasar na sinabi ng mga kapwa niya doktor pero 'eto at hindi pa rin nagbabago ang emosyong nababasa ko sa kaniyang mukha.

Pumalakpak si Maxpein nang makalapit. "Overjoyed because of adobo, really?" ngisi niya sa kapatid. "Iba ang toyo sa Cebu, gano'n ba?"

Nilingon niya ako at gano'n na lang ang gulat ni Maxpein nang makita ako. Siguradong nakita niyang kagagaling ko lang sa pag-iyak. Tinanong niya ang kapatid sa ibang lenggwahe. Bahagya pa itong itinulak na para bang kinukwestyon kung bakit ako umiyak.

Sinulyapan ni Maxwell ang mga kasama, maging si Keziah. Walang sali-salita ay nakuha ng mga ito ang tingin niya at magkakasabay na umalis. Maging ang ilan na sinasadyang bagalan ang paglalakad sa harapan namin ay sinulyapan niya para mawala sa aming paningin.

Saka sinagot ni Maxwell ang kapatid gamit ang ibang lenggwahe at muling nagbaba ng tingin sa 'kin. Hindi na siya nagsalita pero bakas pa rin sa kaniyang mukha ang paghingi ng tawad. Bilang sagot ay hinawakan ko ang kamay niya, agad siyang gumanti ng pisil at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

"Where's Maxrill?" tanong ni Maxpein. "I need to talk to him about his pets. Kaunti na lang ay iisipin ko nang forest ang ipinatatayo niya at hindi bahay! Where is your brother?"

Nilingon niya ang cafeteria bago muling tumingin sa 'kin. Bumuntong-hininga siya at saka tiningala ang kapatid nang walang mahitang sagot. Pero hindi na yata talaga aalisin ni Maxwell ang tingin sa akin.

"Go ahead and talk somewhere. Don't do these...things here," umiiling na bumuntong-hininga si Maxpein saka kami iniwan.

"I'm going to eat this," noon lang nagsalita si Maxwell, dinampot niya ang basket. "Eat with me."

Ngumiti ako. "Hindi ka na ba galit?"

Umiling siya. "Sorry kung nagalit ako."

Umiling din ako. "Naiintindihan ko naman,"nagbaba ako ng tingin.

Bahagya niyang hinila ang kamay ko nang sa gano'n ay mayakap niya uli ako gamit ang isang kamay. Hinalikan niya ako sa sentido at noon lang ako nakaramdam ng pagkailang at hiya. Napalingon ako sa mga dumaraan at nakakakita. Panay tuloy ang bulungan ng mga empleyado.

"Maraming nakatingin," hindi ko napigilang ipahayag ang hiya.

Ngumisi siya. "Because we look good together."

"Psh." Gano'n ang reaksyon ko pero sa loob-loob ay naghurumintado ako.

"Let's go upstairs." Inakay niya ako sa siko at binitiwan niya lang ako nang bumungad kami sa lobby. Mula sa area ko at sa cafetera ay dumaraan parati sa lobby para makarating sa ER at daan papunta sa iba pang areas.

Dinala niya ako sa kaniyang office at ini-lock niya ang pinto niyon. Pinanood ko siyang ilapag sa center table ang basket at hubarin ang white coat. Isinampay niya iyon saka pa lang lumapit sa 'kin. Naupo siya sa tabi ko, inihilig ang sarili sa sofa at tumitig sa 'kin.

Kinuha niya ang kamay ko at pabuntong-hiningang tumitig doon. "I heard you and Maxrill," malungkot niyang sabi. Hindi ko naman iyon inaasahan. "I'm sorry, I was only thinking about my own feelings. Hindi ko inisip na nasasaktan din kita habang nasasaktan ako."

"Believe me or not, naiintindihan ko," sinsero kong sinabi. "Masakit pero...kailangan kong intindihin. I made a mistake. Kahit ako ang nasa sitwasyon mo ay...gano'n din ang mararamdaman at gagawin ko."

Ang tingin ko ay naroon din sa magkahawak naming kamay.

"I understand that there are times na...we ignore the person we love because of the emotional pain and our inability to deal with that feeling,"emosyonal kong dagdag. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Honestly, takot na takot ako dahil baka...iwan mo 'ko."

"I can't do that, Yaz."

"Takot na takot ako no'ng umalis ka sa Cebu nang hindi nagpapaalam sa 'kin," 'ayun na naman ang sakit.

Napapikit siya at bumuntong-hininga. "Sorry. There was an emergency, I used that to escape reality."

Bumuntong-hininga ako at tumitig sa kaniya. Sandali akong nanahimik, nag-iipon ng lakas para magsalitang muli. Inaayos sa isip ang mga dapat sabihin sa paraang hindi siya masyadong masasaktan.

"No'ng gabing nakita mo kami ni Maxrill...doon nangyari 'yon," pakiramdam ko ay lumampas sa kaniya ang paningin ko nang alalahanin ko ang gabing 'yon. "Hindi ko sinasadya," muling nangilid ang mga luha ko. "Pareho ko kayong nasaktan at hindi ko 'yon naisip bago ko 'yon nagawa. I'm really sorry."

Hindi agad siya sumagot. Sa halip ay nagbaba siya ng tingin at iniyuko ang sarili sa isang palad. "I was there, outside..."

God, that made my heart ache. Hindi ko ma-imagine na naroon siya sa labas...naghihintay...nag-iisip kung ano ang ginagawa namin ni Maxrill sa loob.

"I came back to drop his dinner. Hindi kasi siya nagsabi kung saan siya matutulog, Wilma was looking for him," dagdag niya.

Inalala ko ang gabing iyon at natatandaan kong ang sinabi ni Maxrill ay pinadudumi niya si Hee Yong kaya siya nasa labas. Ngayon ay naiisip kong posibleng naroon pala siya para i-meet ang kuya niya.

Napatitig ako kay Maxwell at gano'n na lang ang kirot na naramdaman ko nang maisip kung ano ang nararamdaman niya habang pinanonood kaming magkasama.

"Something keeps telling me he made a move that night, I chose to believe nothing happened, though." Nakangiti siyang tumingin sa 'kin. "Brothers don't betray each other, right? Because they're supposed to respect and love each other." Pumait ang mga ngiti niya.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "I'm so sorry."

"That made me feel I was not enough." Saka niya ako sinulyapan. "I gave my all in, Yaz." Muli siyang nagbaba ng tingin sa mga kamay namin.

Shit.

Awtomatikong tumulo ang luha ko. Nasasaktan akong makita na nasasaktan siya. Iilang salita ang sinabi niya pero samu't saring sakit ang ipinarating.

"You're more than enough, Maxwell. Please 'wag mong isipin 'yon. Ako ang nagkamali..." hindi ko alam kung paanong aakuin ang sakit na nararamdaman niya gamit ang mga salita. Ngayon ko lang nararamdaman kung gaano ko siyang labis na nasaktan.

"I've never been so scared of losing someone in my life, I love you so much and I don't want to lose you, Yaz," kumibot-kibot ang mga labi niya saka pinunasan ang mga namuong luha.

"I don't want to lose you, too."

Tumitig siya sa 'kin. "Always tell me the truth about the things you do, I don't care if it'll cause me pain. It's better that way, I'll still love you anyway," pakiusap niya.

"I will," paniniguro ko, hinaplos ang pisngi niya. "I promise I'll do that."

Emosyonal ko siyang tinitigan. Isa-isa kong tiningnan ang bawat parte ng mukha at ugali niya na nagpapatunay kung gaano ako kaswerteng minahal niya ako. Hindi ko maisatinig na ngayon lang may natakot na mawala ako sa buhay niya. At walang salitang maipapangalan sa sayang idinulot no'n.

"I fell real hard, huh?" bigla ay tanong niya, natatawa.

Natatawa akong tumango saka yumakap sa kaniya. Hindi ko alam ang sasabihin. Pakiramdam ko ay gano'n karami ang pinagdaanan namin sa loob ng iilang araw.

"I love you, Maxwell," bulong ko. "Hindi ko rin kayang mawala ka. Matapos mong iparamdam sa 'kin kung gaano mo 'ko kamahal...lalong hindi ko kakayaning mawala ka. I'm really sorry for what happened and I can't thank you enough for understanding me."

"I love you," bulong niya saka kumalas sa 'kin para halikan ako sa labi.

Pareho kaming nasaktan at nagtiis, pareho kaming nalayo sa isa't isa pero 'ayun at ramdam kong sa aming dalawa ay mas sabik siya. Nararamdaman ko maging ang pagpipigil siya, hindi ko naiwasang matawa. Dahilan para mahinto kami sa ginagawa.

"Kumain ka na," sabi ko saka nakagat ang labi.

Bumuntong-hininga siya saka nilingon ang basket. "Nauna pang matikman ni Maxrill kesa sa 'kin,"ngiwi niya saka tumawa.

Ngumuso ako. "Paano naman kasi puro si Keziah ang inaatupag mo..." kunyaring nagtatampo na sabi ko.

Tumawa siya. "Really?"

"Anong really?"

"The way I see it, ako ang inaatupag niya."

Tumaas ang kilay ko. "At gusto mo naman?"

"She's just like that."

"Pero ginusto mo nga?"

"You'll get mad if I say yes so, nope."

Sinimangutan ko siya. "Ginusto mo nga."

"Because I was tired and she offered a massage."

"Yeah, at hinahayaan mo siya. Ilang beses ko kayong naabutan, Maxwell."

Matagal siyang tumitig sa 'kin, nangangapa bagaman nakangiti. "We're not arguing, baby, right?"

Natawa ako. "I'm just teasing you."

Umawang ang labi niya. "More."

"Anong more?" pinalo ko siya. "Isusumbong kita sa daddy mo."

"Okay," ipinakita niyang hindi siya natakot o kinabahan man lang. "From now on, Keziah cannot touch me anymore."

"Wala akong sinabing gano'n, ah," pang-aasar ko.

"You're jealous of her."

"Excuse me," namewang ako. "Baka siya ang nagseselos sa 'kin."

"Nakuha mo na ang ugali namin." Nagugulat niya akong tiningnan. "Baby, you're a Moon." Tumawa ako. "My own moon, huh?"

Natigilan ako saka natawa. "Hmm..."

Tinitigan niya ako. "Hm?" Ngumisi siya.

Matapos mo 'kong iwasan, loko! "Psh," inismiran ko siya. Pero hindi na nawala ang ngisi sa kaniyang labi, may naiisip na siya lang ang nakakaalam.

"You look tired," mayamaya ay sabi ko. Ipinaglagay ko siya ng rice at adobo sa plate. "Here,"hindi niya inaasahang susubuan ko siya.

"I am tired," sabi niya matapos sumubo at saka pa lang ngumuya. "I want to rest." Bumuntong-hininga siya. "But I have so many OR cases." Naihilamos niya ang mukha sa palad. "Tomorrow, karamihan ay minor cases pero sobrang dami. Although maraming resident doctor, iilan lang kaming surgeon. Kaunti lang din 'yong nurse na naka-duty. Some are having their day offs and vacation. Most of us now are working double time."

Gusto kong maawa bigla sa kaniya. Ngumuso ako. "Do you need help?" Nilingon niya ako. Para bang pinag-isipan niya ang alok ko. "I'm an OR nurse, remember?" ngiti ko pa saka siya muling sinubuan. "Maaga namang matatapos ang shift ko. Pwede akong tumulong after my shift."

"Mapapagod ka."

"Kasama naman kita. Nawawala 'yong pagod ko kapag nakikita kita, hahaha."

Ngumiti siya, nag-iisip pa rin. "It's okay,"mahihimigan ang hiya sa sagot niya.

"Okay, I'll help you," excited kong sagot.

"Are you sure?" Tumitig siya sa 'kin, hindi malaman ang sasabihin, nahihiya. "Okay." Bigla ay ngumiti siya, masaya sa alok ko.

Ganoon nga ang nangyari kinabukasan. Hindi mawala ang ngiti ko habang nagtatrabaho. Sa loob-loob ko ay excited akong pumunta sa OR at tumulong doon. Pagkatapos na pagkatapos ng shift ko ay dumeretso ako sa area nila pero wala si Maxwell doon at ang susunod na schedule ng mga operasyon ay two hours pa. Gano'n na lang ang lungkot ko na sa dami niyon ay talagang umabot ng madaling araw ang nakapila.

"I heard nagpresinta kang tumulong sa OR?"bigla ay nangibabaw ang tinig ni Keziah sa likuran ko.

Kalalabas niya lang mula sa area. Sumulyap ako sa likuran niya, umaasang naroon si Maxwell pero hindi ko ito nakita.

Nakangisi na si Keziah nang tingnan ko. "Nasa penthouse siya, nagpapahinga. Kanina lang nagkaroon ng changes 'yong shift namin. Biglaan."

Bigla ay naalala ko ang sinabi ni Maxwell kahapon tungkol kay Keziah. "Yeah, tutulong ako mamaya, naaawa kasi ako kay Maxwell," kaswal kong tugon. "Mukhang wala na siyang pahinga."

"Then stop giving him a hard time. Kakaunti na nga lang ang pahinga niya, kinukuha mo pa," sinabi niya iyon sa paraan na para bang nag-aabiso imbes nag-iinsulto. "You're not the center of the universe, Yaz."

Awtomatiko akong naasar, hindi ko napigilan ang kilay ko sa pagtataray. "You don't know what you're saying, Keziah. You don't know anything about us, okay?"

Ngumisi siya. "That's what you think," mariing aniya.

Nangunot ang noo ko, iniisip kung ano-ano ang mga alam niya. Lalo pa akong nainis nang mas lumawak ang pagkakangisi niya matapos sulyapan ang kwintas kong ibinigay ni Maxwell.

"I was with him when he bought that. But I'm not saying na ako ang pumili niyan, ha?"humalakhak siya.

"Hindi ko naman inisip 'yon. Si Maxwell iyong tipo na hindi hinahayaan ang iba na magdesisyon para sa kaniya maliban sa 'ming dalawa."

Ngumiti siya. "Oh, actually, I just find it sweet, I mean, we're always together. Like, magkasama na kami sa trabaho tapos yayayain pa ako sa labas. Like, bago niya masabi sa 'yo ang problema, na-advice-an ko na siya. Like that."

Ngumiti rin ako, ipinakikita sa mga nakatingin sa amin na gano'n ako kasaya na kausap ang babaeng ito. "Mas sweet kung ang dahilan ng pag-alis ninyo ay may kinalaman sa inyo. Lalong sweet kung ang regalong binili ay para sa 'yo. Kaso...hindi,"nakangiti akong nalungkot.

"Para regalo lang, ang dami mo nang naipagmalaki," nameke siya ng tawa, ipinakikita rin sa mga naroon na masaya siyang makita ako. "Nakapili ka na ba kung sino talaga sa kanilang dalawa? Oh...oo nga pala, ang balita ko, tatlo na sila. Ang ganda mo talaga," nakakainsulto ang tinig niya bagaman tumatawa.

"So, saan papunta ang usapang ito, Keziah?"mahinang tugon ko. Kahit anong inis ko, kailangan ko siyang igalang sa ospital na 'to.

"I'm just saying na marami akong alam tungkol sa inyo."

"Kasi dikit ka nang dikit sa boyfriend ko."

Umawang ang labi niya. "Dati na kaming magkadikit, Yaz."

"Pwede ka nang dumistansya kasi may girlfriend na siya."

"Bago ka pa niya makilala ay gano'n na kami sa isa't isa, Yaz. Kung hindi ka nga lang dumating ay baka..."

"Kayo na ang nagkatuluyan?" nakangisi kong itinuloy ang binitin niyang sasabihin.

Bumungisngis siya. "No. I mean, kung hindi ka dumating ay baka hanggang ngayon, iniisip ng lahat na kami ang magkakatuluyan. Ang totoo, maraming nanghinayang no'ng malamang may girlfriend na si Maxwell...at hindi ako."

"Kasi ikaw ang nakilala nila at hindi ako," ginaya ko ang kaniyang tono, nang-aasar. Ngumiti ako."Look, if you're trying to compete with me, please stop it," mataray kong tugon. "Best friend ka lang, girlfriend ako." Iyon lang at iniwan ko na siya.

Inis akong dumeretso sa penthouse ni Maxwell, bago tuluyang makapasok ay pinakalma ko muna ang sarili ko. Hindi ko siya pwedeng kausapin tungkol kay Keziah nang galit. Ayoko ng panibagong pagtatalunan.

Dumeretso ako sa kwarto niya matapos siyang hapin sa kung saan at wala siya roon. "Maxwe..."hindi ko na naituloy ang sasabihin nang makitang nakadapa siya sa kama at mukhang natutulog.

Lumapit ako at hindi nga ako nagkamali, natutulog siya. Napapabuntong-hininga ko siyang tiningnan. Gusto ko na naman siyang kahabagan. Nangingitim na ang ilalim ng kanyang mata at halata na ang malaking ibinagsak ng katawan.

Iniwan niyang bukas ang pinto, paano na lang kung may ibang pumasok?

Iniwan ko siya para magluto ng pagkain. Plano kong gisingin siya matapos ang isa't kalahating oras para makapagpahinga siya. Ang natitirang kalahating oras pa ay para kumain, maligo at maghanda sa trabaho.

Kailangang makakain siya nang tama. Kahit sa pagkain man lang, makabawi siya.

Nagluto ako ng sinigang (na may sauce, joke) at iniwan kong umaandar ang coffee machine saka ako tahimik na pumasok sa kwarto niya. Mauuna na akong maligo para pagkatapos ay gigisingin ko na lang siya. Nagbaon na ako ng damit dahil alam kong ganito ang mangyayari.

Pero hindi pa man ako nagtatagal ay nagulat na ako nang pumasok si Maxwell at isa-isang hinubuhad ang kaniyang suot habang nakatingin sa 'kin. Nakagat ko ang labi nang gamit ang isang kamay ay hinala niya mula sa batok ang suot niyang white shirt. Binasa ko ang parehong labi ko nang tuluyan kong masulyapan ang trono. Napalunok ako nang makita kung gaano iyon kahandanda sa pagkakaposisyon.

Ito ang wala sa plano, Yaz...

Sinalubong ko ang tingin niya nang pumasok siya agad na yumakap mula sa likuran ko. Agad na gumapang ang kuryente sa buong katawan ko nang maramdaman ko ang mainit niya nang katawan.

"Why didn't you wake me up?" bulong niya sa aking tenga, sobrang init ng kaniyang hininga.

Hinalik-halikan niya ang aking tenga saka pinababa ang labi sa pagitan ng pisngi at balikat ko. Pinanood ko ang mga kamay niyang mag-pump sa bath soap habang abala pa rin ang labi sa ginagawa. Muli kong nakagat ang labi nang sabunin niya ang dibdib ko sa ibang paraan, hindi niya pa nagawa noon.

Bahagyang umarko ang katawan ko nang maramdaman ko ang trono mula sa aking likuran. Nakagat kong muli ang labi ko nang maisip na eksaktong-eksakto ang agwat ng height namin sa ganoong posisyon mula sa likuran.

Shit, Yaz! Dumiin ang pagkakapikit ko dahil sa naisip.

Hinawakan niya ako sa pisngi at marahang iniharap sa kaniya ang aking mukha. Sa ganoong paraan niya ako hinalikan sa labi. Awtomatikong lumalim ang halik na 'yon nang maglikot ang kamay niya papunta sa kahinaan ko. Hinawakan niya ang hita ko at bahagya iyong itinaas.

"You're going to be late..." ang bawat salitang sinabi ko ay may kasabay na pagdaing.

Sa halip na sumagot ay mas lalo niya akong pinanghina. Napakapit ako sa batok niya nang mas bumilis iyon sa pagkilos dahil takot mahuli sa trabaho.

"I'll put you to bed," bulong niya.

"No," nakapikit kong tugon. "We can do it here,"doon lang ako nagmulat. Natatawa kong kinagat ang labi nang mabasa ang pagtataka sa naliliyo niyang itsura.

Patalikod kong idinikit ang sarili sa kaniya saka ko inabot ang labi niya. Habol niya ng tingin ang labi ko nang basta ko na lang siyang bitiwan. Kinagat ko ang labi ko nang hawakan ang kaniyang trono, nakita ko nang magdilim ang mga mata niya nang batiin ko 'yon sa paraang makalulugod sa kaniya. Ang paborito kong itsura niya sa t'wing naroon kami sa langit ay muli kong makita nang mula sa likuran ay pag-isahin ko na naman ang aming kaluluwa.

Sa unang pagkakataon ay pareho kaming gumawa ng impit na ingay na pareho ring bago sa pandinig namin. Palibhasa'y noon lang din namin ginawa ang ganoong posisyon. Ganoon kabilis naming narating ang patutunguhan, sabay na sabay bagaman nag-uunahan. Halos mapaupo ako sa panghihina nang hugutin niya ang trono para magpalaya. Ginawa niya iyon nang nakaalalay sa bewang ko.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Maxwell mula nang matapos kami at makapagbihis. Dala niya iyon hanggang sa dumulog kami sa hapag-kainan.

"What are you smiling at, what's funny?" naiinis kunyaring tanong ko. Batid kong ang nangyari sa bathroom ang ikinatutuwa niya.

"That was amazing," gwapong-gwapo sa pagkakangiti at pagkakangisi siyang tumitig sa 'kin.

"Psh, gustong-gusto mo naman?" pang-aasar ko. Hindi ko inaasahang nakangiti siyang tatango. Bigla ay pinalo ko siya sa balikat. "Kumain ka na."

"Yeah, hindi ko 'yon nagawa." Iba ang pinatungkulan niya.

"Sira!" muli kong pinalo ang balikat niya. "Pilyo ka! Kumain ka na," ipinaglagay ko siya ng pagkain sa plato.

Ngingisi-ngisi pa rin siya, napalitan lang 'yon ng pagkamangha nang matikman ang niluto ko. "Wow!"pinandilatan niya 'ko.

"Masarap?"

"Hm?" nagpigil siyang ngumiti. "May natikman na ba 'kong hindi?" nag-isip siya kunyari.

"Maxwell, ah?" nagpanggap akong naaasar na.

"Parang wala," nagpatuloy pa rin siya.

Sa pagkapikon ay pinanlisikan ko siya. "Pero may alam akong mas masarap na hindi mo pa natitikman."

"Yeah? What is it?" inosenteng tugon niya, sumubo ng kanin na may maliit na karne sa ibabaw saka tumingin sa 'kin.

Tinuhog ko ng tinidor ang malaking okra at saka inilapit ang matabang parte niyon sa bibig ko habang nakatingin sa kaniya. Nakita ko nang mahinto ang kaniyang pagnguya nang dilaan ko ang dulo ng okra.

Ang hindi pa nangunguyang pagkain ay nalunok niyang bigla nang marahan ko iyon isubo. Bumalik lang ang wisyo niya nang kagatin ko iyon nang tuluyan at ngumunguya siyang tinitigan.

"Iyong specialty kong embutido," bigla ay sabi ko.

"Huh?" nalilito niyang tugon.

Pinigilan kong matawa. "You don't know embutido? It's made up of karne and a few gulay 'yon. Mataba 'yon...tapos mahaba. Matigas kapag galing sa ref...at sobrang sarap."

"Tsh, interesting dish, huh?"

"Yeah, my favorite," Muli akong tumuhog ng okra at nakatingin sa kaniyang sinipsip ang matabang dulo niyon. Sinadya kong sipsipin iyon sa mas matunog na paraan kaysa normal, para asarin siya.

"Stop it," banta niya.

"What? I'm just eating."

"You're teasing me."

Ngisihan ko siya. "'Wag mo kasi akong sisimulan," mataray kunyaring sagot ko.

Tumitig siya sa plato, natawa ako dahil mukhang naapektuhan talaga siya nang todo. Kaya nang mag-angat siya ng tingin sa 'kin ay nakapikit kong isinubo ang okra.

"Yaz," gigil niya nang tawag.

"What?" tinarayan ko siya.

"What are you doing?"

"This is how we eat okra in Cebu, okay? With feelings."

"Yeah, right."

"Just kidding." Inayos na ang pagkain. "Bilisan mo na, baka ma-late ka."

"I'm the boss."

"Yeah, but you have patients," nakataas ang kilay kong sabi.

Matapos naming kumain ay agad kaming dumeretso sa 'baba. "Are you going to stay tonight?" bulong niya habang naroon kami sa sink for handwashing.

"Here?"

"In my place."

Natawa ako. "Why?"

"I'm..."

"What?" nakangisi ko siyang tiningnan.

Napabuntong-hininga siya. "Nevermind."

"Pagagalitan tayo ng parents mo. Sa bahay umuuwi si Zarnaih, magtataka 'yon."

"They know you're going to help me here. I told Maxpein. They'll understand."

"I can go home naman, kahit late na."

"But your pasok tomorrow is early."

"Yeah, but the trabaho there is not as toxic as this area."

"Baby..." naglalambing niyang tawag.

"Mm, kinausap na ako ni mommy. Shut up, Maxwell."

Ngumuso siya at bumuntong-hininga. "I understand."

Hindi ko mapangalanan ang excitement nang muli ay makapasok ako sa OR theatre. Pakiramdam ko ay iyon ang unang pagkakataon bagaman ang totoo, halos magsawa ako sa area na 'yon noon.

"Hi, kumander!" natawa ako nang batiin ako ng residenteng doktor.

"Hi, doc," nakangiti ko ring tugon.

"Let's begin," masungit na ani Maxwell, natatawa ko siyang sinundan. "Assist me." Hindi ko man nakikita ang mukha niya ay nasisiguro kong magkasalubong na naman ang kaniyang mga kilay.

"Sure, doc," nakangisi kong sabi.

Wala si Keziah, kaya kahit minor case lang 'yon, walang katapusan ang kasiyahan ko. Iyon talaga ang gusto kong gawin, ang mag-assist sa operations. Tapos paminsan-minsan ay ma-assign sa ibang area, pero doon pa rin babalik at magtatagal. Tuloy, walang oras ng gabing iyon na nag-assist ako kay Maxwell na hindi ko naisip na sana...ma-assign na ulit ako sa Operating Room.

"Are you still okay?" mayamaya ay nilapitan ako ni Maxwell nang masahihin ko ang balikat ko at mag-ehersisyo ng likod. Mahigit apat na oras pa lang ang nakalipas pero mahigit kinse na ang naoperahan.

"Kaya naman pala namamayat ka, hindi ka nagpapahinga," sa halip na sagutin siya ay 'yon ang sinabi ko. "May iba namang surgeon bukod sa 'yo, ah?"

"Oo nga."

"Bakit hindi mo hatiin sa kanila ang trabaho?"

"Baby..." inakay niya ako palayo sa may makaririnig. "Listen, I'm a private hospital. Most of our patients are poor. Kung ibibigay ko sa ibang doktor, they will need to pay the physician's fee. If it's me, it's free."

Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso ka?"

Tumango siya. "Yeah."

"Everything is free?"

"Well, not everything. But I'm not charging them for my fee."

Bigla ay nayakap ko siya. Ngayon lang ako nakakilala ng doktor na tulad niya. Hindi lang paghanga ang umusbong sa dibdib ko kundi mas matinding pagmamahal. This man deserves the world.

"Okay, I'll stay with you tonight," ngiti ko nang harapin siya.

Ang pagtataka niya ay nabura at napalitan ng gulat. "Really?"

"Mm," bigla ay nang-aasar kong sabi. "May ipatitikim ako sa 'yong masarap."

Pinigilan niyang ngumiti pero nabigo siya. Bahagya siyang lumapit. "Empudito?

"Huh?" Natawa ako nang tuluyan. "Embutido!"

"Empudito..."

"Em..."

"Empud"

"Em...bu...ti...do."

"Fuck it," angil niya saka tinalikuran ako.

"Hey!" natatawa ko siyang sinundan.

Tatlongng hakbang lang ay nakangiti niya na akong nilingon. Inilahad niya ang kamay at nakangiting hinintay ako na tanggapin iyon. Natigilan ako at mas ngumiti sa kaniya, emosyonal kong tiningnan ang nakalahad niyang kamay. Iyon si Maxwell Laurent del Valle, sa panlabas na anyo ay malambot, masungit at napakahirap lapitan. Pero ang totoo, walang katulad ang kabutihan ng kaniyang kalooban. Mabait at mapagmahal, hindi lang sa iba, hindi lang sa pamilya, kundi sa lahat ng tao at bagay na mahal niya. Puro at walang limitasyon.

To be continued. . . 

Continue Reading

You'll Also Like

8.3M 163K 53
Unedited version of She's Dating the Gangster.
722K 25.3K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
20.2M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...