Beauty and the Beast

By hyunjiwon_sg4ever

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... More

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#22: Ma Femme
#23: Darryl Castro
#24: Offer
#25: Magic Words
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#21: Beauty and the Beast

5.2K 152 16
By hyunjiwon_sg4ever

Kabanata 21: Beauty and the Beast

 

-Saerin Gail’s POV-

 

“Grabe girl! Ang ganda-ganda mo ngayon sobra!” impit na sabi sa akin ni Asha habang nagnining-ning ang mga matang nakatingin sa akin. Napayuko na lang ako at pakiramdam ko ay mas lalo akong nakaramdam ng matinding hiya.

“Nakakainis, bakit kasi naisipan pa nilang maghanda ng ganito,” may halong pagkahiya na sabi ko at bumuntong hininga. “Sana hindi na lang sila gumastos ng ganito, hindi ko talaga naisip na gagawin nila ‘to. Sabi ko naman kasing ayoko ng marangyang debut celebration” muli na naman akong bumuntong hininga. Inangat ko ang tingin ko at napatingin sa isang napakalaking salamin na nasa tapat ko. Kitang-kita ko ngayon ang sarili ko habang nakasuot ng isang light pink na gown. Maganda ang gown na pinili nila, nagustuhan ko yung style. At masasabi ko na maganda ang ayos ko ngayon. They really prepare for this day without my concern. Well, they said that they want to surprise me. Nagulat ako, pero hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

“Ano ka ba girl, minsan ka lang naman mag-celebrate ng ganito at tsaka mayaman naman kayo, hayaan mo ng pag gastusan ka ng mga magulang mo. Siguro sa ganitong paraan nila naisip na bumawi sa prinsesa nila” sabi ni Asha at tumabi siya sa akin. Tumingin ako sa kanya at bumuntong hininga.

“Hayyy, ewan ko ba pero parang wala talaga akong feel mag-celebrate ng birthday” prangkang sabi ko at tumingin sa malayo.

“Gail naman, isipin mo na lang na andito kami para sa’yo. Isipin mo na lang yung effort namin para sa’yo, mag-eenjoy ka rin naman kasi andito kami” masiglang sabi ni Asha at ngumiti sa akin. Pilit naman akong ngumiti sa kanya.

“Thank you” tipid na sabi ko.

“Huwag ka ng malungkot diyan, magsaya ka okay? Last day mo na ‘tong single kaya dapat mag-enjoy ka lang, bukas Mrs. Montello ka na rin” pagkasabi nun niya nun ay bigla ko na namang naalala na kasal na pala talaga namin ni Jared bukas, sa mismong araw ng birthday ko.

“Shocks, oo nga pala… kinakabahan ako, natatakot. Hindi ko alam, parang ang gulo talaga, naguguluhan ako” sabi ko at huminga ng malalim, nilaro-laro ko yung mga daliri ko.

“Sa kasal? Alam mo kung bakit ka naguguluhan? Kasi hindi ka sigurado sa nararamdaman mo Gail hindi mo alam kung anong mararamdaman mo kay Jared o kaya sa mga magulang mo, kaya ka natatakot kasi marami ka pang doubts. Heto girl real talk, kung mahal mo na si Jared, hindi ka magdadalawang-isip na pakasalan siya. If I were you, dapat alamin mo na kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya” seryosong sabi niya sa akin.

Napayuko na lang ako at napaisip. May punto yung sinabi niya, yes I’m falling for him but I don’t if the feelings that I have for him right now are strong enough for me to say that I love him. Parang may kulang pa. Siguro tama nga talaga si Asha, ang dami ko pang doubts sa kanya, sa mga nangyayari. Para kasing ang bilis ng lahat kaya medyo hindi ako makapaniwala.

“Alam mo girl,” napatingin ako kay Asha nung magsalita siya at tumayo mula sa pagkaka-upo niya. “I think you’re really in love with him but you’re denying that because of your doubts. Siguro try mong isantabi yang mga yan at buksan mo yung puso mo, Gail. This time, let you heart decide for you” pagkasabi niya nun ay bumuntong hininga siya habang ako ay nakatingin lang sa kanya.

Let your heart decide for you.

 

Ano nga ba talaga ang gusto ng puso kong mangyari? Ano nga ba ang tunay na nararamdaman ko kay Jared?

“Sige, Gail labas na ako” paalam niya sa akin at tumango na lang ako. Naglakad na siya palabas ng kwartong tinutuluyan ko ngayon. Nung marinig ko yung pagsara ng pinto ay agad akong napaupo sa upuang katapat ko at bumuntong hininga.

 

Napayuko ako at napapikit, lumalim na naman yung mga iniisip ko ngayon. Hindi ko alam pero nadidisappoint ako sa sarili ko. Hindi naman ako ganito, kahit na ang laki na ng problema ko hindi naman ako nagkakaganito. Siguro nga naninibago lang talaga ako sa mga nangyayari. I sighed, maybe I should enjoy this day. Appreciate everything. I should set aside all my doubts and let my heart rule my night. 

***

“Happy Birthday Gail!” bati sa akin nung mga ka-schoolmates ko na na-invite sa debut ko. Pero halos lahat sa kanila ay member ng ‘JAIL Fans Club’, at yung iba ay mga classmates at friends ko.

“Salamat” nakangiting sabi ko sa kanila. At nagtungo na ako sa lugar kung nasaan sina Mama at Papa, natigilan ako at parang kinabahan nung makita ko na kasama nila ang mga magulang ni Jared. Shemay!

“O anak, bakit lumabas ka na sa kwarto mo? Hindi pa nagsisimula yung program” sabi ni Mama at agad siyang tumayo at lumapit sa akin.

Aba malay ko ba sa gagawin ko dito. Sa totoo lang lumabas na ako ng hotel room kasi ayoko ng mag-isip, gusto ko muna ng peace of mind at malibang ang sarili ko sa mga bagay na nagpapagulo sa akin. At isa pa, ayoko talaga ng ganitong bonggang celebration, pakiramdam ko kaartehan lang ‘to eh. Pwede namang simpleng salu-salo with family and friends, bakit kailangan pang gumastos ng ganito? Hayyy. Ewan ko ba pero minsan hindi ko talaga feel maging mayaman.

“Ahh, kasi po wala akong kasama doon” pagdadahilan ko.

“Ahh, nasa labas na kasi sina Asha…” sabi ni Mama at inaya akong umupo sa pagitan nila ni Papa. Nasa round table kasi sila naka-upo, at katapat ko ngayon ang Mama ni Jared. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya sa akin, bigla tuloy akong napayuko. Nakakahiya!

“You look so gorgeous tonight, ija” rinig kong sabi ni Mama ni Jared, kaya kahit nahihiya ako ay pinilit kong tumingin sa kanya at ngumiti.

“Thank you po…” nahihiyang sabi ko at napayuko ulit.

 

“Sabi sa’yo hon, ang cute niya talaga eh! Bagay na bagay sila ng panganay natin!” rinig kong sabi niya doon sa Papa ni Jared. Grabe! Ayoko na! Nahihiya na talaga ako!

“Tss. Ikaw talaga…” tipid na sagot nito. Huminga ako ng malalim at sinubukang i-compose ang sarili ko. Sana pala doon na lang ako kina Asha naki-upo.

Doon ko lang naisip na kung andito ang mga magulang ni Jared, at andito rin si Jerome… ibig sabihin? Bigla akong nag-angat ng tingin ulit at inilibot sa buong lugar para hanapin siya pero nabigo ako dahil wala akong nakitang Jared sa paligid.

“May hinahanap ka ba anak?” napatingin ako kay Mama, umiling lang ako at ibinalik ko ang tingin ko sa table.

“Hinahanap mo ba si Jared ija?” nagulat ako noon sa tanong ni Papa. Napatingin ako sa kanya bigla at umiling.

“Uhh, hindi po” sagot ko. Narinig ko namang tumawa ang mga magulang ni Jared kaya napatingin ako sa kanila. Nakangiti sila pareho sa akin.

“We’re not really sure if he can go because he’s on a meeting. Pero tinawagan na rin namin na siya na pumunta dito baka makahabol” Jared’s father answered then he grinned. Fudge! Talagang nasa lahi nga nila ang kagwapuhan at kaangasan dahil ang gwapo pa rin ng Papa niya kahit matanda na.

“Uhh, ano hindi po… okay lang po” nauutal na sagot ko. Ngumiti lang sila sa akin ng makahulugan. Wahhhhhhh! Nakakahiya talaga!

And speaking of Jared, naalala ko na naman yung kanina sa park. He called me Sai, siguro napagkamalan niya akong yun at may dala pa siyang flowers. Ang weird nun, siguro babae niya nga yung Sai at yung tambayan ko pa ang napili nilang meeting place. Psh! Di pa nga kami kasal nagloloko na siya. Although sinabi naman niya na huwag ko na daw isipin yun. Ang weird niya talaga kanina. Bahala na nga siya! Baka mamaya nagkita na sila nung babae niya kaya wala siya dito ngayon. Psh!

“Okay lang yan ija, ganun talaga yung lalaking yun. Workaholic” sabi pa ulit ng Papa niya. Tumango na lang ulit ako.

***

Hindi ko alam pero sa totoo lang naweiweirduhan talaga ako sa debut ko, wala lang di ko talaga feel yung pagka-engrande eh. Ang weird ko no? Siguro ako lang ata ang babaeng ganito ang pakiramdam sa debut celebration. Parang kaartehan lang talaga ‘to.

Naalala ko tuloy yung sinabi nung isang prof namin sa History regarding debut celebration. Kaya daw nagpapa-debut yung mga magulang para daw ‘i-reto’ yung babaeng anak nila sa mga kalalakihan sa lugar nila kaya merong “18 roses” part sa celebration para daw ihanap ng mapapangasawa. Hindi ko lang alam kung bluff lang yun ng prof namin. But nevertheless, feeling ko may point naman siya.

Nagsimula na ang program pero wala talaga dito ang focus, andun na sa mga pagkain. Shemay naman kasi amoy na amoy hanggang dito sa lugar ko. Nakakaramdam na tuloy ako ng gutom, kaasar. Tapos naiinggit ako sa mga kaibigan ko kasi naka-upo sila tapos ako nakatayo. Nakakangawit. Sana matapos na ‘tong celebration na ‘to dahil gutom at nangangawit na ako. Gusto ko na lang umupo at makipagkwentuhan sa kanila.

Napatingin ako doon sa MC nung sinabi niya na magsisimula nung eighteen roses blahblah. Ayoko talaga sa part na ‘to, di naman na kailangan ‘to kasi ikakasal na ako. Pauso talaga minsan eh no?

Nagulat ako nung makita ko si Darryl sa dulo, bigla akong napangiti kasi namiss ko ‘tong lalaking ‘to, naging busy kasi siya kaya nawalan tuloy kami ng time para sa isa’t isa, di man lang kami nakapagbonding time. Nagkatinginan kami at ngumiti sa isa’t isa. Namiss ko talaga siya! Nakita ko din si Jerome na nasa tabi ni Darryl, nakatingin lang siya sa akin at nakangisi. Feeler siguro ‘to, akala niya siya nginingitian ko.

Pero wala talaga si Jared eh, tss.

Umayos na ako nung magsimula na yung tugtog, di ko alam kung ano yung title nung kanta pero familiar siya. Nakita ko si Papa na lumapit sa akin at inabot niya yung isang pink rose na agad ko namang inabot. Nagkatinginan kami ni Papa at ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam pero parang may kumirot sa puso ko dahilan para maiyak ako lalo pa nung inabot niya sa akin ang kamay niya at inilagay doon ang kamay ko. Lumapit siya sa akin at parang niyakap niya ako at sumabay kami sa tugtog.

“Gail, anak” rinig kong sabi niya sa akin. I bit my lower lip to keep myself from crying. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang siya na magsalita.

“Anak galit ka ba kay Papa at Mama?” tanong ni Papa sa akin. I really want to cry right now since nasa isang party ako. Gusto ko sanang sumagot pero pinili ko na lang ang tumahimik. “Patawarin mo sana kami anak sa mga ginagawa namin sa’yo, natatakot lang kasi talaga kami ni Mama mo na baka mapahamak ka ulit at mawala ka na sa amin ng tuluyan. We’re very sorry for being so strict to you... mahal na mahal ka namin Gail. Prinsesa namin…” sabi ni Papa at niyakap niya ako. Bumigat na talaga yung damdamin ko to the point na gusto ko ng umiyak. Hindi na lang ako nagsalita but I hug him back. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero alam ko na may dahilan sila kung bakit ako ganito. Maybe I’ll just hold on to their reason.

“Be happy Gail…” yun na lang ang nasabi ni Papa at hinalikan ako sa noo tsaka ako binitawan dahil dumating na yung sunod na rose. Pagtingin ko sa sumunod at nagulat ako nung makita ko yung Papa ni Jared.

Ibinigay niya sa akin yung rose at malugod ko namang tinanggap, nagsimula na rin kaming magsayaw.

“Hindi kasi ako nakaranas at makakaranas ng ganito kaya nagrequest ako sa Papa mo. Wala kasi akong babaeng anak kaya ganito. I know, you think you’re too young for getting married at this age, but I hope you’ll enjoy your marriage with my son. He really loves you, he’s mature enough for you… and I guess hindi dapat ganun. Both of you should meet halfway” sabi niya sa akin.

Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya.

“Sala-salamat po… Pa-pa” nahihiyang sabi ko. Shemay!

“You’re welcome ija” yun na lang ang nasabi niya at humiwalay sa akin dahil dumating na yung sunod na guy na may hawak na rose.

“Sige ija, happy birthday ulit” yun na lang ang nasabi niya at humiwalay na sa akin.                   

Malapit ng matapos yung 18 roses, dalawa na lang naman ang natitira si Jerome at Darryl, binilang ko nga sila pero 17 lang pala sila. Yung ibang lalaki naman kasi na nakasayaw ko hindi ko naman gaanong ka-close although kilala ko sila. Binati lang naman nila ako ng Happy Birthday at Congrats dahil boyfriend ko daw si Jared.

“Happy Birthday Gail,” bati sa akin ni Jerome. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Grabe ang gwapo din ni Jerome ngayon, no doubt na magkapatid nga sila ni Jared.

“Uhm, salamat” yun na lang ang nasabi ko.

“Kasal niyo na bukas ah? Gusto mo na ba magkaanak? Baka kasi di na makapagpigil si Kuya eh” aniya at mahina siyang tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin kahit na alam kong namumula ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Parang gusto ko siyang hampasin ngayon mismo.

“Gusto mong ihampas ko sa’yo tong mga bulaklak na hawak ko?” inis na sabi ko sa kanya. At aba lalo lang siyang tumawa.

“Just kidding, pero ewan si Kuya naman yun,” aniya at tumikhim, naging seryoso na naman siya. “Uhm, mahal ka ng kuya ko Gail, sana huwag mo siyang saktan” ramdam ko yung pagiging seryoso ng tono niya. Marahan akong napalunok at huminga ng malalim. “Makasarili yun si Kuya eh, wala siyang pakialam kung may masasaktan o matatapakan siyang iba, wala rin siyang pakialam kung masaktan siya sa mga ginagawa niya. I really adore him for taking risks sa mga bagay na wala siyang kasiguraduhan. Kaya sana Gail don’t let him suffer, huwag mong saktan ang kapatid ko. I hope you love him the way he loves you” sabi niya at pagkatapos ay humiwalay na siya sa akin dahil dumating na si Darryl. Ngumiti na lang siya sa akin at umalis na. Inaabsorb ko pa rin yung mga sinabi niya.

“Hi, Gail” napatingin ako kay Darryl na inabot sa akin yung pink rose na hawak niya.

“Darryl…” sabi ko at kinuha ko yung rose, inoffer naman niya yung kamay niya na malugod ko namang tinanggap. Nagsimula na kaming sumayaw kasabay ng kanta.

“Happy Birthday…” bati niya sa akin.

“Salamat” yun na lang ang nasabi ko at naramdaman kong niyakap niya ako. Ngayon lalo kong naramdaman ang pagkamiss ko sa best friend ko, ang tagal na rin pala talaga naming hindi nakapag-usap ng maayos.

“So you’re really marrying him…” aniya. Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko. “Hindi pa naman siguro huli ang lahat, siguro baka isang araw malalaman mo rin lahat. I’m sorry if I might hurt you, sorry kung wala akong kwentang kaibigan Gail. Pero I treasure you the most, isa ka sa mga mahahalagang tao sa buhay ko. Masaya akong naging kaibigan kita at naging parte ka ng buhay ko” seryoso ang pagkakasabi niya noon dahilan para mapatingin ako sa kanya.

“Hindi kita maintindihan, Darryl?” sabi ko pero ngumiti lang siya sa akin.

“One day, you’ll know everything… sigurado ako diyan. But for now, you should enjoy your day. I’m really happy to see you Gail. I want you to be happy and get the freedom you deserve. Happy birthday ulit, Gail. I love you…” pagkasabi nun ni Darryl ay ngumiti siya sa akin at mahigpit niya munang hinawakan ang kamay ko bago ito binitawan.

Pagkaalis ni Darryl ay naiwan ako sa gitna na hindi alam ang gagawin. Lumapit sa akin yung MC at kinuha yung mga bulaklak na hawak ko. Nung narealize ko na tapos na pala yung 17 roses ay tumalikod na ako para maglakad pabalik nung may marinig akong tugtog, bigla akong kinabahan at bumilis ang tibok ng puso ko. Napansin ko rin yung pagdim ng light sa paligid ko at parang may nakatapat na spotlight sa akin. Bigla ring tumahimik ang paligid ko at yung kanta lang na iyon ang tanging nangingibabaw.  

 

“Tale as old as time

True as it can be

Barely even friends

Then somebody bends

Unexpectedly”

 

“Gail…” bigla akong natigilan nung marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Napapikit ako sandali para pakalmahin ang puso ko na ngayon ay nagwawala na sa loob ng dibdib ko. Marahan akong humarap sa kanya at doon ko nakita si Jared Angelo Montello na nakatayo bitbit ang isa pang pink rose.

Napalunok ako at tumingin sa kanya, halos himatayin ako sa klase ng tingin niya binibigay niya sa akin. It’s making me fall for him more. Para akong inaakit ng mga mata niya huminga ulit ako ng malalim.

“Ja-jared…” pagkasabi ko nun ay ngumiti siya sa akin at lalong lumapit. Fudge! Bakit ganun? Sa iba hindi ko naman gaanong naamoy yung pabango nila pero sa kanya amoy ko agad? Naligo ba siya ng pabango?

“A-akala ko hindi ka pupunta?” sabi ko at dahan-dahang kinuha yung rose na inaabot niya. 

“You think I’ll miss this day? Of course not…” sabi niya at inoffer niya ang kamay niya sa akin. Kinabahan na naman ako, at marahang ipinatong ang kamay ko sa kamay niya. Marahan niya akong hinapit mula sa likod at inilapit sa kanya. Napapikit na lang ako nung madikit yung ilong ko sa may kanang balikat niya. Shemay! Ang bango niya talaga!

“Sabi nila may meeting ka raw…” sabi ko at nagsimula na kaming sumayaw ng marahan.

“Just a little change

Small to say the least

Both a little scared

Neither one prepared

Beauty and the Beast”

 

“Sabi ko naman sa’yo, ikaw ang priority ko. And besides, you think I’ll let the guys here touch you without my knowledge? I want them to know that you’re mine. Akin ka lang, at ako lang ang babagsakan mo” pagkasabi ko nun ay bigla akong napatingin sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

“You’re so selfish, Jared” hindi ko alam kung bakit bigla ko iyong nasabi. Ngumisi siya sa akin dahilan para kilabutan ako. I don’t know if I should be scared or not.

“I am” aniya

“Ever just the same

Ever a surprise

Ever as before

Ever just as sure

As the sun will rise”

 

Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita, parang napako na lang ang mga mata ko sa kanya.

 

“Pe-ro bakit?” tanong ko at ngumiti lang siya sa akin at marahan niya akong hinagkan sa noo.

“Because of love, maybe?” aniya nung humiwalay siya sa akin. “Will you run away from me because of my selfishness, Gail? If you do, huwag mo na lang gawin kasi hahabulin pa rin kita, at ako pa rin ang babagsakan mo. I’ll make sure of it, I’ll do everything Gail, everything”

Bakit ganun siya magmahal, ganun mo ba masasabi na mahal mo ang isang tao? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, ang gulo na. Nagwawala na talaga ang puso ko. I don’t know if I’m happy hearing those words or I’m scared. Pero dapat ba akong matakot? Nagmamahal lang naman siya.  

“Tale as old as time

Tune as old as song

Bittersweet and strange

Finding you can change

Learning you were wrong”

 

“You’re a beast, you’re selfishness makes you a beast” yun na lang ang nasabi ko. Ngumiti siya sa akin. At hinawakan niya ang pisngi ko.

“That’s why I need you, Gail…” aniya. Nabigla naman ako sa sinabi niya.

“Certain as the sun

Certain as the sun

Rising in the east

Tale as old as time

Song as old as rhyme

Beauty and the Beast”

 

“I need a selfless person that will accept the way I am. Ganito ako at hindi ko alam kung mababago ko ba ‘to. You’re selflessness makes you a beauty, a beauty that I need for my life”

 

Ako? Bakit ako?

“Tale as old as time

Song as old as rhyme

Beauty and the Beast”

 

“Kung prinsesa ka nila, ikaw naman ang reyna ko. Mahal na mahal kita Gail, and I hope you too will for me like the way I fall for you…” ramdam ko ang pagiging sincere ng boses ni Jared.

Let your heart decide for you.

 

Napatitig na lang ako sa mukha ni Jared habang inilalapit niya sa akin ang mukha niya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nung hapitin niya ulit ako mula sa likod palapit sa kanya. Unti-unti ko ng napikit ang mga mata ko at hinayaan ang puso ko sa gusto nito.

*12:00 am, Sunday, Gail’s 18th birthday*

Naramdaman ko ang marahang paghalik ni Jared sa labi ko. Parang yung sobrang lakas na tibok ng puso ko na lang ang naririnig ko sa mga sandaling ito. Nakakabingi. Pagkatapos ng ilang segundo ay humiwalay na siya sa akin.

My first kiss.

 

“Happy Birthday, my wife” aniya at hinalikan niya pa ako sa noo.

***

So yes, Hyunji’s meaning of Beauty and the Beast is… the Selfless and the Selfish :)

Song Used: Beauty and the Beast (BatB Disney’s OST) by Celine Dion and Peabo Bryson

Happy 10k reads Beauties and Beasties! :) Pero 11k na pala siya. Thanks! :)

Vote Comment| Be a Fan     

Continue Reading

You'll Also Like

351K 7.5K 71
Meet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys n...
1.7M 75.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
576K 15.6K 85
The MENDOZAs: 1. BRILE YU-RHI Gomez Mendoza- the delinquent 2. BREII YU-RHI Gomez Mendoza- the womanizer 3. RAIN AIDEN Rivera Mendoza- the sweetest...