Waves Of Time

sissy_loony által

69K 3.8K 1K

"The time is passing by like the waves of our paths." The only thing in the world that we cannot get back asi... Több

Waves of Time
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Wakas
La Nota del Autora

Kabanata 28

702 44 28
sissy_loony által

Kabanata 28:
Mundo

Kumuha siya ng tubig ata agad na nilahad sa akin.

"Nagbibiro lang ako Amara."

I cleared my throat and chuckled a bit. Magkahalong tuwa at disappointment ang naramdaman ko sa sinabi niya.

"Bakit ka nga pala nagpalit ng iyong wangis?" Natigil ako sa pagkain at natuon sa kanya.

"Dahil ba hindi mo nais na makilala kita?"

Yumuko ako at ngumuso. Guilty.

"Huwag kang mag-alala, mas lalo kang gumanda," aniya sa nanunuyang tono.

Muli akong sumubo ng mga pagkain hanggang sa maubos ko ito, medyo naiilang pa dahil sa mabibigat biyang tinig at ako lang ang kumakain.

Nang may marinig akong mga ingay sa kabilang bahagi ng dining area ay hindi ako mapakali.

"Irineo, aalis na ako, marami pa akong gagawin, ikaw rin naabala pa kita," mahina kong sabi.

Hindi niya ako sinagot sa halip ay kumuha siya ng maliit na platito upang hainan naman ako ng panghimagas. Isang kulay kayumanggi na matigas na kakanin.

"Nabasa mo na ba ang sulat na ibinigay ko?"

Kumunot ang noo ko nang itanong niya iyon sa kalagitnaan ng katahimikan at tanging ang mga tunog ng nga kubyertos ang naririnig.

Umiling ako at inisip kung saan ko nga nailagay ang sulat dahil nang huli ko 'yong makita ay no'ng isang araw pa!

"Umm.." Napalunok ako dahil sa kaba.

"Titignan ko, hindi ko kasi nabasa noong nakaraan." I lied.

Yumuko ako at pinaglaruan ang mga kamay habang hinihintay ang sagot niya.

Sa halip na mga kataga ang lumabas sa bibig niya ay kinuha niya ang isa kong kamay at pinagsalikop ang mga kamay namin nang pasikreto sa ilalim ng lamesa.

Nanlaki ang mga mata ko nang ginawa niya iyon. Luminga ako sa paligid upang tingnan kung may mga tao pa. Ang mga katulong sa may kusina ay gumagawa ng ingay kaya't mas lalo akong naghisterya.

"Irineo! Baka makita tayo!"

Pinandilatan ko siya pero ipinatong niya lang ang magkasalikop naming mga kamay sa kanyang hita.

Hindi ko magawang huminga ng maayos at nararamdaman ko ang panlalamig ng aking kamay. Naghuhuramentado ang aking sistema sa kanyang dinudulot.

Pumangalumbaba siya at itinukod ang siko sa lamesa. Habang pinandidilatan ko siya ay sinusuklian niya naman ako ng mga nakanunuyang ngiti at mga nakangiting mga mata.

Nakakatunaw!

Nang mapansin kong tumahimik na ang paligid ay nagawa ko ng kumalma. Inayos ko ang mga kamay naming magkasalikop at iniharap sa kanya. Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko pero napalitan ito ng isang mas malapad na ngiti.

Ngumiti rin ako at kinabisado na lang ang mga bahagi ng kanyang mukha.

Sana ganito na lang, sana ganito na lang parati. Malaya at masaya. Sana ay itigil ang alon ng oras ngayon at hindi nawa kami iwaksi mula sa isa't isa.

Hinalikan niya ang mga kamay ko habang marahan siyang nakapikit. Pinagmasdan ko siya habang ginagawa iyon.

Simula noon, nagkakaroon siya ng paraan upang magsama kaming dalawa. Breaking the rules, fooling people. And I'd love to do that.

I love breaking the rules with him, I love it for now, even though I know that it would break me someday. I wanna spoil myself this time, I wanna give myself a treat so I could accept to suffer later, so I could still stand and fight and look forward to this day to happen again.

Kagaya ng laro ng tadhana, pinabilis niya ang oras sa pagkakataong iyon para bang minamdali ang lahat sa tuwing gusto mo ang nangyayari na para bang pinaglalaruan ka lamang.

"May iniirog na raw ang bunsong anak ni Don Mariano!" iyan ang usap-usapan maghapon habang naglilinis kami ng aming kwarto.

Hindi ko magawang makapagsalita ukol doon dahil alam kong si Irineo ang tinutukoy nila. Si Susan naman ay nakikisakay na lang sa kanila at parang pinagtatakpan ito.

"Ano ba kayo? Dalawampu't mahigit na si Señor Irineo, anong saysay na pag-usapan pa ito?" ani Susan.

Linggo ngayon at oras ng pahinga kaya't may panahon kami para sa aming kwarto.

Kami ni Susan ay piniling ilaan ang oras sa pagrorolyo ng tobacco, samantalang ang ilan ay sa paglalaba ng kanilang damit at sa paglilinis ng mga likabok sa loob ng kwarto.

"Hindi naman sa ganoon, Susan, ang nakapagtataka ay bakit ngayon lamang? At saka ang usap-usapan ay naririto sa loob lamang ng mansyon ang kanyang iniirog!" Tili ni Cristina.

"Sino kaya iyon, ano? Ate Cristina? Napakapalad naman ng binibining iyon." Ngumuso si Erlinda. Ayon kasi sa kanya ay humahanga siya kay Irineo.

Noon pa man ay marami ng humahanga sa kanya. Gwapo, misteryoso at sa mabibigat niyang pilikmata ay nakakapukaw talaga. Nasa Bolinao pa lamang kami at kung gaano kabaliw si Rosa sa kanya ay hindi na makakaila na pamantayan siya ng isang ideal man. Hindi rin siya gaya ng ibang Español na bayolente sa halip ay hindi siya isa sa mga ito.

"Ayon pa sa mga bali-balita ay kumain silang dalawa sa silid-kainan ng mga Alonzo!"

Mas lalo akong di mapakali sa sinambit ni Cristina. Si Susan ay napapalingon na rin sa akin ngunit nanatili lang siyang kalmado. Sabi na nga ba at may pakpak ang balita, hindi pa lumilipas ang isang linggo ay kumalat na!

Hinilot ko ang aking sentido upang kumalma.

"Ay! Muli ko na namang naalala Ate Cristina noong binati niya tayo sa pasilyo, ang mga mata niya ay namumungay at iyon ang unang pagkakataon na binati niya tayo!" si Erlinda habang kinukurot ang braso ni Cristina.

"Napakapusok mo talaga, Erlinda," singit ni Evelyn na ngumingisi pa.

"Pero nakakapagtaka 'no? Tila may dumating lang at bigla na lamang siyang nagbago ng ganoon." Ang malapusang mata naman ni Rowena ay matalim akong binabalingan.

Dinapuan ako ng kaba, but I remained my cool. Nakita ba kami ni Rowena? Bakit sa tono niya ay parang alam niya? I sighed deeply.  Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa at pinagsawalang bahala na lang muna ang naiisip

"Naku! Huwag niyo ng pag-usapan iyan, kung sinuman ang binibining iniirog ni Señor Irineo, marahil ay mabuting sa kanila na lamang iyon."

Nagngiwian sila sa sinabi ni Susan.

"Siyempre! Wala ka ng pakialam doon dahil mayroon ka ng iniirog, 'di ba ay kanang kamay ni Señor Irineo si Ginoong Ybañez? Maari mo ba kaming ipakilala?" si Cristina na namumungay ang mata.

"'Di ba at pinatawag ka niya noong unang araw mo rito, Amara? Napakapalad mo naman at nakausap mo siya nang kayong dalawa lamang!" si Erlinda.

Tipid akong ngumiti at binaling ang mga mata sa mga malapusang mata nina Rowena at Evelyn.

Nang matapos ako sa ginagawa at nagsipagligo na ang mga binibini ay sinimulan ko ng hanapin ang sulat at kinuha ang tyansa na mag-isa ako rito sa loob.

Hinalughog ko ang ilalim ng kama namin ni Susan at isa-isang inilabas ang mga damit ko mula sa bayong.

Kumunot ang noo ko nang wala akong matagpuang papel sa kahit anong damit ko.

Nagtungo ako sa mga sinampay at hinalughog din isa-isa ang mga saya kong isinampay namin ni Susan noon. Bumagsak ang aking balikat ng wala akong mahanap.

"Baka mamaya ay nabasa na 'yon!" Ngumuso ako.

"Ito ba ang hinahanap mo?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon mula sa aking likuran. Nilingon ko ito at nadatnan ko si Rowena na hawak-hawak ang nakatuping papel na hinahanap ko.

Umawang ang bibig ko at hindi alam kung ano ang sasabihin. Kagat ko ang labi habang marahang tumatango.

Kukuhain ko na sana iyon ngunit inilihis niya ito at iniangat.

"Inaasahan kitang dumalo sa aking kaarawan, Ika-27, ng Septyembre, nais kitang isayaw"

Halos lumuwa na ang mga mata ko sa sinabi niya. Nagtataas ito ng kilay at may nakanunuya pang ngisi.

"Hindi nga ako nagkakamali, halos mag-iisang linggo ka pa lamang dito ay inilalabas mo na ang iyong kapusukan at kay Señor Irineo pa."

I shook my head. Lumunok ako at ikinalma ang sarili. Binuksan niya ang sulat kaya't naghisterya na ako.

"Akin na 'yan Rowena, hindi ako naghahanap ng away," banta ko.

"May sinabi ba akong nais ko ng away?" Muli siyang nagtaas ng kilay.

"Alamin mo kung saan ka dapat lumulugar, Amara, sa oras na malaman ito ng mga Alonzo ay maari ka nilang ipatapon at maaring higit pa roon."

Imbes na galit ang maramdaman ko ay napalitan ito ng kabiguan, dahil sa totoo ang sinasabi niya at hindi ko iyon makakaila.

"Subalit.. Hindi naman talaga ito ang pakay ko Rowena, narito ako sa mas importante pang bagay," untag ko.

"Nasa iyo ang desisyon."

Pumikit ako at lumunok muli. Marahan akong tumango ngunit alam ko sa sarili ko na nagpoprotesta ang aking buong sistema, na susuwayin rin ako ng sarili kong puso.

Bumilis ang mga araw ng septyembre hanggang sa araw ng kaarawan ni Irineo. Ang Casa Alonzo ay napupuno ng mga bisita at mukhang mula sila sa ibang bansa dahil sa iba't iba nilang lenggwahe.

Nakaatas kami sa paglalagay ng mga kubyertos at mga plato sa lamesa kaya't maaga kaming nasa bulwagan kung saan gaganapin ang pagsasalo.

Mayroong walong lamesa na nakaikot sa gitnang espasyo. Mayroong malaking chandelier sa gitna nito at bawat lamesa ay mayroong mga candelabrum.

Nakasuot ako ng isang simpleng puting camisa't saya na may pulang pañuelo at tapis upang hindi maging agaw-pansin kahit na gusto ko na kahit sa araw na ito ay ako lang ang makita niya, na ako ang sentro ng kanyang atensyon.

"Feliz cumpleaños, Señor" bungad kay Irineo ng bawat panauhing pumapasok sa isang grand door.

Nagsimula na ang pagsasalo at alas tres na ng hapon kaya't malapit ng lumubog ang araw, hudyat na nalalapit na ang isang sayawan.

"Naku, napakakisig at napakagwapo ng Señor Irineo, kung maari lang ay nais siyang maisayaw mamaya sa cariñosa," bulungan ng mga babae sa table kung saan ako nagseserve.

Maya-maya pa ay lumapit na si Irineo sa mga ito upang batiin sila.

"Nag-abala pa kayong magtungo rito, maari niyo naman akong sulatan ng liham," aniya pagkatapos bumeso sa mga matatandang babae at makipagkamay naman sa mga lalaki. Nasa likod niya ang kanyang ama na ginagawa rin kung ano ang kanyang ginagawa.

"Tila hindi ka yata tumatanda Irineo, ang iyong wangis ay gaya lamang ng wangis noong labing anim na taong gulang ka pa lamang." Naghagalpakan sila sa sinabi ng matandang lalaki.

"Siyang tunay Señor," ani Irineo at nakisalo na sa kanilang table.

Habang pinagmamasdan ko siya na masaya na pinalilibutan ng mga taong nababagay sa kanyang mundo ay nakakaramdam ako ng galak, dahil sa hindi niya na kailangang isingit pa ang kanyang sarili sa kanila hindi gaya ng dati. Masaya ako pero may parte sa akin na unti-unting nawawasak dahil sa katotohanang hindi na ako nababagay dito, kailanman.

"Kailan mo balak ikasal, ayon sa mga balita ay hindi natuloy ang iyong pagpakasal sa anak ni Fidel." Medyo nagulat ako sa sinabi ng babaeng nasa tapat ko ngayon.

Hilaw na ngumiti si Irineo at pansamantalang natahimik.

"Hindi ko naman maaring ipakasal si Irineo sa anak ng Escalador, isa pa, marami pang ibang binibining mapusuan ang aking anak, huwag lang ang isang anak ng manlilinlang."

"Kung hindi mamasamain ng aking anak ay maari naman ang anak ni Gobernador Juan!" Dagdag pa nito, tinutukoy si Victoria.

Yumuko ako at bahagyang umatras. Nang muli kong iangat ang tingin ay nahuli ng mga mata ko ang mabibigat na titig ni Irineo.

May binulong siya sa kanyang katabi at saka tumayo. Unti-unti siyang lumapit sa direksyon ko kaya't hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko.

Pasikreto niyang hinawakan ang ilan kong daliri at saka kami nagtago sa likod ng isang pillar.

"Maligayang-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay may bumungad sa aming likuran.

"Le discours va bientôt commencer (The speech will start soon)" anito sa 'di pamilyar na lenggwahe.

Tumango si Irineo kaya't umalis na ang babae. Tipid akong ngumiti.

"Sige na, tawag ka na ata nila."

Kumawala siya ng mabigat na hininga at saka hinalikan nang marahan ang aking noo. Naalarma pa ako dahil sa may ilan pang dumadaan.

"Magkita tayo sa tulay mamaya, pag-uusapan natin ito."

Tumango ako at saka siya umalis.

Nagtungo na lang ako sa kusina upang hindi na masyadong makahalubilo ang mga bisita, lalo na't naroon na si Don Mariano.

Nakayuko akong tahimik na naglalakad sa pasilyo nang bigla akong nauntog sa malambot na bagay.

Nag-angat ako ng tingin sa kung saan ako nauntog kaya't nanlaki ang mga mata ko. Pinagtaasan niya ako ng kilay at binigyan ng mapaglarong ngiti.

"Mira quién está aquí, de ser rica a un trapo(look who's here, from being rich to a rag)" Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko saka siya humalakhak.

"Alipin ka rito?"

Hindi ako sumagot sa halip ay yumuko na lang ako. Lilihis na sana ko ng daan ngunit hinawakan niya ang palapulsuhan ko at iniangat kaya't nakaramdam ako ng sakit. I glared at her but she glared back.

"Hindi ka nalalayo sa mga magulang mo, ano? Pinipilit mo pa ring isiksik ang iyong sarili sa mundong walang espasyo para sa iyo," madiin nitong sabi.

"Ano ba Victoria, nasasaktan ako.."

Pilit akong kumakawala.

"Victoria!" Isa na namang pamilyar na boses ang narinig ko.

"Sinong-" nang tuluyan akong makita ni Alejandro ay nanlaki ang mga mata nito.

"Amara? Victoria, bitiwan mo siya," banta nito kay Victoria na pinagtaasan ako ng kilay.

Hinila ako ni Alejandro palabas ng bulwagan at natigil kami sa isang pasilyo na patungo sa isang terrace.

"Ikaw pala.. Ikaw pala ang tinutukoy nilang napupusuan ng aking kapatid, ang buong akala ko ay may bago na ngunit.." Kumawala siya ng hininga at muli akong hinila patungo sa  terrace.

Inilahad niya sa akin ang isang upuan saka siya umupo sa katabing upuan nito.

Tumingala ako. Perpekto ang kulay kahel na ang langit at malamig na ihip ng hangin sa mabigat na nararamdaman ko ngayon para vang dinadamayan ako. Papalubog na ang araw pero hindi ko pa siya nagagawang batiin.

"Bakit ka nandito? Paano pag nalaman ito ni Ama? Hindi ka ba niya nakita kanina?" tanong ni Alejandro.

"Nagtatago lang naman ako sa sulok, gusto ko lang siyang makita ngayong kaarawan niya."

Pilit kong kinakalma ang sarili. Kumuha ako ng isang baso at nagpalis ng inumin. Agad ko itong ininom at hindi ininda ang mapait na lasa nito.

"Tuba iyan binibini, hindi 'yan pwede sa'yo." Babawiin niya na sana sa kamay ko ang bote ngunit inilayo ko ito.

"Hayaan mo ako, gusto ko lang ng comfort ngayon at ito ang pinakamabisang paraan!"

Tumawa siya sa sinabi ko. Kinuha ko na rin ang isang glass wine at nilahad sa kanya.

"Tuba, tubig pareho lang 'yon, pareho namang may tub." Inirapan ko siya at saka ako muling lumagok ng isang baso.

Dahan-dahan niya ring ininom ang kanya at ngumiwi pa nang matapos.

"Totoo ba talagang si Victoria at Irineo ay ipagkakasundo na?" bigo kong tanong.

Hindi ko na inantay ang sagot niya.Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman at may bumabara na sa aking lalamunan. Unti-unting tumulo ang luha ko at inilapat ang palad ko sa aking mukha.

"Tama si Victoria."

"Huwag mong isipin ang sinabi ni Victoria, sadyang matalim ang tabas ng kanyang dila," untag nito at ngumisi.

"Totoo nga ang sinabi nila, na hindi porket ikaw ang nauna ay ikaw na ang pipiliin." Mahina kong sabi saka lagok ulit.

"Ikaw ang nauna, at ikaw ang parati niyang pipiliin Amara, nakakainggit ang aking kapatid dahil sa mayroong binibining patuloy na bumabalik sa kanya," wika nito.

"Hindi naging madali sa kanya ang paglisan mo, dahil inaakala niyang hindi ka na babalik ay nag-aral na lamang siya sa Espanya," dagdag pa niya.

"Tama na iyan binibini, medyo nalalasing ka na." Kukuhain na sana niya ang baso ko ngunit muli ko itong nilayo sa kanya.

"Hindi mo rin alam ang galing ng alak 'no? Alam mo bang tanging ang alak lang ang nakakapagpasabi sa isang tao ng tunay niyang nararamdaman? Walang hipnotismong kailangan, alak lang." Dinuro ko siya.

Lumubog na ng tuluyan ang araw ngunit hindi pa naman gaano nasasakop ng kadiliman ang langit. Isang musika ang bumalot sa paligid hudyat na nagsimula na ang sayawan sa ibaba.

"'Lika sayaw tayo."

Hindi na nakaangal si Alejandro kaya't tuluyan ko siyang napatayo. Iminuwestra ko ang kanyang kamay sa aking baywang samantalang ako ay umiindak habang hawak ang bote ng tuba. Lumungkot ang melodiya ng musika kaya't nakaramdam ako ng unti-unting pagkadurog ng puso.

I can imagine him dancing with Victoria right now, smiling and touching each other's hand, looking intensively at each other's eyes.

I keep on coming back to the world I really wanted to touch, to live with. The world where I can cheat people with money in order to marry the man I love. The world where I don't really belong to. Kahit ako pa ang totoong ako.

Pumikit ako at muli humagulgol. Sumandal ako sa dibdib ni Alejandro, naramdaman ko ang pagkagulat niya ngunit hinayaan niya lang akong umiyak.

"Pumasok muli sa mundo niya kahit alam kong hindi na puwede."

Humihikbi ako. Kumuyom ang aking kamay. Marahan akong pumikit habang muling nilalagok ang bote ng tuba hanggang sa maubos ko ito.

Naramdaman ko ang pagkalabo ng aking mga mata. Unti-unting nahuhulog ang aking talukap hanggang sa bumagsak ako pero hindi ko naramdaman ang paglapat ng aking katawan at ng sahig.

Naramdaman ko ang malalambot na mga kamay sa aking pisngi na pumapalis sa aking luha. Mabibigat na hininga ang nararamdaman ko malapit sa aking mukha.

"Hindi na ako nababagay sa mundo mo." Iyon ang huli kong nasabi bago tuluyang nasakop ng dilim ang aking paningin.

"Hindi ka naman sa mundo ko dapat bumagay, sa akin."

Olvasás folytatása

You'll Also Like

5.7K 879 27
Isang sumpa na nabuo nang dahil sa pag-ibig. Isang pangakong ibinaon at binitiwan ilang daang taon nang lumipas ang patuloy na nanatili't hindi kumup...
It Started At 7:45 Azul által

Történelmi fikció

227K 10.1K 48
Binigyan si Keira ng kaibigan ng mommy niya ng isang antique necklace na may pendant na relo. Nawiwirduhan lang siya dahil bakit siya binigyan nito n...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
8.8K 624 38
She's the presidential daughter. He's the son of the rebellion ruler. First installment of Yours Series. UNEDITED