Hindi magkadaugaga ang kanilang ina sa paghahanda. Utos dito utos doon sa mga maids. Gusto niya ay maayos ang lahat, ealang alikabok, hindibnalalanta ang mga rosas sa vase. Mga kurtina dapat bago, malinis at mabango. She wants everything's perfect dahil darating ang Pamilya Mariano.
"Ma'am Fernanda, andyan na po sila" ani ng isang maid
Dumating na ang Pamilya Mariano. Si mamita, Ofelia at apat na bruskong Mariano.
Sinalubong sila ni Fernanda at Arthur.
"Natutuwa kaming makita kayo ulit Madam Felomina" ani Fernanda na nakibeso beso pa. Nakipagbeso beso rin siya kay Ofelia.
"Pasok na tayo sa loob" anyaya ni Arthur.
Iginiya sila ng mga magulang ni Arriette sa dining area. Umupo na sila habang hinihintay si Arriette. Ang kambal ay nakikipaglaro kay Hunter. Halatang gusto siya ng mga bata hindi tulad ni Apollo na sa tuwing makikita siya ng dalawa ay umiiyak.
"Haaayst Apollo takpan mo nga yang mukha mo natatakot ang kambal sa itshura mo,maawa ka naman" Pambubuka ni Hunter.
Nginisihan niya si Hunter sa sinabi nito. "Ma, do I look loke a goons?" tanong ni Apollo
"Huh? No!" sagot ni Ofelia
"Then why the kambal don't like my face?" tanong niya ulit.
"You both please shut up, we aren't in mansion behave"Ani Ofelia na pinandilatan niya ang dalawa.
Natawa si Hunter. Pinaningkitan siya ni Apollo.
Pababa na si Arriette.
"Ayan na si ate!" ani Juliet na nakangiti
Nag slowmo ang lahat nang lumingin si Lucas sa hagdan.
Nagkatingin si Apollo at Hunter. "He is drolling" bulong ni Hunter.
"let this food in his mouth" ani Apollo
Tumango si Hunter at kumuha ng ubas. Inilagay niya iyon sa bunganga ni Lucas na nakabukas.
Iniluwa ni Lucas agad iyon at napa ubo. Tumingin siya kay Hunter na nakaturo ang kamay niya kay Apollo. Umiling iling si Apollo. Pinaningkitan niya sila ng mata
"Hunter did that" ani Apollo
"Kuya Apollo's plan if I didn't follow he will hit me" paliwanag niya na tumango tango
Lucas greeted his teeth. "Behave or mamita will put you in sanctuary Island kasama si Milo." Ani Lucas
Tumqhumig ang dalawa. Sa gilid ng mata ay nagtitinginan ang dalawa.
"Shhh" suway ni Ofelia
Tumayo si Lucas at sinundo niya si Arriette.
"You are always beautiful" ani Lucas
Alam na alam niya kung paano pakiligin si Arriette.
Ngumiti si Arriette "You kniw how to make me smile"
"dahil mas maganda ka kapag naka ngiti"
Hinampas niya ito sa braso ng mahina "Ano ba ako kapag nakasimangot?"
"Maganda kaso nakakatakot"
Hinampas ulit niya si Lucas. "Tayo na nga doon" himawak siya sa braso ni Lucas at naglakad na sila papuntang dining area.
"Ang sweet nyo tignan, you bith really really great!" ani Mamita
Nakipagbeso beso pa si Arriette kay Mamita at Ofelia. Bago siya umupo.
"May napag-usapan na ba kayong date kung kailan kayo mag wedding vow reffirmation ninyo?" ani Mamita
"Next week!" sagot ni Lucas
Napanganga sa gulat si Arriette. "Next week?" nagtatqkqng tanong ni Arriette
"Hmmm" lumingon siya kay Arriette at ngumiti "Mas maaga mas maganda,bakit pa natin patatagalin, eh sa ganda ng asawa ko baka may dumating pang asongot at umintra" ngumiti ito ng malapad
Pigil ang ngiti ni Arriette na tumango tango at tumingin sa mga nasa hapag. Nakangiti sina mamita Ofelia. Naghawak pa ng kamay ang mga magulang niya. Si Juliet at Roco nakakaloko ang mga niti nila na nginisian niya. Si Apollo at Hunter ay nakangiti na kinindatan siya. Nang bumaling qng tingin kay Lucas ay nag fake smile siya. Namumula ito sa hiya. Suminyas siya kay Lucas na lumapit ito sa kanya. "Huwag mo naman ako ipahiya" bulong niya dito habang nakangiti.
"Kung ganoon eh dapat bukas na bukas din ay magset na plano" ani Mamita
"Akong bahala diyan" ani ofelia na napa palakpak pa sa tuwa.
"Maganda kung beach wedding" ani Fernanda
"ay bet perobmas maganda kung Garden wedding" ani Ofelia
"Beach wedding nga mas maganda para kang niyayakap ng dagat" ani Fernanda na umakting pa na parang mayniyayakap sa hangin.
"Garden wedding more sophisticated' hirit ulit ni Ofelia
Nagkatinginan si Lucas at Arriette at nagkibit balikat. Hindi na lang sila sumabat.
"tumigil nga kayo, hayaan ninyo na ang dalawa ang magsabi kung saan nila gusto" ani Mamita
Tumahimik naman ang dalawang ginang.
Nasa sala ang lahat nag-uusap maliban kay Arriette at Lucas na nasa Garden. May sariling agenda
"Iba pa rin kapag sa simbahan tayo ikasal. Tyak yung reception kahit sila na lang ang bahala kung anong gusto nilang theme." ani Arriette
Tumango naman si Lucas habang nakikinig.
Dahil maikling panahon lang ang gugugulin nila para sa preparation. Walang imposible sa mga Mariano, nagset sila ng meeting sa mga makakatulong sa kasal. Dahil creative designer ang dating asawa na si Greg ay siya ang kinuhang event organizer. Siya ang mamamahala sa reception. Sinukatan na rin sila isa isa ng sikat na desinger ng damit. Hindi nagpahuli ang kambal meron din silang isusuot. Kasama sila sa ring bearer at flower girl.
Sa desserts naman ay sina Cheska at Valerie ang bahala. Si Yusuf naman sa invitation cards and souvenirs na makikipag collab sa event organizer.
"You have nothing but perfect ideas in mind" ani Arriette na tuwanh tuwa sa kinalabasan ng proposal ng mga kaibigan na kasama pati si Yusuf sa usapan nila.
Dumating si Lucas at nakita niya ang lalaking nagpaselos sa kanya. Kumunot ang noo nito ng lapitan niya ang mga ito
"Andiyan na pala ang groom" ani Cheska
Napalingon sila sa likuran. Ngumiti ng malapad si Arriette ng makita ang napaka gwapong asawa
Hinalikan niya sa pisngi si Arriette. "Bakit nandito yang lalaking yan" bulong ni Lucas.
Tumingin siya kay Lucas at ngumiti ng malapad.
"May nakakatawa ba sa tanong ko?" ani Lucas na seryoso ang mukha
"Okay, huwag mo na siyang pagselosan dahil Yusuf is my male best friend" ani Arriette na kumampay ang kamay na sinasabing binabae ito
Hindi agad naintindihan ni Lucas ang gusto ni Arriette sabihin.
Lumapit si Arriette at bumulong. "Lalaki ang gusti niya" ani Arriette
Napakamot sa ulo si Lucas. Hindi niya alam kung matatawa siya. "Hindi ka nagbibiro?" hindi ito makapaniwala
Tumango si Arriette na malaki ang ngiti sa labi.
"So lahat ng yun ay pagpapanggap lang? Pinqgselos mo ako?" ani Lucas
"Hindi naman pero kasi selos na selos ka kaya naisip ko na ano na ganon na" nahihiyang sabi ni Arriette
"Clever girl" ani Lucas na hinimas ang ulo ni Arriette
"Eee hindi ako bata para ganyanin mo ako sa ulo" ani Arriette na inalis ang kamay ni Lucas sa ulo niya
"Halika nga dito" ani Lucas at niyakap niya si Arriette
"Ikaw kaya may pa april aprilyn ka pa" ani Arriette
"At least sinabi ko sa umpisa pa lang na walang kami" ani Lucas
"eeeee huwag na nga nating pag-usapan yan, tapos na yan eh" ani Arriette
"Palaban ka pala babe ah" ani Lucas
"Ano nanaman pinagsasabi mo?" ani Arriette
"Ikinuwento ni April yung sinabi mo nung gabing nagkasagutan kayo, ang cool ng asawa ko... Parang sa action movie bala na lang ang kulang" ani Lucas
"Aah ganun, eh kung ibala kita sa kanyon?" ani Arriette
"Joke lang naman yun, babe" ani Lucas na nakangiti ng nakakaloko
"tsk ikaw talaga nahawa ka na kina Juliet at Roco sa manbubully sa akin" ani Arriette
"Oh bat nabanggit pangalan namin diyan" ani Roco na parating
"Wala sabi ko gwapo ka sana kung hindi bully" ani Arriette na inirapan niya si Roco
"Ah bully pala ah" ani Roco at agad na nilapitan si Arriette at kinikiliti
Pinqgtitinginan lang sila. Kung saan saan sila napupunta. Umakyak si Arriette sa couch na may dalang vase.
"Arriette Roco aning ginagawa ninyo?" sigaw ni Fernanda. Lumapit siya sa dalawa at pinagpapalo sila.
"aray mommy ang sakit ng kurot mo" angal ni Roco.
Si Arriette naman tumakbi sa likod ni Lucas.
"Lucas umalis ka diyan" ani Fernanda
"Lucas asawa mo ako, ako oakinggan mo huwag kang aalis" ani Arriette na hinawakan si Lucas sa damit para hindi ito makaalis.
"Haaaayst, mother in law mo ako kaya susundin mo ako" ani Fernanda.
"Ako na po papalo,mom" ani Lucas
Hinampas ni Arriette si Lucas ng marinig iyon. "Lucas naman!" angal ni Arriettte
Humarap si Lucas kay Arriette ar hinawakan niya ito sa kamay. Isang mabilis na kiss sa labi ni Arriette.
Natahimik si Arriette
"Kahit kailan hinding hindi kita ko padadapuin ang mga palad ko sa maganda mong mukha, isa akong walang kwenta asawa kung pagbubuhatan ko ng kamay ang ina ng mga anak ko" ani Lucas na masuyong hinalikan ulit si Arriette
Tumikhim si Fernanda. Umayos ang dalawa dahil sa pagtikhim ng ina.
"tsk, Arthur magpabili ka ng spray para sa mga langgam" ani Fernanda na nag walk out
Natawa ang dalawa sa tinuran ng ina.