Ang Torpeng Beki

By its_tristanny

38.1K 1.7K 136

(BXB Teen Gay Love) Hindi lang naman lalaki at babae ang natotorpe sa taong mahal nila, minsan mga BEKI din... More

BEKS 1: Lastimosa
BEKS 2: First Day
BEKS 3: Evo Ace
BEKS 4: ACCEPTED!
BEKS 5: TRANSFEREE
BEKS 6: Start of New Friendship
BEKS 7: D-Date
BEKS 8: Complicated
BEKS 9: Film Making
BEKS 9.2: Film Making
BEKS 10: Naiilang ako
BEKS 11: Friendship Is Magic
BEKS 12: Happy Together
BEKS 13: Keep Fighting
BEKS 14: Evanescence
BEKS 15: Struggles and Pain
BEKS 16: Someone Left
BEKS 17: Confused Feelings
BEKS 18: Hard to say 143
BEKS 19: The Kiss
BEKS 20: Misunderstood, Care and Hurt
BEKS 21: Totally Confused
BEKS 22: Is this a Threat?
BEKS 23: Away o Bati?
BEKS 24: Gera na'to.
BEKS 25: Ayusin natin
BEKS 26: Magandang Pagbabago
BEKS 27: Lihim na Pagtingin
BEKS 28: Lovenat
BEKS 29: Stolen Kiss
BEKS 30: Best Gift
BEKS 31: Seize the Moment
BEKS 33: Vacay
BEKS 34: New Environment
BEKS 35: New Found Friends

BEKS 32: Beginning of an END

718 22 5
By its_tristanny

Kailee's POV:

Sa loob ng 3 buwan ng pagiging magkasintahan namin Evo ay masasabi ko na masaya ang pagsasama namin kahit may kaunting tampuhan ay agad naman namin itong nasosolusyunan at napag-uusapan.

Speaking of Evo, kararating lang niya galing sa kanilang bahay dala ang mga gamit at susuotin niya for our graduation. Yes, gagraduate na kami ngayon kaya i'm so happy for this day lalo na't kasama ko ang pinakamamahal kong boyfriend.

"Love, you look gorgeous as always kaya mahal na mahal kita" aniya sabay nakaw ng halik sa akin. Walang mintis sa pagpapakilig sa akin itong bakulaw na ito.

"Puro ka pacute diyan! Magbihis ka na baka mahuli pa tayo sa graduation rights, mahalagang araw 'to for us." Mando ko dito. Nakaupo lang ako sa kama habang pinapanood ko siyang magbihis. Napansin naman niya akong nakatitig sa kanya kaya natigilan siya sa pagbubutones.

"Baka matunaw ako niyan love?" Aniya sabay smirk. Tse! Akala mo pogi pero sobrang pogi naman talaga. Oh diba ang harot ko din.

Tinulungan ko siyang isukbit ng maayos yung neck tie niya dahil itong mokong hindi pala marunong. Alam kong titig na titig siya habang inaayusan ko siya kaya tinitigan ko din siya sabay nakaw ng halik.

"Ikaw ah, natututo ka na ding magnakaw ng halik." Panunukso niya sa akin. Unfair naman kung siya lang diba? Landi ko din eh noh.

Pagkatapos naming mag-ayos ay bumaba na kami. Sakto namang pababa nadin sila mama at papa kasama ang mga kapatid ko. Lahat daw kasi sila pupunta para panuorin itong special event na'to.

"Nasaan ang Kuya mo Evo? Hindi ba siya sasabay sa atin?" Tanong ni papa habang inaayos ang kaniyang seatbelt.

"Doon na po didiretso si kuya kaya hindi na siya kailangan intayin." Sagot nito. "Kung ganoon tara na at para mauna kayo sa pila."

As expected, andaming tao pagdating namin. 9am kasi ang call time ng event so 8:30 palang nandito na kami para di magahol.

Agad kaming pumunta kung saan naroon ang aming mga kaklase namin. Nandoon na din pala ang tropa kaya sakto lang ang dating namin.

"Naku ampopogi niyo naman, bagay na bagay talaga kayo ni Evo." Panunukso ni Michaela sa'kin. Pinandilatan ko naman ito ng mata kunwari'y naiinis ako.

Kapansin-pansin ang pagentrada ni Joana sa harap namin. Sa sobrang ganda niya ay masasabi mong head-turner talaga siya. Alam kong isa yon sa mga nagustuhan sa kaniya ni Evo kaya alam kong medyo tagilid ako dun.

'Ano ba yan self, masyado ka nanamang negative at paranoid. Kung kailan special ang event nag-iisip ng mga bagay na nagpapalungkot sa'yo'

Oh diba kinakausap ako nang sarili ko, parang tanga lang. Bumalik ako sa wisyo nang itaas ni Evo ang baba ko, nagkatinginan kami.

"Love, Mahal na mahal kita at para sa akin ikaw ang pinakamaganda ngayon dito." Aniya sabay halik sa akin. Hindi ko maiwasang mamula. Mind reader ata itong lalaki na ito at nalalaman niya yung nasa isip at nararamdaman ko.

Maya-maya ay dumating na si Kuya Yuno kasama si ate Aira pero ang ipinagtaka ko ay may kasama pa itong babae at lalaki mukhang kamag-anak din nila ito.

Tinignan ko si Evo dahil mukhang nanigas siya sa kinatatayuan niya. Nagulat nalang din ako sa sinabi niya.













"Mom, Dad anong ginagawa niyo dito?"


















Pati ako ay napanganga sa sinabi ni Evo. Kaya naman pala kamukha niya ang lalaking iyo kasi tatay naman pala niya ay yung babae ay napaka-sopistikada halatang galing ibang bansa pero halos parehas lang sila ni mama ngunit mas maputi ang mama ni Evo pero si mama kasi glowing ang balat.

"Anak naman bakit ka naman ganiyan makatingin sa akin parang ayaw mo naman na nandito kami ni papa mo." Saad ng ina niya sabay beso sa anak nito.

"As if naman kasi na gusto ko." Napabuntong-hininga naman ang kaniyang ina sa akin kaya bigla akong kinabahan.

"I know you are Kailee, boyfriend of my son." Aniya, tumango naman ako pero kinakabahan, medyo nawala ang kaba ko nang hawak ni Evo ang kamay ko at pinisil ng marahan kaya medyo kumalma ako.

"Huwag kang kabahan anak dahil hindi naman kami against sa relasyon niyo e. Matagal na naming alam dahil kinukwento nitong si Yuno ang lahat ng nangyayari sa kapatid niya." Paliwanag nito kaya nakahinga akonng maluwag pero alanganing ngumiti at nagpeace sign itong si kuya Yuno kay Evo na halatang naiinis.

"Sorry to interupt you guys ano pero papasok na tayo sa convention room kasi magsisimula na yung event." Pagsingit sa amin ni Angelo.

Magkasabay na pumasok ang parents namin. Mukhang mabilis nakapalagayan ng loob ni mama ang mama ni Evo.

Chineck ang aming mga stab bago pumasok. Dapat kasi hindi kami magkatabi ni Evo kasi Lastimosa ang apelyido ko samantalang Ybarra ang kaniya e dapat alphabetical order kami. Mabuti nalang mabait yung isa kong classmate at pinayagan akong makiupo muna.

"Evo okay ka lang ba? You look uneasy?" Tanong ko dito. Bumuntong hininga naman ito bago ako tignan. "Hindi ko kasi ineexpect na uuwi sila mama galing ibang bansa. Medyo may sama ako ng loob sa kanila dahil akala ko noon ay aalis sila for work here pero ayun pala sa states na sila titira ni papa."

"Hmmm why don't you talk to them, pag-usapan niyo yan para mawala na iyang hinanakit na kinikimkim mo." Payo ko dito pero itong kupal kinurot yung ilong ko kaya napapitlag ako.

"Tarantado ka talaga! Ang seryoso ko dito tas ikaw tatawanan mo lang ako." Inis kong turan dito pero hinapit lang ako nito at hinalikan sa noo. "Ako nalang bahala umayos ng problema sa family ko, masaya nga ako na okay ka pala sa kanila, ayun din kasi yung isa sa mga bagay na ikinakaba ko eh." May punto siya doon, kahit ako din dahil akala ko sasampalin ng nanay niya ganun.

"Love, ano pala pangalan ng magulang mo? Nakita ko na sila pero ni pangalan di ko alam." Tanong ko dito. Nakakatawa lang din kasi antagal na din namin pero di ko kilala pangalan ng parents niya. Hindi ko din kasi mapasok yung topic na yon since hindi ko din naisipan pag-usapan yung parents niya.

"Ewan ko din sa mga yun e, hindi din nagpakilala sayo kanina. My mother's name is Clara Jane while my father's name is Christopher." Puro C naman pala yung parents niya. Mabuti nalang hindi din ginaya sa amin na puro K. Ano yun "Cevo Ace?" Bahagya akong natawa kaya napakunot ang noo niya na nagtatanong kung bakit ako natatawa.

"Is there something wrong sa pangalan ng parents ko?" Tanong niya. "Wala, natawa ako kasi buti hindi sila kagaya nila mama na puro K kami kasi kung puro C kayo baka Cevo na yung pangalan mo, parang sebo" Hindi ko talaga mapigilang matawa.

"Puro ka kalokohan love, behave na tayo kasi magsisimula na ang event." Tumahimik nalang ako baka mainis pa sakin. Mas babae pa kung magtampo sa'kin.

Nagsimula na nga ang event. Syempre nagpray, kumanta ng national anthem may opening speech ganoon basta kung ano yung ginagawa sa graduation.

The best highlight of the event ay noong natanggap na namin ang medal at diploma namin. Halos lahat kami may honors at kami ni Evo ay high honors. Kasama din pala si Kaicee muntik ko nang makalimutan.

Pagkabalik namin sa puwesto namin ay tinitigan ko ang aking medalya. Nagbunga din lahat ng paghihirap ko. Hindi ko mapigilang mapaluha, wala lang masaya ako kasi may panibagong achievement nanaman ako sa buhay ko.

"Bakit ka umiiyak Love? May problema ba?" Nag-angat na ako ng tingin sabay punas ng aking mga luha bago ko nginitian ang mahal ko. "Wala naman love, it's just masaya lang ako dahil ito na yung araw na mabibigyan ng recognition ang mga paghihirap ko sa 2 taong shs life." Nginitian din ako nito at hinagkan.

"Akala ko may nangyari sa'yo e, yun pala masaya lang. Napaka-cry baby naman ng mahal ko." Aniya sabay kurot sa ilong ko. Kanina pa 'tong lalaking 'to.

"Che! Andami mong alam! I love you." Kunyari inis-inisan ako bago ko siya nilambing. Natulala naman siya sa paghalik ko.

"I-i love you too love" halatang nabigla siya sa ginawa ko. Oh diba nakabawi na ako. Ikaw naman mabaliw sa kilig.

Natapos na ang event at nandito kami ngayon sa isang restaurant kasama din ang family ni Evo para magcelebrate. Inaamin ko medyo kabado pa din ako.

Magkatabi kami ni Evo while sa tapat naman namin ang mga magulang namin. Nasa gilid sila Kuya Yuno at mga kapatid ko.

"Choose na kayo ng mga order niyo mga anak, kami na bahala sa mga order niyo para naman makabawi kami sa inyo." Saad ng mama ni Evo.

"Naku mare, nakakahiya naman. Hati nalang tayo since parehas naman nating gusto i-treat ang mga bata." Suhestiyon ni mama. May point naman si mama, nakakahiya din naman kasi.

"Osige mare, tara pili na tayo. Waiter!" Saad ng mama ni Evo sabay bigay ng mga order namin.

Maya-maya'y sunod-sunod nang dumating ang aming mga pagkain. Jusko itsura pala nakakabusog na at yung aroma nakakagutom.

"Nga pala Kailee, kanina pa tayo magkasama pero di pa kami formal na nagpapakilala sa inyo." Saad ng mama ni Evo.

"I'm Clara Jane and this is my husband Christopher." Nakipagshake hands at beso naman ako sa kanila. "Ahmm Kailee you can call me mama CJ para mas comfortable ka and papa tope nalang kay papa mo." Natuwa naman ako kasi anlight ng atmosphere sa pagitan namin pero nahihiya padin talaga ako.

"Wala naman na kaming itatanong sa inyo kasi halos lahat naman nakwento na sa amin ni Yuno eh." Pagpapaliwanag na mama cj.  Mabuti naman jusko ayokong ma-hot seat ng wala sa oras noh.

Napansin ko na medyo tahimik itong si Evo at hindi man lang magsalita ni isang letra. Hindi ko alam ba't sobrang init ng dugo niya sa mga magulang niya.

"Anak, napag-usapan kasi namin ni Clara kanina, since bakasyon naman na and maayos naman ang studies niyo, we'll gonna have a vacation on Subic para naman makapagpahinga tayo at magsaya." Natuwa naman ako sa sinabi ni mama. Yes! Dagat na dagat pa naman ako.

Napagdesisyunan naming ganapin ito next week kasi magfifile pa daw ng leave sila mama at para makapagready din kami. So, kailangan ko na pala bumilo ng bagong bikini. Charot!

After namin kumain ay napagpasiyahan namin na umuwi na. Sa amin ulit sumabay si Evo dahil gusto daw niya akong ihatid. Hindi na ako pumalag kasi baka uminit pa yung ulo mahirap na.

"Evo, okay lang ba? Cheer up na love! Smile ka naman diyan oh, I love youuu" paglalambing ko dito. Mabuti naman at napangiti ko na ito.

"I love you tooo love, oo na po smile na ako. Ikaw talaga di kita matiis." Aniya sabay pupog ng halik sa akin. Ito nanaman po siya.

"Well, dapat lang kasi bubugbugin kita pag nag-inarte ka." Hindi naman niya pinansin bagkus niyakap lang niya ako ng mahigpit.

Niyakap ko din siya. I feel secured at safe sa mga bisig niya. Kung ano man ang problema niya sa pamilya niya ay sana matapos na ito kasi hindi ko din maiwasang mabother kasi nagiging iba siya pag ganito. Ayokong malungkot ang mahal ko.

Hindi ko na din namalayan na nakatulog na pala kaming dalawa.








END OF CHAPTER 32

___________________________________________________


Continue Reading

You'll Also Like

243K 16.2K 79
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1M 81.6K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
631K 14K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
1.1M 16.5K 23
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...