The Lost Soldier (Savage beas...

By Maria_CarCat

6M 234K 49.2K

A battle between love and service. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 59

88.8K 3.1K 326
By Maria_CarCat

Nakamasid







Tahimik lamang ako kahit pa bumalik na kami ni Aziel sa aming kwarto. Sa huli ay si Doc Kenzo na ang nagpresinta na ihatid si Marianna sa kanyang tinutuluyang Condo. Hindi na lamang ako umimik pa kahit ang totoo ay gusto ko siyang kausapin tungkol sa nangyari sa Dinning kanina. Bumibigat ang dibdib ko sa tuwing nararamdaman ko na nagkakaroon ng tampuhan sa pagitan ni Ma'm Maria at Aziel dahil sa akin.

Maaga kaming nagising kinabukasan. Hindi kagaya ng lunch ag dinning kahapon ay hindi na kumpleto ang dinning. Madaming nakahandang pagkain ngunit wala na sina Sir Alec at Cairo. Maaga daw kasi itong umalis para pumasok sa companya, lunes kasi ngayon at siguradong busy ang kalsada sa labas.

"Tadeo, hihintayin ka ng Daddy at ni Cairo sa companya, sasabay na lang ako sayo" sabi ni ma'm Maria sa gitna ng aming pagkain.

Napansin ko ang paglingon ni Aziel sa akin ngunit nagkunwari na lamang ako hindi napansin iyon at tsaka pinagpatuloy ang aking pagkain. "Isasama ko si Castellana" seryosong sabi ni Aziel sa kanyang ina kaya naman maging ako ay nagulat din.

Nabanggit kasi sa akin ni Aziel na ang ilan sa kanilang mga Negosyo ay ipapamanage na sa kanya ni Sir Alec. Bukod kasi sa hindi kaya ni Cairo na hawakan ang lahat ng Bussiness nila na magisa ay wala silang makukuhang tulong kina Doc kenzo at piero dahil wala talagang balak ang mga ito sa negosyo.

"That's a board meeting Tadeo, baka mainip lang si Castellana duon" sabi pa ni Ma'm Maria dito kaya naman kaagad kong nilingon si Aziel. Hinwakan ko ang kamay nitong nakapatong sa may lamesa.

"Sige na, ayos lang ako dito" paninigurado ko sa kanya.

"No, i can't let you stay here alone" seryosong sabi niya sa akin kaya naman maging ako ay namorblema na din. Ayoko naman na maging sa kanyang trabaho ay magiging hadlang lang ako at pabigat.

"You know what, pwede kong isama si Castellana sa hospital" sabat ni Doc kenzo kaya naman kaagad na nanlaki ang aking mga mata dahil sa nararamdamang excitement.

"Sige, gusto ko!" Mabilis na pagsang ayon ko kay Doc kenzo.

Muli ay hindi pumayag si Aziel sa ideya na iyon. Ngunit dahil sa aking pamimilit ay wala na siyang nagawa kundi ang hayaan akong sumama kay Doc kenzo sa hospital na dati ko na ding pinasukan.

Sabay kaming naghanda ni Aziel para sa aming kanya kanyang mga lakad. Nagsuot lamang ako ng kulay dilaw na dress at itim na dollshoes. Nakangiti ako sa harapan ng salamin habang sinusuklay ang aking mahaba at kulot na buhok. Kanina pa kasi nakatingin si Aziel sa akin habang nagbibihis din siya, nakabusangot ang mukha nito. Hindi pa din sangayon sa pagsama ko kay Doc Kenzo sa Hospital.

"Marami akong kaibigan duon" sabi ko na lamang sa kanya para kahit papaano ay gumaan ang kanyang loob.

"Behave ok? Seryosong paalala niya sa akin na kaagad ko lamang tinanguan.

Matapos kong ipusod ng half pony ang aking buhok at nilagyan din iyon ng itim na laso ay tumayo na ako para kuhanin ang bag na dadalhin ko.

"Excited na akong mamasyal" kwento ko pa kay Aziel.

Tamad itong tumingin sa akin at tsaka umirap. Napatawa na lamang ako at tsaka mabilis na tumakbo sa kanya para yakapin siya. "Galingan mo, alam kong kayang kaya mo yan" pagpapalakas ko ng loob niya.

Tipid itong ngumiti at tsaka ako malambing na hinalikan sa aking noo. "Gagawin ko to para sayo, para sa future ng mga magiging anak natin" sabi pa niya kaya naman niyakap ko siya ulit.

Pababa pa lamang kami ng hagdan ni Aziel ay natanaw ko na si Ma'm Maria sa may front door. Kasama nito ang naghihintay ding si Doc kenzo. Nang mapansin nila kami ay kaagad na ngumiti si ma'm Maria para salubungin ang kanyang anak.

"Tawagan mo ako kaagad pag may nangyari" paalala ni Aziel sa akin. Tipid lamang akong ngumiti at tsaka siya tinanguan. Pero hindi pa ito nakuntento dahil maging si Doc Kenzo ay kinausap pa niya tungkol sa akin.

Nahihiya akong humalik kay Ma'm Maria nang kinailangan ko ng sumakay sa sasakayan ni Doc Kenzo. Sa likod nito ay ang kulay puting chevy suburban na gagamitin nila Aziel at Ma'm Maria papunta sa kanilang companya.

"Castel let's go" yaya sa akin ni Doc kenzo at tsaka ako pinagbuksan ng pinto nito. Papasok na sana ako ng kaagad akong pinigilan ni Aziel.

"Tumawag ka" muli niyang paalala sa akin bago niya ako hinalikan sa noo pababa sa labi.

Nakaramdam ako ng hiya dahil nakatingin sa amin si Ma'm Maria. "Sige na Aziel..." pagtulak ko sa kanya.

"Bakit Aziel ang tawag mo sa kanya at hindi Tadeo?" Nagtatakang tanong ni Ma'm Maria sa akin.

"Ano po kasi..."

"I told her to call me by my Second name" sagot ni Aziel sa kanyang ina kaya naman napatameme na lamang ako. Siya na mismo ang naghatid sa akin papasok sa sasakyan ni Doc kenzo para hindi na ako muli pang matanong ni Ma'm Maria.

Habang nasa byahe kami ni Doc Kenzo ay hindi maalis ang tingin ko sa kalsada at sa mga dinaraanan namin. "Bibili lang ako ng coffee, may gusto ka ba?" Tanong ni Doc kenzo sa akin ng sandali kaming huminto sa drive thru ng starbucks.

"Iced Coffee na lang sa akin" sabi ko at kaagad na kumuha ng pera sa aking bag, pero mabilis akong pinigilan ni Doc kenzo.

"Ako na to, ikaw naman para kang others. Asawa ka ng kapatid namin, parang kapatid na din kita" nakangiting sabi pa niya sa akin. Sandaling umorder si Doc kenzo.

"Thank you Doc kenzo" pasasalamat ko pa kaya naman muli siyang napatawa.

"Kenzo na lang. Kenzo" pagtuturo niya sa akin kaya naman napanguso ako.

"Okay Kenzo" natatawang paguulit ko.

Nakarating kami sa Holy Angels Hospital na ngayon ay pagmamay ari na din ng mga Herrer. "Wow, ang laki na ng pinagbago nito" pagkamangha ko habang nagpapark si Kenzo sa VIP parking space ng hospital.

"Nung nabili namin ito, pinarenovate ko. Para makasabay sa mga malalaking hospitals sa metro" sagot ni kenzo sa akin na ikinatango ko na lamang.

"Pero andito pa naman yung mga kasamahan ko dati di ba?" Tanong ko pa sa kanya.

Tumango ito. "Hindi naman kami nag tanggal ng mga empleyado" sagot pa niya sa akin.

Imbang iba na ang Hospital nung huli kong punta dito. Binati kami ng guard pagkapasok namin ni Kenzo. Imbes na sa dati niyang clinic kami pumunta ay nagbago na din maging itong. Mas malaki na ang clinic nito.

"Wala kang secretary?" Tanong ko dito.

"Meron, pero wala siya ngayon. Pinadala ko sa conference sa iloilo" sagot nito sa akin kaya naman napatango ako.

Ilang saglit lang ay nagpaalam na ako kay Kenzo na lalabas na para hanapin ang mga dati kong kasama. Itinuro niya sa akin kung saan ang bagong janitors area.

"Rita" tawag ko sa aking dating kasamahan.

Nanlaki ang mga mata nito, nagulat dahil sa aking pagdating. Nang makabawi ay kaagad siyang napasigaw at napayakap sa akin. "Castellana!" Sigaw niya sa aking pangalan at napatalon talon pa.

Panay ang tingin nito sa aking mula ulo hanggang paa. "Napaka bigtime mo naman pala talaga. Biruin mo yun, ikaw pala ang nawawalang anak ni Lady Henrietta" patuloy na kwento at pagkamangha niya.

Ikinwento din nito sa akin na siya na ang namamahala sa buong maintenance. Kaya naman pala, wala na itong pakialam pa kung ang oras niya ay nasa akin imbes na magtrabaho.


"Ang balita ko, Herrer ka na din. Si Doc Kenzo ba?" Panguusisa pa niya.

Hindi pa siya nakuntento sa hallway dahil hinila pa niya ako papasok sa kanilang area.

Napailing ako. "Hindi si Kenzo, yung kapatid niya. Si Tadeo Herrer" sagot ko sa kanya dahil baka hindi nito ito makilala kung sasabihin kong Aziel.

Muling napaawang ang kanyang bibig. "Isa pa yung pantasya eh, ang swerte swerte mo talaga!" Patuloy na pagkamangha niya.

Inaya ko na din si Rita na maglunch. Nagpaalam ako kay Kenzo na kay Rita na ako sasabay kumain. Hindi din naman ito maglulunch dahil marami siyang pasyente. Napagisipan ko na lang na magtake out para sa kanya.

Palabas kami ng hospital ng makaramdam ako ng kakaiba. Mula ng umalis kami papunta italy ay ngayon ko na lamang ulit naramdaman ang kakaibang kaba.

"Naku, ang big time mo talaga. Sa mamahaling kainan mo pa ako ililibre, samantalang dati. Pa fishball fishball lang tayo" patuloy na kwento pa ni Rita na halos hindi ko na mabigyan ng pansin dahil sa kakaibang nararamdaman ko.

Sandali akong tumigil sa paglalakad at lumingon sa paligid. Alam ko, nararamdaman ko may nakamasid sa amin. Hindi na ako magugulat kung sa oras na bumalik ako dito ay may mga ganitong tagpo na mangyayari. Marami kaming nakalaban nuon, hindi lamang si Anton Gomez ang bingga namin kaya naman sigurado akong may naghihintay din sa aming pagbabalik dito.

"Hoy ano, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Rita.

"Ah, Oo...Oo ayos lang" wala sa sariling sagot ko sa kanya at tsaka kami dumiretso sa Italian restaurant. Kahit salita ng salita si Rita habang kumakain kami ay halos pumapasok at lumalabas lamang iyon sa aking kabilang tenga.

Ramdam ko pa din hanggang ngayon, na may nanunuod sa bawat galaw ko. May nakamasid sa akin.

"Excuse lang Rita, Comfort room lang ako" paalam ko dito na medyo ikinagulat pa niya.

Hindi ko na nahintay ang isasagot ni Rita mabilis na lamang akong tumayo para dumiretso sa may Comfort room. Tatlo ang cubicle sa loob. Pumasok sa pinakadulong cubicle. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib, hindi nagtagal ay muling bumukas ang pintuan sa labas. Sigurado akong may pumasok. Tahimik kong pinakiramdaman ang sitwasyon.

Bumukas ang pintuan sa gitnang cubicle. Dahan dahan akong lumuhod para silipin kung sino ang nanduon. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong ang tao sa kabilang cubicle ay nakasuot ng pang sundalong boots. Inipon ko ang lahat ng lakas ko para makatayo at mabilis na makalabas duon sa comfort room.

"Oh anong nangyari sayo?" Nagtatakang tanong ni Rita.

"Uhmm...gusto mong itake out na lang ito?. Sa hospital na lang tayo kumain" tanong ko sa kanya.

Sa huli ay pumayag din si Rita. Wala ako sa sariling naglakad pabalik sa clinic ni Kenzo, bitbit ko ang paper bag na may laman ng pagkain na binili ko para sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin pagkapasok ko ng Clinic niya.

Sandaling natigil ang pagtanggap niya ng pasyente para magpahinga. Tumingin ako sa kanya at tsaka tumango.

"Uhm, kenzo pwede na ba akong mauna umuwi?" Tanong ko sa kanya.

Nagulat siya nung una. "Gusto mo ihatid na kita?" Alok pa niya sa akin na mabilis kong inilingan.

"Hindi na, sasakay na lang ako ng Taxi" pagtanggi ko sa kanya. Sa huli ay pinayagan na din ako nito kaya naman mabilis akong lumabas ng hospital ay pumara ng taxi.

Sinabi ko sa drive ang lugar kung saan ako pupunta. Isang lugar lang ang pwede kong puntahan para makakuha ng sagot. Sigurado ako, malakas ang kutob ko na may sumusunod sa akin.

"Long time no see my Agent Luna" bati sa akin ni Big Boss Bobby.

Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. "Ibang iba ka na, kukuha ka ba ulit ng Assignment?" Tanong niya pa sa akin.

Umiling ako. "May sumusunod sa akin, marahil isa sa mga misyon ko. May hindi pa ba ako natapos na misyon?" Tanong ko sa kanya. Alam kasi ng mga ito kung mayroon akong misyon na hindi nagawa ng tama. Malaki ang sakop ng agency na ito. Maging sa pulisya at militar ay may koneksyon sila.

"Tapos ang lahat ng misyon mo Agent luna, pero may isang kahinahinala" sabi niya sa akin.

Kumunot ang aking noo. "Bakit sa tinagal tagal, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" Galit na tanong ko.

Napangisi ito at napakibit balikat. "Nasaan ka ba? Hindi ba't nagtungo ka sa italy" nakangising sabi pa niya sa akin.

Sa galit ay nahampas ko ang kanyang lamesa. "Hindi na ako pumapatay, hindi na ako si Agent Luna. Sino ang sumusunod sa akin?" Galit na tanong ko pa sa kanya.

Mula sa pagkangisi ay nanliit ang mga mata nito. "Sabihin mo nga sa akin Agent Luna, ikaw ba talaga ang nakapatay kay Sachi Herrer?" Seryosong tanong niya sa akin kaya naman kaagad na tumaas ang aking mga balahibo.

"Anong ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba ako niloko ng mga panahong iyon? Nagawa mo ba talaga ng maayos ang misyon mo?" Nakakatakot na tanong pa niya sa akin. Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan. Nanginig ang aking kamao.

"Ako, ako ang pumatay kay Sachi Herrer. Ako ang nagmamaneho ng sasakyan na bumangga sa kanya" nanginginig ang aking mga labi, pero pilit kong tinatagan ang aking boses.

Napangisi si Boss Bobby. Hanggang sa ako naman ang mapaiktad ng siya ang humampas sa lamesa.

"Sa pinakaunang pagkakataon, hindi mo nagawa ang misyon mo agent Luna. Pero pinaniwala mo ang lahat na ikaw ang nakapatay kay Sachi Herrer" galit na sabi pa niya sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata. "Ako ang nakapatay kay Sachi herrer!" Laban ko sa kanya.

"Matagal ko ng hinintay ang pagkakataon na ito na sayo mismo manggaling ang panloloko mo sa organisasyon. Alam mo naman siguro ang nangyayari sa mga agents na pumapalpak sa misyon nila" pananakot pa nito sa akin.

Sumama ang tingin ko sa kanya. "Saan ba papunta ang lahat ng ito?" Mapanghamon na tanong ko.

"Come on Agent Luna, isipin mong mabuti kung ano ang nangyari nung Araw na iyon" panghahamon niya sa akin.

(Flashback)

Mula sa bundok Maranat ay mabilis akong bumaba patungo sa bayan. Sumakay ako ng bus paluwas ng Manila. Lingid sa kaalaman ng lahat, matagal na akong pabalik balik sa Manila. Palabas na lamang ang paulit ulit kong sinasabi na pangarap kong makapunta duon.

"Agent Luna, kamusta ang bundok?" Natatawang salubong sa akin ni Boss Bobby.

Hindi ko siya pinansin. Palagi kasi nitong pinagtatawanan ang pagtawag sa akin ng mga taga Norzagaray ng diwata.

"Ano ang misyon ko ngayon? Kailangan kong makabalik sa bulacan sa lalong madaling panahon" seryosong sabi ko sa kanya dahil kung ako lamang ang papipiliin ay hindi ako aalis sa nayon. Baka kasi hinahanap na ako ni Aziel.

Hindi nagtagal ay iniabot niya sa akin ang isang folder. Naglalaman iyon ng litrato at mga impormasyon ng taong ipapapatay nila sa akin.

"Ang gusto ng client, magmukang aksidente ang pagkamatay niya" sabi pa niya sa akin.

Hindi ako sumagot, nanatiling pinagmasdan ang pamilyar na tao sa larawan.

"Siya si Sachi Althea Herrer, bunsong anak nina Maria At Alec Herrer. Mayaman ang pamilya ito, bukod sa mga negosyo nila dito sa pilipinas ay kilala din ang pamilya nila sa espanya" paguumpisa niya.

Nabato ako sa narinig. Pero muli siyang nagpatuloy. "Nakababatang kapatid siya ng nawawalang sundalo, si Captain Tadeo Aziel Herrer" pagpapakilala pa niya sa akin. Duon ay nabuo na ang lahat sa akin.

"Bakit?" Wala sa sariling tanong ko.

Napangisi si Boss Bobby. "Hindi natin tinatanong ang dahilan Agent Luna. Pumapatay lang tayo, wala tayong pakialam sa personal na problema ng Client natin" paalala niya sa akin.

Wala sa sarili akong lumabas sa kanyang opisina. Kinuha ang aking susuotin at wig. Kung ibang misyon lamang ito ay madali lamang sana. Ngunit si Sachi ang pinaguusapan dito, kapatid ni Aziel. Hindi ko kaya.

Kaya naman bago mangyari ang krimen ay gumawa ako ng plano. Plano na ako at si Sachi lamang ang makakaalam, lingid ito sa kaalaman ng organisasyon, at siguradong sa oras na lumabas ito ay mapapahamak ako.

Mula sa labas ng eskwelahan ni Sachi ay naghintay ako. Nang makita ko siyang palabas ng Campus ay pasikreto ko siyang hinila.

"Teka sino ka?" Galit na tanong niya sa akin.

Sandali ko siyang pinahinahon dahil siguradong ano mang oras ay sisigaw na ito. "Hindi ako masamang tao, kaibigan ako ng kuya Tadeo mo" pagpapakilala ko sa kanya kaya naman nakita ko kung paano kumislap ang kanyang mga mata.

"Alam mo kung nasaan ang kuya Tadeo ko?" Parang maiiyak na tanong niya sa akin.

Napatango tango ako. Dahil sa aking kumpirmasyon ay napatalon talon siya sa aking harapan. "Sabi ko na buhay ang kuya ko eh" tuwang tuwang sabi pa niya.

"Pero kailangan ko ng tulong mo" paguumpisa ko at tsaka ko sinimulang ikwento sa kanya ang lahat, ipinaliwanag ko na din ang aming magiging plano.

"So nandito ka para patayin ako?" Gulat na tanong niya sa akin.

"Oo pero hindi ko gagawin. Pagkatapos ng planong ito, tawagan mo kaagad ang kuya Piero mo. Humingi ka ng tulong sa kanya" instruction ko pa sa kanya.

"Sabihin mo ang La Agrupación. Alam niya na ang ibig sabihin nuon, sabihin mo sa kanyang kailangang palabasin na namatay ka, itago ka muna niya" pagpapaliwanag ko pa sa kanya.

Mabilia turuan si Sachi. Paulit ulit niyang sinabi sa akin na gagawin niya iyon para magkita na sila ulit ng kanyang kuya Tadeo.

"Wag kang magaalala, magiingat ako. Pilay lang ang aabutin mo dito, pero siguraduhin mo na magmumukhang napuruhan ha" muling paalala ko pa sa kanya na tinanguan niya na lamang.

Ilabg oras bago ang plano ay may napansin akong isang babae, kakaiba ang kanyang kilos. Kagaya ko ay nakatingin din ito ngayon sa kinalalagyan si Sachi Herrer. Kahit kita kong kinakabahan siya ay nagawa pa din niyang makipagkwentuhan at makipagtawanan sa ilang mga kaiskwela na kunwari ay hindi niya alam na maymangyayari sa kanya.

Nang dumating na ang nakatakdang oras ay pumwesto na si Sachi sa lugar na napagusapan namin. Bayolente akong napalunok habang pinapainit ang makina ng sasakyan. Sa lahat ng misyon ko ay dito ako pinakakinabahan.

Nasapol ko si Sachi, nagpagulong gulong ito sa may gilid ng kalsada. Kahit pa ganuon ay alam kong hindi ko siya ganuon na napuruhan. Siguradong sugat sa ulo, galos at pilay lang ang matatamo niya, hindi siya mamamatay. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan paalis sa lugar na iyon dahil nagkagulo na ang lahat. Mula sa rear view mirror ay nakita kong pinalibutan na si Sachi ng mga kamagaral niya.

Mabilis kong dinispatya ang sasakyan at kaagad ding bumalik sa pinangyarihan ng krimen na parang isang ordinaryong tao na nakikiusyoso. Saktong dumating na ang ambulansya, pero muli ay may napansin akong babae, parang yung babaeng nakita ko kanina na nakamasid kay Sachi sa malayo. Ang pinagkaiba lamang ay nakasuot ito ng uniform na pang medic. Ipinagsawalang bahala ko iyon dahil baka dala lamang iyon ng aking misyon.

Umalis ang ambulansya. Paulit ulit kong ipinagdasal na pagkadating na pagkadating sa Hospital ay magawa ni Sachi ng tama ang aming plano. Siguradong ilang araw pa ang lilipas bago lalabas ang kunwaring balita nang kanyang pagkamatay.

Pwede nilang palabasin na naging kritekal ang kanyang lagay matapos ang ilang araw bago siya tuluyang pumanaw. Muli akong bumalik sa agency para sabihin kay boss bobby ang nangyari.

"Ang bilis mo talagang magtrabaho agent luna" nakangising salubong niya sa akin.

Tamad ko siyang tiningnan. "Ilang araw mula ngayon, mababalitaan mo na ang pagkamatay ni Sachi Herrer. Hindi na kakayanin ng katawan niyang makarecover, sinigurado kong napuruhan ko siya" pagsisinungaling na paliwanag ko dito. Napatango tango na lamang siya at tsaka iniabot sa akin ang sobre na may lamang pera bilang bayad.

Kinuha ko iyon at lumabas na. Naligo ako at nagpalit ng damit bago bumyahe pabalik ng bulacan. May tiwala ako kay sachi, makakaligtas siya dito.

Palabas na sana ako ng agency ng mabilis akong hinabol ni Boss Bobby. "Congratulations Agent luna, another accomplished mission" puri niya sa akin na ikinagulat ko.

"Ano?" Nagtatakang tanong ko sa kanya

"Sachi Herrer is declared, Dead on Arrival" nakangising sabi pa niya sa akin na ikinagulat ako.

Hindi maaari, sigurado akong hindi ko siya napuruhan.


(End of Flashback)

"Napatay ko si Sachi Herrer" muling pilit ko.

Napailing si Boss Bobby. "May tumulong sayo agent luna" nakangising sabi niya sa akin.

"Sino?" Tanong ko.

"Pinapasabi niyang hindi na siya makapaghintay sa muli niyong pagkikita."














(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
992K 34.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.1M 229K 65
His Punishments can kill you
7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...