The Lost Soldier (Savage beas...

By Maria_CarCat

6M 234K 49.2K

A battle between love and service. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 56

89.6K 3.4K 673
By Maria_CarCat

Hindi na ako Sundalo





Matagal na naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Titig na titig ako sa kanyang mga mata at ganuon din siya sa akin. Pilit kong inaalam kung nagsasabi pa siya ng totoo o niloloko niya lamang ako. Imbes na gumaan ang aking dibdib dahil sa nadinig ay mas lalo lamang iyong bumigat. Unti unting nagtubig ang aking mga mata.

"Wag mo na akong lokohin, wag mo ng dagdagan yung bigat ng nararamdaman ko. Unti unti ko ng natatanggap..." emosyonal na sabi ko pa sa kanya.

Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Aziel. "Baby, where is this all coming from?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

Naikuyom ko ang aking kamao. "Wag mo akong tawaging baby, umalis ka na. Pabayaan mo na ako" muling pagtataboy ko sa kanya.

Tumigas ang mukha nito. "No, i'll stay here. Kung nasaan ang asawa ko duon ako" seryosong sabi niya sa akin. Punong puno ito ng paninindigan.

Muli ko siyang tiningnan ng masama. "Aziel, ok lang. Kung meron ka ng iba, wag ka ng magsinungaling pa para lang pagaanin ang loob ko. Makakaya kong kalimutan ka" seryosong sabi ko na din sa kanya kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

Naglapat ang kanyang mga labi, nakita ko din ang bahagyang pagtiim ng kanyang bagang. "Looks like it's easy for you to forget about me. But not in my part castellana, i'll talk to your parents, Formal kong hihingin ang kamay mo sa kanila" desididong sabi pa niya.

Bayolente akong napalunok, bumigat din maging ang aking paghinga. "And how about Marianna?" Tanong ko sa kanya.

Mas lalong nalukot ang mukha nito. "Paano mo nalaman ang tungkol kay Marianna? She is just my friend" giit niya sa akin.

Napaiwas ako ng tingin, patuloy na iniisip ng mabuti ang mga sinabi ni Aziel. "Do you mean nagsisinungaling si..."

"Sino?" Medyo galit na tanong niya sa akin na para bang gagawin niya ang lahat para malaman ito.

Kaagad akong umiling. "Wala...wala" paguulit ko.

Kung tama nga ang hinala ko na gawa gawa lamang ni Piero ang lahat ng ito at ito ay pawang kasinungalingan lang hindi ko hahayaan na malamam ni Aziel ito. Hindi ako papayag na sa pangalawang pagkakataon ay magkakagalit silang magkapatid ng dahil lamang sa akin. Lalo na ng malaman ko kung gaano kaimportante si Sachi kay piero. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat.

"Come on, umuwinna tayo sa inyo para maipakilala mo na ako sa parents mo bilang asawa mo" pagtulak niya sa akin na tila mo ay excited siyang makita ang mga magulang ko.

Kaagad kong binawi ang aking braso mula sa kanyang pagkakahawak. Bahagya pa siyang nagulat pero inirapan ko na lamang siya at nagpatuloy sa paglabas sa restaurant na iyon. Sumunod si Aziel sa akin hanggang sa aking sasakyan, hindi na siya nagabala pang magpaalam dahil siya na mismo ang nagimbitang papasukin ang sarili niya sa aking sasakyan.

Wala na akong nagawa pa kundi ang hayaan siya. Sa oras na maihatid ko na siya kay tito napoleon si tito na ang bahala sa kanya. Sa gitna ng byahe ay halos hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Dahan dahan din ang ginawa kong pagmamaneho dahil sa pagiging uneasy. Ramdam na ramdam ko kasi ang titig ni Aziel sa akin mula sa passenger seat.

"Kamusta ka dito?" Tanong niya sa akin.

"I'm good" maiksing sagot ko sa kanya pero hindi pa din ito tumigil.

"You change a lot, ang laki mo na" sabi pa niya at bahagyang natawa.

Sandali ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin pero ngumisi lamang ito sa akin. Sandali niyang nilibang ang kanyang sarili sa pagtingin tingin sa mga dinaraanan namin.

"You are all free to go back to the philippines, wala ka bang balak bumalik?" Tanong niya sa akin.

Tumigas ang tingin ko diretso sa kalsada. "Wala, wala din naman akong babalikan duon" sabi ko pa.

Napansin ko ang pagtitig sa akin ni Aziel na para bang gusto pa niyang kontrahin ang aking sinabi sa kanya. Kahit pa ganuon ay hindi ko siya nilingon.

"Hindi ba ako rason, para bumalik ka duon?" Malungkot na tanong niya sa akin.

Imbes na sumagot ay nagkibit balikat na lamang ako. Pero sa huli ay hindi ko na din napigilan pang magsalita. "Ayoko ng bumalik duon. Puro masasamang memories lang ang naiwan ko sa pilipinas" sabi ko na lamang sa kanya.

"Except me!" Jolly na sabi pa niya sa akin pero ramdam na ramdam ko ang sakit sa kanyang boses. Hindi ko din gusto ang ginagawa kong cold treatment kay Aziel. Pero sa lahat ng nangyari, sa loob ng dalawang taon. Hindi ko alam kung paano ko ulit siya iaapproach, kung paano ko ulit siya tatanggapin.

Paano ko masisigurado na sa oras na to pwede na talaga kami? Paano kung muli kaming susugal at masasaktan lang din kami sa huli? I can't afford to lose him again, i can't afford another heartbreak.

Nagulat ako ng makita ko si tito napoleon sa labas ng bahay kasama si ama at ang ilang mga tauhan. Tila ba'y alam nila na parating na ako at hindi ako naiisa. Looks like they expect the arrival of Aziel as well.

"Should i call him papa? Dad?" Excited na tanong ni Aziel sa akin bago kami tuluyang bumaba sa sasakyan.

Tamad ko siyang tiningnan. "I don't know either" sagot ko at tsaka ako kaagad na bumaba para lumapit kina ama.

Humalik ako sa kanilang pisngi. Pagkatapos nuon ay tuluyan ng tumagos ang tingin nila sa tao sa aking likuran. "Welcome to italy Captain, it was so nice to see you again" salubong sa kanya ni Tito Napoleon.

Hindi ko pa ulit nagagawang lingonin si Aziel ng kaagad ng lumabas si Ina kasama si Ducusin. Nanlalaki ang mga mata ni ducusin kasabay ng pagtatakip niya sa kanyang bibig.

"Holly molly..." gulat na sambit niya. Gusto ko sanang matawa at batukan siya ngunit hindi ko ginawa, i tried to compose my self at magmukhang hindi apektado sa presencya ni Aziel. Magmula sa restaurant ay ngayon lang ulit ako nakahinga ng normal. He never change, still intimidating. Just like how i first met him a years ago, same old feelings.

Tito Napoleon invited everyone special Aziel to come inside the house. Sinubukan pa nitong hulihin ang tingin ko ngunit hindi ko siya pinagbigayan. Kaagad akong tumalikod at nauna ng pumasok sa loob. Tumaas ang isang kilay ko pagdating ko sa dinning, madaming pagkain, looks like pinaghandaan talaga nila ang pagdating nito.

Umupo kaming lahat sa 12 seaters dinning table na punong puno ng pagkain sa gitna. Nagsimula na ding mag serve ng pagkain habang nanatili ang tingin ko sa plato sa aking harapan.

"So how was italy Captain?" Tanong ni tito Napoleon sa kanya.

Ramdam ko ang bahagya nitong paglingon sa akin dahil kaharap ko siya ngayon samantalang katabi ko naman si ina at si Ducusin.

"I've been here once, highschool siguro?" Hindi pa siguradong sagot niya kay tito napoleon.

"But i bet, mas maganda siya ngayon" pahabol pa niya.

Narinig ko ang pagngisi ni Tito Napoleon. "Sino, ang italy o yung pamangkin ko?" Pangaasar pa niya kaya naman hindi ko napigilang hindi sila lingonin pero maling mali dahil sumalubong sa akin ang mga mata nilang lahat.

Napatingin si Aziel sa akin at ngumiti. "Ofcourse it's..." pasuspense na sagot pa niya kaya naman tumalim ang tingin ko sa kanya.

Napangisi ito. "Both" safe na sagot na lamang niya kaya naman j inirapan ko siya at muling tinitigan ang plato sa aking harapan.

Umikot ang kanilang paguusap tungkol sa lagay ng pilipinas, maging ang pamamalakad ng bagong pangulo ay pinagusapan din nila.

"I hope you can stay a little longer para naman ma-tour ka namin dito" sabi pa ni tito napoleon sa kanya.

Bago sumagot ay muli nanaman itong tumingin sa akin na para bang humihingi pa siya sa akin ng permision. Imbes na tingnan siya ay nagiwas na lamang ako ng tingin. Nawala ako sa aking iniisip ng pasikreto akong siniko ng katabi kong si Ducusin.

"Ano warla kayo, paano na lang yung sinabi mong yayakapin mo ng mahigpit si Aziel pag nakita mo?" Pagpapaalala niya sa akin.

"Shhh, wag ka ngang maingay" suway ko sa kanya pero pinanlakihan niya lang ako ng mata.

"Oh, wag paiiralin ang init ng ulo. Baka may magawa o masabi kang pagsisisihan mo sa huli" paalala niya sa akin kaya naman hindi na ako nakasagot pa at pinili na lang na manahimik.

Naging maayos ang naging dinner namin sa bahay, yun nga lang hindi ako nakakain ng maayos dahil sa pagiisip tungkol kay Aziel at kay Marianna, maging si Piero iniisip ko din. Imbes na sa pinabook kong hotel tutuloy si Aziel ay inoffer ni tito napoleon ang isa sa mga guest room sa kanya. Nagkayaan pa kasi ang mga ito na uminom sa may veranda.

Pagkatapos ng dinner ay kaagad na akong humiwalay sa kanila. Hindi naman ako nakatakas kay Ducusin dahil nakasunod ito sa akin kahit papasok sa aking kwarto. "Anong problema?" Tanong niya sa akin at kagaya ko ay tumalon din ito pahiga sa aking kama.

Bahagya akong napatawa ng muntik na kaming tumilapon na dalawa dahil sa pagbounce ng kama. "Hindi ko alam, hindi ko din alam" problemadong sagot ko kay Ducusin.

Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. "Hindi mo na dapat iniisip ang bagay na iyan di ba? Alam mo na dapat ang sagot nung nakita mo ulit siya kanina" pagpapaintindi niya sa akin.

"Natatakot pa din ako" sambit ko.

"Natatakot, saan?" Gulat na tanong niya sa akin.

Hindi ako nagsalita nanatili ang tingin ko sa may kisame. "Sa lahat ng pinagdaanan niyo ngayon ka pa ba matatakot?" Tanong niya pa sa akin.

Bayolente akong napalunok. "Ready na sana akong kalimutan siya eh, tatanggapin ko na sana na baka hindi talaga kami para sa isa't isa." Sumbong ko kay Ducusin.

"Eh ano bang sabi niya tungkol duon sa Marianna?" Panguusisa nito.

"Kaibigan niya lang daw" sagot ko.

"Ibig sabihin niloloko ka lang nung kapatid niya?. Eh siraulo pala iyon eh" galit na sabi pa ni ducusin.

Napabuntong hininga ako. "Yun na nga eh, duon pa lang alam ko na hindi ako matatanggap ng pamilya ni Aziel. Lalo na si Ma'm Maria. Hindi biro yung nangyari, pinatay ko yung nagiisa niyang anak na babae" paliwanag ko kay Ducusin. Maging ito ay natahimik din.

"Ang mahalaga naman mahal ka ni Aziel di ba?" Sabi niya pa.

"Kailangan ba talagang ipagpalit niya ang pamilya niya para lang sa akin? Hindi ba't kung talagang mahal ko siya dapat ako ang naglalapit sa kanya sa pamilya niya?" Mapanghamong tanong ko kay Ducusin.

Napanguso ito. "Hindi ba't kung mahal talaga si Aziel ng pamilya niya, matatanggap nila kung sino ang mahal ni Aziel?" Balik na tanong niya sa akin kaya nama sa huli ay pareho na lamang kaming natahimik na dalawa.

Nakatulog ako ng lumabas na si Ducusin sa aking kwarto. Naalimpungatan ako ng ala una ng madaling araw at nakaramdam ng uhaw. Wala ng laman ang pitsel na nakapatong sa lamesa sa tabi ng aking kama kaya naman pinilit ko ang aking sarili na tumayo at lumabas para kumuha ng tubig.

Nagulat ako ng makita ko ang ilang kasambahay na ngayon pa lang nagsisimulang magligpit sa may veranda. Bahagya akong sumilip duon at nakahinga ng maluwag ng makita kong wala ng tao duon.

Didiretso na sana ako sa may kusina ng makasalubong ko si Ducusin. Akay akay pa nito ang boyfriend niyang si Greg. "Oh anong nangyari diyan?" Tanong ko.

"Lasing na lasing. Nakipagsabayan ba naman sa mga sundalo eh" inis na sabi pa niya sa akin kaya naman napanguso ako.

"Nga pala si Aziel mo. Lasing na lasing, hindi na makatayo may jetlag din yun eh. Check mo na lang" sabi pa sa akin ni Ducusin kaya naman kaagad akong umapela.

"Ayoko nga" giit ko.

Umirap ito. "Edi wag" maiksing sabi pa niya at tsaka pinagpatuloy ang pagakay sa kanyang boyfriend pabalik sa kanilang kwarto.

Dirediretso akong pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Ilang beses ko mang pilitin ang aking sarili na wag iisipin ang sinabi ni Ducusin tungkol kay aziel ay hindi ko magawa. Sa huli ay dahan dahan akong nagtungo sa kanyang tinutuluyang kwarto para silipin siya.

Kumatok ako ng isang beses pero sa huli ay dahan dahan ko na lamang binuksan ang pinto. Tulog na tulog ito sa itaas ng kanyang kama. Nakadapa, ni ang hubarin ang kanyang sapatos ay hindi pa niya nagawa. Napabuntong hininga na lamang ako at tsaka pumasok sa kwarto para ayusin siya.

"Ang bigat mo Aziel, umayos ka nga" galit na pagkausap ko sa kanya.

Bahagya itong dumilat pero wala pa din siya sa kanyang wisyo. "Dapat hindi ka na uminom" galit na pagkausap ko pa din sa kanya.

Nang maiayos ko na siya ng higa sa kamay ay sinunod ko namang hinubad ang suot niyang damit para maginhawaan siya.

Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng pagtatanggal ng butones ng niya nang bigla na lamang nitong hinawakan ng mahigpit ang aking kamay. Nakita kong nakakunot ang noo nito habang nakapikit pa din.

"Wag, magagalit yung asawa ko" suway niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi niya iyon nakikita. "Edi wag bahala ka diyan" sabi ko at tangkang bibitawan na siya ng kaagad niya akong hinila pabalik sa kanya.

Sumubsob ako sa kanyang dibdib kaya naman malaya niya akong nayakap. "Bitawan mo nga ako..." suway ko sa kanya pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"Tinalikuran ko na ang lahat para sa atin" medyo hirap na sabi niya sa akin dahil sa kalasingan.

Napahinto ako sa narinig. Tiningala ko si Aziel, patuloy pa din siyang nakapikit. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko pa.

Bahagya itong ngumiti. "Hindi na ako sundalo" sagot niya sa akin na ikinagulat ko.

"Anong sabi mo? Bakit?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya dahil sa gulat. Hindi ko kailanman naisip na tatalikuran ni aziel ang pagiging sundalo niya para sa aming dalawa.

"Bakit Aziel?" Muling tanong ko.

"Dahil mahal ko si Castellana. Gusto ko siyang makasama, gusto ko na siyang bumalik" sagot nito sa akin na para bang nakalimutan niyang ako ang nasa kanyang harapan.

Dahan dahang tumulo ang luha sa aking mga mata. "Ayoko ng isipin niyang hindi kami pwede na dalawa, dahil sundalo ako" patuloy na pagsasalita niya.

Sa huli ay napasubsob na lamang ako sa kanyang dibdib at naiyak. "Bakit mo ginawa iyon?" Umiiyak na tanong ko.

Alam ko kung gaano kamahal ni Aziel ang pagiging sundalo niya. "Paano ka na?" Tanong ko out of nowhere.

"Binitawan mo yun para sa akin?" Umiiyak pa ding sabi ko sa kanya. Kahit lasing si Aziel ay panay pa din ang tanong ko sa kanya.

"Mahal kita eh, kaya tatalikuran ko ang lahat para sayo" sabi niya pa bago siya tuluyang kainin ng kalasingan at antok.

Hindi ako umalis sa tabi ni Aziel. Duon na din ako natulog habang yakap yakap siya. Tama na ang takot, hindi ko na hahayaang magkalayo pa kaming dalawa. Tama si Aziel, ito na ang tamang oras para sa aming dalawa.

Nagising na lamang ako kinaumagahan dahil may kung anong mabigat na nakadagan sa aking dibdib. Unti unti kong minulat ang aking mga mata at duon ay kaagad na sumalubong sa akin ang tingin ni Aziel.

"Ano ba..." nahihiyang suway ko sa kanya at bahagya pa siyang itinulak pero hindi sapat iyon para makalayo ako sa kanya.

Ngiting ngiti ito habang nakatingin sa akin, titig na titig siya na para bang ayaw niyang mawala ako sa harapan niya.

"Good morning babe" ngiting ngiting sabi pa niya bago niya ako hinalikan sa labi. Sa gulat ko ay muli ko siyang tinulak.

"Ano ba hindi pa ako nagtotoothbrush!" Suway ko sa kanya sabay iwas ng tingin.

"I don't mind" nakangising sabi pa niya sa akin. Sa huli ay napanguso na lang ako.

"Kukuha kita ng gamot para sa hangover mo" malumanay na sabi ko. Ni hindi ko magawang tingnan siya sa mata dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

Umiling ito. "Let's stay here..." may panguudyok na sabi niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

Bayolente pa akong napalunok sabay higit sa aking paghinga ng dahan dahang dinilaan ni Aziel anh kanyang pangibabang labi para basain.

"Sabi ko na hindi mo ako matitiis eh" pangaasar pa niya sa akin. Kaagad kong itinaas ang kanang kamay ko para pitikin ang noo niya.

"Mukha mo!" Asik ko pero tumawa lamang siya.

Hinayaan ko lang siya hanggang sa kumuha na ako ng tiempo na magtanong sa kanya ng tumigil na siya. "Aziel, yung tungkol sa pagiging sundalo mo..." hindi ko na naituloy ang mga dapat ko pang sasabihin ng kaagad nitong inangkin ang aking labi.

Hindi kaagad ako nakagalaw dahil sa gulat, pero unti unting kusang pumikit ang aking mga mata para suklian ang halik na ibinibigay ni Aziel sa akin. Dahan dahan na ding gumapang ang kamay ko papunta sa kanyang batok.

"What is the meaning of this!?"

Kaagad kaming naghiwalay ni Aziel dahil sa pagsigaw ni ama. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong nanduon siya sa may pintuan, kasama sina ina, tito napoleon at ang nakangising si Ducusin.

Hindi ako nakapagsalita, ni hindi ko din magawang gumalaw dahil sa pagkabato. "Dad, let me explain" sabi ni Aziel at kaagad na tumayo.

Bahagyang napahiyaw si Ducusin ng makita ang hubad nitong katawan. Tanging ang maong na pants niya na lamang ang kanyang suot kaya naman kitang kita nilang lahat ang mabatong katawan ni Aziel. Maging ako ay hindi din magawang alisin ang tingin duon.

"Dad!?" Gulat na tanong ni aka dito.

Napaawang ang bibig ni Aziel. Hindi makahanap ng salitang susunod niyang sasabihin. "Papa?" Tanong niyang muli kay ama kaya naman napangisi si tito napoleon.

"Papa, at kailan pa kita naging anak?" Galit na tanong ni ama sa kanya.

"Si...sir" kaagad na bawi ni aziel kaya naman kahit papaano ay huminahon si ama.

Ako naman ang nilingon nito. "Maguusap tayo. Sa may sala, ngayon na!" Nakakatakot na utos niya sa amin kaya naman kaagad akong napatalon pababa ng kama.

Walang lingon lingon akong lumabas ng kwarto ni Aziel dahil nagmadali din itong naghanap ng maisusuot niyang damit. Nakayuko ako habang nasa sala na kami, ni hindi ko na nagawa pang ayusin ang sarili ko.

"Girl magsuklay ka ng buhok. Parang kagagaling mo lang sa Sex" nakangising bulong ni Ducusin sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata at mabilis na sinuklay ang aking buhok gamit ang aking kamay.

Maya maya ay dumating na din si Aziel. Marahan pa niyang inaayos ang kanyang may kahabaan ng buhok gamit ang kanyang kamay. Didiretso na sana siya para tumabi sa akin ng bigla siyang pinigilan ni ama.

"Duon ka sa kabilang upuan" turo niya sa upuan sa harapan ko kaya naman mabilis na umupo si Aziel duon.

"Bakit nasa kwarto ka ni Captain Herrer, Castellana?" Tanong sa akin ni ama.

Si ina ay nasa kanyang tabi habang pilit na pinapakalma ito. "Kasi po..." hindi pa ako nakakasagot ng bigla ng nangsalita si Aziel.

"Ako na po ang sasagot para sa amin ng asawa ko" sabi ni Aziel na ikinagulat nilang lahat maliban kay Ducusin.

"Asawa mo?" Gulat na tanong ni tito napoleon sa kanya.

Sandali akong nilingon ni Aziel bago siya yumuko. "Opo, ikinasal po kami ni Castel bago pa man kayo umalis. Patawarin niyo po ako kung hindi ko muna hiningi sa inyo ang kamay niya bago ko siya pakasalan" paumanhin ni Aziel sa aking mga magulang.

Napatakip ng bibig si ina, ngunit kita ko ang saya sa kanyang mga mata. "Castellana totoo ba ito?" Seryosong tanong at pagbaling ni ama sa akin.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi. "O...opo ama. Asawa ko na po si aziel" matapang ngunit malumanay na sagot ko sa kanya.

Narinig ko ang mahihinang pagmumura nito. Habol habol niya ang kanyang hininga dahil sa stress na nararamdaman.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin kaagad?" Galit na tanong niya sa akin.

"Patawarin niyo po ako ama" paghingi ko ng paumanhin.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming lahat. Hanggang sa nagsalita si Tito napoleon.

"Asawa mo na pala itong si Captain. Paano naman yung boyfriend mong si Anton?" Nakangising tanong niya sa akin at halatang nangaasar pa.

"Tito..." suway ko sa kanya.

Napatingin ako kay Aziel. Nakatingin din ito sa akin. Pero napatigil kaming lahat ng muling nagsalita si ama. Hindi niya pinansin ang pangaasar ni tito napoleon sa amin. Nanatili siyang seryoso.

"Paano mo mapapatunayan sa amin na totoong mahal mo ang anak namin?" Mapanghamong tanong ni ama sa kanya.

Muling bumigat ang dibdib ko ng maalala ko kung ano ang isinakripisyo ni Aziel para sa akin.

"Hindi na siya isang sundalo ama. Tinalikuran niya ang pagiging sundalo para sa akin" sabi ko habang diretso ang tingin kay aziel. Tipid lamang akong nginitian nito.

"Ginawa mo iyon?" Hindi makapaniwalang tanong ni ama sa kanya.

"Minsan ko na pong inalay ang buhay ko para sa bayan. At makakaasa po kayong iaalay ko ang buong buhay para sa anak niyo pinuno. Mahal ko po si Castellana, kahit sino pa siya." Sagot ni Aziel sa kanya na kaya naman hindi ko napigilang hindi maging emosyonal.


















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
9.2M 248K 66
The Doctor is out. He's hiding something
989K 34K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.