The Day He Saw My Worth( Psyc...

By Nicaouise

1.3K 73 0

She felt she was sheltered but destiny flipped her life 360 degrees. Her secrets, lies and desperation lead h... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanta 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Chapter 32
Epilogue
A/N
Special Chapter

Kabanata 14

23 1 0
By Nicaouise

Inangat ko ang tingin sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Seryoso ang mukha nito. Nawalan agad ako ng boses nang makilala kung sino iyon at tila naging sunod-sunuran nang sinabi niyang sumama ako sa kanya.

Sa tanang ng buhay ko hindi pa ako kinabahan ng ganito. Pinilit kong kinakalma ang sarili ngunit wala itong epekto.

Sabi ni Mama ang pamilya raw ang pundasyon ng isang tao. Saan ka man makakarating, babalik at babalik ka sa pamilya katulad ng pagbalik mo sa iyong tahanan.

Kaya kung ano man isusumbat ng ina sa akin, hinding hindi ko siya masisisi. Natural na sa ina ang mag-alala sa kalagayan ng anak. The greatest love of all is the love of mother to child.

”Hinihintay mo ang anak ko?” Mahinahon niyang tanong. Tumango ako bilang sagot.

Kung sisigawan niya ako o mumurahin sa harap ng maraming tao, kahit na mahirap pipilitin kong intindihan siya.

“Masaya siya. Ngayon ko lang nakita na ganito ang anak ko,” wika niya.

Napaangat ang tingin ko sa sinabi niya. Kitang kita ang saya sa mukha nito.

Bakit ba ang ina hindi nakakayang tiisin ang anak? Ang ina ay katulad ng tahanan, lumayo ka man handang handa ka nitong protektahan kapag bumalik ka na sa piling niya.

“Ngunit kung ang kapalit ng sayang ito ay hindi hamak na mas malaki kaysa sa sayang nararamdaman niya, mas gugustuhin ko na lang na magalit siya sa akin dahil inalayo ko ang kasiyahang iyon sa kanya,” pagpapatuloy niya. Muli akong yumuko at mahigpit na kumapit sa laylayan ng aking uniporme.

Her eyes voiced how distress she is. Kung naghihirap ang anak sa sakit  mas naghihirap ang ina na makita iyon. Hindi lang doble o triple ang paghihirap niyang iyon.

“Hindi ko po siya kakalimutan o iiwan. I promised to him that no matter what will happen mananatili ako sa tabi niya.” Her brows creased. I swallowed very hard.

“What do you mean?”

“Sabi niya sa akin may Athazagoraphobia raw siya. Hindi ko alam kung ano magagawa nito sa kanya, ngunit pinapangako kong hindi ko siya iiwan o kakalimutan gaya ng kinakatakot niya. I am willing to risk everything.” Takot akong hindi niya ako papaniwalaan sa sinabi ko.

“Athazagoraphobia? Naririnig mo ba ang sarili mo hija o nakalimot ka ba?”
Pasigaw niyang tanong sa akin. I want to burst into tears but I contained myself.

Bigla na lamang akong nalito sa sinabi niya. Bakit ba sinasabi nila na nakalimot ako kahit hindi naman. Hindi lang si Montereal ang nagsabi nito sa akin, kahit na ang ina ni Canerato ay parang alam na alam kung sino ako. Nasaan na ba ang nawawala kong alaala? Bakit hindi ko mahanap.

“Hindi mo ba alam kung ano ang mangyayari kapag pinagsama kayong dalawa? Magiging mahirap ang lahat, hindi lang para sa anak ko, mas magiging mahirap ito para sa'yo.” Ako naman itong nakakunot ang noo sa sinabi niya. I don't mean harm or anything pero bakit parang sinasabi niyang biktima rin ako rito.

Sino nga ba ang mga taong nagsasabi sa akin na nakalimot ako.

“Hindi ko po kayo naiintindihan. Wala po akong naalala o nakakalimutan,” wika ko.

" Hahayaan kitang dumikit sa anak ko, kapag dumating na ang oras na sinasabi ko sigurado naman akong ikaw na mismo ang lalayo. Hindi naman kita mapipilit na layuan mo ang anak ko, I know how stubborn you are."

“Do you know me?” I desperately asked.

“I'm so confused, I'm sorry.”

Hindi niya ako sinagot at minabuting titigan na lang ako nang mabuti.

“Hindi ko na nakikita ang batang iyon sa iyo,” bulong niya na narinig ko. Mas lalo lamang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Trust me Ms. Vallderama sasang-ayon ka sa sasabihin ko oras na malaman mo na ang lahat.”

*

Maraming boses na bumubulong sa isip ko. I'm here, standing in front of nowhere. I don't know if I should believe them, hindi ko nga alam kung ano ba ang dapat kong malaman.

Hindi dapat ako nagpapaniwala sa kanila ngunit iba talaga ang nararamdaman ko rito. Simula nang dumating si Canerato sa buhay ko ramdam kong may iba, hindi ko lang matukoy kung ano.

Binuksan ko ang diary. Wala naman itong kakaibang laman maliban sa mga sulat kamay ng aking Lola pero natapos ang petsa nito noong February 14, 2003, kahit na malawak pa ang pwedeng sulatan. Anyway the typical diary of a young lady.

Unti-unti akong nilalamom ng malalim na pag-iisip.

“Palagi ka na lang tulala. May problema ba?” Si Montereal iyon. Palagi na siyang sumama sa akin, hindi ko naman siya pwedeng itaboy dahil naging mabait naman siya sa akin. Gusto ko sanang siyang iwasan dahil mas lalo lamang akong napapaisip kapag kasama ko siya pero wala pa ring epekto, sadyang makulit ang taong ito.

“Wala naman. Pagod lang siguro,” bulong ko.

Inakbayan niya ako. Sabay naming pinagmasdan ang malawak na field ng school namin. Lahat ay kalmado, ang langit, tao o kahit ang mga damong sumasabay sa ihip ng hangin. Itong isip ko lang naman ang hindi kalmado. Masyadong magulo at maraming iniisip.

“At some point in my life I feared darkness, alam mo iyon hindi ba? I feared of being swallowed, being alone. Sinubukan kong labanan ang takot na iyon, pero kahit anong gawin ko hindi ako nananalo. Nang mapagod ako sinubukan kong iwasan ito, pero kahit sa pagtulog ko hinahabol ako ng takot na iyon, pero dumating ang Rae na iyon. Siya ang taong imbes na hilahin ako paalis sa bagay na kinatatakutan ko, siya pa iyong nagtulak sa akin para malunod ako ng tuluyan. I struggled to survive, nagawa ko pero hindi niya nagawang ipanalo ang sarili niyang laban. She cheered for me, for us pero wala siyang nagawa sa laban niya.”

Mapait akong napatitig sa kalangitan. Sobrang sama naman pala ng mundo sa Rae na iyon.

“Rae Vallderama huwag kang tumulad sa kanya. Huwag mong hayaang matalo ka sa laban mo.”

Gusto kong ibuhos ang luha ko sa pag-iyak pero para saan ba ito? Umiyak man ako rito wala rin namang silbi. Sayang lang ang lalabas na lakas at tubig sa katawan ko.

“I'm glad I'm not that girl,” bulong ko.

Inalis niya ang pagka-akbay sa akin saka tumingala sa kalangitan.

“Sana nga Rae,” pahabol niyang bulong bago kami nilamon ng katahimikan.

The moon shines so bright. Tingnan mo oh.

Pilit na tinuturo ng isang siyam na taong gulang na bata ang maliwanag na buwan. Walang humpay ang kasiyahang nararamdaman niya dahil kasama niya ang dalawang kaibigan na palaging nandiyan para sa kanya.

“Mas maliwanag ka pa nga diyan,” biro pa ng isa sa kanya. Napahagikhik siya sa tawa.

“Huwag kang nagpapaniwala diyan. Paano ka magiging mas maliwanag sa moon? Bakit sun ka ba?” sarkastiko saad ng masungit na bata na kanina pa naiirita dahil sa lamok na kumakagat sa kanya.

Alam mo panira ka talaga ng moment. Pumasok ka na nga lang at saka huwag kang magsumbong kay Mama dahil malalagot ka talaga sa akin,” banta ng batang babae. Iling-iling na iniwanan ng masungit na ang bata ang dalawa. Sa una pa lang talaga hindi niya na nais na sumama sa dalawa na matitigas ang ulo ngunit ano pa ba ang magagawa niya. Ayaw naman niyang mahuli sa kasiyahan ng dalawa.

Pawisan ako nang magising mula sa mahimbing na pagkatulog. Ilang ulit kong pinukpok ang ulo gamit ng kamay, masakit. Masyadong malabo ang panaginip ko at tanging boses lamang natatandaan ko. Nakakaramdam din ako ng kaunting kirot sa ulo.

Isa lang siguro itong panaginip na katulad noon. Sa pagod ko sa pag-iisip mas nagiging malago ang imahinasyon ko. Hindi ko na dapat idagdag ito sa mga walang kwentang iniisip. Hindi ko maiwasang mapahawak sa ulo ko dahil sa sakit.

Naligo muna ako bago bumaba para salubungin ang mga pinsan na kumakain sa hapag. Lilipat ngayon ng bahay sina Ate Amare. Hindi na sila namin pinaghandaan ng farewell party sa dahil sa harapan lang din naman ng bahay ng aking Lolo sila lilipat. Ewan ko ba kung matatawag ba itong lipat bahay.

“Rae kunin mo nga 'dun ang box sa attic. Ang kulay asul sa gilid ng sirang cabinet.”

Agad akong sumunod sa utos ni Mama. Masyadong madilim at maalikabok sa attic kaya naman nagdala ako ng flashlight at panyo.

Napaubo ako sa sobrang alikabok kahit na may panyo ako. Medyo masikip din ang attic kaya paminsan-minsan may nasasagi ako.

Nang makita ko ang sirang cabinet na sinasabi ni Mama nilapitan ko agad iyon. Kung nandito siguro si Montereal, siguradong bahag ang buntot niya sa dilim pero sinabi niyang naipanalo na niya ang laban niya. Paano niya naipanalo iyon? Sa tanang ng buhay ko wala naman akong naalalang kinatatakutan ko. Katulad din ng lahat, natatakot ako sa ahas, asong tumatahol, ma-trap sa elavator at biglang paglindol pagkatapos nasa ika-anim na palapag ako. Mga usual na takot lang.

Hanggang dito ba naman iniisip ko pa rin si Montereal. Hindi naman sa may gusto ako sa kanya.

Hindi naman sinabi ni Mama na mahirap pala kunin ang asul na kahon, nasa pinakamataas ito ng mga nakatangkas na kahon. Hindi naman niya naisip na masyado akong minahal ng lupa.

Pilit ko itong inabot kahit na impossible . Kinuha ko ang upuan na halos dalawang dekada na rin ang tanda.  Medyo nakakatakot dahil marupok na ang mga paa nito, sinubukan kong pagaanin ang bigat ko. Wala namang mawawala kung susubukan, kung mahulog man ako edi masakit.

Nang naayos ko ang kaliwang paa sa upuan sinunod ko ng ipatong ang kanan. Matagumpay ko itong nagawa kaya bago pa ito tuluyang mawasak inabot ko ang kulay asul na kahon.

Isang malakas na pagbagsak ang nakuha ko nang mawalan ako ng balanse. Malakas akong napaubo sa mga alikabok na sumabay sa pagbagsak ko. Hindi lang ata alikabok ang sumabay sa pagbagsak ko, pati na ang mga kahon na ang iba ay nakakalat ang laman sa sahig.

Una kong hinanap ang kulay asul na kahon ngunit hindi ko na ito nakapa dahil muli akong bumagsak sa sahig. Nadapa ako dahil sa nakausling bagay na nasagi ng paa ko.

Una kong kinuha ang flashlight na gumulong papalayo sa akin. Sana lang hindi ito nasira, lagot talaga ako kay Mama. Hindi pa naman ako nagpaalam na gagamitin ko iyon.

Napahinga ako ng maluwag nang makitang hindi nagkalat ang laman ng kahon na pinapakuha sa akin ni Mama. Itinabi ko muna ito bago ko ligpitin ang mga nakakalat.

Pawang mga lumang picture lang pala ang laman bumulwak na kahon. Hindi mahigpit ang pagkakasara kaya kumalat ang laman nang bumagsak.

Mga larawan iyon ng akin mga Tito at Tita. Ang iba pamilyar, ang iba naman ay hindi ko na naabutan.

Isang larawan ang nakakuha ng atensyon ko. Kita kong paano ito ginupitan para alisin ang kung sino man sa larawang iyon. Meron kamay na nakapatong sa balikat ng taong nasa larawan na sa tingin ko ay may umaakbay dito. Dalawang kamay iyon sa magkabilang bahagi.

Tinapatan ko ito liwanag para mas lalo kong makita kung sino ang batang iyon sa larawan.

Napasinghap ako nang makilala kung sino iyon. Wala akong naalalang ganito. Nakasuot ako ng puting bestida na parang katulad ng sa mga hospital. Nanginginig kong nilayo ang larawang iyon.

Pilit akong huminga ng malalim. Bakit may ganito? Wala nga akong naalala o nakakalimutan.

Muli kong pinagmasdan ang larawang iyon. Mukha akong masaya rito, nakalabas ang kulang-kulang kong ngipin. Malabo ang sulat sa background ng larawan ngunit nababasa ko ang ilang letra rito.

Hospital

Bakit may picture ako na nasa hospital. Ilang ulit kong inisip ko saan ito o kailan pero walang lumalabas sa alaala ko. Mas lalo lamang sumakit ang ulo ko.

“Rae bakit ang tagal mo.” Hindi ako lumingon. Ayokong malaman ang sagot, natatakot ako.

Kinalma ko muna ang sarili bago tumayo. Nasa pintuan si Mama, nakakunot ang noo. Iniwas ko ang tingin, inipit ko sa garter ng pantalon ang larawan saka hinarap si Mama nang nakangiti.

“Hindi ko kasi maabot,” I joked. Patuloy pa ring tumitibok ng mabilis ang puso ko.

Kinuha niya ang box mula sa akin.

“Hindi ka sa'kin nagmana,” pabirong sagot niya. Napatigil ako at matagal na pinagmasdan ang papalayong bulto ni Mama.

Sana mali ang iniisip ko.

Continue Reading

You'll Also Like

35.1K 885 44
Formerly, "Drake's Target" A boyish girl with three awesome dudes. Met a boastful guy, who loves challenges. Will a love be formed? Or she will just...
53.5K 1.3K 65
One second, he was my most hated. Another second, I found myself under him. Under his charm. Like a curse, I can't even break. completed.
607K 8.2K 78
REVISED VERSION IN ENGLISH: THAT COUSIN I NEVER HAD https://www.wattpad.com/1074202909-that-cousin-i-never-had-prologue Your Boy-Next-Door, your sea...
402K 8.3K 79
As Jaelene Garcia came back to live again in the Philippines, she thought nothing will going to change - she's wrong. After meeting Carlo Anelov Reye...