Ang Torpeng Beki

By its_tristanny

38.1K 1.7K 136

(BXB Teen Gay Love) Hindi lang naman lalaki at babae ang natotorpe sa taong mahal nila, minsan mga BEKI din... More

BEKS 1: Lastimosa
BEKS 2: First Day
BEKS 3: Evo Ace
BEKS 4: ACCEPTED!
BEKS 5: TRANSFEREE
BEKS 6: Start of New Friendship
BEKS 7: D-Date
BEKS 8: Complicated
BEKS 9: Film Making
BEKS 9.2: Film Making
BEKS 10: Naiilang ako
BEKS 11: Friendship Is Magic
BEKS 12: Happy Together
BEKS 13: Keep Fighting
BEKS 14: Evanescence
BEKS 15: Struggles and Pain
BEKS 16: Someone Left
BEKS 17: Confused Feelings
BEKS 18: Hard to say 143
BEKS 19: The Kiss
BEKS 20: Misunderstood, Care and Hurt
BEKS 21: Totally Confused
BEKS 22: Is this a Threat?
BEKS 23: Away o Bati?
BEKS 24: Gera na'to.
BEKS 25: Ayusin natin
BEKS 26: Magandang Pagbabago
BEKS 27: Lihim na Pagtingin
BEKS 28: Lovenat
BEKS 30: Best Gift
BEKS 31: Seize the Moment
BEKS 32: Beginning of an END
BEKS 33: Vacay
BEKS 34: New Environment
BEKS 35: New Found Friends

BEKS 29: Stolen Kiss

756 35 6
By its_tristanny

Evo's POV

Medyo maaga pa nang maalimpungatan ako. Nagulat ako ng mapansin kong si Kailee pala ang niyayakap ko ngayon. Ang buong akala ko ay panaginip lang ang lahat pero totoo pala. Narinig niya kaya yung sinabi ko, sana nama'y hindi

Hindi nako nilalagnat dahil magaling ang nurse kong mag-alaga sa akin, oras na para ako naman ang bumawi sa paglalaan niya ng oras para sa akin.
Dahan-dahan akong bumangon upang hindi ko siya magising. Binabalak kong surpresahin siya ng masarap na breakfast. Marahan ko siyang hinalikan sa pisngi at napangiti nalang ako dahil sa sobrang lalim ng tulog niya ay naghihilik pa siya.

Ang cute niya tignan, naglawa pa siya sa unan ko marahil napahod siya sa pag-aalaga sa akin. Hindi ko maiwasang kiligin sa pagiging caring niya sa akin.

Nakakabakla pero oo gusto ko na siya, hindi pumasok sa isip ko na dapat babae ang mahalin ko dahil wala yun sa kasarian kung hindi kung sino siya bilang tao.

Pagkababa ko ay napansin kong luminis ang paligid, siguro ay naglinis siya dito. Minsan lang kami makapaglinis sa bahay dahil laging walang tao sa bahay pero organize naman ang mga gamit namin.

Naisipan kong gumawa ng chaofan, magprito ng dumplings at omelette. Sakto lang kasi marami namang laman ang ref namin. Ganadong-ganado akong magluto dahil sa tuwing naiisip ko ang cute na si Kailee ay napapangiti nalang ako bigla.

After 30 minutes ay natapos na din ako magluto kaya inayos ko na ang dining area. Nagtimpla nadin ako ng gatas para sa aming dalawa.

Gigisingin ko na sana si Kailee nang biglang may tumawag sa phone ko. Si Joana lang pala.

E: Hello? Bat napatawag ka?

J: Goodmorning Evo! Kakamustahin lang sana kita kasi hindi ka pumasok kahapon, may nangyari ba?

E: Ah eh wala naman nilagnat kasi ako kahapon kaya di na ako nakapasok

J: Ganun ba? Gusto mo puntahan kita sa bahay niyo at alagaan kita?

E: Nako! Hindi mo na kailangang gawin yan Joana kasi okay na ang pakiramdam ko ay pahinga nalang ang kulang kaya makakapasok naman na ako bukas.

J: Hmmm. Sige na nga di na kita pipilitin. Nga pala nasa akin yung payong mo ah.

E: Ay oo nga pala, nakalimutan ko yung payong ko kaya ako naulanan ng isang araw.

J: Hala sorry! Ako pala dahilan kung bakit ka nagkasakit, babawi ako pagpasok mo bukas.

E: Naku huwag na! Ito naman kaysa ikaw yung nagpaulan edi ikaw yung nagkasakit.

J: Basta I'll treat you tomorrow. I don't take no for an answer.

Napabuntong-hininga nalang ako

E: Okay sige. Kakain na'ko bye!

Pagbalik ko sa kwarto ay inaayos na ni Kailee yung higaan ko kaya agad ko siyang pinigilan.

"Uy ako na bahala diyan, bumaba ka na dun at naghanda ako ng breakfast nating dalawa." saad ko habang tinitiklop ang kumot at comforter.

"Okay ka na ba? Hindi ka na ba nilalagnat?" naga-alalang tanong niya sa akin. Umiling naman ako bilang tugon.

"Huwag kang mag-alala Kai, okay nako" nakangiting saad ko sabay kindat sa kaniya. Agad naman siyang namula sa ginawa ko.

"May pakindat-kindat ka pa dyan, tara na kain na tayo baka lumamig na yung niluto mo." Nagmamadali niyang saad. Napailing nalang ako, hindi talaga siya marunong magtago ng emosyon niya.

Pagkababa ko ay nakasandok na pala ang mga pagkain yung kakain nalang ang kulang.

"Kumain ka ng marami Evo para makabawi ka ng lakas" na-touch naman ako sa sinabi niya.

"Actually, thankyou breakfast ko nga ito sayo kasi you take care of me, tignan mo gumaling agad ako kasi ang galing mong mag-alaga" sinsero kong sabi. Napayuko naman siya sa sinabi ko.

"Ikaw naman Evo, wala yun sa'kin! Masaya ako na kasama kita dito." saad niya, napangiti naman ako.

"Ako din, palagi akong masaya tuwing kasama at kausap kita. Hinding-hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa tabi ko." seryoso kong sabi.

Naubo naman sa sinabi ko si Kailee kaya agad ko siyang inabutan ng tubig. "Siraulo ka! Kumain na nga tayo kasi kung ano-ano na yung sinasabi mo."

Tinapos na namin ang aming pagkain. Namangha naman sakin si Kailee kasi marunong akong magluto kaya mas lalo akong ginanahan na ipakita sa kaniya ang cooking skills ko.

Hindi nako nakipagtalo kay Kai nang magpresinta siya na maghuhugas kasi baka mabinat ako kaya tumambay nalang ako sa garden para makaramdam ng preskong hangin at sinag ng araw habang hindi pa masakit sa balat.

Habang nagmumuni-muni ako ay biglang tumunog ang phone ko, akala ko si Joana nanaman pero si kuya lang pala.

Y: Kamusta na pakiramdam mo? Kumain ka na ba?

E: Don't worry kuya! Okay na ako at tapos na kamjng kumain.

Y: Mabuti naman kung ganoon, si Kailee pala nasaan?

E: Naghuhugas pa ng plato, bakit?

Y: Wala naman, buti natiis niya ang pagiging batugan mo. (sabay halakhak)

E: Tawa ka diyan eh ako nga nagluto ng almusal namin noh.

Y: Hmmm, iba talaga tama ni Kailee sayo ah nagiging masipag ka, so duma-damoves ka na ba?

E: Oo naman kuya, pinapakilig ko siya oras-oras, halatang-halata ko kapag namumula na siya sa kilig dahil sa mga banat ko eh.

Y: Hindi kita pinipigilan pero yung paalala ko sayo, siguraduhin mong seryoso ka sa kanya.

E: Oo naman kuya!

Y: Nga pala

E: Ano?

Y: Ah eh wala! Sige na papasok na kamk ng ate mo, bukas pako uuwi dyan, Bye!

Galing din gumawa ng paraan ni kuya para mapalapit pa ako lalo kay Kai. Kaya sisiguraduhin kong hindi ko sasayangin ang pagkakataon na'to.

"Evo! Uminom ka na ng gamot mo, hindi porket hindi ka na mainit e magaling ka na." Dati parang wala lang kapag nakikita ko siya pero ngayon parang lumiliwanag na ang paligid kapag nakikita ko siya.

"Hoy! Lutang ka ba?" natauhan ako sa sinabi niya. Ayan Evo mag day dream ka pa.

Uminom nako ng gamot at napagpasiyahan namin ni Kai na magmovie marathon nalang kaming dalawa since wala naman din kaming gagawin buong maghapon.

Habang sarap na sarap ako sa panonod ay siya namang pagkasarap-sarap ng tulog ni Kai. Napansin ko siya dahil sa mahinang paghihilik niya.

Tinignan ko mabuti ang kaniyang mukha. Ewan ko ba at para akong tanga na napapangiti sa harap niya. Hindi or din alam pero kusa nalang gumalaw any katawan ko at marahang hinalikan ang kaniyang labi.

Ang lambot ng my labi niya kaya napapikit ako. Hindi ko maipaliwanag Ang nadarama ko sa mga sandaling ito.

Natauhan lang ako ng tinulak niya ako. "Ba't mo ginawa yun Evo! Nasisiraan ka na ba ng bait?" Inis niyang sabi sakin.

Ayan Kasi Evo masyadokang padalos-dalos nahuli ka tuloy. "Ah-eh masyado lang akong nadala sa pinapanood natin". Tinaasan niya lang along kilay sa sinabi ko, halatang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

"Talaga lang ah? Ang sabihin mo sinasamantala mo Ang pagiging malambot ko!" Galit na ang tono ng kaniyang boses, Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Hindi naman ganun ang intensyon ko eh"

"Pwes, Ano!" Pasigaw niyang tugon.

"Kasi gusto kita Kai, medyo matagal na" nakayuko Kong sabi. Gusto ko nang lamunin ng lupa dahil napaamin ako ng wala sa oras kaya paniguradong pagtatawanan ako no kuya.

"Hindi porket gusto mo ang isang tao e pwede mo na basta-basta halikan! Unfair kaya yun!" Inis niyang sabi. Nagulat ako sa sinabi niya kaya nakaisip along kapilyuhan

"Edi halikan mo'ko ulit para quits na tayo" pang-aasar ko dito ngunit lalong dumilim Ang aura niya.

"Tigilan mo'ko sa mga ganiyang biro Evo dahil Hindi pako desperadong bakla na basta ka nalang papatulan!" Aba'y kanina pa'ko tinataasan ng boses nito.

"Pwes! Hindi din ako nagbibiro dahil gusto talaga kita!" Tinaasan ko na din ang boses ko kaya medyo natauhan siya.

Hindi ko na siya inantay magsalita pa ulit dahil agad ko siyang hinablot para halikan ulit. Ibang-iba ang pakiramdam ko, sobrang-saya dahil hindi pumapalag si Kai bagkus napakapit pa siya sa batok ko.










So ibig sabihin nun masarap akong humalik...







END OF CHAPTER 29

___________________________________________________

Author's Note:

4days to go pasko na! Enjoy reading everyone at pasensya na kung nabibitin kayo sa mga updates ko...












Continue Reading

You'll Also Like

29.7K 1.4K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
250K 16.9K 81
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.4M 53.9K 71
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
1.3M 58.4K 56
Autumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beaut...