MY JOURNEY OF LOVE START WITH...

akosilenpot tarafından

208K 4.7K 906

Dahil sa isang deal sa kanyang ama, mapipilitan siyang mamuhay ng mag-isa. Walang MONEY at Walang FAME. A pri... Daha Fazla

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVE
NOL - CHAPTER 1 - NO ORDINARY NEIGHBOR
NOL - CHAPTER 2 - NO ORDINARY ESCAPES
NOL - CHAPTER 3 - NO ORDINARY DEAL
NOL - CHAPTER 4 - NO ORDINARY ME
NOL - CHAPTER 5 - NO ORDINARY ENVIRONMENT
NOL - CHAPTER 6 - NO ORDINARY JOB
NOL - CHAPTER 7 - NO ORDINARY DAY
NOL - CHAPTER 8 - NO ORDINARY GUY
NOL - CHAPTER 9 - NO ORDINARY PEOPLE
NOL - CHAPTER 11 - NO ORDINARY FEELINGS
NOL - CHAPTER 12 - NO ORDINARY FEAR
NOL - CHAPTER 13 - NO ORDINARY HEARTBEATS
NOL - CHAPTER 14 - NO ORDINARY SELOSAN
NOL - NO ORDINARY DENY-ALL-YOU-WANT DAY
NOL - Chapter 16 - NO ORDINARY FIESTA
NOL - Chapter 17
Chapter 18
NOL - Chapter 19
NOL - CHAPTER 20
NOL - CHAPTER 21
NOL - CHAPTER 22
NOL - CHAPTER 23
NOL - CHAPTER 24
NOL - CHAPTER 25
NOL - CHAPTER 26
NOL - Chapter 27
NOL - Chapter 28
NOL - Chapter 29
NOL - Chapter 30
NOL - Chapter 31
NOL - Chapter 32
NOL - Chapter 33
CHAPTER 34 - KASSANDRA
NOL - Chapter 35
NOL - Chapter 36
NOL - CHAPTER 37
NOL - CHAPTER 38
NOL - CHAPTER 39
NOL - Chapter 40

NOL - CHAPTER 10 - NO ORDINARY EXPERIENCE

6.9K 191 23
akosilenpot tarafından

CHAPTER 10 – NO ORDINARY EXPERIENCE

Lareen's POV

Kakatapos ko lang maligo ulit. Naghahanda na ako sa pagalis namin nila Andoy. Nasa harap ako ng salamin ng may kumatok na.

"Reena..." mahina niyang sabi. Inipit ko ang buhok ko dahil medyo mainit ang panahon at syempre hindi ko nalimutan ang salamin ko. Naglagay ako ng pabango at dali daling lumabas ng pinto.

"Sorry sa pagintay" sabi ko. nakangiti lang si Andoy na nakasandal sa gilid ng pinto. Missing in action naman si Arkin.

Palinga linga ako ng magsalita si Andoy "Ayun yung hinahanap mo oh" sabi niya at ngumuso. Sinundan ko ang nginuso niya at nakita ko si Arkin na nakikipaglaro kay Pia. Siya naman ang customer ni Pia.

"Hindi ko naman siya hinahanap eh" sabi ko.

"Tara na" sabi na lang ni Andoy at nagpipigil ng tawa. Inilock ko na muna ang pinto at naglakad na kami papunta sa kinaroroonan ni Arkin na tuwang tuwang nakikipagkwentuhan kay Pia. Giliw na giliw siya sa bata, sabagay napakadaldal kasi ni Pia kaya kahit sino ay matutuwa sa kanya.

"Arkin, tara na" aya ni Andoy. "Pia... pwede bang makainom si Kuya Andoy?" sabi ni Andoy kay Pia at lumapit doon. Inabutan naman siya ni Pia ng baso. Si Arkin naman ay bahagya pang ginulo ang buhok ni Pia bago tumayo.

Pagtayo ni Arkin ay tumingin siya sa akin. Parang nanuyo ang lalamunan ko ng tingnan niyo ako mula ulo hanggang paa. Pero iba nung nakatinginan na kami. Alam mo yung parang kamakawala yung kaluluwa mo sa sarili mo? Parang ganon. His dark eyes, wala akong makitang emotion pero parang hindi ako makagalaw sa titig na yon. Lareen... anong feeling mo? Seventeen ka???

"Ahem" bumalik lang siguro ako sa katawan ko ng biglang sumingit si Andoy. "Ano to tunawan??" sabi niya at nagtatawa.

"Tara na" sabi lang ni Arkin at nagpatiuna.

I pouted at Andoy at sumunod narin siya kay Arkin, ako naman ay nagpaalam pa muna kay Pia.

"Pia, pumasok ka na sa bahay nyo mamaya huh?" bilin ko sa kanya.

Tumango siya. "Ate magdedate po kayo ni Kuya Arkin?" tanong niya.

Medyo shocked, Pia is only four or five years old lang.

"Hmm?? San mo nakukuha yang ganyan???" tanong ko. Ngumiti lang siya.

"Mag-enjoy po kayo" sabi niya. Napailing na lang ako at umalis na rin.

Byahe ng taxi na pinapasada ni Arkin ay pumunta na kami sa Luneta. Nasa backseat ako nakaupo kanina, parang feeling ko kasi anytime kakagatin ako ni Arkin eh. Lagi na lang siyang walang ka emoemosyon, nakakatakot, feeling ko tuloy napipilitan lang syang ipasyal ako.

Nang makapagpark kami ay pinagbuksan ako ni Andoy ng pintuan.

"Salamat" sabi ko.

Hindi ko inakalang may ganito palang lugar sa Maynila. Iba kasi ang pagkakakilala ko sa MAynila, akala ko puro lang mga building sa sobrang taas at mga bahay ang meron dito, yon pala ay meron din ganitong malaking park.

Nasa likuran namin ni Andoy si Arkin. Si Ando yang naging tourist guide ko. "Yon ang Monumento ni Rizal" sabay turo sa monument.

"Pero wag muna don, dito na muna tayo sa mapa ng Pilipinas" sabi niya at dinala ako sa akala ko fishpond.

Nakakatuwa dahil kita mo ang Pilipinas. Isa itong malaking mapa.

Gusto kong lingunin si Arkin pero parang naiistiffneck ako, tsaka mamaya masakto pang tumingin siya sa akin eh di lalong yari?? Tiniis ko ang sinasabi ng utak ko.

"Ayun ang post office" sabi ni Andoy. Tumango lang ulit ako. Tuloy tuloy lang ang pagsasalita ni Andoy pero ako ang utak ko na kay Arkin na tahimik lang. Pasimple ko siyang tinitingnan tapos iiwas ako ng tingin pag nakatingin na siya. Ano kayang nasa isip niya? baka hindi siya masaya, kasi malamang sa malamang madalas siguro siyang napadaan dito at nauumay na siya.

Nang halos malibot na namin ang buong Luneta ay nagpasya kaming maupo sa harap ng Quirino Grandstand. Umalis na muna si Andoy para bumili ng makakain kaya naiwan kami ni Arkin doon. May ilan ilan ding mga tao pero hindi naman ganoon karami.

"Hindi ka pa ba nakakahanap ng ibang trabaho?" nagulat ako ng magsalita siya. Ako kaya ang kinakausap niya?? malamang kasi kung hindi ako baka yung damo siguro.

"Huh??"

"Kung magkakaroon ka ba ng opportunity na makalipat ng ibang trabaho, tatanggapin mo?" tanong niya ulit.

"Si-siguro kung maganda naman at legal" sabi ko.

Naningkit ang mata niya. "Bakit anong akala mong trabaho ang sinasabi ko? Ilegal??" masungit niyang tanong.

Galit? Hindi pwedeng magpaliwanag??

"Wala naman akong sinasabi" sabi ko na lang. "Malapit ka sa mga bata" sabi ko, trying to change the topic.

"Oo" matipid niyang sagot.

"Pwede ko bang malaman kung bakit?"

"Siguro dahil wala akong mas batang kapatid..." sagot niya. ngumiti ako, at least maayos ang paguusap namin. Walang naiinis.

Pahapon na pero maliwanag pa rin roon dahil sa may ilaw na sa buong lugar. Natatakot akong magtanong ng kahit na anong personal sa kanya dahil baka tanungin niya rin ako.

"Ahm salamat nga pala dun sa tubig" sabi ko.

"Ang tagal tagal na non... pero you're welcome" sabi niya at tumingin siya sa akin. Gusto kong pasukin ang utak niya at basahin ang naroon. Anong inisip mo Arkin? Bakit ka ganyan? Pinaparamdam mo sa akin yung feelings na parang natatakot akong ientertain?

"Matagal na kayong magkasama ni Andoy?" tanong ko. "Mukha kasi kayong close na close" sabi ko.

"Matagal na kaming magkaibigan... mga bata pa lang ata kami" sabi niya. Tumango ako.Lareen...control...control...

"Gusto mong maglakad lakad?" tanong niya. tumingin siya sa akin. Ito na naman yung nakakainis na feeling. "Eh pano si Andoy?"

"Hayaan mo na, susunod yon" sabi niya.

Napatango na lang ako.

Naglakad kami sa sea side. Medyo lumalamig na ang simoy ng hangin kaya nagulat ako ng hubarin niya ang jacket niya at iabot sa akin. Nakawhite shirt na lang tuloy siya katerno ang isang itim na pantalong ayos lang ang pagkafit sa kanya.

"Isuot mo" sabi niya. Walang emosyon.

"Thanks" sagot ko.

Napaka misteryoso niya. Simple ko siyang sinusulyapan. Medyo mahaba na ang buhok niya pero kahit ganoon ay gwapo pa rin siya. Gwapo?? Attracted ka na Lareen?? Erase. Erase. Erase.

"Reena!" bigla akong hinila ni Arkin sa tabi niya. muntikan na kaming magkabungguan ng isa sa mga babaeng...babaeng punong puno ng make up ang mukha.

"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh" sabi pa nung isang devil red ata ang kulay ng lipstick tapos orange yung damit.

"Sorry" sabi ko.

"Mabuti na lang gwapo ang kasama mo, kung hindi –

"Tama na yan. Tara na" sabi ni Arkin at hinila na ako. hindi man lang pinatapos ang babae.

"Gwapo kaso suplado" sabi pa nung isa. Hindi ko na nakita dahil hinila na ako ni Arkin palayo.

"Minsan nga tumingin ka sa dinadaanan mo, at pwede mag-ingat ka naman? Para kang naglalakad na disgrasya eh" sabi niya sabay bitaw sa braso ko.

Ang daming sinabi... 'tong lalakeng to parang sobrang tanda na kung magsalita eh. Hindi na lang ako sumagot.

After naming maglakad ng hindi ko alam kung gaano kalayo ay sa wakas naupo kami sa isang bench doon. Nagtext siya, siguro si Andoy iyon.

Ilang saglit lang ay dumating na si Andoy, may dala siyang bottled mineral watter at buger, siopao, siomai, mais at ilang chips.

Umupo siya sa gutter kaharap namin ni Arkin.

"Maganda ang Luneta diba?" sabi ni Andoy. "Oo. Salamat nga pala" sabi ko. Ngumuso siya at itinuro si Arkin.

"Huh?" tanong ko at tumingin din ako kay Arkin. Pinagtaasan niya lang kami ng dalawang kilay at umiwas ng tingin.

Tumawa na lang si Andoy.

"Reena, nakakain ka na ng balot?" tanong ni Andoy.

"Ng ano? Balot ng??"

"BALOT" sabi ni Andoy. "Ano nga yong balot?" tanong ko ulit. I never heard a balot na food.

"Teka nga" sabi ni Andoy at lumapit sa manong na may dalang basket at pagkatapos ay bumalik sa amin na may dalang itlog.

"Ito ang balot...di mo alam? Sang planeta ba yung probinsya niyo?" tanong ni Andoy na parang nakakaloko.

"Itlog lang?" tanong. Nakatingin sa  amin si Arkin.

"Itlog? Oo..kaya itong isa, sayo na to" sabi niya at binigay sa akin ang itlog.

"Sabay nating kainin dali" sabi ni Andoy na parang akala mo manonood ng sine ang excitement.

Tinuktok ko ang itlog at sa gulat ko ay may tubig na lumabas. "Ay bakit may tubig?" tanong ko.

"Nakaihi na yung sisiw" sabi niya. "HUH?!!!" wala akong idea..naguguluhan ko.

"Wala. Wag mong itapon yung tubig. Kasama yon" sabi niya at ginaya ko ang ginawa niya. Infairness masarap ang tubig na yon.

After non ay inumpisahan ko ng balatan. I ate the yellow part. Masarap pero parang bumaliktad yung sikmura ko ng may makita akong baby sa loob ng itlog. Naihagis ko ang itlog.

"Yuck!!!!" madali akong tumakbo paputang sea side para isuka ang kinain ko.

Si Andoy ay tawa lang ng tawa. "Andoy sira ulo ka talaga" sabi ni Arkin at lumapit sa akin para iabot ang tubig. "Okay ka lang?" tanong niya. Sumusuka ako tapos tatanungin niya ako ng okay?

Parang lalong babaligtad ang sikmura ko ng hawakan niya ako sa likod. Pati buhok ko ay hinawakan niya.

"Yon ang balot, tapos yung nakita mo kanina, sisiw yon" sabi niya. "Bakit kayo kumakain ng ganoong pagkain?? Baby pa yon" sabi ko. Hindi ko alam kung tumatawa si Arkin sa sinabi ko.

"Kadiri talaga...baby pa yon...kawawa naman" sabi ko ng mahimasmasan ako.

"Reena, kaya nga baby eh, mas masarap" sabi ni Andoy at ibinato ko sa kanya ang walang laman na bote ng tubig.Nakailag siya.

"Ano gutom ka ba? Gusto mo bilhan na lang kita ng kahit na ano?" tanong ni Andoy.

"Wag na! Baka kung ano pa yung ipakain mo sakin" sabi ko. Tumingin ako sa kanina pa tawa ng tawang si Arkin at nung napansin niyang sa kanya ako nakatingin ay nagkunwari itong umuubo. Parang gusto kong bawiin ang mga papuri ko sa'yong lalake ka.

Nakasimangot ako ng pauwi na kami. Mas nauuna silang dalawa, ayoko silang kasabay. Badtrip. Pagkatapos akong ipasyal, gagawin pa kong cannibal? Yuck talaga.

"Ui Reena... peace na huh" sabi ni Andoy. Nakasimangot pa rin ako. Si Arkin naman ay gumagalaw ang balikat kaya kahit nakatalikod siya ay halatang tumatawa pa rin siya. Sige magpakasaya ka...may araw rin kayong dalawa sa akin.

"Kinakain naman kasi yon talaga" sabi pa ni Andoy.

Hindi ko na siya pinansin. Hindi ko namalayan na lumayo na ang agwat nilang dalawa sa akin. nalibang kasi ako sa dancing fountain at pagtingin ko sa harapan ay wala na sila. Shocks!

Tumigil ako sa paglalakad. OMO...anong gagawin ko??

Sa parting ito ng park ay medyo maraming tao at siguro ay magpapalipas ng gabi dito. Karamihan pa yata ay mga taong lansangan. Kinakabahan na ako.

Dahil sa no choice ay naglakad na lang ako para hindi nila mahalata na parang nawawala ako. Sa laki at tanda ko ba namang ito? Maliligaw pa ako?

"Andoy... Arkin... asan ba kayo?" mahina kong tanong sa sarili ko.

San ako pupunta? Yon ang malaki kong problema. Grabe, minsan na nga lang ako makalayo sa Barangkal eh maliligaw pa ata ako.Ibang klaseng kaba na ang nararamdaman ko. Pano kung umuwi na sila?? No way!

Papunta ako sa direksyong hindi ko alam kung san papunta, basta naglalakad ako ng walang tigil ng biglang palibutan ako ng apat na lalakeng mukhang mga lasing. Nanuyo ang lalamunan ko.

"Ano hong kailangan nila?" tanong ko.

"Ikaw" sabi nung isang lalakeng mas malaki pa ata ang tiyan kesa sa suot niyang t-shirt kaya halos lumabas na ito.

Kung tatakbo kaya ako, mahahabol nila ako? eh halata namang isang patak na lang ng alak eh tumba na ang mga ito.

"Palabiro pala si Kuya..ha-ha-ha" mapakla akong tumawa. Huwag mong hayaang malaman ng kalaban mong takot ka dahil tatakutin ka pa nila ng lalo, yan ang bilin ni Daddy dati sa tuwing papasok ako sa school.

Nakitawa sila at lalapit sa akin. Gosh...ang bilin ni Ate Madel? Hindi masamang takbuhan ang problema kung ang problema ay mga katulad nitong mga to.. 1 ...2 ...3...takbo!!!!

Mabilis akong tumakbo palayo, pero akala ko mabagal sila...grabe! Ang bilis nilang tumakbo at mas lalong nagsikip ang paghinga ko.

Nililingon ko sila habang tumatakbo ako. Baka kasi mamaya eh nasa likod ko na pala eh di yari na? takbo takbo takbo...yon ang ginagawa ko para mailigtas ang sarili ko.

Muli kong nilingon ang mga lasing...tumatakbo pa rin sila at medyo malapit na sa akin, ng sa muling pagtingin ko sa harap ay napatigil ako sa pagtakbo dahil sa nabunggo ko.

"Arkin?" relieve na bigkas ko. seryoso lang siya.Nang mapansin marahil niya ang mga sumusunod sa akin ay hinawakan niya ako sa kamay, ako naman ay nagtago sa likod niya. Asan na ba si Andoy??

"Mga Boss may problema ho ba dito?" kalmadong tanong niya.

"Wala......kung ibibigay mo sa amin ang babaeng yan" sabi nung isang mapayat na lalaking parang adik sa kape.ang laki ng eyebags eh.

"Bakit boss? Kilala niyo ho siya?" tanong ni Arkin.

"Oo, asawa ko siya" sabi nung mapayat na lalake. Asawa? Tabi nga Arkin at ng masampulan yan ng battered husband.

"Asawa? Naku Boss, baka nagkakamali lang ho kayo" sabi ni Arkin.

"Ibigay mo na siya sa amin bata! Wag ka ng makialam dito" sabi naman nung isang semi kalbo.

"Ibigay mo na kung ayaw mong masaktan" sabi nung isang malaking tiyan. "Sige Boss, ibibigay ko ang gusto niyo" sabi ni Arkin. Nanlaki ang mga mata ko. Akala ko ligtas na ko... shocks.. sana tumakbo na lang ako ng tumakbo.

Binitawan ni Arkin ang kamay ko at umakbay sa akin. Naglakad kami ng mga limang hakbang at itinulak na niya ako palayo sa mga lalake at don nagsimula ang action movie.

Natulala ako. Apat laban sa isa? Pinanunuod ko ang bawat suntok at tadyak ni Arkin. Kung action movie ito, siguro block buster movie na ito. Sanay na sanay si Arkin makipagbugbugan at parang mas lalo siyang gumagwapo. Ilang saglit lang ay tumba na ang apat at hinila na ako ni Arkin palayo.

"Sa –

Magpapasalamat ako ng bigla niya akong putulin.

"Pwede ba sa susunod umiwas iwas ka naman sa disgrasya?!!" inis na inis na tono niya.

"Sorry"

"Sorry?? Hay nako, mararape ka tapos sorry? Hay nako! Hindi ko alam kung anong gagawin ko sayo!" pasigaw pa niyang sabi.

Hindi na lang ako sumagot.

"Puro na lang disaster! Pano kung hindi ako dumating? Pano kung nadapa ka sa pagtakbo at naabutan ka ng mga manyak na yon? huh? Pano?? Magsosorry ka???" sabi niya pa. magkaharap kami na akala mo ay isang tatay na nanenermon siya ng anak.

"Mabuti kung alam mo ang Maynila. Reena, maraming loko dito sa Maynila!!

Sigaw niya pa.

"O...o...o...anong nangyayari dito?" biglang sulpot ni Andoy. "Reena, san ka ba pumunta?" tanong niya pa.

Napakamot na lang ako ng ulo.

"Hay magbaon ka ng pagiingat minsan huh?! At minsan magisip ka nga!""sabi niya at naglakad na palayo. Naiwan kamini Andoy.

"Grabe talaga yang kaibigan mo kung makapagsalita" sabi ko.

"Wag mo ng pansinin yon, nagalala lang syempre..." sabi ni Andoy. Pareho kaming nakatingin sa direksyong tinahak ni Arkin.

"Nag-alala?? Mukha niya!" sabi ko.

"Wag mo ng pansinin.." sabi na lang ni Andoy at sumunod na rin kami kay Arking sungit.


Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

144K 2.8K 62
Engagement - Married Life - New Beginnings
5K 130 15
DISCLAIMER: 📌 In this captivating GL story I've woven, the names, characters, places and events are all born from my boundless imagination or brough...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
20.8K 1.4K 31
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴