The Bedwarmer (BL)

By MrAoiKun

98.9K 3.9K 363

Edrian got infatuated with his boss in the company he was applying for the first time in his life. Dahil sa k... More

1: Older Lover
2: Moving In
3: Grab it!
4: Shut Down
5: It Means Nothing
6: Momentum
7: Inevitable
8: Playing with Fire
Chapter 9: Tension Attention
11: Stirring Trouble
12: Whatever It Takes
13: Got It All Wrong
14: The Truth
15: Twisted
Season 2
1: The Twin
2: Shifting Gears
3: Defective
4: Comparisons
5: Sweet Memory
6:Hitting Hard
7:Vengeance
8:Keep Up
9: Fearless
10: Revolve
11: Speaking Actions
12: Coming Back
13: No One Will Die
14: Firm Hold
-EN: The Bedwarmer-

10: Secret

3.3K 129 5
By MrAoiKun


    "What are you trying to say, Edrian?" tanong sakin ni Claire while she was on the phone. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipilit paring kalimutan ang mga nangyari. Ang mga nakakatakot na ala-ala ay muling bumabalik sa aking isipan.

    "Si-- Si Ryan.. Nagkita kami ulit kanina sa office." nanghihina kong sagot kay Claire na napasinghap naman sa kabilang linya.

    "Anong sinasabi mo? Ryan got out of prison?" nabulalas ni Claire na kinatindi pa ng nararamdaman kong kaba. Hindi ko inaasahan na darating ang puntong ito ng buhay ko.

    Ang bahagi ng buhay ko na matagal ko nang gustong ilibing. Ngayon ay unti-unting bumabalik at tila ba isang bangungot na hindi na kailanman mawawala.

    "His family is powerful enough to do that. Pero hindi ko inaasahan na magkikita ulit kami. And for some reason, he is brewing something."

    "Edrian.. You need to move out of that company. Magresign ka at umalis ka na. Hindi titigil si Ryan hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya."

     Napatingala ako sa kisame ng aking apartment. Madilim ang buong paligid at tanging ilaw lang sa labas ang nagpapaliwanag sa loob.

    Hindi ko parin alam kung ano ang aking gagawin dahil sa sunod sunod na pangyayari sa buhay ko.

   Si Andrew.. Si Henry.. at ngayon naman si Ryan. Hindi ko na alam kung paano ko pa tatakasan ang lahat ng ito.

    Binaba ko ang tawag ni Claire at hinayaan kong tumulo ang aking mga luha. Hindi ko magawang sumigaw o magwala. Tila wala na akong lakas para gawin pa iyon.

    Tanging nasa isip ko na lamang ay ang posibilidad na mabunyag ang katotohanan at ang pwedeng gawin sa akin ni Andrew at ni Henry.

    Bumukas ang ilaw ng sala ng aking apartment at nakita ko ang pares ng paa na nasa aking harapan. Napatingala ako at nanlaki ang mata ko sa aking nakita. Hindi ko alam ngunit napasigaw ako ng malakas na tila ba gusto nang kumawala ng kaluluwa ko.

    "Edrian? Why are you screaming? Anong nangyayari sa'yo?" pagpapakalma niya sa akin at doon ko lang napagtanto na hindi pala si Ryan ang aking kasama sa loob. It was Henry.

   Hindi ko mapigilang yakapin siya ng mahigpit. Hindi mawala ang takot sa loob ko at para akong mawawalan na ng ulirat dahil sa mga nangyayari. Pinipilit kong isilid ulit sa pagkalimot ang lahat ng nangyari sa akin noon pero hindi ko magawa.

    "Please Edrian? You are scaring me. Ano bang nangyari at nagkakaganyan ka?" nag-aalalang tanong sa akin ni Henry while I was still clinging into his arms and resting on his shoulder while crying.

    "Hindi--- Hindi mo rin maiintindihan kahit sabihin ko pa." I just said at mabilis niya akong pinaharap at may kung anong galit na namuo sa kanyang mga mata.

    "Lahat ng bagay ay kaya kong intindihin. Just tell me what is going on. Hindi ko gustong nakikita kang umiiyak without me knowing the reason."

    Umiling lang ako at lumayo sa kanya. I can't deal with this right now. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang lahat. Dahil kapag malaman niya, mas lalo lang magiging magulo ang lahat.

    "Can we just stop seeing each other? Henry? Itigil na natin ang pagkikita. This is what I think is best for us to do."
 
     Napalitan ng pagkagulat ang kanyang mga tingin sakin at mas lalo lamang naging masidhi ang kanyang paghawak sa aking mga bisig.

     "This is absurd, Edrian. Ano bang nangyayari at nagkakaganyan ka? Did I hurt you or something?" naguguluhan niyang mga tanong sakin pero hindi ko siya sinagot sa halip ay mas linakasan ko ang paghigit ko sa aking mga bisig upang mabitawan niya.

    "Just please.. Itigil na natin ang kung ano man ang meron sa ating dalawa. Ayoko nang makita ka ulit."

    "Hindi.. Hindi ako lalayo sa'yo. Wala akong nagawang kasalanan para layuan kita. At hindi ako lalayo hanggang hindi mo sinasabi sa akin ang totoong dahilan ng ginagawa mo sa akin."

    Gusto ko na siyang suntukin pero hindi ko magawa. Hindi ko siya kayang saktan dahil wala namang dahilan para gawin ko iyon. Kasalanan ko rin naman ang lahat kung bakit ako nalagay sa ganitong sitwasyon.

     "Hindi tayo matatapos dito hanggang hindi mo sinasabi sa akin ang nangyayari."

    "Henry.. Please just go home. Gusto kong mapag-isa ngayon. Please...." pakiusap ko sa kanya at agad niya naman itong sinunod. Tumalikod na siya at agad na lumabas ng pintuan ng aking apartment.

    Napasalampak ako sa sahig at hindi ko na alintana kung ano ang itsura ko sa mga oras na yun. Ang tanging nasa isip ko lang ay kung ano na ang mangyayari sa akin ngayong nagbalik na si Ryan sa buhay ko.

       February 2012

        "Tell me? Are you enjoying the party?" tanong sakin ng katabi ko sa sofa ng malaking sala ng bahay na ginaganap ang party ng aking kaibigan. It was my first time to ever get into a party dahil madalas akong pagbawalan ng aking mga magulang na umattend sa mga party.

    "Oo naman. Masaya. Maraming pagkain. Masaya ang music." nakangiti kong sagot sa kanya at ngumiti lang din siya sa akin. Naramdaman ko nalang ang paggapang ng kanyang kamay sa aking hita. Ramdam ko ang pagdaloy ng kuryente sa aking katawan.

    Hindi ko maunawaan kung ano ang ginagawa niya sakin. Para bang inaakit niya ako pero pinilit ko nalang na huwag pansinin ang ginagawa niya.

    "I think you're really cute, Edrian." saad niya sa akin sa medyo may kalaliman na niyang boses. Tila ba hinahatak niya ako palapit sa kanya sa paraan ng kanyang pananalita.

   May kadiliman sa parteng iyon ng sala kaya naman hindi kami napapansin ng iba pa naming mga kasama doon sa malaking sala at busy din sila sa paguusap-usap kaya naman malaya niyang nagagawa ang gusto niya sa akin.

   "Thanks--- Pero paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko sa kanya dahil sa hindi ko siya talaga kilala. Gwapo siya. Kung sa kagwapuhan lang ay sigurado akong marami na siyang napaluhang mga babae pero sa pakiramdam ko ay lalaki din ang hanap niya sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin.

   "Its easy if you are influencial. By the way, my name is Ryan. Ryan Saavedra." pagpapakilala niya sa akin na nginitian ko nalang. Nakipagkamay siya sa akin at inabot ko naman iyon. Humigpit pa ang kanyang kapit sa kamay ko at ngumiti siya ng nakakaloko.

    "Nice to meet you, Ryan." nasabi ko parin kahit naaasiwa na ako.

   "Here, try this drink. This is good." saad pa niya sa akin at tiningnan ko ang baso na hawak niya. Kulay orange ang laman noon at umiling ako sa kanya bilang sagot.

    "Sorry, hindi ako umiinom eh. Pasensiya na. Tubig lang ako."

    Natawa naman siya bigla at tumitig sa akin. Tumango siya at inabot sa akin ang baso.

    "Please, just this one. Para naman sa pagkakakilala nating dalawa. We are friends now, right?" pamimilit pa niya sa akin at ako naman ay parang nakonsensiya dahil parang hindi naman masama ang kanyang pakikitungo sa akin.

   Pero meron parin akong duda sa kung ano ba talaga ang gusto niya.

    "C'mon! This is just juice. Hindi rin naman ako umiinom. I just find this juice good. Iyan din iniinom nila oh?"

   Natalo nadim ako dahil sa pamimilit niya kaya inabot ko ang baso at agad na ininom ang laman nito. Masarap naman talaga iyon. Ako lang talaga ang maraming kung ano-ano ang iniisip kaya naman nang maubos ko ang laman nun ay tuwang tuwa siya.

    "Di ba? Sabi ko naman sa'yo masarap. At walang halong alak." nakangiti niyang sabi sakin at napatango nalang din ako.

    Nagkakwentuhan pa kaming dalawa hanggang sa di ko namamalayan na nakakaramdam na ako ng panghihina at pagkahilo. Hindi ko naman alam kung bakit ganun ang nararamdaman ko.

    Nakatingin sa akin si Ryan at isang malaking ngiti lang ang nasisilayan ko sa kanya. Hindi kaya? Hindi kaya linagyan niya ng gamot ang ininom ko?

    Bago pa ako may nagawa ay nawalan na ako ng akinf malay and the rest that happened was all dark.

    ------------------------------------------------

      Nagising ako sa isang malambot na higaan. May kunti akong kirot na nararamdaman sa pang-upo ko at nang imulat ko ang aking mga mata ay nakaramdam parin ako ng pagkahilo. Kita ko sa aking tabi ang isang nakatitig na lalaki at agad akong napabalikwas nang mapagtanto ko kung sino iyon.

    "Anong--- Anong ginagawa ko dito? Nasaan ako?" naguguluhan kong tanong sa kanya at ngiti lang ang sinagot niya sa akin.

    Linibot ng paningin ko ang aking paligid at alam kong hindi ko iyon silid. Isa iyong hotel room. Napasinghap ako nang maalala ko ang lahat ng nangyari.

    "Anong--- Anong ginawa mo sa akin, Ryan.." nangingilid ang luha ko habang nakikita ko siyang bumangon ng higaan at isa isang inabot ang mga damit na nakakalat sa sahig.

    "You wanted it to happen, Edrian." sagot niya sa akin na kinapantig ng tenga ko. Agad akong bumangon sa kama kahit mahapdi ang aking pang-upo at agad ko siyang binigyan ng isang malutong na suntok at napadapa naman siya sa sahig.

    "Hayop ka!! Hindi ko kailanman ginustong babuyin ako ng kahit na sinong tao! Napakahayop mo.." galit na galit kong singhal sa kanya at narinig ko lang ang pagtawa niya ng malakas.

    "And what will you do? Isusumbong mo ako sa mga pulis? Are you even thinking? Sa tingin mo ba may maniniwala sa'yo?" sabi pa niya at hindi ako agad nakapagsalita. Ang galit ko ay parang mas lalong domoble at binigyan ko siya ng isa pang suntok habang nakasalampak pa siya sa sahig.

    "Gagawin ko ang lahat upang makulong ka!!" sigaw ko sa kanya sabay pulot ng mga damit ko na nakakalat.

    "Kapag magsumbong ka sa mga pulis. Ikakalat ko ang video na nasa aking phone. And everyone will know that you wanted it so much. So paano mo pa masasabi na pinilit kita? You really think may maniniwala sa'yo?"

    Doon gumuho ang aking mundo. Sa oras na narinig ko ang mga iyon ay para ba akong linamon ng lupa at ibinaon sa kailaliman ng mundo.

   Present Time

      Nakikinig lang ako sa usapan ng aking mga kaopisina habang lutang parin ako. Wala parin ako sa aking sarili. Pilit ko paring kinakalimutan na nagkita kaming muli ni Ryan.

   It has been a week pero hindi ko parin maiwasang maging anxious. Paano kung bigla nalang siyang sumulpot ulit sa Andromeda at magkita ulit kami. It has been 7 years since that miserable thing happened pero parang sariwa parin ang lahat sa akin.

   "Edrian? Are you with us?" bigla naman akong nabalik sa aking ulirat ng marinig ko ang boses ni Liza na aming team leader.

    "Sorry.. I was just thinking about some personal matters." sagot ko nalang sa kanya.

   "As what we talked about the agenda, kailangan natin ang more creative and more cost efficient ad campaign for the new product lines of Andromeda. And I expect nothing but the best from all of you guys."

    Napatango nalang ako at nagpatuloy ang aming meeting. Matapos ang meeting ay hindi agad ako pinaalis ni Liza. May tao daw na nais akong makausap sa loob ng conference meeting.

    Alam kong si Andrew iyon. Isang linggo ko na rin siyang iniiwasan tulad ni Henry. At ramdam ko na ang pagkainis sa akin ni Brandy dahil wala akong ginagawa with the plans that she made.

    "Mabuti naman at nandito ka." isang matinis na boses ang narinig ko. It was Brandy at mukhang iritable siya na makita ako sa loob ng conference room.

    "So what now? Ano na ang ginagawa mong paraan upang magkalapit ang aking half brother at si Daddy?"

   "Miss Brandy.. I don't think I can do this any longer."

    Natawa naman siya ng mahina at parang may kasiyahan siyang naramdaman.

    "Mabuti naman ang natauhan ka rin. Madali lang talaga magawa ang lahat ng gusto mo kapag tanga sa pag-ibig ang taong gusto mong mawala ng tuluyan."

    Napatingin ako sa kanya at hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya.

    "Since the day na nalaman ko ang ginagawa niyong kalokohan ni Daddy, I have you checked.. Edrian "The Bitch" Aragon. At alam ko lahat ng sekretong nililihim mo."
  
   Kinabahan ako sa mga sinabi ni Brandy sa akin. Ngayon ay mas lalo lang akong malilibing sa isang hukay na hindi ko alam kung makakaahon pa ako.

    "I spoken to Henry myself. Hindi niya balak makilala si Daddy at ayaw niyang isiksik ang sarili niya sa pagiging Barrameda so I have no use for that now. The only problem now is you being my Dad's eye candy."

    Hindi ko alam kung ano pang sasabihin dahil kita ko ang ngiti ni Brandy na tila ba sinasabi sa akin na mas mabuti pang umalis na ako bago pa malaman ni Andrew ang lahat ng sekreto ko.

   Mga sekreto na maaring sumirang muli sa aking pagkatao. Mga sekretong maaring ikasira na ng tuluyan ng aking buhay.

     ------------------------------¤¤¤¤¤¤----------------------------

    

  

 

Continue Reading

You'll Also Like

67K 398 5
COMPLETED Tierra De Lobo ang lugar kung saan nahahati ang iba't ibang packs. May kaniya kaniyang namumuno, may kaniya kaniyang aktibidad. Ngunit, sa...
13.8K 386 15
JD is a discreet bisexual who decided to go to Baguio City to study and avoid the ex-boyfriend who caused him pain. At the new place that he is at, c...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
386K 17.4K 50
Hugo is a man of every girls dream. Para sa kanila, he's perfect because of his appearance - gwapo, matangkad, maganda ang built ng katawan at halos...