The Montelibano Journal

By JRZM80

93 10 1

"Ako si Jasper Ray Zamora Montelibano. Buong buhay ko, hinangad at ginawan ko ng paraan na maging mamamahayag... More

Prologue
Chapter 2: Bantayan
Chapter 3: Hanapin Na
Chapter 4: Ituro Na
Chapter 5: Hulihin Na
Chapter 6: Kunin Na
Chapter 7: Kunin Na Sabi!
Chapter 8: Kumusta Na
Chapter 9: Ihayag Na
Chapter 10: Oras Na
Chapter 11: Magpaalam Na

Chapter 1: Sabi Nila

22 2 0
By JRZM80

"Elementary, my dear Watson." Isa ito sa mga sikat na linya ng klasikong tiktik sa kasaysayan ng literatura: si Sherlock Holmes. Nasa loob ako ng kotse noon, nakikinig sa isang episode ng detective-adventure series gamit ang walkman na CD player at headphones, nang magulat ako sa pagbukas ng kanang pintuan.

"Jasper," tawag ng tatay kong excited. "i-pause mo muna iyan at magsisimula na raw ang martsa."

Speaking of elementary, matagumpay kong natapos ang walong taong pag-aaral sa Brentwood Academy. Kung paano ko binuno ang mga naging pag-aaral ko noon ay simple lang naman. Sabi ng mama ko, 3 years old pa lang ako ay kinakitaan ako ng interes sa pagbabasa ng komiks at mga karatula sa kalsada. Dahil doon ay tinuruan nila akong magbasa ng mga salita gamit iyong Unang Hakbang sa Pagbasa. Kapag napagod sila, hinahayaan lang daw nila akong manood ng mga lumang kopya ng Sesame Street at Batibot. 4 years old ako nang i-enrol ako ng aking mga magulang sa pre-school. Iyon din ang taon na nagsimula akong makinig ng mga audiobook CD's ng Sherlock Holmes na niregalo ng kaibigan ni Papa Rico mula sa London, England. 5 years old ay pinag-kindergarten nila ako, masyadong bata kaya saling-pusa lang daw muna. Gayunpaman, naawa raw ang school principal dahil nag-effort at nag-enjoy naman daw akong nag-aral at naglaro ng puzzles noon, kaya ikinonsidera ako para maging full-pledged kinder pupil.

Ang Guest of Honor sa aming Commencement Exercises ay ang elementary alumnus ng Batch 1970 na si Mr. Everardo Lerma, news writer ng The Real News Network local channel sa Cebu City. Pinakanatatandaan ko sa kanya ay iyong nagtanong siya sa amin kung ano'ng gusto namin paglaki. Wala pa akong pinangarap noon kaya wala sa anumang trabahong sinambit niya ang tinaasan ko ng kamay. Tapos, naghanap siya, "Mayroon ba ritong may gustong magsulat ng mga balita paglaki?"

Ngumiti lang daw ang papa ko, pero iyong mama ko seryoso.

"Wala yatang gustong magsulat," natawang wika ni Mr. Lerma. "Nakakapagod eh noh, ha? Nakakatamad. Pero alam niyo ba? Madalas nalilibre ako sa pagkain, sa inumin, at sa pamamasyal dahil sa pagsusulat ng balita." Saka niya kami kinuwentuhan ng lahat ng mga naging sarap pagkatapos ng mga hirap ng pagiging news writer. "O ano, mayroon na ba sa inyong may gustong maging newswriter paglaki?"

Nagtaas ako ng kamay. Ako lang naman.

Tumango ang papa kong nakangiti. Sige, anak ko, ihahanda na kita. Pero, umiling ang mama ko sabay babala sa kanyang asawa, "Subukan mo lang." Nanatiling tahimik ang padre de familia.

Kindergarten nang unang beses kong maranasang tumanggap ng diploma--- puting coupon bond, nakarolyong tinalian ng red bias tape. Bawat pangalan ng graduates ay binanggit ng aming cute na teacher na si Ms. Karla Marie Viruete. "Jasper Ray Zamora Montelibano, our First Honor this year."

Kinausap muna ako ni Mr. Lerma habang papalapit ako sa kanya sa entablado. "Galing mo talaga, Jazz. Iba na talaga ang may pinagmanahan."

"Kilala niyo po si Papa?" inosenteng tanong ko.

"Oo naman. Dati akong newswriter ng Papa Rico mo sa Visayan Daily. Madalas ka niyang ibida sa amin. Very proud siya sa iyo."

"Ganoon po ba? Salamat po, Sir Lerma," nakangiti kong pagtugon.

"Walang anuman, hijo." Iniabot niya sa akin ang diploma pagkahinto ko sa harap niya. "Like father, like son."

***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** *****

6 years old ako nang mag-Grade 1. Ganoon pa rin naman hanggang ako'y naging dose anyos: basa, bilang, sulat, kanta, laro, at sayaw, araw-araw pero hindi nakakasawa. Mahuhusay ang turo ng aking mga guro. Iba-iba ang estilo para hindi nakakabagot. English at HeKaSi (Heograpiya, Kultura at Sibika) ang pinakapaborito kong mga asignatura. Kada taon, nag-uwi ako ng karangalan sa aming private school mula sa mga sinalihan kong Oral Reading Contest, Spelling Bee, at Essay Writing. May mga nakipagkaibigan at nakipaglaro sa akin dahil nais nilang matuto mula sa aking mga pinaggagagawa sa aming mga klase. May mga ibang kaeskwela pero na, dahil sa inggit, binu-bully nila ako. Hindi ako iyakin, pero hindi rin ako basagulero. Ako iyong tipong naghahamon ng pruweba mula sa kanila. "Ipakita mo muna sa akin ang ebidensya mo!" Madalas panalo ako kahit sa pustahan. Nagtapos ako sa elementarya with flying colors.

Ang Guest of Honor sa aming Commencement Exercises ay ang news anchor ng Rated K na si Ms. Korina Sanchez ng ABS-CBN. Pinakanatatandaan ko sa kanya ay iyong nagtanong siya sa amin kung, "Handa na ba kayo... sa haharaping mga pagbabago sa inyong buhay?"

Ngumiti lang daw ang papa ko, panatag sa paniniwalang makakayanan ko ang mga pagbabagong darating. Pero iyong mama ko, seryoso, umasang ang mga pagbabagong yaon ay papabor sa kanya.

Elementary nang pangalawang beses kong maranasang tumanggap ng diploma sa Brentwood Academy--- puting coupon bond pa rin, nakarolyong tinalian ng red bias tape pa rin. Bawat pangalan ng graduates ay binanggit ng aming cute pa rin na teacher na si Mrs. Karla Marie Viruete-Verdin. Buntis siya sa pagkakataong ito. "Jasper Ray Zamora Montelibano, our Valedictorian this year."

Kinausap muna ako ni Mam Korina habang papalapit ako sa kanya sa entablado. "Nice finishing, Jazz."

"Paano niyo po nalaman ang nickname ko, ma'am?" inosenteng tanong ko.

"Sabi ng Papa Rico mo. Ibinida ka niya sa amin sa newsroom ng Visayan Daily noong ipinasyal niya kami roon kamakailan lang. May ipinabasa pa niya siya sa akin na news report eh. Pinagpapraktisan mo raw. Proud na proud siya sa iyo."

"Noong araw na binigyan niyo po ako ng bagong tsinelas?"

"Yeah, that day."

"Salamat po, Ma'am Korina," nakangiti kong pagtugon.

"Walang anuman, hijo." Iniabot niya sa akin ang diploma pagkahinto ko sa harap niya. "Like father, like son."

***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** *****

12 years old ako nang mag-1st Year. Ganoon pa rin naman hanggang ako'y naging kinse anyos: basa, bilang, sulat, kanta, laro, at sayaw, araw-araw, gabi-gabi, pero hindi nakakasawa. Mahuhusay ang turo ng aking mga guro. Iba-iba ang estilo para hindi nakakabagot. English at Araling Panlipunan ang pinakapaborito kong mga asignatura sa Mandaue City National High School. Kada taon, nag-uwi ako ng karangalan sa aming public school mula sa mga sinalihan kong Jazz Chant, Spelling Bee, Essay Writing, General Information Quiz Bee, Bible Quiz, at Science Fair. Ang bago sa akin ay ang napabilang ako sa The Bayside View, ang official school paper ng aming paaralan. Lagi akong naisasali noon sa mga press conferences mula school level hanggang national level. Dumaan ako mula sa pinakamababang posisyon hanggang sa maging editor-in-chief ako ng TBV.

Sa sobrang busy ko sa school, hindi ako nagkaroon ng girlfriend. Crushes lang, pero hanggang doon lang iyon. Ayokong masagabal ako sa aking pag-aaral dahil gusto ko na, balang-araw, ay maranasan ko iyong mga kinuwento ni Mr. Everardo Lerma. Actually, iyon na rin ang mga naobserbahan ko kay Papa Rico mula nang i-expose niya ako sa kanyang working environment. Na-enjoy ko na ring matikman ang mga ganoong pribilehiyo ng pagiging news writer. May mga nakipagkaibigan at nakipaglaro sa akin dahil nais nilang matuto mula sa aking mga pinaggagagawa sa aming mga klase. May mga ibang kaeskwela pero na, dahil pa rin sa inggit, binu-bully nila ako. Hindi ako iyakin, pero hindi rin ako basagulero. Ako pa rin iyong tipong naghahamon ng pruweba mula sa kanila. "Ebidensya?" ang madalas kong linya. Madalas panalo ako kahit sa pustahan.

Kung noong kindergarten hanggang elementary ay sa Sherlock Holmes ako nakinig, nitong high school ko ay may nagregalo sa akin ng The Adventures of Tintin--- isang set ng DVD episodes ng animated series, at isang set ng 24 comic books na sinulat ni Hergé. Nakadikit sa comic book box iyong Christmas gift tag na Be inspired. Pinanood at binasa ko ang mga niregalo ng kaibigan ni Papa Rico na taga-London. Tunay nga, na-inspire ako sa mga naging adventures ng young reporter ng Belgium. Gusto kong maging kagaya niya.

Nagtapos ako sa high school with flying colors.

Ang Guest of Honor sa aming Commencement Exercises ay si Mandaue City Mayor Hernando Quitlong. Pinakanatatandaan ko sa kanya ay iyong nagtanong siya sa amin kung, "Desidido na ba kayo sa daang nais niyong tahakin sa buhay na ito?" Saka siya lumitanya ng ilang linya mula sa tula ni Robert Frost na The Road Not Taken.

"Two roads diverged in a yellow wood/ And sorry I could not travel both/ And be one traveler, long I stood/ And looked down one as far as I could/ To where it bent in the undergrowth; / Then took the other, as just as fair,/ And having perhaps the better claim,/ Because it was grassy and wanted wear; / Though as for that the passing there/ Had worn them really about the same.../ I shall be telling this with a sigh/ Somewhere ages and ages hence:/ Two roads diverged in a wood, and I—/ I took the one less traveled by,/ And that has made all the difference."

Sa pagkakataong ito, parehong seryoso ang moods ng mga magulang ko. Maghanda ka na, anak, nasaisip ng papa ko. ... ilalantad na kita sa realidad ng pamamahayag. Iyong mama ko naman ay may ibang pinaplano para sa akin.

High school nang pangatlong beses kong maranasang tumanggap ng diploma, pero sa ibang paaralan na. Puting coupon bond pa rin, nakarolyong tinalian ng red bias tape pa rin. Bawat pangalan ng graduates ay binanggit ng aming homeroom sponsor, ang 52-year old Social Studies teacher na si Ma'am Josefina Alarcon, MAEd. "Jasper Ray Zamora Montelibano, our Valedictorian this year."

Kinausap muna ako ni Mayor Quitlong habang papalapit ako sa kanya sa entablado. "Ikaw nga ba iyong anak ni Rico?"

"Paano niyo po nalaman, sir?" inosenteng tanong ko.

"Magkaibigan kami ng Papa Rico mo. Binanggit ka niya sa akin noong ininterbyu niya ako. Sabi niya, ikaw raw ang magiging tagapagmana ng Visayan Daily. He's so proud of you, Jasper."

Nabigla ako sa kanyang wika dahil wala pa namang binabanggit na ganoong plano ang tatay ko. "Ganoon po ba? Salamat po, Mayor Quitlong," nakangiti kong pagtugon.

"Walang anuman, hijo." Iniabot niya sa akin ang diploma pagkahinto ko sa harap niya. "Like father, like son."

"Well... everybody says so."

Matipid ang naging tawa ni Mayor.

Ilang minuto ang nakalipas, nag-restroom break ako. Nag-leak, tapos naghugas ng kamay. Nagpapapogi ako sa salamin noon nang may estrangherong tumabi sa akin. Formal ang suot, naka-shades, porma at tikas bodyguard pero ang katawan ay pasado para maging bouncer sa disco club. Iniabot niya sa akin ang puting envelope. "Pinabibigay ni Mayor."

"Kung pera po iyan, kuya, pakisabi kay Mayor Quitlong na hindi ko tatanggapin iyang suhol niya."

"Mensahe niya raw iyan, Jasper. Para sa kinabukasan mo."

"Okay." Tinanggap at binuksan ko ang sobre. Walang pera. Walang tseke. Walang gift certificate. Malinis. Inilabas at binasa ko ang nilalaman ng sulat na yaon. "Kung susundan mo ang yapak ng tatay mo, Bantayan mo ang pamilya niyo." Nahintakutan ako sa nakasulat. Warning eh. "Kuya, pakisamahan nga ako kay...?"

Wala na iyong bodyguard. Parang ninja lang.

Pagbalik ko sa school auditorium, uwian na ang lahat. Ninais kong kausapin si Mayor Quitlong pero hindi na mahagilap. Hindi rin napansin ng mga pinagtanungan ko kung saan tumahak si Mayor at ang kanyang mga alipores.

"JASPER!" tawag ng papa kong nasa malayong sulok ng auditorium. Hindi niya kasama si mama.

Patakbo akong lumapit sa kanya. "Pa, may iniabot po sa akin si Mayor."

"Graduation gift?"

Ipinabasa ko kay Papa ang sulat. Ganoon na lamang ang pagkaseryoso ng pakiramdam niya. Nabanaag ko ang pag-aalala sa kanya, tapos unti-unti ay napalitan ng pagkayamot.

"Pa?"

"Hindi niya dapat sinasabi sa iyo ang mga ganitong bagay, anak. This is my concern, not yours."

"Is everything alright?"

Itinapon ni Papa Rico ang sulat sa basurahan. Pinakalma na lang niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-akbay sa akin. "Everything's alright, anak. It's your graduation day. Magdiwang tayo. Magsaya!"

"Pa?"

"Hmn?"

"Naiintindihan ko naman po ang ibig sabihin ni Mayor na bantayan ko ang pamilya natin. Ganyan din naman po ang ini-expect niyong gawin ko bilang lalake at solong anak niyo eh, di po ba?"

Natawa ang tatay ko. "Hindi naman masyado, anak. Kung ako ang tatanungin mo eh iba ang expectation ko sa iyo."

"Gaya ng...?"

"Alam ko na hindi habambuhay ay magkasama tayo. Masanay na tayo sa ganoon. Masaya na ako na makikita kitang magtatagumpay sa kung anuman ang hangarin mo sa buhay."

"Eh paano po kayo ni Mama Rina?"

"Huwag mo kaming masyadong alalahanin, anak. Nagawa na namin ang parte namin. Panahon na para ikaw na ang gumanap sa bahagi mo sa ating pamilya. College student ka na sa Agosto. Young adult ka na. Manage your own life."

"Okay."

"Mangyayari ang dapat mangyari, Jasper. Just do yours. I'll do mine."

"Eh si Mama?"

"Kuuu... pag ako naman ay nagsalita sa mama mo, wala naman siyang magagawa. Kaya nga head of the family ako. Nasa akin ang pagdidesisyon. Nasa akin ang responsibilidad."

Napatango ako.

"Kalimutan mo na iyong message ni Mayor. Huwag ka nang mag-overthink, ha? Mag-celebrate tayo. Mag-adventure tayo in two months bago mo isabak ang iyong sarili sa kakaririn mo sa UP."

Continue Reading

You'll Also Like

5M 228K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...
160K 11.9K 41
Itutuloy mo pa ba kung ang inyong pagmamahalan ay tuluyan ng nahadlangan ? Itutuloy mo pa ba kung ang kasama mo mula noong simula ay wala ng maalala...
5.1M 127K 54
Allisea is a lady that had a dark past. She ran away from the life she used to have and that's to chase her dreams ----- to be a teacher. Will she be...
24.6K 2.3K 200
Ang kanyang kalooban ay matigas at hindi normal katulad ng sa iba. Gayunpaman, dahil ipinanganak siya sa isang maliit na sangay ng pamilya, ang kany...