LOVE WITHOUT LIMITS

By maxinejiji

93.9M 2.8M 4.6M

Love Trilogy #1 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions arou... More

Prologue
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
EPILOGUE : LOVE WITHOUT LIMITS
SPECIAL CHAPTER SNEAK PEEK
PAG-IBIG SA 'YO (Love Without Limits Official Theme Song)
GUGMA KANIMO (Pag-Ibig Sa 'Yo Bisaya Version)

CHAPTER 12

1.3M 36.5K 28.3K
By maxinejiji

MABANGONG AMOY ng nilulutong pagkain ang gumising sa akin kinabukasan. Agad na hinanap ng mga mata ko si Maxwell ngunit hindi siya natagpuan sa tabi ko. Sandali akong nag-ayos ng sarili saka nakangiting pumunta sa kusina. Ngingisi-ngisi akong sumilip upang gulatin sana si Maxwell. Pero ako ang nagulat sapagkat si Wilma ang nakita ko roon.

"Good morning po,"nahihiya kong bati.

Nilingon ako ni Wilma at napapabuntong-hininga na sinuyod ng tingin. Lalo akong nakaramdam ng hiya. Kung nalaman ko lang na hindi si Maxwell ang naroon, nagsuot sana ako ng robe.

"Inihabilin ni Laurent na huwag kang gigisingin. Nagising ka pa rin."

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit masungit sa akin si Wilma. Sa tono niya kasi ay para bang kasalanan ang magising. "Nasaan na po si Maxwell?"magalang ko pa ring tanong.

"Syempre, pumasok,"anito saka binalingan ang niluluto. "Kumain ka muna, 'tapos magpahinga ka na uli."

Pumasok?Naramdaman ko ang panlulumo. Sa nangyari kagabi, kinaya niyang pumasok?Sandali akong natigilan, nagulat. Siguro dahil ang inaasahan ko ay aalamin namin kung paanong nakapasok ang sinumang lalaking iyon kagabi. Siguro dahil akala ko ay sasamahan niya ako dahil sa pag-aalala. Umasa akong sisiguruhin niyang maayos ang lagay at pakiramdam ko paggising ko ngayong araw.

Napabuntong-hininga ako sa lungkot ngunit agad ding umiling. Pagsyor! Hindi ka si Maxrill para maging dahilan ng pag-absent ni Maxwell!

Hindi ko malilimutan ang napagdaanan ng pamilyang Moon, naroon man ako o wala. Sa dami ng nakakatakot na nangyari sa nakaraan, hindi ang nangyari kagabi ang pipigil sa kaniyang magtrabaho. Higit na si Maxwell. Tutulong siya, hiningi man ito o hindi sa kaniya. Gagamutin niya ang sinumang nangangailangan, kahit siya rin ay sugatan.

Nang malaman ko kay Maxpein ang ilan sa mga dahilan kung bakit naging doktor si Maxwell, lalo ko siyang hinangaan. Iilang salita lamang ang binitiwan ni Maxpein para makabuo ng kwento pero pakiramdam ko ay mas lumalim ang pagkakakilala ko sa kanila. Napatunayan kong hindi niya lang ginagawa 'to bilang pagsunod sa batas ng pamilya at bansa nila. Talagang minahal niya ang kaniyang propesyon. Na kahit pa hindi niya intensyong maging pinakamagaling na doktor, ganoon ang nangyayari.

Kakatwang habang ang pamilyang Rewis ay namomroblema kung paanong pababagsakin ang pamilyang Moon, ang nag-iisang Maxwell Laurent del Valle-Moon ay namomroblema kung paanong paiikliin ang case presentation niya dahil ayaw niyang magsalita nang mahaba. Si Maxpein naman ay walang takot na sumusugod sa umuulang bala, pero hindi makatulog hangga't hindi nakikitang patay ang maliit namang gagamba sa kwarto niya. Wala akong masabi kay Maxrill dahil gusto ko ang pagiging inosente niya. Sobrang inosente na kahit si Taylor na isang masamang tao, kinaibigan pa.

Kaya hindi na dapat ako magtaka kung sa kabila nang nangyari kagabi ay pumasok pa rin siya. Sanay na dapat ako doon. Feeling ko nga ay mali pang kwestyunin ko 'yon.

Nakamot ko ang noo. "Papasok po ako."

"Ang sabi ni Laurent ay pagpahingahin ka muna."

"Pero wala pong gagawa ng trabaho ko."

"Huwag kang mag-alala dahil siya naman ang amo."

"Kahit na po."

"Ikaw ang bahala."

Hindi ko malaman ang gagawin. Kung mauupo ba at hihintayin si Wilma na tapusin ang niluluto o muling bumalik sa kwarto. Naaasiwa akong manatili malapit sa kaniya. Hindi ako komportable sa pagiging masungit niya. Kung sa akin lamang ba siya gano'n ay hindi ko alam.

Sa huli ay pinili kong maligo nalang muna. Hindi ko alam kung kailan inihanda ni Maxwell ang damit at gamit ko, o kung siya nga ba ang umikaso niyon. Posible kasing si Wilma.

Nang muli akong bumalik sa kitchen ay nakahanda na ang mesa. Naroon pa rin si Wilma at isinasalansan ang hindi mabilang na dyaryo. Naiilang man ay naupo ako at sinimulang kumain. Hindi ko maiwasang ngumiwi habang pinanonood nang palihim si Wilma. Nakataas ang kilay niya habang abala sa ginagawa. Naisip ko tuloy na ganoon niya kadisgusto ang aking presensya.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay nag-ring ang cellphone ko. Si Maxwell agad ang pumasok sa isip ko ngunit ang tumatawag pala ay si mommy.

"Mom!"excited kong sagot. Nagkatinginan kami ni Wilma, ngumiti ako ngunit agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Hija,"agad kong nahimigan ang pagtatampo sa tinig ni mommy, iyon palang ang sinasabi.

Napangiti ako. "How are you, mom? How's dad? How's everything?"

"Hmp,"talagang nagtatampo ang mommy. "Hindi ka man lang tumatawag sa amin ng daddy mo, nagtatampo na ako, 'ga."

Lalo pa akong natawa. "Sorry, mom. Busy sa trabaho."

"Dati ka naman nang busy sa trabaho pero humahanap ka ng oras para sa amin ng daddy mo. Kumusta ka naman diyan sa Palawan?"

Agad na pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi lang. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Kumalma ako. Ayaw kong mahalata ni mommy ang takot sa boses ko.

"Masaya po, mommy,"pilit ang ngiti kong sabi.

"Ate!"Nailayo ko sa tainga ko ang telepono nang mangibabaw ang matining at nakaririnding boses ni Zarnaih.

"Zarnaih's there? What is she doing there?"naiinis, naiinggit kong tanong. Ngunit tawa ang isinagot sa akin ni mommy.

"'Oy, ate!"si Zarnaih na ang nasa kabilang linya. Umikot ang paningin ko sa inis. "Napakaganda ng Cebu dahil wala ka!"

"Ambot sa imo, Zarnaih,"umiirap, napapasapo sa noong sabi ko.

"Libang na libang ka ba kay Maxwell, pati pamilya mo hindi mo na kinukumusta?"pang-aasar niya pa. "Aba, 'te! Kung hindi pa pala ako umuwi, hindi ka makakausap ng mommy?"

Nasapo kong muli ang noo ko. Na-guilty ako dahil totoong nawala sa isip kong tumawag o mag-text para kumustahin sila. "Sorry,"malungkot kong sabi.

"Kuyaw,"pang-aasar muli niya. "Siguro nagising na si Maxwell sa katotohanan, at nagmamabait ka, 'no?"

"Will you just give the phone back to mommy, Zarnaih? Siya ang gusto kong makausap at naririndi ako sa 'yo."

Agad na sumunod ang kapatid ko. Nangyari nga ang kumustahan naming mag-ina pero panay ang dada ni Zarnaih. Hindi lang talaga bibig ang malakas sa kaniya, pati tainga. Kahit iba ang magkausap, naririnig niya. Ang matindi pa ro'n, walang hinto ang bibig niya sa pagkokomento.

Hindi rin nagtagal ang usapang iyon, sinabi kong kailangan ko pang pumasok. Sa daan ko naramdaman kung gaano ko na ka-miss ang family ko. Kahit pa ganoon ang bibig ng kapatid ko, kahit papaano ay nami-miss ko rin naman siya. Higit na ang parents kong matagal na noong huli kong nakita.

Sinadya kong dumaan sa emergency room nang makarating sa hospital, nagbabaka-sakaling naroon si Maxwell. Nabigo ako sapagkat ilang nurses at pulos pasyenta na ang nakita ko. Malungkot akong dumeretso sa area ko. At nagulat nang madatnan ko si Keziah doon.

"How are you?"nababasa ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

"I'm good...doc."Hanggang ngayon ay naaasiwa akong tawagin siya sa kaniyang titulo. Pakiramdam ko ay mas totoo ang pakikipagharap ko kapag sa pangalan ko siya tinawag.

"Nabanggit sa akin ni Maxwell ang nangyari kagabi, Yaz. Are you really okay?"sinipat pa ni Keziah ang kabuuan ko.

Gusto ko siyang pasalamatan sa sinsero niyang pag-aalala. Pero nangingibabaw ang inis ko sa katotohanang hindi man lang nag-abala si Maxwell na kausapin at kumustahin ako tungkol sa nangyari kagabi, ngunit may oras itong magkwento kay Keziah.

"Alam na ba ng family mo?" dagdag niya nang hindi ako makatugon. "Did you already inform them?"

"No,"maagap kong sagot. "Wala akong planong sabihin sa kanila, Keziah, please,"sinserong pakiusap ko, umaasahang makikisama siya lalo na't tinawag ko siya sa pangalan at hindi sa titulo niya.

Bumuntong-hininga siya. "Maxwell's busy in the operating room right now, Yaz. Sunod-sunod ang operasyon. Marami pang naka-schedule ngayong araw hanggang bukas, both minor and major operations. I don't think may oras siya para alamin ang dahilan at kilalanin ang nanloob sa inyo kagabi."

Naghalo na naman ang nararamdaman ko. I know how sincere and worried she is, I can see and feel it. Pero hindi ko maiwasang mainsulto. Pakiramdam ko ay hindi siya karapat-dapat na magsabi sa akin ng mga ito because for me, we're not friends, not even close. At the same time, nagi-guilty ako na ganoon ang naiisip ko sa kabila ng sinserong pag-aalala niya, napakasama ko sa parteng iyon.

"It's okay, I'm okay,"wala sa sariling sabi ko. Kahit na ang totoo ay kabaliktaran niyon ang nararamdaman ko."Magnanakaw lang siguro iyon."Hindi ko magawang tingnan siya sa mga mata habang sinasabi iyon. Ngunit napilitan akong tingnan siya nang hindi siya sumagot sa sinabi ko.

Nagtama ang paningin namin sandali. Matalino si Keziah. Alam kong ayaw ko lang siyang makausap tungkol doon. Alam kong alam niya rin ang dahilan kung bakit. Kung nagkwento si Maxwell sa kaniya—hindi man iyon kompleto at detalyado sapagkat hindi nito ugaling magkwento nang ganoon—nasisiguro kong hindi iisipin ni Maxwell pagnanakaw ang motibo ng lalaking iyon.

"We're expecting a lot of patients today, doktora,"pag-iwas ko. "If you don't mind, I'll go inside na. I need to prepare pa."

"Alright, go ahead,"napapabuntong-hininga pa ring ani Keziah saka ako tinalikuran.

Sinundan ko siya ng tingin nang may magkahalong inis at lungkot sa puso ko. Mas tumitimbang pa ang lungkot sapagkat wala akong karapatang makaramdam ng ganoon. Gayong wala kaming relasyon ni Maxwell para paglaanan niya ako ng oras gaya ng naiisip kong dapat.

Pilit kong iniisantabi ang laman ng isip ko at damdamin. Sa isip ko ay ayokong maging unprofessional na uunahin pa ang bagabag at pagtatampo. Ngunit naging napakahirap no'n.

Mabagal na dumaan ang oras. Maski noong lunch break ay hindi ko nasilayan ni anino ni Maxwell. Hanggang sa mag-out ako sa work ay hindi ko siya nakita.

Matamlay akong naglakad palabas ng hospital nang mamataan ko si Hee Yong na nasa gawing parking lot. Gusto kong matawa sa facial expression niya. Madalas kasi ay para itong bored o nasusuya sa nakikita. Kapag nasa mood naman ay nakalawit ang dila nito at tila nakangiti. Sa sandaling iyon ay mukhang wala ito sa mood dahil tila nakasimangot ito.

"Hello, Hee Yong,"bati ko nang makalapit. Bahagya akong yumukod upang haplusin siya sa bandang tainga. Lumawit ang dila nito na tila ba gustong-gusto ang ginagawa ko. "Why are you here alone?"

"He's with me,"nangibabaw ang tinig ni Maxrill mula sa gilid ko. Agad akong napalingon sa kaniya. "Are you going home?"

Kailan ba ako masasanay sa boses niya?Pakiramdam ko ay paulit-ulit akong maninibago sa pagbabago ng lahat kay Maxrill. "Oo, pauwi na sana. Papasok ka?"isinenyas ko ang ospitsal.

Umiling siya. "Ihahatid kita."

Sandali akong natulala sa kaniya. "Naku, baka may gagawin ka pa. Hindi na. Diyan lang naman ako." Ngumiti ako ngunit hindi nagbago ang seryoso niyang hitsura.

"Let's go, I'll take you home."

"I'm okay, Maxrill. I can go home alone."

"What if that freaking guy last night comes back? Let's go."Hindi niya na ako hinayaang sumagot pa. Lumapit siya at hinawakan ako sa braso para akayin.

Kung dati ay kayang-kaya ko siyang hilahin, siya na ang gumagawa niyon ngayon. Hindi ko maipaliwanag kung paano niyang nagagawang hawakan ako nang ramdam ko ang higpit ngunit hindi masakit.

Nagugulat akong napatingin sa kaniya, nagtataka kung paano niyang nalaman ang tungkol sa nangyari kagabi.

"Maxwell told me about it,"aniya nang makasakay kami sa sasakyan niya, tila naramdaman ang pagtataka ko. "You need to be extra careful."

Muli akong nagulat nang akma niyang isuot ang seatbelt sa akin. Na para bang madalas niya nang ginagawa iyon.

"Ako na,"inunahan ko siya. Kahit pa napakalapit lang ng tinutuluyan ko, pakiramdam ko ay naging napakahaba niyon dahil sa katahimikan. "Salamat,"sabi ko nang makababa pagkarating namin sa building.

"Ihahatid kita hanggang sa unit mo."

"Hindi na kailangan"

"Hindi ko naman sinabing kailangan,"seryoso pa rin siya. "Ang sabi ko ay ihahatid kita hanggang sa unit mo."Masungit niyang inalis ang tingin sa akin. Sinulyapan niya si Hee Yong na awtomatikong sumunod sa kaniya.

Napapabuntong-hininga akong sumunod. Tahimik pa rin kami maging sa elevator. Tuloy ay hindi ko maiwasang mailang. Nasanay akong kay Maxwell nakikita ang ganitong mood, ganitong katahimikan, ganitong pagkailang.

"Thank you, Maxrill,"sinikap kong maging natural ang ngiti ko. "Dati-rati ay kaya ko pang guluhin ang buhok mo sa t'wing good boy ka. Hindi ko na magagawa 'yon ngayon dahil mas matangkad ka na sa 'kin."

"I wanna make sure all windows and doors are closed. Let me in."Iyon ang sagot na natanggap ko.

Umawang ang labi ko sa pagiging authoritative niya. Pakiramdam ko ay noon ko lang iyon naramdaman sa kaniya.

"I'll check it later, don't worry."Binigyan ko siya ng assurance.

"I said let me in."Niyuko niya ang mukha ko nang sabihin iyon.

Awtomatiko akong napatalikod at dali-daling binuksan ang pinto. Last na lang ka, ha!Binuksan ko nang maigi ang pinto at hinayaan siyang tumuloy. At hindi ako umalis doon hanggang sa makita at masiguro niyang sarado nga ang lahat ng pinto at bintana.

Inaasahan kong titingnan niya ako ng may iritasyon nang makitang nasa pinto pa rin ako. Pero hindi nangyari iyon. Dere-deretso siyang lumabas kasunod si Hee Yong saka bahagyang tumango.

"Good night."Iyon lang at tinalikuran na nila ako paalis.

Sandali ko siyang sinundan ng tingin bago ako pumasok. Dumeretso ako sa kitchen at uminom ng tubig. Saka ako napaisip. Kung si Maxwell iyon, paniguradong hindi ako aalis sa pinto hangga't hindi siya nawawala sa paningin ko. Napabuntong-hininga ako. "Nagawa niyang magkwento kina Maxrill at Keziah pero sa akin ay hindi man lang siya nagpakita."

Kung titingnan ay mukhang nagtatampo lang ako. Pero ang totoo ay may bahagyang kirot akong nararamdaman sa puso ko. Hindi ko maiwasang isipin na ganoon lang kadali para kay Maxwell na balewalain 'yon. Marahil ay dahil alam niyang may kakayahan akong idepensa ang sarili ko. Pero hindi sapat na dahilan iyon.

Patuloy sa pagtatalo ang puso't isipan ko mula sa pagkain, pagligo hanggang sa makahiga sa kama. Nagtatanong ang isip ko kung paanong nakapagkwento si Maxwell sa dalawa pero naging abala na pagdating sa akin. Sumagot naman ang puso ko na posibleng nagkasabay-sabay na pumasok iyong tatlo at nagkausap. Tuloy ang takot sa nangyari kagabi ay nawala sa akin at napatungan ng lungkot hanggang sa makatulugan ko.

Nagulat ako kinabukasan nang madatnan si Maxrill sa harap ng building kung saan ako tumutuloy. Napakamot ako sa noo at napaisip. Tatanungin ko pa ba siya kung bakit sila narito ni Hee Yong, kahit obvious naman nang ako ang dahilan? Kung hindi ko naman gagawin iyon, at ipahahalatang kutob ko nang ako ang pakay nila, baka sabihin niya feeling-era ako.

Babatiin ko na sana ang dalawa pero hindi pa man bumubuka ang bibig ko ay lumingon na si Maxrill. Naisip ko tuloy na saulo na niya ang amoy ng perfume ko. Ngunit dahil myembro siya ng pamilyang Moon, hindi na dapat ako nagugulat sa ganoon. Sa halip, dapat ngang saulo ko na.

"Good morning!"bati ko. Sandali lang naglapat ang paningin namin ni Maxrill, agad ko iyong ibinaling kay Hee Yong.

"Get in,"bigla ay sabi ni Maxrill. "Baka ma-late ka."

Nagulat pa rin ako pero agad nalang sumunod, ayaw kong humaba ang usapan. Isa pa, baka ma-late nga naman ako. Hindi ako kumikibo sa daan, hindi ko alam kung ano ang posibleng pag-usapan.

Nang makarating naman kami sa ospital, hindi ko masiguro kung enough nang pasalamatan siya. Feeling ko kasi kulang iyon dahil sinadya pa niyang puntahan ako. Ang kaso, wala naman akong maisip na iba pang pwedeng sabihin.

"Thank you, Maxrill, Hee Yong!"ginulo ko ang buhok ng aso.

"I'll take you home later,"ani Maxrill saka ako tinalikuran kasunod si Hee Yong.

Sandali ko pa siyang sinundan ng tingin bago ako pumasok. Syempre, sinadya kong dumaan sa area kung saan posibleng makita ko si Maxwell. Ngunit bigo ako. Noon lang ulit ako tinamad magtrabaho. Hindi ako ganado. Occupied masyado ang isip ko sa takot at sa pagtatampo kay Maxwell.

Nang mag-uwian ay naroon si Maxrill sa labas ng ospital nang makalabas ako. "Mukhang saulo mo ang schedule ko, ah?"sabi ko.

"Dalawa lang naman ang shift sa area mo," malamig niyang tugon. "Anong schedule mo bukas?"tanong niya matapos akong ipagbukas ng pinto.

"Umaga pa rin."

"Okay."Tutok sa daan ang kaniyang tingin. "Nagkausap na kayo ni Maxwell?"

Napalingon ako kay Maxrill. Hindi ko maintindihan kung bakit nawala ang malakas na dating ng pangalan ni Maxwell nang siya ang nagsabi.

"Hindi pa,"mayamaya ay sagot ko. "Hindi pa kami nagkikita."Kuyaw, naay usapan, 'day? Ang sabihin mo, hindi mo pa siya nakikita!

"Busy siya."

"Mukha nga."

Hindi na siya kumibo pa muli hanggang sa maihatid ako.

Akala ko ay mawawala rin agad ang pagtatampo ko, sa isip ko kasi ay hindi hahayaan ni Maxwell na tumagal iyon. Ngunit dumaan ang tatlong magkakasunod na araw nang hindi pa rin kami nagkikita. Hindi siya nagte-text, mas lalong hindi tumatawag. At ang mas masakit, naiisip ko nang iniiwasan niya ako sapagkat sinasadya ko nang puntahan ang lahat ng area pero hindi ko man lang siya nakikita.

Hanggang sa isang umaga ay maabutan ko sila ni Keziah at iba pang resident doctors sa lobby ng ospital. Kaharap nila ang anim na may edad nang lalaki. Hindi na ako magtataka kung doctors din ang mga ito.

Limang araw kitang hinanap, hindi kita nakita. Talagang nagpapakita pala ang kailangan kapag hindi na hinahanap? Psh.

Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat at saka naglakad papasok. Plano kong lampasan sila, ni lumingon sa gawi nila ay hindi ko sana gagawin. Ngunit hindi iyon nangyari.

"Zaimin Yaz,"tinig ni Maxwell.

Nahinto ako sa paglalakad. Napairap ako sa kung saan saka humarap sa kanila. Nameke ako ng ngiti at bahagyang tumango. "Yes, doc?"pakiramdam ko ay hindi maganda ang naging tono ko.

"Good morning,"kaswal na bati niya.

Gusto kong umirap ngunit pinigilan ko. Sinikap kong huwag magmukhang mataray ngunit nabigo ako. "Good morning, doc."Nginitian ko ang mga bisita niya at binati. "Papasok na po ako."

Dahil doon ay apektado na naman ang trabaho ko. Pakiramdam ko ay magdamag akong nakasimangot. Ngumingiti lang ako kapag may kaharap na pasyente at katrabaho.

Hindi ko kailanman naisip na posibleng hindi magkita ang dalawang tao na nagtatrabaho sa iisang ospital. Ngayon lang, dahil nangyari sa amin ni Maxwell. Pero hindi ako naniniwalang ganoon siya kaabala dahil nakikita ko araw-araw si Keziah. Sadyang ayaw kong magtanong dito dahil hindi kami close. Hindi ko rin naman maitanong kay Maxrill dahil mas masungit pa sa akin ito nang mga nakaraan.

Sa mga nagdaang araw na iyon ay hindi ako nilubayan ni Maxrill. Sinusundo niya ako papasok at inihahatid din pauwi. Nakasanayan ko nalang din ang coldness niya dahil ayaw ko namang pilit siyang kulitin kung iyon ang treatment na ibinibigay niya sa akin.

"Yaz."Umangat ang mga balikat ko sa gulat nang marinig ang tinig ni Maxwell mula sa likuran ko.

Awtomatikong sumama ang mukha ko nang makita siya. Naroon ako sa cafeteria at kasalukuyang umo-order. Hindi ko namalayan ang pagpasok, lalo na ang paglapit niya.

"Yes, doc?"kaswal sana ngunit naging mataray kong tugon. Kinuha ko ang tray ko at saka nauna sa kaniyang maglakad.

Naramdaman ko ang pagsunod ni Maxwell kaya sinadya kong maupo sa ibang mesa. Alam kong makukuha na ni Susy ang ibig sabihin niyon.

"Let's eat outside,"masayang ani Maxwell dahilan para matigilan ako at mag-angat muli ng tingin sa kaniya.

Nang makita ang inosenteng mukha niya ay napaismid ako saka isa-isang inalis sa tray ang foods ko. "Naka-order na ako,"kaswal ko pa ring sagot.

"Then take it outside. Come with me."

"No."

"Yaz?"

"No,"pagtatapos ko sa usapan.

Naupo siya sa harap ko at hindi na ako magtataka kung naagaw na namin ang atensyon ng lahat ng naroon sa cafeteria. Hindi ko naman magawang lingunin ang mga ito. Paniguradong nagtataka na ang mga ito kung bakit nasa iisang mesa kami ni Maxwell.

Tinuloy-tuloy ko ang pagkain at nagpanggap na lamang na hindi siya kaharap. Tumitingin ako sa kung saan pero siya pa rin ang nakikita dahil ang atensyon ko ay sadyang nasa kaniya ngunit ayaw ipahalata.

"Why?"tanong niya.

Why?Nakangisi sa inis akong umiling. "Hindi ka yata busy ngayon?"

"That's why I'm asking you to eat with me outside. I have time now."

Nahinto ako sa pagkain at inis na tumingin sa kaniya. "P'wes, ako ang walang time. Can't you see I'm busy? Besides, hindi ako pwedeng lumabas. I can't leave my post."

"I'll talk to Caleb."

"No."

"Please?"nakikiusap, malambing niyang sabi. Awtomatikong hinaplos ng salita at tinig niya ang puso ko. Napaiwas ako ng tingin dahil sa inis sa sarili. "Galit ka ba sa 'kin?"

Ay, dili! Bakit naman ako magagalit, 'di ba? Ano ang karapatan kong magalit, lalo na't busy ka? "Hindi naman,"ang layo ng laman ng isip ko sa mga salitang nasambit ko.

"C'mon, tell me. Are you mad at me?"

"Galit nga ba ako sa 'yo?"

"C'mon, Yaz. We both don't have time for this."

Natitigilan akong tumitig sa kaniya. Sa mga huling sinabi niya ay may naramdaman akong kirot sa dibdib ko. "Bakit ka pa nag-aaksaya ng oras? If you're busy then stop talking to me."

"Yaz, c'mon..."

"What?"

"Talk to me."

"We're talking already."

"Why are you mad?"

"Wala kang idea? 'Sabagay, ngayon lang tayo nagkita."

"Sorry, I've been very busy."Sa wakas ay nasabi niya.

Ngunit hindi ko siya sinagot. Ipinagpatuloy ko ang pagkain. Sinasadya kong ipakitang nagmamadali ako. Ngunit sadyang mabagal pa rin yata talaga akong kumain. Hindi ko man lang siya makitang maapura.

"Yaz,"muling pagtawag niya nang hindi ako sumagot.

"You can call me, Maxwell. You can send me a message."Hindi ko naitago ang hinanakit sa tinig ko. "You think, madali 'yong nangyari no'ng gabing 'yon?"

"No,"mariing pagtanggi niya. "Naging busy ako pero hindi iyan nawala kailanman sa isip ko."

"Kung gano'n, bakit hindi mo man lang ako kinausap? Nakapagkwento ka kina Maxrill at Keziah pero pagdating sa 'kin wala ka nang time?"

"Yaz, halos sa operating room na ako matulog,"sa tono ng pananalita niya ay tila hinihiling niyang intindihin ko siya.

Ngunit sadyang hindi ko maintindihan. Ilang taon din akong na-assign sa operating room. Naranasan ko na rin namang mag-straight duty dahil kailangan. Sobrang busy pero meron at merong chance para makapag-text o tumawag.

"Walang operasyong tumatagal ng five days, Maxwell."

Humalakhak siya. "Hindi ko naman sinabing limang araw 'yong operation."

Lalo lang akong nainis. "Limang araw kitang hindi nakita."

"Kasi nga busy ako. Araw-araw, maya't maya, may inooperahan, Yaz. Hindi ko pwedeng ipasa ang trabaho ko."

Ang sabihin mo hindi lang talaga ako importante sa 'yo.Ako mismo ang nanakit sa sarili ko. "I understand."Nagbaba ako ng tingin sa pagkain ko. Pilit kong pinigilang pangiliran ng luha.

"Yaz,"bahagya siyang lumapit sa 'kin at hinawakan ako sa kamay.

Pinag-alala ako ng kilos niyang 'yon. Lumayo ako. "Maxwell, may mga nakakakita sa 'tin."

"So?"

Napatingin ako sa kaniya. "Anong so? Hindi ba't ayaw mong malaman nila kung ano..."hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

"Kung ano?"

"Wala."

"What is it?"

"Nevermind."

"Kung ano mo 'ko?"tanong niya.

Kung ano tayo.

Hindi siya nakangiti nang tanungin iyon ngunit may kislap siya sa mata. Napatitig ako ulit sa kaniya saka muling nag-iwas. "I don't care what they think,"dagdag niya.

"I do."

"Why?"

"Because I care about your image."

"What about my image?"

"Pwede ba?"nainis na ako. "Let me eat in peace."

"Kaya nga sumama ka sa 'kin. Wala tayong peace dito."

"Ayoko."

"Yaz naman?"

"Do'n ka na sa mga kasama mong doctor. For sure they're waiting for you."

"They can eat without me."

"Then leave me alone."

Sumuko siya at bahagyang lumayo. Naramdaman kong matagal siyang tumitig sa 'kin. "I'm really sorry, okay?"sinsero niyang sinabi. "Inuna ko 'yong mga pasyente ko dahil alam kong maiintindihan mo ako. Kasi kapag ikaw ang inuna ko ay hindi ako maiintindihan ng mga pasyente ko. I'm sorry."

Tila natauhan ako sa sinabi niya. Nanlulumo akong napapikit. Pagmulat ko ay nakatayo at nakahakbang na papalayo si Maxwell. Ngunit agad akong nagulat nang humakbang naman papalapit si Maxrill. Ni hindi ko rin siya namalayang lumapit sa 'min.

"Mind if I join you?"tanong ni Maxrill na nakapalingon kay Maxwell. Nagtama ang paningin ng magkapatid. "Oh, hyung?"Gusto kong matawa dahil sa tono niya ay tila ba hindi man lang niya nakitang si Maxwell ang nakaupo sa silyang kinauupuan niya bago siya.

"Why are you eating here?"kunot-noong tanong ni Maxwell.

"Is it bawal?"tugon ni Maxrill.

Sa halip na sumagot ay sumulyap sa 'kin si Maxwell. Nag-iwas ako ng tingin pero nakita ko pa rin siya nang maglakad palayo.

"Did you talk already?"tanong ni Maxrill.

"Yeah."

Hindi na siya ulit nagtanong. Tahimik kaming kumain. Nakakailang. Hindi ko man lang maramdaman si Maxrill na tumitingin sa 'kin. Hindi rin nawawala sa kinakain ang paningin niya dahil palihim ko siyang sinusulyapan. Nang matapos naman ay hinintay niya lang ako habang magkakrus ang braso at nakatingin sa kawalan.

"I'll take you home later,"sabi ni Maxrill nang sabay kaming lumabas mula sa cafeteria.

"Thanks, Maxrill but I'll take her home,"bigla ay nangibabaw ang tinig ni Maxwell. Naroon siya sa gilid ng pinto, nakasandal at magkakrus ang mga braso.

"All right, then,"itinaas ni Maxrill ang parehong kamay saka nakangiting nakipagtapikan ng likod kay Maxwell.

Nagtama ang paningin namin ni Maxwell nang makalayo ang kapatid. "What?"inis kong tanong.

"Ayaw mong sumabay kumain sa 'kin pero sumabay ka sa kaniya."

"Psh,"inis akong napaismid. "You're too busy to eat with me."

"C'mon, Yaz. We're not kids anymore, please don't do this to me."Seryoso na siya. Hindi ako sumagot at sa halip ay sa nag-iwas nalang ng tingin. "Hihintayin kong matapos ang shift mo,"aniya nang nakatingin sa relos. "Ako ang maghahatid sa 'yo. Kakain tayo sa labas bago kita ihatid, okay?"

"Okay,"nakalabing sabi ko.

"All right,"batid kong nakangiti siya. "I'll see you later, then."Hindi ko inaasahang guguluhin niya ang buhok ko bago ako tuluyang talikuran.

Tuloy ay naagaw na naman namin ang atensyon ng ilang dumaraan. Nagbubulungan ang mga ito at huminto lang nang makitang tumingin ako.

Hindi ko napigilang mapangiti sa daan pabalik sa area ko. Patakbo naman akong sinundan ni Susy. "Ikaw, ah. May hindi ka sinasabi sa 'kin,"nanunukso ang tinig niya. Sa halip namang sagutin ay tinawanan ko lang siya.

Awtomatikong bumalik ang sigla ko. Ganado na uli akong magtrabaho. Kahit walang kaharap ay nakangiti ako. Hindi ko na uli maramdaman ang pagod. Hindi gaya nang mga nakaraang araw na halos hintayin ko lang matapos ang shift.

Nag-send ako ng message kay Maxwell at saka naupo sa lobby nang matapos ang shift ko. Sinabi ko kung nasaan ako at doon nalang maghihintay sa kaniya. Sa sobrang excitement ay nginingitian ko ang bawat dumaraan. Panay kasi ang tingin ng mga ito sa 'kin. 'Sabagay, sa ikinilos ni Maxwell kanina, talagang pag-uusapan kami ng mga nakakita.

Tumingin ako sa cellphone para i-check kung sumagot na si Maxwell. Ngunit hindi pa ito sumasagot. Sumandal ako sa couch at muling naghintay. Pero gano'n nalang ang gulat ko nang masulyapan si Maxrill sa may entrance ng hospital. Nakasandal ang tagiliran sa salaming wall, magkakrus ang braso at deretsong nakatingin sa 'kin. Agad kong hinanap si Hee Yong na noon ay inihiga ang buong katawan sa lupa. Nakangiti ko silang kinawayan pareho.

Tiningnan kong muli ang cellphone ko. Sumulyap ako sa daang posibleng panggalingan ni Maxwell. Nakangiti akong tumayo nang makita ko siyang naglalakad palabas.

"Yaz,"agad niyang salubong.

"Let's go?"nakangiti kong sagot.

Sandali siyang napatitig sa 'kin at saka napabuntong-hininga. Nawala ang ngiti sa mukha ko. "I'm sorry."Matagal bago siya nakapagsalita. "I have an emergency operation."

Hindi ko alam ang sasabihin at kung paanong magre-react. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ng tinig ni Maxrill. "Let's go, Yaz."

Napalingon ako kay Maxrill, sandaling napatitig sa kaniya. Bago ko muling tiningnan si Maxwell. Ngunit hindi ko nagawang magpaalam. Basta ko nalang siya tinalikuran.

"Yaz!"Humabol si Maxwell. "Babawi ako sa off mo, okay?"hindi ako nakasagot. "Okay?"umaasang aniya.

Pinilit kong ngumiti saka ako tumango. Ngumiti siya saka nagmamadaling tumakbo pabalik sa ospital. Sandali akong napatitig sa pinanggalingan niya bago tuluyang sumama kay Maxrill.

Nasa iisang field naman tayo pero bakit parang hindi kita maintindihan?

Sa unang pagkakataon, inihatid ako ni Maxrill nang wala ni isang salitang namutawi sa pagitan namin. Hindi ko alam kung bakit naroon siya kanina at naghihintay, o kung naghihintay nga ba siya. Kung naghihintay man siya, hindi ako sigurado kung para sa akin. Maitatanggi ko pa ba naman 'yon? Pero kung ganoon man, nagpapasalamat ako na naroon siya para saluhin ako...ulit.

~ To be Continued. . . ~

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
1.5M 33.9K 34
Doctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Paulit ulit, parang on-loop na kanta, mula...
19.2M 456K 101
We both inlove.. hindi na namin mabilang ang salitang i love dahil araw-araw naming sinasabi sa isa't-isa ang mga katagang iyon, nagkakatampuhan min...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...