Slide

Por ANAtheCowgirl

2M 43.5K 6.9K

[ Buenos Mafios Operations 1 ] [ Previously Titled "The Alphabet of Erotica Series #19: Slide" ] [ Wattpad Ve... Más

***
BUENOS MAFIOS OPERATIONS
---
Chapter 1: A New Vice
Chapter 2: Too Much Coincidence
Chapter 3: Free Bree
Chapter 4: Deserving
Chapter 5: Rivalry
Chapter 6: Saving Grace
Chapter 7: To Win The People's Heart
Chapter 8: Image
Chapter 9: Dinner
Chapter 10: Taste
Chapter 11: Reconcile
Chapter 12: Red Carpet
Chapter 13: Smooth Move
Chapter 14: Aubrey
Chapter 15: Question
Chapter 16: The Best Act
Chapter 17: Bad Light
Chapter 18: It's On
Chapter 19: The Worst Date
Chapter 20: The Devil That Works Harder
Chapter 21: Why?
Chapter 23: A Piece Of Her Past
Chapter 24: Respect
Chapter 25: Alliance
Chapter 26: Five
Chapter 27: Sealed
Chapter 28: We're Just Getting Started
Chapter 29: Strolling
Chapter 30: Election Day
Chapter 31: In Demand
Chapter 32: The Dove
Chapter 33: Best Actress
Chapter 34: Worried
Chapter 35: Usapang-Lasing
Chapter 36: Wishing Star
Chapter 37: Solo Pienso En Ti
Chapter 38: Good News
---
Chapter 39: Contentment
Chapter 40: Invitation
Chapter 41: The Speech That Killed Him
Chapter 42: Maria Clara
Chapter 43: A Mother's Concern
Chapter 44: Special Delivery
Chapter 45: Kaiser
Chapter 46: Denial
Chapter 47: Anger
Chapter 48: Guards
Chapter 49: Share Your Blessings
Chapter 50: Communication
Chapter 51: Another Chance
Chapter 52: Por Favor
Bonus Chapter: Private Beach
Chapter 53: Filtered
Chapter 54: Encounter
Chapter 55: Please, Be Careful With My Heart
Chapter 56: Like No Other Man
Chapter 57: Advice
Chapter 58: Bree, Go!
Chapter 59: Free Virgo
Chapter 60: Chess
Chapter 61: Back To Normal...?
Chapter 62: Take One... Action!
Chapter 63: Home
Chapter 64: Safety
Chapter 65: Love What We Hate
Epilogue
BreeGo Theme Song
Liham ni Andres Bonifacio para kay Oryang
Author's Note

Chapter 22: By Chance

23.2K 499 48
Por ANAtheCowgirl

NASA LOOB NG PRIBADONG DINING ROOM ng Hyatt Hotel si Virgo kasama ang kanyang mga kapartido. Lima sa mga ito ang nanalo noong nakaraang eleksyon sa pagka-senador, ang ilan naman ay kinailangang mamahinga mula sa pagseserbisyo dahil sa pagkatalo sa tinakbuhang mga posisyon. Ilan lang naman ang nakarating pagdating sa mga gobernador o mayor na kanilang kaalyado. Ang tumatakbo namang bise-presidente niya na si Pacito San Juan ay hindi makakarating dahil sa personal na rason na ayaw nitong ibahagi.

Bumungad ang malaki at pahabang mesa roon. Maayos ang pagkaka-set ng mga kubyertos ang pagkain na lamang ang hinihintay. Matapos ang kamustahan, nagsipag-upuan na ang lahat nang makumpleto.

Tumayo ang pinuno ng kanilang partido, si Senador Julian Herrera. The man in his formal suit was already in his seventies, but sharp and presentable. He lifted his wine glass to propose a toast. Glasses tossed and tinkled. Nagkanya-kanyang inom sila. Sumisimsim lang ng alak si Virgo nang mapuna ang pagdako ng tingin ni Senador Julian sa kanya.

"Siguro naman aware ang lahat," saad nito pagkalipat ng paningin sa iba pa nilang mga kasama, "na malakas ang laban ni Senador Virgo sa pagkapangulo."

There was a wave of hush and agreeing nods here and there.

"Alam niyo na siguro ang ibig sabihin nito," ngiti ni Julian, "na maaaring ito na rin ang maging huli nating pagpupulong na ako ang party leader ng ating partido."

Muling umahon ang halo-halong opinyon at reaksyon, mga bulung-bulungan at kaswal na pagsalit ng sulyap ng mga kapartido sa kanya.

Virgo humbly smiled. "Parang hindi ka rin naman mawawala, Senator," wika niya kay Julian. "Kanino pa ba ang ako kokonsulta at hihingi ng payo? Isa ka sa mga taong maaasahan ko pagdating sa ganoong mga bagay."

Tumayo si Virgo para tuluyang angkinin ang atensyon ng lahat. Bitbit niya ang wine glass na ininuman.

"Kung hindi na rin dahil sa pag-uudyok mo na tumakbo ako sa pagka-pangulo, kung hindi dahil sa tiwala mo sa kakayahan ko, at sa tulong ng ating partido, hindi naman siguro magiging ganito kalaki ang tsansa ko na manalo sa eleksyon."

Karamihan ay tumango-tango. Lunod sila sa papuri mula kay Virgo dahil napansin ng binata ang parte nila sa tatamasain nitong tagumpay.

"Kaya naman," ngiti ni Virgo bago inangat ang baso, "cheers para kay Senator Julian."

"Cheers!" halos koro ng lahat na inangat ang kanilang mga baso.

"Cheers para sa Partido Filipino," taas niya ulit ng baso.

"Cheers!"

Makahulugan ang ngisi ni Virgo bago sumayad ang gilid ng baso sa kanyang mga labi. He sipped his wine and the rest followed.

.

.

BREE COULD NOT CONTAIN HERSELF. Nakapasok na siya sa loob ng Hyatt Hotel, panay ang gala ng paningin sa paligid ng magarbong istraktura. May Victorian Era feel ang interior ng hotel, dominante ang kulay puting pintura na abot hanggang sa kisame at ang kulay ginto na mga accent. Nakabitin ang pilar na mga chandeliers na matingkad na dilaw ang liwanag na binibigay.

Alam niyang halos pinagtitinginan na siya ng mga taong napapadaan, maging ng mga bellboy doon at iba pang staff. Hindi nababagay kasi sa pormalidad ng lugar ang kaswal niyang kasuotan.

Pero hindi ba, hotel ito? Bakit kailangan na sobrang pormal ang kasuotan ng mga guest?

She approached the receptionist and asked for Krista. Nangingilalang tinitigan siya nito. Sigurado si Bree na napapaisip ito kung saan siya huling nakita dahil pamilyar ang kanyang mukha.

"I am her friend, may naiwanan lang siya sa kotse ko nung hinatid ko siya rito," pagdadahilan ni Bree para magsalita na ito.

"I'll try to page Miss Krista, Miss...?"

Napabuntong-hininga na lang siya. "Bree. Bree Capri."

May pagkilala na namilog ang mga mata ng babae. Pero pinili nitong magpaka-propesyonal. Magalang itong ngumit sa kanya.

"Noted, Miss Bree Capri," anito bago tinapat ang maliit na contemporary walkie talkie sa mga labi. Contemporary dahil walang antenna iyon. May pinindot ang receptionist na ilang buton at nagsalita. "Hi, Leandro. Pwede bang pakihanap si Miss Krista?"

'Yung celebrity, Ma'am Justine?

"Yes," nakangiti nitong sagot. "Pakisabi na may naghahanap sa kanya rito sa receptionist area." Sumulyap ito saglit sa kanya. "Miss Bree Capri ang pangalan. They can meet in the waiting lounge."

Copy.

"Thanks," tipid nitong ngiti bago binaba ang hawak na aparato. "Tara, Miss Bree," kilos nito palabas ng receptionist area para iwanan ang mga kasama roon. "I'll just assist you to our waiting lounge."

Nag-aalangan man na sisiputin siya ni Krista, tumango na lang si Bree. "Thanks."

.

.

VIRGO WAS IN THE MIDDLE of a conversation with a mayor in front of a wall mirror when a senator approached them. Nagbigay daan ang mayor at iniwanan silang dalawa.

"Senator Roman," ngisi niya rito. "How are you?"

"Great," tipid nitong saad, matiim ang tingin at puno ng kaseryosohan ang mukha nitong ginuhitan na ng edad at stress. "Nilapitan na kita habang may pagkakataon pa ako." Nagnakaw ito ng tingin sa mga kasama nila sa silid, naniniguradong walang makakarinig sa kanila.

"Mukhang seryoso nga ang gusto mong pag-usapan," inom niya ng kaunting alak. "Go on."

"Alam mo naman sigurong ang gulo ngayon sa senado. Mas marami ang nanalo mula sa oposisyon. Kung sakali man na ikaw nga ang manalong pangulo, hangga't nariyan ang mga iyan, hindi natin magagawa ang mga plano natin. There will always be these people who would disagree with our every action."

Virgo listened to Senator Roman with consideration.

"And worse, sinisiraan nila ang kapwa nila senador sa media, lalo na at hindi nila kapartido."

"So, what do you want to propose as course of action, Senator Roman" Virgo cooly replied. May ideya naman kasi siya kung saan tutungo ang usapang ito. Gusto lang niyang magmula iyon mismo sa bibig ng kausap.

"Well," sumilip ang pagkatuso sa mga mata nito. The senator did not smile, but his lips seemed to move in a way that it was about to do so. "You'll be the most powerful man in the government in a month or so, Virgo. Ibig sabihin, magkakaroon ka ng kakayahang gumawa ng order para mag-imbestiga at humanap ng pwedeng cause para..." he shrugged, pretending to be quite uneasy, "para... siguro mapaalis ang mga hadlang sa atin, at sa ating partido."

Bahagyang tumingala si Virgo, nasa kausap niya pa rin ang mga mata. Misteryoso ang klase ng tingin na pinasada niya rito.

"Masyado pang maaga para diyan, Senator Roman," aniya. "Bakit hindi mo ako hayaang, isa-isahin muna sila? Baka mabago ko ang isip at loyalty nila." Then here comes, Virgo's devilish grin as he threw an underlook at the older senator.

Ngumisi ito, pero nasa mga mata ang pagtataka. "How are you supposed to do that?"

"Dalawa lang naman ang importante sa isang tao, Senator Roman," angat niya ng ulo. "Pera o buhay nila."

Senator Roman's grin widened. His shoulders slightly moved, struggling to suppress the low chuckle that cruelly escaped from his lips.

Maluwag lang na ngumisi si Virgo. He was pretty entertained by pleasing even the most evil of people he could encounter. Dahan-dahang sumimsim siya ng alak mula sa hawak na baso, ang mga mata ay matamang pinag-aaralan pa rin ang naa-amuse at natatawang si Senator Roman.

.

.

TUMAYO SI BREE nang makita ang pagpasok ni Krista sa waiting lounge ng hotel. Hindi niya napigilang pasadahan ng tingin ang babae. Humahapit sa magandang hulma ng katawan nito ang puting dress. Long-sleeved iyon at hanggang kalahati ng hita nito ang pagyakap ng makipot na palda niyon. Mababa ang neckline kaya kita ang cleavage nito. May extension ang itim na buhok ng babae kaya umabot sa puwitan nito ang haba niyon. Mapula ang mga labi na nang-uuyam ang pagkakangisi sa kanya.

"Hi, Bree," maereng bati ng babae. "Want a selfie with me?"

Tumalim ang titig niya rito. Maingat na lumapit si Bree kay Krista hanggang sa magkatapat na silang dalawa.

"Ano? Masaya ka ba?" mapanghamon ang mababang tono ni Bree, matapang na nakatitig sa mga mata ng babae. "Masaya ka ba na nakuha mo ang role para sa Forbidden?"

Umawang ang mga labi nito, kunwari, nagulat. "Oh? I got the role?" She even dramatically placed a hand on her lower lip. "Oh. My. God. I don't know, Bree. Hindi ba, mago-audition pa tayo?"

Bree scoffed. Behind the bitterness, she managed to pull a wry grin.

"Come on, Krista. To me, you're a poor actress, kaya hindi mo ako mapapaniwala sa pagda-drama mong wala kang kinalaman kung bakit ayaw na akong i-consider ni Direk Karlos para sa role."

Hindi ito magpapatalo. Kita niya iyon sa bahagyang pag-iling ng babae.

"I'm serious, hindi ko alam!"

Matabang na tinawanan niya ito. "Alam kong may ginawa ka." Bree felt a lump in her throat and she despised it. She despised the realization that after all these years, she would feel this way... This heavy and disillusioned and hurt.

"Women like you, who take advantage on men, and step on other women to get what they wanted..." manginignginig sa galit niyang wika rito. "Kinamumuhian ko kayo."

"Don't hate me," Krista batted her eyeslashes. Ooh, the annoying bitch smiled wider. "Just because I am better than you, that doesn't mean you are allowed to hate me. Kayong mga nasa ibaba, mga newbies, mga..." ginawaran siya ng mapanghusga nitong tingin mula ulo hanggang paa, "mga... never sumikat... you're always so insecure, sa amin ninyo sinisisi kung bakit wala kayong marating sa showbiz. You better quit it, Bree. Walang mararating ang taong insecure."

"I am not insecure!" she clenched her fists. Kailangan dahil nangangati na naman siyang manugod. "I am mad! Dahil ang mga katulad mo ang pumuputol sa opportunity naming mga may tunay na ibubuga sa showbiz! Mga katulad mo na kung anu-anong sulsol ang ginagawa sa mga direktor tulad ni Direk Karlos, o sa kung sino man para kayo lang ang magkaroon ng exposure, ng projects, ng career!"

"Ang kapal ng mukha mong mag-akusa na sinulsulan ko siya!" lipad ng kamay ni Krista para manampal. Mabilis na sinalo ni Bree ang pulsuhan nito. Piniga kaya napadaing ang babae.

"Seems like, ikaw ang tunay na insecure!" singhal niya rito. "Threatened ka sa akin, Krista," titig niya sa mga mata ng babae na naghalo ang pagkabigla at iritasyon. "You've always known I am better than you."

Patulak niyang binitawan ang pulsuhan nito para mailayo si Krista sa kanya. She was about to walk out when Krista turned and pulled her by the hair.

Umikot si Bree at ginantihan ng sabunot ang babae.

Kapwa sila dumaing at napatili habang nagbubuno. Siya ang nanalo at naitulak si Krista. Mabilis itong nawalan ng balanse sa taas ng takong ng suot nitong sapatos. The woman gasped and threw a glare at her.

"Help! Help!" sigaw na nito nang matanaw na binuksan na ni Bree ang pinto.

Relaxed na lumabas siya ng waiting lounge, pero kinabahan dahil mukhang may nakasaklolo na kay Krista. Paglingon, nakita niyang may staff na papunta sa kanya.

"Miss—" tawag nito.

Shit, balik niya ng tingin sa harapan. Nilakihan ni Bree ang mga hakbang at gayundin ang staff. Doon na siya nagpasyang kumaripas ng takbo pasakay sa isang elevator.

Kakailanganin niyang ligawin ang mga ito bago siya makalabas ng hotel.

Nanginginig ang buong kalamnan niya at ang kamay na pinansapo sa noo.

Bree could even feel her lips tremble.

What did I ever do to you, Krista? Sa simula naman, hindi ko pinaramdam sa iyo na may dapat kang ika-insecure sa akin.

Nanatili siyang nakasandal sa loob ng elevator na iyon. Bree hung down her head and felt her hair strands drop to curtain her face.

Kapatid naman ang naging turing ko sa iyo... 'di ba?

.

.

LUMABAS SI VIRGO mula sa private dining room. Pumuslit lang siya para makapagsigarilyo ng kaunti. Bumuntot sa kanya si Greg at ang isa sa mga tauhan ni Jordan. After withdrawing a cigarette stick from his storage tin, may nahagip ang kanyang paningin na naglalakad sa lobby kaya natigilan siya mula sa pagsisindi ng sigarilyo.

He turned to Jordan's man. "Naiwanan ko sa kotse ang lighter ko. Pakisuyo."

Tumango ito at umalis na. Nang matanaw ang pagsakay nito sa elevator, binalingan ni Virgo si Greg.

"Kapag bumalik siya, pakisabing nagbanyo lang ako." At tumalikod na siya.

"Saan ka pupunta?" tanong nito. "Baka hanapin ka ng mga tao sa loob," tukoy ni Greg sa kanyang mga ka-partido.

"May suot kang earpiece," titig niya rito. "Malalaman mo rin kung saan talaga ako pumunta."

"Sasamahan na kita—"

"Huwag na," walang lingon niyang putol dito.

Hindi na kumontra pa ang kanyang bodyguard. Pinanood nito ang pagtungo ni Virgo sa dulo ng pasilyo at nawala na siya sa paningin nito nung lumiko siya.

He saw Bree hurrying in her steps. Lumingon ito para siguro i-check kung may nakasunod sa dalaga. Nang makilala siya ng mga mata nito, unti-unting bumagal ang mga hakbang ng babae. She came to a stop as his slow, sure strides crossed the distance between them.

Nasalo niya ang titig mula sa namamasa nitong mga mata. Naglalaro ang umaahong emosyon at mga katanungan doon. Matapang ang dalaga sa panlalaban mula sa pag-amba ng mga luha nito na pumatak.

Among the silence of the corridors, his steps synchronized with the beating of her heart.

The closer Virgo got to her, the more his confidence got stirred with wonder.

Curiosity.

Concern.

Why not? Wasn't he born for this?

To serve the people, the nation...

To be concerned with everyone in it?

Bree included?

Deretso pa rin ang tingin niya sa babae, tago ang mga gumugulo sa kanyang isip.

Huminto siya sa paglalakad, nag-iyan ng kaunting espasyo sa pagitan nila ni Bree na unti-unting pumihit para harapin siya.

.

.

***

AN

Hi, everyone! Happy Saturday! I hope you are all safe and warm, lalo na sa mga nakatira sa lugar na maulan these days (like me~) And if ever you see homeless animals out there, I hope you'll give them either a furever or temporary home through this inclement weather :') But of course, maging maingat sa mga iuuwing pets, make super sure they won't biteor hurt you, your safety matters most here after all!

And thank you sa inyo sa pagsubaybay sa Slide <3 <3 <3 I am happy that you are enjoying BreeGo's story! ;) Kitakits bukas para sa Chapter 23. That's one of the chapters you shouldn't miss, one of my faves, just because.

With Love,

ANAxoxo

Seguir leyendo

También te gustarán

30.1M 466K 54
│PUBLISHED│ Tigers #5 Luke Palermo
13.1K 395 12
Marco Santillan hated the case that was given to him, actually not just himself but the entire team. But nevertheless he has no choice its part of hi...
4.5M 112K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
3.4K 128 8
❝Yes, it's bad. But it's not wrong.❞ (Mature/R+18/SPG) -- Shiloh was a young eighteen-year-old girl with an angelic face and innocence. To her, every...