Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)

By notreallyNice

234K 6.2K 322

Highest Rank: #85 in Random #30 in Humor #GaySeriesNo.1 (Revising BOOK 1) Gangster. Siga. Lalaking-la... More

ANG CRUSH KO'NG BEKI
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHRISTMAS SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
ACKB2 A
ACKB2 C
ACKB2 D
ACKB2 E
ACKB2 F
:'(
ACKB2 G
ACKB2 H
ACKB2 I
ACKB2 J
ACKB2 K
ACKB2 L
ACKB2 M
ACKB2 N
ACKB2 O
ACKB2 P
ACKB Q
ACKB S
ACKB2 FINALE
ANG BEKI'NG EPILOGUE
ATTENTION!!!!

ACKB2 B

3.8K 96 2
By notreallyNice

CHAPTER B

In your face.

                 Ang saya saya ko ngayong araw na ito. Ang dali lang talaga lumipad ng panahon. Parang kahapon ko lang sinagot si Eros pero ngayon 1st anniversary na namin! Woooot! Dali lang diba? Ang tamad kasi ni Otor! Kaya pinabilis pati kwento ko. Pero okay lang basta masaya akooo! Hihihihi.

Pagkagising ko ngumingiti na kaagad ako! Kahit na hindi ko nakita si Eros sa kama niya o kung saan, siguro nauna na yun dito sa school....o di kaya naghanda ng surpresa para saakin? Sheems! Kaka excite at nakakakilig lang isipin! Waaaa! Kasi he never fails to surprise me every monthsary namin! Noon nga eh may weeksary pa! Oh ha! Asa ka pa! Edi doon na sa bakla!

Papasok na sana ako para sa susunod na klase ko nang naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya dali dali ko itong kinuha thinking na baka si Eros yun. Eh masaya ako kaya hindi ko na tiningnan ang caller ID at sinagot kaagad ito.

"Hello... Baby?" sabi ko at hindi parin mawala ang ngiti sa mga labi ko. Gosh! Nababaliw na siguro ako! Nababaliw kay Eros! Charot.

"Baby ka dyan! Eww ha." narinig kong sabi ng kabilang linya. Nanlaki ang mata ko at tiningnan ang caller ID.

"OMG! ATE SHAAAR!" sigaw ko nang namalayan kong si Ate Shar pala ang kausap ko.

"Baliw! Muntik nang mabasag ang eardrums ko sa sigaw mo ha!" sabi ni Ate Shar kaya tinawanan ko nalang. You cant blame me, matagal tagal narin kaming hindi nakapag chitchat ni Ate Shar.

"Saya mo yata ngayon ha." biglang komento ni Ate.

"Yeah..." sabi ko at napangiti na naman at napaisip sa relasyon namin ni Eros. Masasabi ko na magulo minsan ang relasyon namin kasi may beki side parin sakanyang lumalabas minsan pero kahit na ganoon its okay as long as ako lang ang babaeng minahal at mamahalin niya! Oh pak na pak! Bongaa!

"Nakakakilabot! Parang naiimagine ko yang mukha mo na abot langit ang ngiti! Ano bang meron?" pagtataka ni Ate Shar.

"Eh kasi ate..."

"HALA! Sinasabi ko na nga ba! May nangyari? May nangyari na sa inyo ni Eros?! Sabi ko na nga ba! hindi ako makapaniwala pero okay lang. Ayy shocking! Ang gulo. Paano kong buntis ka na nyan?! Baklang yun! Baka hindi safe ang pagtira niya---"

"ATE SHAR! Ang bastos talaga ng dila mo!" sigaw ko para tumigil na siya. Feeling ko kasi namumula na ang mukha ko dahil sa mga sinasabi niya.

"Ayyy bakit? Wala ba? Sayang!! Ang hina talaga ni Eros! Tsk tsk. Bakit hanggang ilang base pa ba?" tanong ni ate shar kaya mas namula ako at napakagat ako ng ibabang labi ko.

"Ate Shar naman eh!" sabi ko sabay punas ng pawis ko. Kinakabahan yata akong umamin.

"Ayy nahihiya?! O sige bukas nalang ulit ako tatawag. May trbaho pa me. Baboosh!" pagpaalam ni Ate Shar at binabaan na ako ng phone.

Grabe. Masyadong kontrobersyal yung tanong ni Ate Shar ha!. Oy wag niyo nang alamin. Wag makulit ha.....sabing wag! Okay payn! Naka second base na kami with matching chikinini/hickies pero hanggang doon lang! One year na po kami kaya dapat may progress. Echos! Hahaha. Dont try this at home ha! Its bad. Its very bad but feels good. Lol! Hahahhaha. Joke lang. Tawa tayo ng marami! Paksaya tayo! Wohoo!

"Good Morning Athena!" Sabi saakin ni Derrick. Nakita ko siyang nakatayo sa may locker room at kumakaway saakin.

"Good Morning din!" sabi ko at mas lalo pang ngumiti. Omg! Baliw na talaga ako! Pati si Derrick na kinaiinisan ko ningitian ko! Minabuti ko nalang na lampasan siya at nagmartsa na patungo sa next room ko for next subject.

Nasabi ko na ba sainyong college na kami? Ay hindi pa? Hindi ba obvious? O sige ito. College na kami :)

Ang kinuha kong curse este course (typo iyon) ay BS: LOVING Major in EROS CLEMENTE <3. Lol.

Di. Wala nang halong biro, ang kinuha kong korso ay... Hotel and Restaurant Management! Semple lang naman kasi ang pangarap ko eh, ang makita ang sarili ko na yun bang nag ge-greet sa mga taong dumadaan at inaalalayan sila. Sabi ng iba sayang daw ang katalinuhan ko kung mag e-HRM lang daw ako pero wala silang magagawa dahil iyon ang gusto ko :\

Tatanungin niyo kung ano ang kinuha ng Baby Eros ko? (Chos? Parang anak?) Syempre very very smart nun eh kaya nakakuha ng scholarship. May scholarship din naman ako pero mas malaki yung nakuha niya. Gusto kasi ni Eros maging Doctor! Sosyal diba? Ang kinuha niya muna ngayon ay BS: Biology tapos magpo-proceed na siya for Medicine. At dahil nga matalino siya nag exceed siya sa klase nila kaya minabuti ng school na mag advance classes na siya! Oh diba? Super genius.

"Okay class. That's all for today." sabi ng teacher namin kaya natuwa kaagad ako.

Lunch time na kasi kaya makikita ko na ang baby Eros ko! Hihihi. Yes. Kahit na sobrang busy na kami may time parin kami for each other! Noong nag enroll kasi kami sinisigurado talaga ng baby Eros ko na magkatugma ang schedules namin. Galing lang diba?

"Happy one year Athena!"

"Athena, Congatrats! You both made it!"

Panay ang ngiti ko sa mga kaklase kong bumabati saakin sa anniversary namin ni baby Eros <3.

Hanggang sa makarating ako ng cafeteria may bumabati parin kaya sumasakit na rin ang panga ko kakangiti. Lol.

Nang makarating ako sa usual spot namin ni Eros nagulat ako dahil walang Eros na naghihintay saakin sa lamesa namin. Actually, siya naman ang nauuna at naghihintay saakin dito eh. Di bale baka may surpresa kaya maghihintay nalang ako.

FIFTEEN MINUTES PASSED. Hanggang sa naging Twenty.. Thirty... Kumukulo na ang tyan ko.... FORTY.... at...

*riing* *riing* *riing*

Nag ring na ang bell hudyat na magsisimula na ang afternoon class session. Okay lang saakin dahil vacant time ko naman pero may klase na kasi si Eros sa oras na ito. Kaya being a caring ang loving girlfriend I am, minabuti kong sumilip sa classroom nila. Nakita ko na sobrang ingay at gulo ng room nila kaya napagtanto ko na wala pa ang profesor nila.

"Uy! Athena..sino hinahanap mo?" tanong saakin sa isa sa kaklase ni Eros. Kaibigan rin ito ng baby ko kaya mukhang alam niya nasaan si Baby Eros.

"uhhmmm... Tyro, alam mo nasaan si Eros? Pumasok ba siya?" tanong ko sakanya kaya napakunot naman ang noo niya.

"Hindi ka ba niya sinabihan?" para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Tama. Hindi niya ako sinabihan kahit Girlfriend niya ako. Ni wala akong alam kung kumusta ba siya sa school.

"Napili kasi sila ni Megan as representative for science fair kaya maaga silang pumunta dito para mag experiment chuchu. Nasa science laboratory sila. Mukhang hindi pa sila tapos baka nandoon pa sila." sabi ni Tyro kaya napatango nalang ako at lumakad pataas patungo sa Science Laboraty.

Lutang na lutang at palipad lipad na kung saan saan ang isip ko nang makarating ako ng Science Laboraty. Nang nabuksan ko ng kaunti ang pinto nakita ko kaagad na.... Shiiittttt! Ang dali namang tumulo ng luha ko at nanginginig pati tuhod ko! Nagyakap palang sila ha! Ano nalang kaya kung iba na ang ginagawa nila.

"GOD! We did it! You're so genius talaga Eros! I super love you na!" malanding utas ni Megan at niyakap ulit si Eros.

"HAHAHHA!" tawa ni Eros. Nakita ko kung paano nag ti-twinkle ang mga mata ni Eros habang tumatawa. Really, Eros? Lumalandi ka nang bakla ka?!

Itong luha ko? Sayang na sayang lang! Yung Eros na malanding bakla? Iiyakan ko? Asaness! In his handsome face! At dahil sa galit ko pinunasan ko muna ang mga luha kong nakalabas na and slammed the door! They never bother me anyway! Kaya let it go! Let it go! Cant hold it back anymore! Nag walkout lang naman ako at may pa kembot kembot pa.

Narinig kong tinawag at hinabol ako ni Eros pero hindi ko siya nilingon. In your face Eros! Magdusa ka! Heto pa naman akong sobrang saya dahil One Year na tayo pero ikaw lumalandi ka lang pala at nagpakasaya kasama ang ibang babae.

_________________ xx

NOTE: spoiler--> bukas o makalawa...mamatay na si Athena.

Continue Reading

You'll Also Like

77.6K 974 33
"bat ka nagbabasa ng smut sa klase ko?" 『X1 series #2』 °chat + narration °taglish 。teacher x student completed :pyutyr
175K 6.3K 54
He'll be a man. TRUST ME Xtreme Series: story of Van Robisphere Delgado and Jaydiah Louisse Decena
85.6K 2.8K 47
WHAT IF YOU SUDDENLY WAKE UP ONE MORNING AND FIND YOURSELF TRAPPED IN SOMEBODY ELSE'S LIFE? Even in her wildest imaginings, ELYA, an ordinary BTS AR...
1.2M 20.7K 81
"Ang pag-ibig na pinilit, nakakapilipit." Sinong matinong babae ang itatali ang sarili sa isang beki?! P.S. Isang SUPER-DUPER-MEGA-OVER-GWAPONG BEKI.