ACKB2 E

3.3K 70 1
                                    

CHAPTER E

Tulong.


                   Mag-isa lang akong kumakain ng lunch dahil wala si Eros ngayon. Nag text siya saakin sabi niya may gusto dawng kumausap sakanya at inimbitahan siyang maglunch sa isang restaurant kasama ang professor niya. Hindi ko nga alam sino ang ime-meet niya pero may tiwala naman ako sa Eros ko.



"ATHENAAAAAA!!!!" napalaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses na iyon at tama nga ako na si Nice iyong tumawag saakin. Papalapit siya saakin habang dala ang isang tray na sobrang dami ng pagkain.



"Paupo ha. Grabe, halos puro occupied na lahat ng seats eh." sabi niya at inilapag ang tray niya at tumabi na saakin. Tiningnan ko siya nang mabuti at nakita kong ang laki na ngang pinagbago niya. Sobrang boyish na yung suot niya at naka simple bun lang ang buhok niya kaya mas lalong lumalabas ang kagadahan niya. Hindi narin siya naka-make up.




"Anong nangyari sa ayos mo ngayon?" tanong ko sakanya at tiningnan ulit siya sa ulo hanggang paa. Atas nagulat ako nang makita kong naka tsinelas lang pala siya! Woah.




"huh? Bakit anong problema ng ayos ko?" sabi niya at nagsandok ng sobrang daming pagkain at kinain ito. Ang weird. Para talaga siyang babaeng kalye pero hindi obvious sa sobrang ganda niya.



"Ganyan ka ba talaga?" tanong ko out of nowhere. Napahinto naman siya sa pagkain at nakita kong pinipigilan niyang tumulo ang luha niya.




"Yes. Ganito ako pag broken hearted! Huhuhuhu..." sabi niya at umiiyak na nga habang sumusubo na naman ng isang kutsarang punong puno ng kanin.




"Bakit? Ano bang nangyari? Teyka...si Zion ba yung iniiyakan mo?" tanong ko sakanya at napangiti naman ako nung tumango siya. Naalala ko din iyong mga araw na sobrang lungkot ko nung beki pa si Eros.




"Eh kasi naman! Hindi nagwork yung first step ko! Yung loko tinaguan ako! Sayang ang effort ko nung araw na iyon! Tapos nung nagpakita naman siya saakin sobrang sungit pa! Pinagalitan pa ako!" pagdaldal nito. I smell something fishy. Diba ganito din iyong saamin ni Eros? Pinapagalitan din ako ni Eros noon! Yun pala iba na ang intensyon niya! Hihi.




"Bakit parang kinikilig ka ata?" tanong ni Nice saakin at pinunasan niya ang mga luha niya.




"Wala. Wala....basta ang masasabi ko wag kang sumuko." sabi ko sakanya kaya napangiti siya.



"Sinong may sabing susuko ako?! Asaness! Never as in never! Dauntless never give up! Mwahahahaha!" sabi niya at masigla na ulit na kumain. Grabe, sobrang daling magshift ng mood niya. Napa iling nalang ako at napa tawa.

   **==============**


Matapos ang lahat ng klase ko ay naisipan kong puntahan sa klase si Eros ngayon. Ang last text niya lang kasi saakin ay iyong sabi niya na nakarating na daw siya dito sa school. Hindi ko naman siya ma reply-an dahil may klase pa ako sa oras na iyon.



"Excuse me.." pagkalabit ko sa isang babaeng nakatalikod saakin para tanungin sana kung nasaan si Eros. Nagulat ako nung humarap siya. Si Megan pala ang nakalabit ko.



"Hi Athena. Anong kailangan mo?" sabi niya saakin at binigyan niya ako ng isang malapad na ngiti. Hindi naman ako bitter, pero sobrang uncomfortable ako habang kausap ko siya. Sarap sakalin eh. May payakap pa kasing nalalaman. Pssshh.



"Nakita mo ba ang baby Eros ko?" taas noong sabi ko. Napatawa naman siya sa ginawa ko.



"Ang sweet niyo talaga. Ahmm.. Nakita kong kinausap siya kanina ng prof.  pero siguro nasa classroom na siya." sabi niya habang nakangiti. Ewan ko pero parang plastic ang ngiti niya o baka dahil lang to sa pagkakaselos ko.



Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Where stories live. Discover now