CHAPTER 17

3.7K 112 3
                                    

CHAPTER 17

             

               Naiilang ako bigla na kausapin si Eros kasi parang busy siya sa pagkain niya. Ni hindi na nga niya ako kinausap pa matapos yung sinabi niya kanina saakin.

"Athena.. ito oh! Crabs, diba paborito natin to dati. Nagpaluto ako kanina kaya ito kainin mo ito." Napalingon ako kay Stephen at nakita ko'ng may dala siyang isang plato. Umupo narin siya sa tabi ko at nilagyan niya ang plato ko ng pagkain.

"Hindi naman siya kumakain niyan." Nagsalita bigla si Eros kaya napatigil si Stephen.

"Hindi ka na kumakain nito Athena?" Tanong saakin ni Stephen.

"Ahhh.. hindi na kasi eh." sabi ko. Tama naman si Eros. Hindi na talaga ako kumakain ng crabs. Ewan ko kung bakit ko yun gusto nung bata ako. Siguro dahil sa crush na crush ko si Stephen ay naging paborito ko na din ang paborito niyang pagkain noon.

"Ito steak. Kainin mo yan. Ako ang nagluto niyan kanina" Sabi ni Eros at binigay saakin ang plato na akala ko kanina ay sakanya.

Naramdaman at alam ko'ng nalulungkot si Stephen pero wala na akong magagawa doon. Pagkain to eh. Nagugutom narin ako kaya kinain ko na ang niluto ni Eros. Simula kasi noong tumira kami sa iisang bobong naging kasanayan ko na rin ang mga gusto ni Eros. Para bang siya yung comfort zone ko.

"Mauna na ako sainyo." Nagulat ako kasi biglang tumigil sa pagkain si Eros at umalis na.

Bakit parang ang hirap na niyang basahin o intindihin ngayon? Ano ba talaga ang problema ni Eros?

"Athena...nakikinig ka ba?" Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako kinakausap ni Stephen.

"huh? ahh.. sorry, ano nga ulit yun?" sabi ko at nagsimula nang kumain. Nakita ko na parang nalulungkot si Stephen pero pinalitan ito ng isang mapilit na ngiti.

"uhmmm. ano, gusto sana kitang yayain sa isang dinner date ngayong gabi...kung okay lang sayo." sabi niya.

"date?" date? kung tatanggapin ko ito ibig sabihin ay binibigyan ko si Stephen ng pag-asa. Pero kung hindi ko naman tatanggapin masasaktan ko si Stephen. Ayaw ko namang masaktan siya kasi kaibigan ko naman siya.

"Okay lang." sabi ko at ningitian siya bago kumain ulit.

"Thank you Athena." bulong niya pero sapat lang ito para marinig ko.

****************

Mahigit dalawang oras ko ring hinanda ang sarili ko para sa dinner date namin ni Stephen. Syempre alam ko rin kung kailan ko kailangang magpaganda no!

Matapos ko'ng mag ayos ay minabuti ko nang lumabas ng kwarto namin ni Eros at magpalipas nalang ng oras na may beach tutal 30 minutes nalang din naman bago mag 6.

Nasaan kaya si Eros? kanina ko pa kasi siya hindi nakita.

"Uyyy! wow! Ang ganda natin ngayon Athena ha! yieeee. Pinaghandaan talaga ha!" Sabi ni Ate Shar nang makita niya ako.

Nakapink tube dress lamang ako na hanggang tuhod. Kinulot ko rin ang dulo ng buhok ko at nag apply ng konting make-up.

"Salamat Ate Shar."

"Nakuuu! sure ako na magugulat talaga yung kapatid ko kapag nakita ka niya! Tsk. Tsk. sayang wala si Eros..." Sabi ni Ate Shar.

"ayy. oo nga po. Asan po ba si Eros? hindi ko po siya nakita kanina lang."

"Si Eros? hindi mo alam kung nasaan si Eros?" Parang nagulat si Ate Shar.

"hindi po." sabi ko. Bakit? ano ba ang dapat ko'ng malaman? may nangyari ba?

"Tumawag daw kasi ang tito niya kanina. Sabi ni Eros uuwi daw siya sa probinsya dahil--"

Teyka....hindi kaya...

"Hala! Athena! Saan ka pupunta?" Tanong saakin ni Ate Shar at pinigilan akong tumakbo.

"Nakalabas na ang tatay ni Eros sa galing kulungan diba? Ate Shar kailangan ako ni Eros. Kailangan ko siyang puntahan ate." sabi ko at tumakbo ulit. Pero di kalayuan narinig ko ulit si Ate Shar.

"Athena! Diba may date pa kayo ni Stephen diba? paano na ang kapatid ko?" dahil sa sinabi niya ay napatigil ako.

Sino ba ang pupuntahan ko? Si Stephen? o si Eros? SHT ANG GULO!

[LATER!]

NOTE: Short ulit! hahahha. Nag UD din kasi ako sa 'My Name is KARMA'. Read it kung hindi niyo pa nabasa ;)

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon