CHAPTER 15

4.2K 143 4
                                    

CHAPTER 15

ATHENA RODRIGUEZ'S POV

Alas onse na ng gabi pero hindi parin bumilik dito sa kwarto si Eros. Sabi ko na nga ba eh... Galit ba yun saakin? Sana tinulak ko nalang siya kanina. Tsk. Kasalanan ko to! Tanga ko talagaaaa. Ayan. Lumayo na tuloy siya saakin.

Hindi. Hindi ko kayang wala siya. Ito yung ayaw ko kaya nga hindi pa ako umamin sakanya. Kasi baka... Lalayoan niya ako na para bang mandidiri sa tuwing makikita niya ako o lalapit sakanya. Hindi ko hahayaang mangyari yun.

Mahal ko siya. Aminado ako. I am ready to stand the pain so I've decided to play the game and take the risk. A game which I dont know if I would ever win. Win Eros' heart.

Pero ang pinagdududahan ko... Why did he kiss me? He initiated it. Siya yung unang humalik saakin. Is it by chance, he likes me too at lalaki na siya? Urrrghh. Ang labo naman. Saya ng lablayp ko! Hoho.

KWERK.(door opens)

Nung narinig kong parang bumukas ang pinto ay pumikit ako at nagpapanggap na tulog. Narinig ko yung footsteps niya....papalapit saakin. Nakikisabay ang kabog ng dibdib ko sa mga yapak niya. Napakagat ako ng labi ko nang biglang tumigil yung hakbang niya.

Naramdaman ko din ang paggalaw ng kama na para bang humiga siya o umupo? Ewan ko hindi ko makita.

I heard him sigh. Naramdaman ko din ang pagdapo ng isang daliri niya sa noo ko patungo sa ilong ko...sa pisngi ko... Kinakalibutan ako na nakikiliti.. Hanggang sa tumigil siya sa labi ko. Nanginit bigla ang pisngi ko.

"Alam kong hindi ka pa tulog ... Matulog ka na.. Sa sofa nalang ako." aniya. Ayyy. ang fail naman ng acting skills ko. Tsss. Nang idilat ko ang mata ko ay nakita ko na siyang tumayo at humiga sa sofa.

"S-sigurado kang sa sofa ka lang?" nauutal kong tanong sakanya. Eh mukhang masikip pag dun siya sa sofa ang tangkad niya kasi!

"tssss" narinig kong sabi niya at tiningningnan ko siya nakahiga na nga siya at nakapikit ang dalawang mata. Mukhang hindi talaga siya komportable sa posisyon niya. Kawawa naman. Sigurado akong mangangalay yung paa niya bukas kung sakali.

"A-ahh. Eros?" pagtawag ko sakanya.

"Hmmmm."

"Dito ka nalang. Tabi nalang tayo.. T-tutal malaki naman tong kama kasya lang naman tayo." sabi ko at kinagat ang labi ko. Shyeet. First time kong nagyaya sakanyang tumabi saakin. Landi ng lola niyo! Tse.

"Hindi. Matulog ka na." maikli niyang sagot at nakapikit parin ang mga mata niya. Napamura naman ako ng pabulong at kinagat kagat ang labi ko feeling ko dumudogo na nga eh.

Nakita ko siyang gumalaw. Mukhang hindi talaga siya kompotable sa sofa. Para nga siyang giant na nakahiga sa maliit na sofa. Tsk. Mas lalo akong nakonsesya. Ayaw niya bang tumabi saakin dahil sa nangyari kanina? Ito na ba yung sign na lalayo at iiwasan na niya ako? Nandidiri ba siya saakin?

"Eros!! Hindi ako matutulog dito pag di ka tatabi saakin! Tsk. Alam kong nangangalay na ang paa mo diyan! Tabi na! Baka magbago pa ang utak ko!" tinarayan ko na talaga siya para sumunod saakin.

"Aiishhh!" aniya sabay gulo ng buhok niya at idinilat ang mga mata at tiningnan niya ako habang naliliit ang mata niya. Hindi pa siya tumabi saakin pero naka upo na siya ngayon sa sofa.

"Sigurado ka? O-okay lang sayo?" sabi niya nang matapos niyang ginulo ang buhok niya at nakayuko na ngayon. Hindi ko alam ang reaksyon ang mukha niya kasi lamp shade lang ang naka-on at hindi kasi ako masyadong makakakita pag dilim kaya nga ayaw ko talaga sa dilim.

"Ahh. Oo.." sabi ko na pabulong. Napakagat naman ako ng labi ko. Ayyst. Sigurado ba akong kaya kong katabi siya? Ayyst. Pweding magback-out? Lol. Wag na blessing to. Wahahha. Landi niyo!

Ewan ko kung tama ba yung nakita ko o imahenasyon lang ba yun pero nakita kong nalaglag ang panga ni Eros pero dali naman itong nawala at... Ngumisi siya? Tama ba yung nakita ko? Pero bakit naman siya ngingisi diba? Ayyst. Ang gulo!

"Arayt." maikli nitong utas at narinig ko ang mga yapak niya palapit saakin. Dalidali naman akong humiga at siniksik ang sarili ko sa kumot. Urrgh. Naka-on naman ang aircon at naligo naman ako kanina...pero bakit ang init? Tapos lalong uminit dahil sinubsob ko ang sarili ko sa komot! Ang talino ko talaga. Saya! =.=

At dahil sobrang init na talaga. Nilayo ko nalang yung komot. Nakatalikod ako kay Eros kaya hindi ko alam kung natulog na ba o ano na ba.

Ano kaya ang mangyayari kung lalaki talaga si Eros? Mamahalin rin niya ba ako? Kami naba ngayon kung sakali? Magiiba ba ang pakikitungo ko sakanya o pakikitungo niya saakin?

Haaaaay. Dahil sa pag-iisip ko ay inabutan na ako ng antok. Makatulog na nga lang..pero bago ako makapunta sa dreamland ay may narinig ako pero hindi ko alam kung ano yun basta parang parang may bulong sa taenga ko.

"Goodnight Athena.. I think I'm starting to like you..."

Yun ang narinig ko at naramdaman ko parang may dumapo sa noo ko. Hindi ko alam kung totoo ba yun o baka naman panaginip na rin yun. Kung panaginip man nun sana hindi nalang to matapos. Para kasing may umikot saakin at sinubsob niya ako sa bisig niya. Ang sarap. Ang komportable.

I belong here. I love this feeling. Sana ganito nalang.

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Where stories live. Discover now