CHAPTER 18

3.6K 115 2
                                    

Note: this chapter contains some OA scenes. Please makisabay nalang. LOL

CHAPTER 18

                     Sa mga oras na iyon, pinag-iisipan ko kung sino ang dapat ko'ng puntahan. Kung sino ko dapat mas bigyan ng oras sa kanilang dalawa.

Noon, pinagtatawanan at inaasar ko lang ang mga kaibigan ko'ng naguguluhan sa kanilang nararamdaman para sa taong mahal nila pero ngayon alam ko na na.....mahirap pala talaga. Lalo na kung dalawang lalaki ang pinagpipilian mo. Ang masaklap pa, pareho silang mahalaga saiyo.

Si Stephen na mahal ako higit pa sa pagmamahal ko sakanya bilang kaibigan. Oo, mahal ko naman si Stephen pero hindi ganoong pagmamahal. Yun bang pagmamahal na pangkapatid lamang.

Si Eros...well, mahal ko siya pero hindi ko alam kung mahal din ba niya ako.....wait, erase! mali yata. Si Eros na mahal ako pero hindi naman ako mahal at malay natin....hindi niya pala ako kayang mahalin. Si Eros na mahal ko pero beki. Si Eros na hindi kami talo.

Sa mga oras na ito mas nalalaman ko kung ano ang mga tunay ko na nararamdaman. Mas nalalaman ko kung sino sa dalawang iyon ang pipiliin ko... kaya ngayon....

"Athena! Buti nakarating ka.... so let's take a seat first and eat?" sabi niya at nakikita ko ang mga ngiti sa mga labi niya.

"Thank you, Stephen" sabi ko matapos niya akong inalalayan sa pag upo.

Habang kumakain kami hindi ko maiwasang igala ang aking mga mata sa paligid. Pinagrentahan talaga ito ni Stephen for sure. Kami lang kasi ang tao dito. Aminado ako napaganda talaga ng lugar na ito. Maya maya lang ay naramdaman ko ang mga palad ni Eros na hinahawakan ang kamay ko na nasa lamesa pero hinahayaan ko lang siya.

"I'm really happy that you came, Athena. Thank you for giving me this chance." sabi niya pero tulad lang ng kanina binigyan ko lamang siya ng ngiti.

"Stephen ang ganda naman dito. Nag abala ka pa talaga." pagkomento ko habang iginala muli ang mga mata ko.

"Nothing is as beautiful as you, Athena. Can I have this dance with you?" sabi niya at narinig ko'ng may nagpatugtug ng kanta.

...Oh thinking about our younger years

There was only you and me

We we're young and wild and free..

"sure" maikling sabi ko at ibinigay sakanya ang kamay ko. He then slowly lead my hand towards his neck at naramdaman ko'ng gumagapang ang kamay niya papuntang beywang ko.

...Now nothing can take you away from me

We've been down that road before but that's over now you keep me coming back for more...

"Maraming salamat sa lahat Stephen and I'm so happy na nagkita ulit tayo...." napatigil ako sa sinabi ko dahil mas lalong humigpit ang kapit niya sa beywang ko at isinandal niya ang ulo niya sa may leeg ko.

"I know where this is going..." bulong niya pero rinig na rinig ko.

...Baby you're all that I want when you're lying here in my arms.

I find it hard to believe, we're in heaven.

You're love is all that I need and I found it there in you're heart.

It isnt too hard to see we're in heaven...

"I'm sorry Stephen..." bulong ko din pero ang mas nakakapag gulat saakin ay naramdaman ko'ng pumatak ang mga luha ni Stepehn sa may leeg ko.

Sa mga oras na ito, alam ko na kung sino ang mahal na mahal ko. Na yun bang kaya ko'ng talikuran ang ibang lalaki para lang sakanya.

"You really love him, huh?" Sabi ni Stephen at humarap saakin. Ngumiti siya pero alam ko'ng nasasaktan ko siya.

Ang gusto ko'ng lalaki ay iyon bang mahal ko siya pero wala akong makitang rason kung bakit mahal ko siya. Mahal ko siya dahil mahal ko siya. Hindi iyong sinasabi mo'ng mahal mo siya pero ang konti lang ng rason para mahalin mo siya. Gusto ko yung mahal ko siya pero wala akong maisip na rason dahil halos lahat ng sakanya ay mahal ko.

"Oo eh....Mahal ko siya. Mahal na mahal." Sabi ko at naramdaman ko'ng pumatak na rin ang mga luha ko.

Sa mga oras na iyon, nalaman ko kung gaano kahalaga at ko'ng gaano ko kamahal ang isang lalaki...

Eros...mahal na mahal kita. Alam ko'ng ako lang ang masasaktan sa huli pero okay lang, handa akong masaktan kasi mahal na mahal kita....

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Where stories live. Discover now