CHAPTER 16

4K 127 3
                                    

CHAPTER 16

               

                  Nagising ako hindi dahil sa init kundi dahil sa lamig na nararamdaman ko. Bumangon ako at pinatay ang aircon. paano ko pinatay? binaril ko siguro. :3

Hala! oo nga pala. Magkatabi nga pala kaming matulog ni Eros kagabi. Nang tiningnan ko ang kama wala na siya. Ganyan ba siya mandiri saakin? Aalis agad? Ganoon?

Hmmp. Bahala na nga. May naisip akong ibang maganda. Kinuha ko ang unan ni ginamit ni Eros kagabi at inamoy ito. Amoy Eros Te! Kinuha ko na rin ang cellphone ko at nag selfie kasama ang unan. hashtag AmoyEros

"Uy. Gising ka na pala!"

"Ayyy! Mabango!" Dalidali kong tinakpan ang aking bibig. Putek! sana hindi niya ako nahuli. please!

"Bumaba ka na. Kakain na daw tayo." Walang emosyon na sabi niya. Ni-head to foot ko siya at grabe, ang gwapo lang niya. Mala-James Reid ang kagwapohan at ang hubog ng katawan. Yun nga lang may pink na panty in short beki.

"Ahhhh. sige." Tiningnan ko lang siya habang palakad siya palabas ng kwarto. Grabe pag nakatalikod di mo aakalaing bakla siya.

"By the way, Nice selfie." Sabi niya bago niya isinara ang pinto.

OHMYGOSH! NAKITA NIYA AKO NAKINA NA NAGSE-SELFIE KASAMA ANG UNAN NA GINAMIT NIYA KAGABI! SURE NA SURE AKO SA NAKIKITA KO NA TUMAWA SIYA! PINAGTAWANAN NIYA AKO!

***************

Matapos akong maligo at inayos ang sarili (wag na nating pag usapan kung paano ko pinatahan ang sarili ko matapos akong mabuking ni Eros) minabuti ko nang bumaba. Nang nakababa ako nakita ko kaagad sina Ate Shar kasama si Eros at nagtatawanan.

Ano kaya pinag-uusapan nila? Ako kaya? Bakit parang feeling ko ako nga yung pinagtatawanan nila? Urghhh. Hindi naman siguro diba?

"ATHENAAAAAAAA!!!!!" Napalingon ako kung saan nanggaling yung sigaw na tumawag saakin.

"Uy Stephen!" Sabi ko at ngumiti ng mapilit. Grabe lang, ang dami kasing tao kaya napalingon sila saakin. Dumadami na nga ngayon ang tao gaya lang nung sinabi ni Ate Shar.

"Namiss kita ah! Medyo napagod ako sa byahe pero solb na nang makita kita." Sabi niya at niyakap ako. Okay lang naman saakin na yakapin ako ni Stephen kasi normal lang naman iyon sa manliligaw diba? isa pa kababata ko naman din si Stephen.

Pero......ang tanong mahal ko ba siya higit pa doon? Ewan ko. Si Eros naman ang gusto ko. Oo nga, crush ko si Stephen noon but I guess he's too late. Pero wala naman akong mapapala sa one sided love ko kay Eros. Kaya baka sakali na si Stephen nalang at hindi yung taong hindi naman ako kayang mahalin.

"Athena!" Naitulak ko si Stephen nang makita ko si Eros na nakatingin saamin. Grabe, isang tawag niya lang kaya kong talikuran si Stephen. Siguro kung isang 'mahal kita' niya lang kaya ko'ng talikiran ang ibang lalaki.

"Eros! bakit?" Sabi ko kay Eros.

"Hindi ka pa kumain diba? Kumain na tayo." sabi niya at nauna nang lumakad patungo sa may Resto dito sa Resort. Sumunod naman ako sakanya sa paglalakad.

"hindi ka pa kumain Athena? sabayan na kita! tutal naguguton na naman kasi ako." Hindi ko namalayan na sinundan rin pala ako ni Stephen. Tumango nalang ako sakanya at lumakad ulit.

Kwento lang ng kwento si Stephen pero lahat ng iyon ay lumalabas lang sa kabila kong taenga. Nakafocus lamang ako sa lalaki slash beki na nasa harapan ko. Nakita ko na napalingon ang mga babaeng dinadaanan namin. May lumapit pa nga sakanya pero di niya pinansin.

Matapos naming kumuha ng pagkain ay nauna nang umupo si Eros sa isang bakanteng Table. Nagsimula na rin siyang kumain. Grabe ha, sabi niya sabay kami pero mas nanuna siyang kumain! asan ang sabay doon? >x<

"Saan mo gusto umupo Athena? Doon kaya tayo sa labas kasi maganda ang view. O kaya doon sa itaas kasi--"

"Ahhh.... Doon nalang tayo sa table ni Eros, Stephen. Kung okay lang sayo." Sabi ko sakanya. Ewan ko pero parang nalungkot siya o baka iniisip ko lang iyon.

"Sige ba. halika..." sabi niya at hinila niya ako.   "Eros! Pare! Pwede dito nalang din kami uupo ni Athena? Pashare ng table ha?" Sabi niya kay Eros.

"Ge." ge? yun lang? 2 letters one word pero ang pagkabigkas ay sobrang tigas. Siguro dahil sa kinain niya.

"Teyka lang Athena. May kukunin lang ako sa kitchen babalik lang ako. Kung nagugutom kana kumain ka nalang din." Sabi ni Stephen at nagmadaling umalis iniwan niya ako kasama si Eros na patuloy parin sa pagkain niya.

"Sabi ko tayo meaning tayong dalawa hindi yung nagsasama pa ng iba." bulong niya pero narinig ko iyon.

"Ha?" Baliw. kinakausap ang sarili.

"Wala! Sabi ko nagugutom ako kasi tiniis ko kanina para lang makasabay sa pagkain ang isang taong may sinama rin namang iba!" sabi niya at nagpatuloy na sa pagkain.

Teyka.....AKO BA YUNG IBIG NIYANG SABIHIN? O SI STEPHEN? ha? ang gulo talaga pag beki.

[LATER!]

NOTE: Ohmeged! its good to be back! sorry short UD muna for now supper busy sa school works kasi. Ciao! Laters!

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Where stories live. Discover now