ACKB2 L

2.4K 68 3
                                    

CHAPTER L
unfair



                         Napabuntong hininga ako at inihanda na ang sarili ko sa pagbaba. Isinuot ko na din ang shades ko para matakpan ang mga mata kong halos tatlong layers na ang eyebags dahil sa sunod na sunod na mga photoshoots.



Tumingin ako sa paligid at wala parin pala talagang nagbago. Mainit at para bang nakakasunog sa balat. Ganito parin talaga ang Pilipinas. Its been six years...six long years... At ngayon lang ulit ako nakauwi dito sa Pilipinas.


"Hoy! Kung makaarte ka diyan feel na feel mo na para kang nasa isang music video!" Napalingon ako kay Shine na panay ang mura habang bitbit ang malaking maleta niya na puno naman ng mga make-ups at achuchus na kung ano pang kaartehan.


" Shine.... Alam mo ba?" tanong ko sakanya kaya napatigil siya at tumingin bahagya saakin.


"Hindi ko alam eh. Pasensya na." sarkastikong sabi niya saakin. Kahit kailan talaga! Itong baklang to talaga!



"Pambihira! Panira ka eh. Aminin mo nalang kasi na inggit ka sa beauty ko. Hmmmp!" sabi ko at inirapan siya.


Ganyan na talaga kami. Sa sobrang close namin ay komportable na kami sa mga bangayan. Ganyan kami nagmamahalan bilang kaibigan. Sa totoo nga lang, sobrang laki ang pasasalamat at ang utang na loob ko kay Shine kasi dahil sa kanya naiahon ko sa kahirapan ang pamilya ko.



" Athena! Tingin po sa camera!"


"Dito Athena!"

"Athena pa interview!"

"We love you Athena!"

"OMG! Babae pa ba ako? Sheeet."



Sigaw ng mga taong sumalubong saakin palabas ng airport. Panay naman ang ngiti ko sakanila dahil mahirap na baka maintriga pa at ako na kaagad ang nasa news bukas o makalawa.

Kung hindi ko papansinin magagalit pero kung may pinansin ako ang iba sasabihin paring napaka suplada ko dahil mapili lang ako sa taong papansinin ko. Hindi ko naman kayang iisa-isahin ang lahat! Yan tayo eh. Mas mabuti pang ngitian nalang.



"Excuses lang please!!! Dadaan ang reyna! No hindi si Athena pero ako iyon! Chupi at dadaan ako!" Panay ang tulak ni Shine na mga taong nakikipagsiksikan saamin. Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa mga kabaliwan ni Shine. Baklang to talaga.



"Masakit pa ba ulo mo? Gaano ba talaga ka sakit yan? Kahapon ka pa ganyan ha.." pag-aalalang sabi ni Shine saakin nang makasakay na kami sa sundo namin.


"Pagod lang guro to tapos nadagdagan pa ng jetlag" sabi ko at hinihilot ang sintido ko habang nakasandal ang ulo ko sa upuan.


"Kuya punta po tayo sa hospital. Yung private hospital po para iwas sa mga baliw na fans ko." Narinig kong sabi ni Shine. Hindi na ako nakapagprotesta dahil masakit talaga ang ulo ko.


"Doc! What happened? Okay lang ba si Athena? Wala siyang amnesia? Mamamatay na ba siya? May sakit sa heart? Cancer? Lukemia? Ulcer? Diabetis? Arthritis?" sunod na sunod na tanong ni Shine sa Doctor matapos akong macheck.


Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon