ACKB2 F

2.9K 72 0
                                    

CHAPTER F

mama



               Naramdaman kong may kumikiliti sa may leeg ko kaya napa ungol ako. Ano ba?! Gusto ko pang matulog dahil kulang ang tulog ko kagabi!!! Urrghhh.



"Baby.... Gising na.. Kakain na tayo.." narinig kong may bumulong sa taenga ko pero gusto ko pa talagang matulog. Hohooo.



"Ano ba!!!!" nasapak ko talaga ang taong nakadagan saakin. Alam kong si Eros lang iyan kaya tinalikuran ko na at natulog ulit.



"Tsk. Sakit nun ha. Haaay. Ang hirap mo talagang gisingin lalo na kung weekend." narinig kong bulong ni Eros habang umalis na sa pagkadagan saakin.



"BABYYYYY!!! GISING NAAAA!!!" sigaw niya at niyogyog ako.



"Ano ba?! Kitang natutulog yung tao ehhhh!!!! " sigaw ko at napabangon na. Kainis talaga. Ito yung isa sa nagiging rason namin kung bakit paminsan nag-aaway kami ni Eros. May mga araw kasi na hindi niya maintindihan na ayaw ko ng istorbo at gusto ko pa talagang matulog!



"Baby.. Sabay tayong kumain. Sige na. May lakad kasi ako ngayon dahil kailangan ko pang pumunta sa school kaya I cant be with you this whole day. Kahit ngayong breakfast lang, please... " paglalambing niya saakin kaya napakamot nalang ako nang ulo ko habang naka simangot.



"Fine." sabi ko at nagmartsa muna papuntang C.R. habang siya naman ay lumabas muna nang kwarto para ihanda ang pagkain.

                             **<>==============<>**


"ano nga pala ang pupuntahan mo sa school? Bakita kailangan mo pang pumunta doon eh sabado naman?" tanong ko kay Eros na ngayon ay nagsandok ng kanin para saakin.



"Kakausapin ako ng prof." sabi niya at inilapag sa harapan ko ang platong puno ng kanin. Alam niya kasi talagang matakaw ako. :3



"Tungkol na naman yan dun sa offer? Eros sigurado ka ba talagang ka--"



"Athena...I'm sure na okay? Napag usapan na natin ito at buo na ang desisyon ko na tatanggihan ko ang offer na iyon." sabi niya at nagsimula nang kumain.   "Eat."  dagdag niya kaya sinimulan ko na ding kumain.



"May lakad ka ba ngayon araw, baby?" tanong niya saakin habang hinuhugasan niya ang mga platong ginamit namin. Ganyan talaga kami dito, palagi niya lang akong pinagsisilbihan. Ang prinsesa ko lang no?



"Ahh.. Oo. May bibilhin lang ako." pagsisinungaling ko. Hindi naman siya nagkomento pa at pinagpatuloy lang niya ang ginagawa niya.



Actually napag usapan namin kagabi ni mama na magkikita kami ngayon. Hahanap pa kami nang paraan ni mama kung paano at saan kami hahanap ng tulong para sa tatay ko. Sabi kasi ng doctor malala ang kalagayan ng tatay ko kaya kung maaring sa madaling panahon ay kailangan maoperahan si Tatay.


                       xx +++===========+++ xx


"mama..." bulong ko nang makita ko si mama na papunta sa gawi ko. Dali dali naman akong tumakbo papunta sakanya at niyakap ko siya nang mahigpit.



"Anak... Nako! Ang laki mo na anak! Dalagang dalaga ka na talaga anak ko.." sabi ni mama at nakita kong tumulo ang mga luha niya.



"Mama..  kumusta kayo? Kumusta na po si tatay, mama?" tanong ko kay mama. Mas humagulhul naman si mama kaya feeling ko naiiyak na rin ako. Ngayon pa talaga magkakaganito? Shht naman.



"Ang tatay mo... Hindi pa gumigising anak. Nung nakaraang araw bigla nalang inatake sa puso anak.... Wala tayong pera anak. Alam mo namang sa pamamasahe lang sa tricycle ng tatay mo ang tanging bumubuhay saatin anak." sabi ni mama kaya napa iyak na talaga ako. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag hikbi.



"Anak.... Ang tatay mo, anak... Paano na? alam mo namang matanda na ako kaya wala akong magawa..." sabi ni mama. Iyak lang ako nang iyak. Hindi ko alam mama. Napaka walang kwenta ko talagang anak at ni wala man akong maisip na ibang paraan.

Isa lamang akong anak ng mahirap. Si tatay ay isang tricycle driver habang si mama naman ay labadera. Pero tumigil din si mama sa pagiging labandera dahil hindi na kaya ng katawan niya. Ni piso wala akong hiningi nila mama kung sa pag-aaral ang pag-uusapan dahil pinagsikapan ko namang kumuha ng scholarship. Kaya malaking problema talaga ito. Wala kaming pera.


"Teyka..." napatigil sa pag iyak si mama. Binitawan ko si mama nang may nahagip ako sa paningin ko. Pinunasan ko muna ang mga luha ko at sinundan ang babaeng nakita ko at ganoon din ang ginawa ni mama saakin habang tinatawag niya ako.


"Anak! saan ka pupunta?" narinig kong pagtawag ni mama saakin pero hindi ko ito pinansin at sa halip ay mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad para maabutan ang taong sinusundan ko.


"Professor Jules!!" pagtawag ko sa babaeng hinahabol ko. Sa mga oras na ito. Ito lamang ang tanging paraan na naisip ko. I'm so sorry Eros.


        _____**_____       _____**______

               Mga alas nuebe narin ng gabi nang maka uwi ako ng boarding house. Sa labas palang ng building ay tanaw na tanaw ko na si Eros na parang hinihintay niya ang pagdating ko.


"Saan ka ba nanggaling?! Bat ngayon ka lang?!" Nakita kong nag-aalala talaga siya saakin. Ito na naman ako, naiiyak na naman ako. Nagui-guilty ako sa ginawa ko.


"Ahh... M-may binili lang" sabi ko at pinigilan ang sarili sa pag iyak.


"Athena...may problema ba? What happened? Okay ka lang ba?" sunod na sunod na tanong niya saakin pero hindi ko na siya pinansin at nagmartsa na papasok. Ayoko muna siyang kausapin kasi baka bubuhos na talaga ang mga luha ko.


"Haaaayyy. Fine, I'll let this pass by. Pero sana naman Athena na maisip mo din kung gaano ako nag-aalala sayo! Sana naman bukas makapag usap tayo ng mabuti." sabi niya at narinig ko ang pagsara ng pinto. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak.


Im so sorry Eros. Nakayanan mo mang talikuran ang pangarap mo saakin. Hindi ko kayang talikuran ang pamilya ko para sayo. Im so sorry. Kailangan ako ni papa at mama. Kailangan nila ako Eros. Im so sorry.


"Hija, napagaling mo talaga. Alam mo...kung pipirmahan mo ang full contract I will make you a famous model at mas malaki pa ang pera ang makukuha mo hija." sabi saakin ng isang bakla na sikat na photographer na nanggaling pa daw sa Paris.



"nako anak. Sobrang makakatulong ito saatin! Pirmahan mo na anak!" sabi saakin ni mama pero nakatingin lamang ako sa salamin kung saakin nakikita ko ang repleksyon ko. Nakikita ko ang Athena na hindi naman ako.



"Athena?" pagtawag saakin ni Professor Jules pero hindi ko ito pinapansin.


"ay nako! Pag iisipan muna namin ha! Basta ang anak ko lang kunin niyo! Pag-uusapan muna namin ito ng anak ko." narinig ko sabi ni mama.


"Syempre! I've never met someone as gorgeous and amazing as your daughter. Basta pag pinirmahan niya ang full contract dadalhin ko siya sa Paris."

Paris...

Paris...

Pangarap ko na rin noon pa ang makapunta sa Paris... pero hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan.



--------------
NOTE: Ayoko ng drama! Uuurrghh. Anyway, we made it this far kaya thank you dahil hanggang ngayon nandito parin kayo at nagbabasa nito kahit na may mga araw na turtle akong mag update! Thank you talaga!!!! xoxo.

DONT HATE ME PLEASE NOR SEND ME DEATH THREATS :3

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon