ACKB2 P

2.8K 77 1
                                    

CHAPTER P

Galit


                 Balak ko sanang puntahan si Eros o kaya ang maka-usap kaya lang hindi ko pala alam kung saan siya nakatira ngayon. Di bale nalang, alam ko magpapakita din ang isang iyon saakin. Hihintayin ko lang..


2 days passed...3 days.. Hanggang sa naging 4....ONE WEEK PASSED! Walang Eros na nagpapakita! Nagtampo talaga iyon? Seryoso? Galit talaga siguro saakin...malay ko ba kasing nasa kanya iyong pair ng wedding ring na binigay niya saakin. Kasalanan ko ba talaga? Tsk.


"Ano ang schedules ko ngayon Shine?" Matamlay na tanong ko kay Shine habang nakapikit ang mga mata. Kakagaling ko lang na naman sa isang interview at naloka ako sa tanong. Confidencial masyado.

"Photoshoot for FHM with Tyro... Iyon nalang for today." Napadilat ako dahil sa sinabi ni Shine. Hmmm.. Photoshoot with Tyro.. Teyka...Siguro nandoon siya!!. Kniwing him!!! Mwahhahah.


"uy? Ngitingiti mo diyan? Kinikilig ka? Excited ka sa photoshoot? Oh my! Diba napag-usapan na natin na saakin si Tyro baby! Hmp! Traydor! Ayyhetchuu!" Nagulat ako sa sinabi ni Shine pero napatawa din naman dahil sa nakabusangot niyang mukha.


"Uyy! Wala akong sinabi ha! Hindi ba pwedeng ngumiti? Bawal na ba ngayon? Ganun?" sabi ko habang nakangiti pero inirapan niya lang ako. Grabe talaga tong baklang to.


Nang makarating kami sa studio kung saan ako magpo-photoshoot kasama si Tyro bilang photographer of the day ko, nagulat ako kasi wala namang katao-tao. Tapos yung studio parang hindi pa yata handa? Napaaga siguro kami.


"Excuse me... Errr... Im looking for Tyro." sabi ko sa babaeng busy sa kanyang computer na para bang may ini-edit.


"Nagtitimpla lang po ng kami Miss. Pabalik na din iyon" sabi ng babae at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Parang others lang. Maupo na nga lang sa sofa.


Tumingin ako sa paligid at hindi ko mapigilang mamangha. Nakadisplay kasi ang mga works ni Tyro at hindi ko maitatanggi na magaling pala talaga siya. Kaya pala noon parati nalang siyang bagsak sa mga subjects niya dahil hindi naman pala pagiging Doctor ang passion niya. Photography pala. Nakakatuwa lang at nakamit niya ang pangarap niya...gaya lang ni Eros.


Samantalang ako... Haay. HRM naman talaga ang gusto kong korso. Pero nasanay na din naman ako sa pagiging model. May mga panahon nga lang na naghihinayang ako... Pero I realized na siguro ito talaga ang destined na mangyari kasi at least naihaon ko sa kahirapan ang pamilya ko, nakatulong pa ako sa kapwa....at naabot pa ng lalaking mahal ko ang pangarap niya. Ako nga iyong nasaktan noon pero worth it naman at masaya lang rin naman ako ngayon.



"Uy! Athena! Napadaan ka yata dito?" Napalingon ako at nakita ko si Tyro na inilapag ang isang kape dun sa babaeng busy sa computer. Parang may something fishy sa kanila.



"Ahh.. Ano.. Kasi diba ngayon yung photoshoot para sa FHM? Yun kasi ang sabi ni Shine." Sabi ko at nagtaka kung bakit gulat na gulat si Tyro sa sinabi ko.

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Where stories live. Discover now