CHAPTER 20

3.7K 123 5
                                    

CHAPTER 20

                     

             

               Mahigit ilang oras narin akong lumakad lakad at tumitingin sa paligid. Ilang dasal na ang nagawa ko sa utak at nanalangin sa panginoon na sana makita ko na siya.

Alam ko na taga-Cebu siya pero hindi ko alam kung saan talaga iyong bahay niya kaya ang ginawa ko nalang ay inikot ikot ang probinsya na kung saan siya nakatira.

Lumipas ang tanghalian pati narin ang hapunan ngunit pinagtiisan ko'ng wag munang kumain dahil kulang din naman ang pera ko. Gutom ako ngunit ang tanging iniisip ko lamang ay ang makita siya ulit.

Gumagabi na pero hindi parin ako tumitigil. Nanghihina narin ang katawan ko at sumasakit na ng tuhod ko gawa ng kakalakad. Ngunit nang magpapahinga na sana ako ay nakita ko siya!

Nakita ko siya sa kabilang kalsada! Pero......sino naman ang babaeng kasama niya at inaakbayan niya? Siguro kapatid lang niya o pinsan o baka mama lang niya.

Tinawag ko siya ngunit,parang, datapwat hindi niya siguro ako marinig kaya tinawag ko ulit siya at nilakasan ang boses ko. Kaya lang hindi niya ulit ako narinig.

Kaya ang ginagawa ko ay tumawid sa kalsada. Pero sa kalagitnaan ng pagtatawid ko, narinig ko ang pagbusina ng isang ten wheelers truck kaya napatigil ako. Nakita ko rin na napalingon siya saakin at nanlaki ang mata. Tatawagin ko sana ulit siya pero biglang nawala ang paningin ko....

---WAKAS---

TE-TEYKA?! Yun na iyon? Iyon na ang wakas? Pinatay ng author ang babae? ano iyon? urrghh. Nakakairita rin itong kwentong ito ha! Mahigit isang oras ko itong binabasa!! 60 chapters at 6 pages kada isang chapter PERO NAMATAY LANG ANG BABAE SA HULI?! what the? Ayos din ito ha.

"Malapit na tayo sa destinasyon. Ihanda niyo na po ang mga dala niyo." narinig ko'ng paganunsyo ni manong driver kaya binalik ko na ulit sa loob ng bag ko ang cellphone ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa bintana. Nakikita ko ang nga magagandang tanawin. Hindi siya kagaya ng isang city na punong puno ng mga malalaking building. Para ngang wla iyon dito eh. Malalaking puno lamang ang nakikita ko.

Alam ko kung saan nakatira si Eros pero hindi pa ako nakapunta doon. Basta ang alam ko lang ay dito sa probinsya at alam ko ang lokasyon ng bahay nila. Teyka lang, diba ganito rin yung sa kwento? Whew. Nakakakilabot naman. Wag naman sana akong mamatay, panginoon ko po.

At nang tumigil na ang bus bumaba na ako at inilibot  ang paningin ko sa paligid. Wala nang ibang masasakyan kundi tricycle lamang. Ganito naman talaga sa probinsya, walang taxi o ano pang mamahaling sasakyan. Pwera nalang sa mga mayayaman, at yun ay ang mga nagmamay-ari ng mga hacienda dito.

Naglakadlakad muna ako at naghahanap ng pweding mapagtanungan. Hindi ako sigurado kung saan pupunta pero may dala akong papel at nakasulat dito ang lokasyon ng bahay nila Eros.

"WHAT THE! OUCHH!" Dahil sa tinitingnan ko ang papel na hawak ko, hindi ko namalayan na nakabunggo pala ako.

"Nako,Sorry miss." sabi ko at tinulungan kong tumayo ang babaeng nakabunggo ko.

"TUMINGIN KA NGA SA NILALAKARAN MO! BTCH! WAG TANGA TANGA!" sigaw niya pero hindi ko pinansin. Nakaka starstruck kasi ang kagandahan niya. Maputi siya at makinis ang balat, at ang pula ng labi gawa siguro ng lips stick.

"KARMA! Tsk. Ikaw talaga nang-aaway ka pa." Napalingon ako sa lalaking lumapit at humawak sa beywang ng baaeng nakabangga ko.

( PLUG: My name is KARMA. Hehheheheh. Read it, new story ko po. :3 nasa external link po siya. )

"Eh kasi naman Nathan! tong babaeng ito--" Hindi na pinatapos ng lalaki ang babae tinakpan na niya ang bibig ni Karma. Ang weird naman ng pangalan ng babae. Karma? hihi.

"Pasensya ka na sa Gurang na to ah. Nakatakas kasi sa Mental Hospital. Ako nalang ang hihingi ng sorry para sakanya." Napatingin ako sa lalaki at hindi ko itatanggi na ang gwapo niya. May mga ganitong nilalang pala dito sa probinsya?

Natawa naman ako dahil binatukan ni Karma si Nathan at inirapan. "Wala ka talaga kwenta! Bwesit!" Sabi ni Karma at nagwalk out. Ewan ko pero kinikilig ako sakanila.

"Mauna na kami ha. Kailangan ko pa kasing habulin yun at suyohin. Mainit ulo nun eh, alam mo na gawa ng pagkatanda. Hahahhaha." Sabi nung Nathan at sinundan na si Karma. Alam ko'ng iniinis lang nun ni Nathan si Karma. Ang bata bata pa kayang tingnan ni Karma.

Teyka....Kaninong kwento ba to? Diba saakin? Panira talaga yung dalawang iyon. Basta kung gusto niyong basahin din ang kwento nila tingnan niyo lang sa external link. Okay, serious na.

"Manong driver, Alam niyo ba saan ito?" Sabi ko sa isang driver ng tricycle at ibinigay ko sakanya ang papel kung saan nakalagay ang address nila Eros.

"oo. Malapit lapit lang ito." sabi niya kaya sumakay na ako sakanya.

Malapit lang nga. Medyo mga sampung minuto lang ang byahe bago kami makarating. Binayaran ko na si Manong at bumaba. Tiningnan ko ang paligid. Ganitong ganito lang rin iyong probinsya namin. Bigla ko tuloy naalala ang pamilya ko. Kumusta na kaya sila? Haaaay.

"Eneng, ang ganda ganda mo naman at napadpad ka dito. May hinahanap ka hija?" Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang isang matandang babae.

"Magandang umaga ho. Pwede ko bang matanong kung may kilala kang Eros Clemente na nakatira po dito?"

"Si Eros? aba'y oo! Napakabait na batang yun. Ikaw ba ay nobya niya? Ang husay talagang pumili ng batang iyon. Nako hija, nasa may manggahan iyong si Eros at sigurado akong umaakyat na naman iyon doon. Halika at sasamahan kita." Sabi ni Lola....errr ewan ko anong pangalan niya.

Hindi nalang ako umimik at pinaringgan ko nalang siyang nagke-kwento tungkol kay Eros. Nakaka aliw rin naman kasi yung mga kwento niya.

"Alam mo ba noong totoy palang yang bata iyan nako! napakalikot! Hindi niya ako kapamilya pero kahit na malikot siya tinatrato niya ako bilang lola niya. Kaya nga't napamahal narin saakin si Eros." Pagkwento ni lola.

Wala ako masabi at hindi ko mapigilan ang pag ngiti. Kilala ko na rin mula noon ang masayahing Eros kahit na sobrang bigat na ng nararamdaman niya. Isa iyon sa nagustuhan ko sakanya.

"Oh ayan na siya....EROOOOOSSSSSSS!!!! Halika dito't may bisita ka! nandito ang nobya mo!" Pagsigaw ni Lola kaya napalingon halos lahat ng tao saakin. Namutla naman ako bigla at kinabahan. Nakita ko rin na medyo nanlaki ang mga mata ni Eros nang makita niya ako.

"Athena?" Medyo hindi kapanipaniwalang utas niya. Para bang nagulat siya na makita niya ako. Napakagat ako ng labi ko. Ewan ko pero nahihiya ako.

Pero nawala ang lahat nang iyon nang maramdaman ko ang kanyang bisig. Niyakap ang ni Eros kaya niyakap ko rin siya.

"namiss kita..." buling niya sa taenga ko dahilan ng pagtibok ng puso ko. Ako rin Eros namiss kita kahit na ilang araw lang tayong hindi nagkita.

[ CUT MUNA! :3 ang haba eh. hihi ]

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Where stories live. Discover now