ACKB2 O

2.6K 76 2
                                    

CHAPTER O
tanga


               Speechless. Wala akong masabi at ni ayaw kong magsalita. Tuwing may tatanungin si Tyro o Shine saakin maikli lang yung sasabihin ko. I can feel my heart beating fast buti nalang din at hindi niya ako kinakausap dahil for sure magwawala tong puso ko.

Pero kahit na hindi niya ako kinakausap kahit na hindi ko siya lingunin I can feel him staring at me. Kanina pa niya ako tinatapunan ng tingin at buti nalang I manage myself na wag lumingon sa gawi niya. After finding out that he is married.. I gave up hoping and wishing that someday meron pang kami.

Tumingin ako kay Shine and I can see how his/her eyes twinkles habang nakatingin sa dalawang lalaki na naguusap sa harapan namin. Uurghh talandee talaga niting baklang ito. Napa iling nalang ako at siniko ko siya to get his/her attention.


"Shine I want to go.." Sabi ko kay Shine.

"What?! Nagkulang pa nga ako sa dessert! Wait lang naghihintay pa ako na magstrip tease tong dalawang gwapo sa harapan ko." Malanding utas ni Shine kaya napa irap ako.


"Uhhmm.. Tyro.. We have to go..ano...uhmmm.. Natatae na daw kasi si Shine eh kaya alam niyo na emergency." palusot ko kaya naramdaman kong sinipa ako ni Shine sa ilalim ng lamesa.

"What the?! Wag jang maniwala sakanya! Okay lang ako. Tska kailangan pa nating pag-usapan tungkol sa photoshoot ni Athena." Sabi ni Shine kay Tyro. Para-paraan. Tssss.


"Pagod na ako. I'll go ahead first." I said and managed not to look at him. Tumayo na ako at lumabas sa Resto. Great! Wala pala akong dalang sakyanan. Uurgh.


Padabog akong lumakad papuntang waiting area para sa taxi. Ang malas naman ng araw na ito. I did'nt expect na nandito siya. Kung alam ko na ganito ang mangyayari sana hindi ko nalang tinanggap ang offer ni Tyro. Though, there's a part in me na masaya dahil nakita ko ulit siya. Pero naiinis ako.....He's married.


"Escaping huh?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses na iyon. Lumingon ako at nakita ko siya na nakasandal sa may pader at ni hindi ko mabasa ang mukha niya. Naka cross ang kamay niya at nakatingin lamang siya saakin. Kami lang naman ang tao dito.

"What are you doing here?" tanong ko sakanya kaya napatayo siya ng tuwid at nilagay ang kamay sa bulsa ng pantalon. Napalunok ako nang lumapit siya saakin... But not too close. Ganoon ba niya ako ka hate?


"Ikaw? What are you doing here? Bakit bumalik ka pa?" Pabalik na tanong niya saakin. I am not stupid and I know that he is angry...So angry. Gusto kong maiyak dahil alam kong kasalanan ko naman ito. I want to go home and cry all night.


"Uuwi na ak--" Paalis na sana ako pero pinigilan niya ako at hinawakan ang braso ko. Naramdaman ko na ang mga luha sa gilid ng mga mata ko pero pinipigilan ko itong tumulo.


"Ganun lang? Matapos mo akong iniwan babalik ka? Tapos ngayong bumalik at nagpakita ka, iiwanan mo na naman ako?.....do you even know na ang tagal kong naghintay?" Nagulat ako sa sinabi niya. Maya't maya lang naramdaman ko na gumagapang ang dalawang kamay niya sa bewang ko...hugging me from behind.


This is wrong. Diba dapat galit siya saakin? Bakit ganito? He's married! Dapat hindi na niya ako niyakap! Dapat hindi niya sinabi iyon! He's making me insane. At mas lalo akong nakonsenya nang tiningnan ko ang kamay niya na may suot paring wedding ring.

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin