CHAPTER 19

3.5K 122 1
                                    

CHAPTER 19

                   


                  Matapos ang iyakan session namin ni Stephen, minabuti na muna naming maglakad lakad at enjoyin ang simoy at lamig ng hangin. Habang naglalakad kami ay bigla kong naramdaman na hinawakan ni Stephen ang kamay ko kaya napalingon ako sakanya.



"S-Stephen.." Sabi ko at babawiin ko sana ang kamay ko kaya lang hinigpitan niya ang paghawak ng kamay ko.



"Please..let me hold your hand...just this time...for the last time.." aniya at nakita ko'ng pinilit lamang niya ang ngiti niya.


"hmmkay" sabi ko at tumango kaya naman lumakad ulit kami.


"Siguro karma ko narin ito.." narinig ko'ng sabi ni Stephen nang tumigil muna kami sa paglalakad.


"Karma? ang alin?"


"Ito. Itong pagbasted mo saakin. Magiging honest ako sayo ngayon. Simula noong iniwan kita naging iba na ako. Iba iba na ang mga babae ko araw araw. Inuman kahit saan saan. Na para bang wala nang silbi ang buhay ko nang magkalayo tayo." Sabi niya kaya nagulat ako ng konti pero hindi nalang ako umimik at nakinig nalang ulit sakanya.


"Isang araw, I met this girl na patay na patay saakin. And there I was being a douchebag pinatulan ko siya. But I never was serious with her. Pinaglaruan ko lang siya at halos araw araw pinaiyak. Nalaman ni mommy ang mga pinagagawan ko kaya pinauwi niya ako dito sa Pilipinas. Then I met you again..." Sabi niya. Kinagat ko nalang ang labi ko para makaiwas sa pagsalita.



"Nang makita kita ulit..... The real Stephen came back too. At sana kapag nawala ka ulit saakin, sana hindi narin mawala ang totoong Stephen. Ewan ko. I think I am not what I am when I'm not with you.... Mahal kita eh.....pero hindi mo ako mahal. Pero tatanggapin ko kasi alam ko at aminado ako na you dont deserve a jerk like me..." Sabi niya at nakita kong tumulo ulit ang mga luha niya kaya hindi ko mapigilang yakapin siya.



"Stephen.... Stephen naman eh. Nakakainis ka pinaiyak mo ulit ako." sabi ko at naramdaman ko'ng tumulo ulit ang luha ko.    "Mahal din naman kita Stephen....pero bilang kaibigan lang. Wag kang mag-aalala lagi naman akong nandito." Dagdag ko.



"Yun na nga eh. Kung kailan pa ako naging seryoso saka lang ako na friendzone. Pero okay lang. Kasabay ng pag bitaw ko saiyo ngayon, I'll promise ba kakalimutan ko itong nararamdaman ko saiyo. Babalik muna siguro ako sa States at--"



"STEPHEN NAMAN!!" Sabi ko at hinigpitan ang yakap ko sakanya. Kainis! iiwanan ba naman ako!



"Athena, kailangan ko'ng gawin ito. Kailangan ko'ng magpakalayo muna and find myself without you. but I promise babalik ako. And when that time comes, magiging okay na tayo. Magiging okay na ako." Sabi niya at naramdaman kong lumuwag na ang yakap niya saakin.



"For the last time, I love you Athena..." sabi nito at hinalikan ang noo ko.   ".....goodbye." sabi nito at binitawan na ako. Hindi lamang ang yakap ang binitawa niya kundi binitawan na nga niya ako at nagparaya.

*************




"Sure ka ba talagang ayaw mong magpasama? Kaya mo ba talagang mag-isa?" Paulit-ulit na tanong saakin ni Ate Shar.


"Ate naman. Kaya ko na." sabi ko at hinanda ko na ang mga gamit ko para makaalis na.



"I'm so proud of you, Athena. Although, nasaktan mo nga ang kapatid ko pero tama rin iyong ginawa mo. I ship Atheros! kaya go girl!! fight for your love!" sabi nito at tinulak ako papasok ng bus.


"MAG INGAT KAAAA!!" Narinig kong sigaw ni ate Shar at nagsimula nang umandar ang bus. Hintayin mo ako Eros, papunta na ako saiyo.

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu