Her Paid Husband ★ (On-Going...

By modernbinibini

325K 4.9K 530

[Asher Gabrielle Becker Alvarez' Story] Sa kagustuhan na manirahan ng permanente ni Asherina sa America haba... More

Her Paid Husband(On-Hold)
One ★ - What a coincidence
Two ★ - I'll be your husband, Ina.
Three ★ - Offering myself to be your Paid Husband
Four ★ - Slowly falling for him
Five ★ - Totoo sa sarili niya
Six ★ - Sana
Seven ★ - Hindi pa ako handang masaktan ulit
Eight ★ - Good Morning, Wife
Nine ★ - Jealous
Ten ★ - On This Day
Eleven ★ - Two of Us
Twelve ★ - Dinner Group Date
Thirteen ★ - Christmas Celebration
Fourteen ★ - Pinakamamahal
Sixteen ★ - Untitled
Seventeen ★ - Truth
Eighteen ★ - Buong Puso
Nineteen ★ - Hiding
Twenty ★ - It's All About Us
Twenty - One ★ - Family
Twenty - Two ★ - Childhood Sweetheart
Twenty - Three ★ - Pancit Canton
Twenty - Four ★ - I love you more
Twenty - five ★ - Giligans
Twenty - Six ★ - One-Zero
Twenty Seven ★ - Midnight Date
Twenty Eight ★ - Identity

Fifteen ★ - Philippines

9.2K 138 5
By modernbinibini

Enjoooooooooooooooooy! Thank you sa mga nagbabasa <3 

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Fifteen

“Nailagay mo na ba iyong mga gamit Asher?” tanong ko sa asawa kong kinuha ang kanyang panlamig sa closet.

“Opo wifey” masayang sabi nito. Mababakas mo sa kanyang boses ang kasiyahan dahil uuwi na kami ng Pilipinas pagkalipas ng halos isang taon. Parang kailan lang noong nabunggo ko siya sa NAIA tapos ngayon, babalik ka ng magkasama sa Pilipinas.

“Let’s go, nag-iintay na sila doon” sabi ko rito at lumabas na ng bahay. Pumasok na ako sa loob ng kotse at pagkatapos niyang ilock ng maayos ang bahay ay sumakay na rin siya sa kotse at nagdrive papuntang airport.

Walang nagsasalita sa aming dalawa habang nasa byahe. Palagi namang ganoon ang sitwasyon naming dalawa kapag naalis kami, walang nagsasalita, at mas gusto naming dalawa iyon. Pagkatapos ng ilang minutong magmamaneho ay nakarating din kami sa airport. Agad kaming pumasok sa loob, dala dala ang tig-isa naming maleta ng asawa ko. Nang makapasok kami sa loob ay agad din naming nakita si Kirk, Jem, Martha, at Tyler. Oo, kaming anim ang uuwi ng Pilipinas kaya ewan ko nalang kung ano ang mangyayari sa amin doon kapag nakabalik kami sa lugar kung saan talaga kami nabibilang.

“Ang tagal niyo ‘teh” singhal ni Martha sa akin ng makalapit kami sa pwesto nila.

“Nandito na kami, nagrereklamo ka pa” masungit na sabi ko rito.

“Highblood lang?” pang-aasar pa nito. Sinamaan ko lang siya ng tingin na naging dahilan ng kanyang pagtawa. Lumapit ako sa asawa ko at kumapit sa kanya. Aaminin ko, sobra ang kabang nararamdaman ko ngayong nalalapit na ang pagbalik ko sa Pilipinas. Pero, may saya rin akong nararamdaman. Dahil once na lumapag ang eroplanong sasakyan namin sa Pilipinas ay magsisimula na rin ang naging dahilan kung bakit kinakailangan kong gawin ang bagay na ito.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ay tinawag na ang flight namin at pumasok na kami sa loob ng eroplano. Agad kaming pumuwesto san aka-assigned seat sa amin. Si Martha at Tyler ay magkatabi sa kanang gilid namin, samantalang sa kaliwang gilid naman si Kirk at Jem. Nasa gitna kami ni Asher, ibig sabihin wala kaming bintana pero ayos na rin iyon kasi pwede naman akong magbasa nalang ng libro habang si Asher ay busy sa pag-aaral ng ilang papels.

“You should relax and rest, hubby” alanganing sabi ko rito. Bago kasi umalis ay papels rin ang pinag-aaralan niya, tapos sa halip na magpahinga siya ay heto na naman pinag-aaralan niya na naman ang mga iyan.

“Don’t mind me wifey, kailangan ko lang talagang mapag-aralan ito” sabi nito habang buong buo ang kanyang atensyon sa kanyang inaaral na proposal.

“Bakit may inaaral ka ng proposal project? Wala ka pa namang trabaho diba?” tanong ko rito. Isinarado ko muna pansamantala ang binabasa kong libro na ‘To Kill A Mockingbird’. Nakita ko lang kasi ito sa bookstore ilang araw bago ang flight namin, palagi ko kasing naririnig sa movies ang tungkol sa librong ito kaya naman kahit hindi ako nagbabasa ng classic ay susubukan kong matapos ito.

“Ah- oo nga. Pero noong nasa Pilipinas ako noon, may trabaho na talaga ako sa isang kompanya” sabi nito. Hindi na ako nagsalita at sa halip ay ipinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ko at inilagay ko ang earphones ko para kahit papaano ay makapag-concentrate ako sa binabasa ko.

**

“Wifey, wake up” tila may tumatapik sa akin.

“Uhmm” ungot ko.

“We landed already, wifey” pakiramdam ko ay boses ni Asher iyong natawag at nagising sa akin.

Maya maya tumigil ito sa pagtapik sa akin at agad kong naramdaman na may dumamping mga labi sa akin. Agad akong napamulat ng dahil doon. Tila nagising bigla ang buong katawan ko dahil doon. Tumagal ng isang minuto ang pagkakalapat ng mga labi sa isa’t-isa. Pakiramdam ko tuloy iyon na ang pinakamatagal na isang minuto ng buhay ko.

“Kiss lang pala ang iniintay paraa magising e” pangasar na sabi ni Asher na lumayo na sa akin.

“Gago” masungit na sabi ko rito at tumayo na upang makalabas ng eroplano. Hindi ko maiwasang mapangiti habang naglalakad sa conveyor ng maalala ko kung gaano kalambot ang labi niya, kung gaano ito nakaka-adik. Isang minuto lang iyon, kung tutuusin ay parang peck lang iyon pero nabitin ako. Kung sa isang peck na iyon ay nabitin na ako, paano pa kung maglevel up ang halikan namin hindi ba?

“Kinikilig siya sa halik ko, yieeeee” nagulat ako ng biglang sumulpot si Asher. Hindi ko napansin na napalakas pala ang tawa ko dahil sa iniisip ko. Nagpoker face muna ako bago ako sumagot sa asungot na ito.

“Asa ka pa” sabi ko rito at nagmadali ng lumabas sa conveyor kung saan naglalakad ang mga iba pang pasahero ng eroplano. Narinig kong napatawa si Asher at ramdam kong sumunod din siya agad sa akin. Ang taong iyon, parang kanina lang ang serious serious sa pagbabasa ng proposal na iyon tapos ngayon ako naman ang kinukulit. Parang baliw talaga iyon kahit kailan. Bago makalabas ng NAIA ay kung anu-ano muna ang inasikaso namin. Halos abutin din kami ng kalahating oras pero okay lang dahil ang sabi ni Asher ay may susundo na raw sa amin. It's good to be back.

“Saan ba tayo tutuloy?” tanong ko kay Asher habang nag-iintay sa taong susundo sa amin.

“Sila Kirk at Jem, sa kani-kanilang condo. Tayo, sa bahay natin” sabi nito

“Kayo Martha?” tanong ko naman sa kaibigan ko na katabi ang kanyang admirer daw.

“Kami ni Tyler ay sa condo na kabibili lang ni Dad bago tayo umuwi rito” sabi nito. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa naging sagot niya. Pero ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Kung baliw ang asawa ko, mas baliw ang kaibigan ko. Kakaiba ang talaga ang mga taong nakapaligid sa akin.

Maya maya pa ay may tumigil na Ford sa harapan namin at lumabas doon ang isang driver na agad binati ni Asher. Agad na kumilos ang driver upang ilagay sa likod ang mga maletang dala namin. Nang matapos mailagay ang lahat ng maleta ay sumakay na kaming anim sa loob pati na rin si Manong Ed at nagsimula ng magdrive.

“Manong Ed, sa building muna ni Kirk at Jem tayo” rinig kong sabi ni Asher na nasa unahan katabi ni Manong Ed. Tumango lang si Manong at pagkatapos ng halos isang oras na pagmamaneho niya ay nakarating din kami sa AG Condominium. Ano kaya ang ibig sabihin ng AG?

“Anong ibig sabihin ng AG? Bakit iyon ang pangalan ng building?” tanong ko. Narinig kong parang nasamid si Manong Ed sa tanong ko at narinig ko rin ang mahinang tawa nila Kirk at Jem.

“Iyon kasi ang initials nung may-ari ng building. May mga kapatid pa iyang building na yan sa ibang part ng bansa. Merong ZG Condominium sa Tagaytay, PG Condominium sa Baguio” paliwanag ni Jem.

“Ahh. Nakakatuwa naman, magkakapatid ba sila? Parang pare-pareho silang may G sa pangalan” tanong ko muli

“Ah oo, anak sila ng kilala ring business tycoon dito sa bansa pati na sa iba pang parte ng mundo. Tatlo ang anak nila, itong AG Condo ang initials ng panganay nila at iyong ZG at PG ang initials ng kambal nila” mahabang paliwanag ni Kirk.

“Bakit parang ang dami niyong alam tungkol sa may-ari ng building na ito? Kilala niyo sila?” tanong ko ulit. Biglang tumawa ang dalawa dahil sa tanong ko at bigla silang nagkatinginan.

“Hindi lang kilala, kilalang kilala” sabay pa nilang sabi at lumabas na para makauwi na rin kami.

Napatango nalang ako dahil doon, halatang mayaman talaga ang may-ari ng building na ito. Meron siyang magandang aura, iyong kahit na makita mo palang siya ay may homey feeling na siya. Paniguradong maganda rin ang loob ng condo na ito. Nakakatuwa rin sigurong manirahan dito. Kung mayaman lang ako ay paniguradong meron din akong isang unit dito.

“Mauuna na kami at may jetlag pa” paalam ni Kirk na sinangayunan ni Jem. Napangiti nalang ako sa kanila at kumaway.

“Ina, hayaan mo ipapakilala ka namin doon sa may-ari ng building na ito” sabi naman ni Jem na ikinatawa ko nalang at ikinasamid ni Asher. Kanina pa tahimik ang taong ito mula ng mapag-usapan ang tungkol sa building kung saan nakatira ang mga kaibigan niya. Natawa nalang din pati si Manong Ed.

“Saan bumili ng condo ulit ang Dad mo?” tanong ko kay Martha. Ihahatid na rin kasi namin siya sa kanilang tutuluyan.

“Isa sa mga nakapangalan sa Becker-Alvarez Group of Companies e” sagot niya.

“Hindi ba marami silang condo?” tanong ko. Becker-Alvarez Group of Companies? Sa pagkakaalam ko ay iyon din ang kinuhaan ni Asher ng condo na ibinigay niya sa akin.

“Oo. Sa may bandang tagaytay iyong nabili ni Dad. Iyong ZG Condominium ata ang nahanap ni Dad” sabi nito.

“Manong alam mo na po kung saan tayo, Tagaytay daw po” nakangiting sabi ko kay Manong. Ngumiti lang din ito pabalik.

Ilang oras rin ang inabot namin bago kami nakarating ng Tagaytay, at nang makarating kami roon sa condominium kung saan titira si Martha ay agad din silang bumaba dahil gustong gusto na raw nilang magpahinga at dahil na rin sa jetlag ay masakit ang ulo nila pareho ni Tyler.

“Kanina ka pa tahimik. Are you okay?” tanong ko kay Asher na nakahiga sa balikat ko ang ulo niya.

“Yeah” tila pagod na pagod nitong sabi. Kunsabagay, halos alas-dose na ng madaling araw kaya naman paniguradong pagod na pagod na ito.

“Manong doon po tayo sa bahay namin sa Cavite” sabi ko kay manong at tumango lang din ito. Ilang minutong drive lang naman mula dito sa Tagaytay hanggang doon sa subdivision kung saan ako ibinili ng bahay ni Asher. Iyon naman ang plano naming dalawa, doon kami titira at gagawa ng magagandang memories.

“Okay ka lang ba talaga?” tanong ko ulit kay Asher kasi niyakap niya ako sabay buntong hininga. Tumango lang siya bilang sagot. Pagkatapos ng halos forty-five minutes sa byahe ay nakarating din kami sa bahay. Tulad ng iba naming kaibigan ay wala kaming inaksayang oras at agad na ibinaba ang gamit at nagpunta sa kwarto upang magpahinga. Nang matapos akong magshower ay nakita ko nalang ang asawa kong nakahiga na sa kama at mahimbing na ang tulog. Napailing nalang ako dahil dito, parang ang dami dami niyang ginawa ngayong araw.

Tinanggal ko muna ang sapatos niya, pagkatapos ay tinaggal ko rin muna ang kanyang polo para kahit papaano ay makatulog siya ng komportable kahit na sando lang ang suot niya. Nang matapos kong alisin iyon ay inaayos ko na ang pagkakahiga niya sa kama. Pagkatapos ay yumakap na ako sa kanya at bago ako tuluyang mahimlay ng maayos ay naramdaman kong ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig dahilan upang maging maganda ang tulog ko buong magdamag.

Pagkagising ko kinabukasan ay mahimbing parin ang tulog ng lalaking katabi ko. Tila may kung ano akong naramdaman dahil doon, iyong feeling na parang nabuo na agad ang araw ko dahil sa nagising ako sa tabi niya. Pakiramdam ko ay kahit hindi pa naguumpisa ang araw ay tila umaandar na iyong akin. Masaya palang magising sa tabi ng taong mahalaga sa’yo.

Tumayo na ako upang mag-ayos ng sarili at ng maipagluto ko ng pagkain ang asawa ko. Naligo na muna ako bago dumiretso sa kusina kung saan nagluto ako ng bacon, hotdog, at fried rice. Sinamahan ko rin ng itlog na pula at kamatis. Mukhang nagpautos na siya kay Manong Ed na mag-grocery para dito sa bahay. Mukhang hindi rin kayang magutom ni Asher kaya naman nagready na talaga siya.

“Good morning” bati ko rito ng makita ko siyang umupo sa harapan ng bar counter. Makikita mong nakapag-ayos na siya ng sarili niya, maamoy mo rin ang shaving cream na ginagamit niya, at higit sa lahat mas lalo siyang naging gwapo. Gwapo at malakas naman talaga ang dating ng asawa mo.

“Good morning wifey” balik na bati nito. Agad itong kumuha ng tinidor at tumusok ng isang hotdog sabay kain. Nang matimpla ko na ang juice ay inilagay ko na ito sa isang tabi at umupo na sa tabi niya. Tahimik kaming kumain hanggang sa natapos kami. Nang matapos kami ay agad kong inasikaso ang pag-lilinis ng mga pinagkainan namin.

**

“Aalis ako ngayon, wifey” paalam ni Asher sa akin. Nasa loob kami ng kwarto at katatapos ko lang maligo.

“Saan ka pupunta?” tanong ko kay Asher na nakasuot na ng pang-opisinang damit.

“Magrereport ako sa kompanya na pinapasukan ko” sabi nito. Mula sa walk-in closet kung nasaan ako ay sumigaw lang ako para makasagot sa kanya.

“Sige! Aalis din naman ako. Makikipagkita ako sa mga kaibigan ko!” sabi ko rito at ipinagpatuloy ang pagbibihis ng jeans at isang color cream na blouse.

 

“Gusto mong idaan na kita kung saan kayo magkikita?” tanong ni Asher ng makalabas ako sa walk-in closet kung saan ako nagbihis.

“’wag na. I’ll just take a cab nalang papunta doon” sabi ko rito habang hinahanap ang doll shoes na binili ko sa Washington bago kami umalis.

“Are you sure?” paninigurado pa nito. Tumango lang ako habang abala parin sa paghahanap ng sapatos na isusuot ko.

“Alright. I’ll go na, see you later wifey” sabi nito  at wala sa sarili akong tumango na naman ulit bilang sagot sa kanya.

Habang abala ako sa paghahanap sa mga maletang dala namin ay nagulat nalang ako ng may biglang humila sa akin na naging dahilan upang mapatigil ako sa paghahanap.

“Aish. Ang sabi ko, aalis na ako” sabi ni Asher. Tinaasan ko siya ng kilay dahil doon.

“Oo nga. Paulit-ulit?” masungit na sabi ko rito. Talaga naman ang taong ito, nagmamadali rin akong umalis katulad niya.

“Wala man lang ba ako ‘Goodbye hubby. Ingat ka’ ganoon at good bye kiss?” sabi nito sabay pout. Dahil sa ginawa niya ay napatawa ako, kahit kailan talaga ay kayang kaya niyang maging gwapo at maging cute sa isang pangyayari.

“Baliw” sabi ko rito at mas lalo pa siyang napanguso. Yumakap muna ako sa kanya bago ako nagsalita.

“Goodbye hubby. Take care okay? I’ll cook mamaya sa dinner kaya maaga kang umuwi” sabi ko rito at humalik na sa kanya nakapout na labi.

“Yeh. See you!” sabi nito at lumabas na sa kwarto

“ARGH!” naiinis na sabi ko ng hindi ko talaga makita ng sapatos na gusto kong isuot. Anong oras na tapos nandidito pa ako sa bahay, paniguradong masasapok ako ng mga kaibigan ko. Pinag-intay ko na naman sila.

Halos ibato ko na ang lahat ng maleta na nadidito sa kwarto pero hindi ko parin mahanap. Nakakairita talaga. Habang inis na inis kong hinahalungkat ang isa pang maleta ay tumunog ang cellphone ko. Si Asher ang natawag kasi iyong caller tone ay iyong kantang ‘Love Somebody’ ng Maroon 5. Siya ang naglagay non, naalala ko na hiniram niya saglit iyong phone ko bago kami umalis ng Washington, D.C. Ang sabi niya ay magpapasa lang daw siya ng kanta ng Maroon 5, pero nagulat ako kasi pagbalik ng phone ko sa akin ay nakita ko ang ginawa niyang pagbabago rito, ginawa niyang picture naming dalawa sa L.A ang homescreen, samantalang picture niya naman ang lockscreen.

Tapos pati iyong name niya ay iba na rin. Ginawa niyang ‘Hubby’ tapos may picture niya, at ipinakita niya pa sa akin iyon ginawa niya sa sariling phone niya. Parehong pareho kami ng homescreen, magkaiba lang ng lock screen kasi mukha ko ang nandoon, at pati iyong name ko sa phone niya ay ginawa niya ng ‘Wifey’ tapos may picture ko din.

“What?” masungit na sagot ko rito. Hindi ko maiwasang hindi mainis kasi naman alam kong malalagot na naman ako sa mga kaibigan ko dahil ang usapang ay alas-onse sa coffee shop na paborito naming puntahan tapos alas-dose na ay nandito parin ako sa bahay.

“Sungit mo” sabi nito. Naiimagine kong nakapout ang lalaking ito. Naririnig kong nagmamaneho na siya, malamang ay papunta na siya sa kanyang opisina.

“Hindi ko kasi mahanap ang sapatos ko!” naiinis na talaga ako. Halos baliktarin ko na ang buong kwarto pero hindi ko parin talaga makita iyon. Ang alam ko kasi ay dito ko lang inilagay iyon dahil nga isusuot ko ngayon. Nakakairita talaga.

“That’s the reason why I called. Gusto kong sabihin sa’yo na nasa may porch ang sapatos mo. Nilagay mo doon kanina noong naglilinis ka diba?” sabi nito.

Tila nanlaki naman ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi niya.

“Gagong ito! Bakit ngayon mo lang sinabi?” naiiritang sabi ko. Agad kong kinuha ang bag ko at saka lumabas ng kwarto habang kausap parin siya.

“Hindi ka naman nagtatanong” cool na sagot nito

“Kahit na! Kita mo nang aalis rin ako! Kanina pa ako hanap ng hanap, tapos hindi mo man lang sinabi kung nasaan” naiinis na sabi ko rito. Alam niya naman pala tapos hindi man lang ako sinabihan na nailabas ko na pala kanina pa, inabot tuloy ako ng halos isang araw sa paghahanap.

“Sorry na, hindi ka naman kasi nagtatanong kanina e. Mag-ingat ka, nandito na ako. Bye” sabi nito at ibinaba na ang tawag. Hindi na ako nakasagot kaya naman habang nag-iintay ng taxi ay nagtext muna ako sa kanya ng ‘Salamat at ingat’ pagkatapos ay inilagay na ng phone sa bag na dala ko.

**

“Alright. My treat” sabi ko ng makita kong matalim ang tingin sa akin ng mga kaibigan ko. Umupo na ako sa tabi ni Kristine at huminga muna ng malalim. Halos gusto kong paalisin ang driver kanina sa pwesto niya at ako nalang ang magmamaneho dahil sa inaalala ko nga ang mga kaibigan ko.

“Kakauwi mo lang galing America tapos ito ang isasalubong mo sa amin? Dalawang oras kang late, Asherina” sabi ni Kristine sa akin.

“’sensya na, traffic kasi” sabi ko sa kanila ng medyo nakarecover na ako sa paghahabol ko ng hininga.

“Traffic traffic” sabi pa nito. Napatawa nalang sila Dana at Macy dahil sa ginawa niya Kristine.

“Baliw. Sige na, mag-order na kayo. Ako ng bahala” sabi ko sa mga ito at tumayo na si Macy at Kristine upang umorder. Nang makaorder na sila ng pagkain namin ay saka kami masayang nagkwentuhan at nagtawanan.

Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa nangyari sa akin mula noong makilala ko si Asher hanggang sa sitwasyon namin ngayon. Nagulat sila noong una pero naiintindihan naman nila ako, kaya okay lang naman sa kanila ang tungkol sa sitwasyon namin ni Asher. Wala rin namang kaso sa kanila ang pagsasama namin ni Asher sa iisang bahay dahil nasa tamang edad na rin naman kami.

Napagusapan din namin ang tungkol sa naging pagkikita namin ni Alexis sa America, pati na iyong reaksyon ni Asher sa kanya. Matawa tawa sila dahil pati iyong tao na halos kapatid na ang turing ko ay pinagselosan pa ng asawa ko. Naging laman din ng kwentuhan namin ang tungkol sa regaling ibinigay ko sa kanila noong pasko. Nagulat nga raw sila ng may dumating na package sa kanila noong araw mismo ng pasko.

**

“Mauuna na ako girls, anong oras na rin at pauwi na panigurado ang asawa ko” sabi ko sa mga kaibigan ko. Katatapos lang namin kumain ng meryenda sa Razon’s. Halos hindi ko napansing mag-aalas-siyete na pala ng gabi.

“Just text us, kapag nakauwi ka na” sabi ni Dana. Tumango nalang ako at lumabas na ng Razon’s.

Habang palabas ako ng mall ay tumunog ang phone ko at alam kong si Asher ang natawag sa akin.

“Why?” tanong ko rito.

“Hello rin, Wifey. Nasaan ka na?” tanong nito

“Mall. Paalis na”

“Alright. Daanan kita, intayin mo ako. I’ll be there within 5 minutes. See you sa entrance” sabi nito.

“K. Bye” sabi ko rito sabay baba ng phone. Tinamad akong magsalita pa ng mahaba kaya naman iyon nalang ang naisagot ko sa kanya. Agad akong naglakad papuntang entrance ng mall at kalalanding palang ng paa ko roon ay biglang lumitaw ang sasakyan niya. Ibinaba niya ang bintana at kumaway sa akin. Napangiti naman ako dahil doon, kahit kailan talaga ay sobra kung magpacute ang taong ito. Sumakay na ako sa sasakyan niya at humalik muna siya sa akin bago nagdrive papauwi sa bahay. 

---------------------------------------------------------------------------------------

THANK YOU :) 

Continue Reading

You'll Also Like

1M 20.7K 28
Ano nga ba ang gagawin mo kapag napagtanto mong niloloko ka ng iyong asawa? Aawayin mo ba sya?mag-iiskandalo ka ba?o...manahimik na lamang? The loyal...
1.4M 46.6K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...
1.3M 57.3K 103
(Finished) Stella Dominguez works during the day and goes to law school every night - well, after her law classes, she parties at clubs to have some...
122K 2.9K 38
Isang pagkakamali na pilit kinakalimutan. Pero paano kung sa pagdaan ng maraming taon ay imbes na matahimik ay mas lalo kang kinukurot ng iyong konse...